Homepage/Bloody Beautiful/
Fairies World
Nagising si Reese sa malamyos na musika sa paligid. Marahan niyang minulat ang mga mata at sumalubong sa kanya ang isang dambuhalang punong kahoy. Kinusot niyang muli ang mga mata, she must be dreaming bakit magkakaroon ng dambuhalang punong kahoy sa loob ng kwarto niya?
She must inside a dream again. A weird dream. Ngunit ng muli niyang imulat ang mga mata ay ganoon pa rin ang nakita niya. Dahilan upang kaagad bumangon siya sa kinahihigaan na isang malaking petal ng isang bulaklak.
"Nasaan ako?" tanong niya. Saka niya sinuri ang kabuuan ng tila kubo kung saan siya nandoon.
Maliban sa maliit na lamesa ilang hakbang mula sa kanya. May iilang nakapatong doon na pinggan na gawa sa kahoy at may ilang mga dahon na nakapatong din doon, ngunit hindi niya alam kung anong mga klase ng dahon ang mga iyon.
"Gising ka na pala!" nagitla siya sa boses na narinig niya mula sa likuran niya. Automatiko siyang napalingon dito at sumalubong naman sa kanya ang nakangiting mukha ng isang babae.
The woman was at her age, mahaba ang nakalugay nitong buhok may nakasabit na kung ano anong dahon sa buhok nito, ngunit nang pagmasdan niyang maigi ay hindi pala nakasabit ang mga iyon, 'cause it was part of her hair. May halamang tumutubo sa buhok nito. Bumaba ang tingin niya sa puting puti nitong damit. Tila katulad iyon ng damit na suot ni Zaire, at katulad ng lalaki ay wala ring kahit na anong saplot ang mga paa ng babaeng nasa harapan niya mga oras ba iyon.
"Sino ka!" sigaw niya. Kaagad siyang umaksyon papalayo dito. She thought na kasama pa rin ito ni Zaire and everything around her was only a thing he just made.
"Wait! wait! Hindi ako masama…" itinulak niya ang babae palayo sa kanya, saka siya kumaripas ng takbo palabas sa maliit na pinto ng kubo kung saan siya nandoon. Ngunit nang tuluyan na siyang makalabas doon ay kaagad siyang natigilan.
"What the…" Na Estatwa siya mula sa kinatatayuan. Pakiwari niya ay nasa loob siya ng isang fairy tale book.
The whole place looks like a part of a fantasy book. Napaawang ang mga labi niya, mula sa palasyo na nasa mismong harapan niya, patungo sa iba't ibang tanim sa paligid at mga lumilipad na mga maliit na tao sa paligid.
There was a spark of magic all over the place, mula sa kinatatayuan niya ay nakatayo ang isang dambuhalang puno. Sigurado siyang ilang libong taon na iyong nandoon, bahagi pala ng paanan ng punong iyon ang nakita niya sa loob ng kubo kanina. The enormous tree was connected to the palace. The tree was giving some magical powers to the place.
"Welcome to Kaleidoscope!" mula sa kanyang likuran ay sumulpot na parang kabute ang babaeng tinakasan niya. Nakapaskil pa rin sa mukha nito ang malapad na ngiti. Bahagya siyang dumistansya sa babae, hindi niya ito kilala at hindi pa rin nito sinagot ang tanong niya kung sino ito.
"Kaleidoscope? Hindi ko naalala na ganito ang kaleidoscope. Wag mo akong lokohin, sino ka! At nasaan si Ivan?" sa pagkakataong iyon ay bumalik na siya sa tamang pag-iisip, na distract siya sa ganda ng lugar na iyon.
"This is Kaleidoscope. Your Village was called kaleidoscope, dahil sa lugar na iyon. Kung napapansin mo this place has a kaleidoscope colors. Dahil na rin hindi kami mga tao na nakatira dito. We are all Fairies and this is our world." sagot ng babae sa kanya. Sandaling natigilan ang isipan niya.
She thought that Vampires was the only thing that could surprise her hanggang sa mga oras na iyon. But, Fairies? And a world of Fairies? Oh, come on. Tuluyan na atang bibigay ang utak niya ng mga oras na iyon. Bakit tila sunod, sunod ang mga kakaibang nilalang na nagpapakita sa kanya?
Ganoon na ba talaga siya kahalaga para sa mga ito?
"Anong kailangan niyo sa akin? Are you the same with Zaire's purpose? Sa pagkakaala ko ay nakaputi rin sita katulad mo. So, he must be one of you!" she can contain her anger anymore. Mukha ba siyang laruan na pagpapasahan o pagaagawan ng mga ito? Hindi pa siya nakakahuma sa mga rebelasyon sa buhay niya ng mga nakalipas na araw. Hindi ba talaga siya tatantanan ng mga ito? Ni hindi niya alam ang ibang detalye tungkol sa buhay niya at wala din siyang kaalam alam sa bagay na nasa loob niya. Kung may paraan ba upang maalis iyon sa katawan njya o magiging parte na niya iyon ng buong buhay niya.
Everything about her was a vivid picture, at pakiwari niya mas nagiging malabo pa dahil sa mga sunod, sunod na nangyari sa kanya.
"We can talk about that later. But, now kailangan mo munang puntahan si Ivan." mahinahong sambit ng babae. Hindi nakaligtas mula sa kanyang mga mata ang pagsilay ng kaba at lungkot sa ekspresyon ng mukha nito.
There is something wrong, hindi niya gusto ang emosyon na gumuhit sa tila kulay ginto na mga mata ng babae.
There is something wrong with Ivan.
"Nasaan siya?" bumuntong hininga ang babae. Saka ito nagsimula na maglakad.
She followed the woman, until they reached the enormous palace. Dalawang matatangkad na nilalang ang nakabantay sa dambuhalang pinto ng palasyo.
Buffalo ang ulo ng mga ito, ngunit may katawang tao they were both holding a long stick at halos sabay na tumingin sa kanya.
Hindi niya alam kung takot ba ang sumilay sa mata ng isa sa mga ito ng makita siya, ngunit hindi na niya pinansin pa iyon. She needed to know what happened to Ivan.
Wala na siyang oras para sa weird na mga bagay, she had a lot of weird stuff going on with her life the past few weeks, at hindi niya alam kung magugulat pa ba siya sa susunod na mga mangyayari mawawala na rin ang kakayahan niyang magulat. She was afraid that everything that was happening to her ng mga oras na iyon ay tuluyan na ngang maging normal para sa kanya.
"We separated the two of you, we thought that you needed to be separated. You've been out for almost five days. And we are glad that you've already regained consciousness, ngunit si Ivan we can't do anything for him. His wounds we did all we could but, his cure was not here. He needed blood. In order for him to be cured" kasalukuyan silang naglalakad sa dambuhalang hallway ng palasyo, bahagya pa siyang nalula sa taas ng lugar na iyon, ngunit hindi niya magawang ibigay ang buong atensyon sa ganda kagandahang nasa paligid niya, dahil sa kaba at takot na unti unting lumalamon sa sistema niya ng mga oras na iyon.
She can't lose Ivan.
He is the only one who knows her very well.
Masyado siya nitong pinotrektahan mula noon, hanggang sa mga oras na iyon.
Ivan suffered a lot of injuries and lose a lot of blood ng dahil sa kanya, at sa mga oras na iyon ay takot siyang wala man lang siya magawa para dito.
Everything she knew all her life was gone already. Work, house, everything she built these past few years was gone. And losing Ivan was the last thing na ayaw niyang mangyari.
Because she knew that she would be lost forever without him.
She will be lost in the new world where she was nang mga oras na iyon, kung hindi pa ito magigising.
Sa isang dambuhalang pinto sila huminto. Kaagad niyang naamoy ang pamilyar na amoy ni Ivan mula sa likod ng pintong iyon, the moment they opened the door ay kaagad na tumambad sa kanya ang isang babaeng may ipinapahid na kung anong dahon sa katawan ni Ivan kasabay ng paggamit nito ng kapangyarihan nito.
May lumilipad na tila mga paru parong lumiliwanag sa paligid ng lalaki, paisa isang bumaba ang mga iyon sa katawan nito and trying to fix his wounds, ngunit bigo ang mga itong magawang mapagaling ang mga sugat ng lalaki, and the woman doing the magic almost fainted, matapos ang ginawa nito.
"Mahal na Prinsesa!" mabilis na tinulungan ng katabi niya ang babaeng muntik ng mawalan ng malay.
She was the Princess. Kaya pala kakaiba ang aura na sumisingaw sa maganda nitong mukha, they were all beautiful but there is something different about the Princess. Tila pamilyar sa kanya ang mukha nito. Maging ang mga mata nito.
"Ayos lang ako, I just want him to be okay. I needed to!" the woman, doesn't even care kung anuman mangyari dito. She was obviously pushing herself to her limit. Alam na naman nito na hindi nito magagawang pagalingin ang mga sugat ni Ivan, using just her power. Ngunit, masyado itong mapilit.
Talaga bang ganun ito kabait o masyado itong concern kay Ivan?
It seems like she knew Ivan for a very long time.
"He needed blood!" sumingit siya sa pagitan ng pag-uusap ng dalawa. Kaagad na napatingin sa kanya ang Prinsesa. Kaagad na gumuhit ang pagkadisgusto sa mukha nito ng makita siya. It seems like her existence was a threat for the woman. Ngunit hindi niya alam kung bakit.
Ilang hakbang ang ginawa niya upang maabot ang nakahigang si Ivan. He was still breathing but his heart was slowly moving at sigurado siyang anumang oras ay bibigay na rin iyon.
She needs to do her best.
"Anong ginagawa mo! Are you out of your mind! You can't let him drink blood here. This is our world, at hindi pwede ang pag-inom ng dugo!" sigaw ng babae sa kanya. Ngunit sa mga oras na iyon ay wala na siyang marinig, she headed towards Ivan at mabilis na pumaibabaw dito.
"I need to do this. My blood is the only thing that could make him live!" Inilibot niya ang mga mata sa paligid, Ivan's crossbow was lying next to him.
Inabot niya iyon at sinugatan ang kamay niya.
"Don't do that!" pinigilan siya ng babae, ngunit sa mga oras na iyon ay biglang bumukas ang pinto ng kwarto.
Mula doon ay pumasok ang isang babaeng kamukha ng Prinsesa.
"Hayaan natin siya!" utos nito saka pinigilan ang anak nito sa pagsugod sa kanya.
"Ngunit mahal na reyna…" walang nagawa ang prinsesa, kundi ang sundin ang ina nito.
"Hindi natin, pwedeng pigilan ang itinakda. He was her guardian and he marked her already. We can't interfere for something the two of them can only do. And only she can save him." Bahagya pa siyang natigilan sa mga sinabi nito. Anong Guardian? Siya ang pumili dito? Pero paano? At kailan nito ginawa ang pag angkin sa kanya? Bahagya siyang naguluhan, sa mga sinabi nito. Ngunit muli niyang ibinalik ang atensyon sa dumudugo na niyang palad ng mga oras na iyon.
She dropped her blood on Ivan's lips. Kaagad na sinipsip ng mga labi nito ang dugo niya. She was waiting for him to wake up ng isang kamay nito ang humawak sa kanya at hinila siya. Sa isang iglap ay nasa ibabaw na niya ito, his eyes was burning and his fangs greeted him. He moved his head towards her neck, at doon ay muli niyang naramdaman ang pagbaon ng matulis na bagay sa kanyang leeg.
Bahagya siyang napangiwi sa sakit.
"Ivan! Masakit! Enough!" The fairies were about to rescue her, ngunit muling pinigilan iyon ng reyna.
"Ivan!" muling tawag niya sa lalaki. Then after a few more minutes, she felt his tongue in her neck, and then he let her go. Umangat ang mukha nito upang magtagpo ang kanilang mga mata.
Natigilan siya ng gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ng lalaki.
Suddenly, isang alaala ang nakita niya mula sa kanyang balintanaw.
"I chose you to be my Guardian. And you will be with me Forever and ever, then I will give you my blood. Lahat!" natigilan siya. Kasabay ng pagbagsak ng lalaki sa katawan niya.
Sa kanya ba ang alaalang iyon? Bakit tila tama nga ang sinabi ng Reyna sa kanya?
She chose him to be her Guardian.
But why? And why couldn't she remember? Are there some parts of her memories that have been erased?
Kung ganoon man ay alam niyang si Ivan lang din ang magpapaalala sa kanya ng mga alaala na iyon.
And she would force him to tell her, all of the truth that he knew about her, and all those memories that she forgot.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (12)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang saya mag basa kaya lahat tayo mag bas a ng mga kwento dito
29/12
0I'm okay 😊
28/08/2024
0good story
31/05/2024
0Tingnan Lahat