Halos maubo ako nang makita si Sir Zach sa mismong likod ni Yunard. Nakaramdam siguro siya ng gutom, kaya nag-ayang kumain. Habang kumakain ay napa-angat ang tingin ko kay Yunard, pero dahil agaw pansin ang titig ng nasa likod niya, doon dumeretso ang tingin ko. "Ok ka lang?" inabutan ako ni Yunard ng isang basong may tubig nang hindi tumigil ang pag ubo ko, mabilis ko iyong kinuha at ininom. Nang makainom ay dahan-dahan ko iyong ibinaba. Napaayos ako ng upo at muli akong napasulyap sa likod ni Yunard, agaw pansin ang lalakeng naka white polo at jeans. Seryoso itong nakatingin sa akin at walang bahid ng kabaklahan ang kanyang galaw. May tumitingin sa kanya at pinag-uusapan siya. Paanong hindi siya pagtitinginan, sa isang tingin pa lang ay makikita mo nang mahal ang suot nitong damit at ang kulay gold na relo nito ay kumikislap. Ano bang ginagawa niya dito? Anong ginagawa ng isang mayamang CEO dito!? Kung gusto niya mag grocery, doon siya sa pang mayaman, bakit dito!? Ngayon naman dito siya kumakain, nababaliw na ba siya? "Sino ba tinitig--" bago pa lumingon si Yunanrd ay mabilis kong hinawakan ang kamay niya na nasa mesa, napatigil siya at napatingin doon. "Cr lang ako," sambit ko at alanganin akong ngumiti. Nagtataka siyang tumango. Pagtayo ko ay siya ring pagtayo niya, mukhang narinig niya yung sinabi ko kay Yunard. Hindi ko maiwasang kabahan, bakit ba ganito ang kilos niya ngayon? Pagkalabas ko ay naramdaman ko na agad ang hila ng kung sino, kahit di ko tignan, alam ko agad kung sino iyon. "Let's go," mabilis siyang naglakad ay hinila ako. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko nang marinig iyon. "Anong let's go?" ganyan nga, Gillian, wala kayo sa trabaho. Napatigil ito at inis na humarap sa akin. "Sino ba 'yun at hindi mo ma-iwan iwan!" Inis na sambit ko. "Ano munang ginagawa mo dito? Sa super market? Huwag mo sabihing nag go-grocery ka, kung sasabihin mo iyon ay hindi talaga ako maniniwala," Kumunot ang noo niya. "Why are you talking me like that? I'm your Bo--" "Hep, hep, hep, hep!" Itinaas ko ang kamay ko at iniharap ang palad sa mukha niya, para matigil sa pagsasalita. "Ikaw na ang nagsabi kanina na wala tayo sa trabaho, kaya you are not my boss ngayon," sinabayan ko pa ng ngiti. Napasimangot siya at ginulo ang buhok. "You know what-" bigla siyang lumapit sa akin, kaya napaatras ako, napansin niya iyon kaya napasinghab siya. "Gusto mo pa lang ako, pero nanlalalake kana. Bahala ka sa buhay mo!" inis na sambit niya at tumalikod na. Nanlalalake? Anong pinagsasasabi niya? Hindi nagtagal ay nakita ko nang umandar ang kotse niya paalis. Napa-iling ako bumalik na. Zachary's POV Nakakainis! Nanlalalake na siya agad!? Sana hindi ko na lang sila sinundan! Magsama sila, hindi lang naman siya ang babae, kung gugustuhin ko, makukuha ko ang lahat ng babaeng gustuhin ko, sino siya para paglaruan ako! Damn that girl! Pagkapasok ko, tumunog agad ang phone ko, napapikit ako nang makita ko na si Mommy 'yon. My usapan ang pamilya ngayon, at dahil sa babaeng iyon ay hindi ako nakapunta. On the way ako kanina, pero nakita ko siyang nakasakay sa motor habang nakayakap sa lalakeng iyon. Ang lalakeng iyon nanaman! Sino ba talaga siya sa buhay ng secretary ko? Nababaliw na ako nang makita ko ang sariling sinusundan sila. Gusto ko manuntok nang makita kong hinawakan ng lalakeng iyon ang kamay ng secretary ko. Ang nakakainis ay hinayaan ng secretary kong hawakan siya sa kamay. How can she be like that? Kung gusto niya ako, sa akin lang dapat siya magpahawak ng kamay! Nang umalis saglit ang lalakeng kasama niya ay mabilis akong lumapit sa kanya, kita ko ang gulat sa mata nito nang makita ako. Hindi ko maiwasang matawa nang itulak niya ako. "Ngayon tinutulak mo ako? Let me ask you something, kasi sa nakita ko parang nagdalawang isip ako bigla," sambit ko habang titig sa mata niya "Am I your first kiss? Nababaliw na ako kakaisip simula nang makita ka na nasa likod ka niya at nakayakap habang nagmomotor kayo, fuck! What am I saying! Secretary Gillian, am I your first kiss?" Hell! Para akong baliw sa pag-ibig! Eh, ano naman kung hindi ako ang first kiss niya? "Mukha bang marunong akong humalik noong hinalikan mo ako!" inis na sambit niya "Yes or no, Secretary Gillian!" madiing sambit ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili! "Oo nga! First kiss kita!" Inis na sambit niya na pumanatag sa akin. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Hindi ako makapaniwalang big deal sa akin ang first kiss ng babae! Bumaba ang mata ko sa labi niya at walang sabi sabing pinatakan iyon. Dapat ako lang ang hahalik diyan. "Huwag kang hahawak sa kamay niya, binabantayan kita," banta ko bago tumalikod at lumayo. Kahit sa malayo ay pinapanood ko sila, hindi ko ma-alis ang tingin ko sa kanya. Baka kapag pinutol ko ang tingin sa kanya ay bigla nalang silang mawala. Hindi ko alam kung paanong napunta ako sa ganito. Hindi ko alam kong bakit bigla nanaman ako naging ganito. Sabi ko sa sarili ko noon ayoko nang mag seryoso. Kinuha ko ang phone ko sa tabi ko at sinagot ang tawag ni mommy, hindi ko kasi kunuha iyon kanina nang sundan ko sila sa loob ng super market. "Hello, Mom," "Nasaan ka, Zachary!" napapikit ako at napasandal nang marinig ko ang galit na boses ni Mommy.. Nilagay ko sa harap ko ang phone at ni loudspeaker. "May emergency, hindi ako makakapunta," sambit ko at pinaandar na ang kotse, sumulyap pa ako sa karinderyang kinakainan ng secretary ko at ang lalake nito. "Why are you doing this, Zachary? Lahat ay nandito, ikaw lang ang wala! Magpakitang gilas ka naman sa lolo mo! Alam mong kaunti na lang ay mawawala na ang kompanya sayo dahil diyan sa kabaklahan mo, tapos simpleng pagdalo lang ay hindi ka pa makakapunta!" "Sabihin mo kay lolo, kunin niya ang kompanya kung gusto niya," inis na sambit ko at pinatay ang tawag. Dahil sa pagpapanggap ko bilang bakla, may posibilidad na hindi sa akin ipamana ni lolo ang kompanya. Una pa lang ay alam ko na ang tungkol doon, bago pa lang ako magdesisyong magpanggap ay alam kuna. Pero hindi ako ang tipo ng taong ipipilit mapunta sa akin ang kompanya niya. Bago ako maghirap sa kompanyang iyon, siya muna ang naghirap, kaya ayos lang kong bawiin niya at ibigay sa kung sinong gusto niyang pagbigyan. I can make my own company. Mabilis kong nilagok ang alak na nasa harapan ko. Nang maibaba ko ang baso ay dahan dahang naupo si Nheya sa kandungan ko. Nagsimula itong halikan ako sa leeg, hinayaan ko siya at habang nakatitig sa baso sa harapan ko. She's here, nadatnan ko siya dito sa condo, hindi niya kasama ang kapatid niya. Nang halikan niya na ang labi ko ay mabilis kong iniwas iyon, kaya imbes na sa labi ay sa pisngi lang lumapat ang labi nito. Paano ko hahayaang halikan niya ako, kung ibang tao ang nasa isip ko? Damn it! Nheya is here, pero ibang babae ang iniisip ko. Umalis ako doon at iniwan sila kasi naiinis na ako, pero hell! Mas lalo akong naiinis ngayon dahil hindi ko na alam kung ano na ang ginagawa nila! Dapat sa ngayon ay ang sinabi ni mommy at ang hindi ko pagdalo sa salo salo ng pamilya ang isipin ko, pero hindi, babae ang iniisip ko, ang secretary ko ang iniisip ko. Akala ko pag hinalikan ko siya noong araw na iyon sa opisina ay titigil na ako sa kakaisip sa kanya, pero mali ako dahil mas lalo ko siyang iniisip ngayon. Mas lalo kong iniisip ang labi niya. Sinubukan ulit ni Nheya na halikan ako, sa pagkakataong iyon at tumayo na ako, muntik pa siyang mahulog, buti na lang ay naibaba niya agad ang paa. Papasok na sana ako sa kwarto nang magsalita siya. "Is this about your secretary?" Nheya said. Hindi ako nakapagsalita, pero napatigil ako sa tanong niya. Narinig ko ang yapak niya papalapit. Hinigit niya ang braso para iharap sa kanya. Tumitig siya bago magsaluta ulit. "I know it! Simula noong dumating ang babaeng iyan, nag-iba ka na! This is not you, Zachary! Wake up! That bitch--" "Don't call her like that," hindi ko alam kong bakit ko iyon nasabi. Galit at inis ako sa secretary ko dahil sa nakita ko, pero bakit pinagtatanggol ko siya ngayon!? "May pangalan siya," seryosong dugtog ko. Natawa ito bago magsalita. "Naloko ka niya! Sigurado akong pinadala siya ng Mommy mo! Huwag kang magpaloko sa kanya, Zachary!" Sigaw nito. Napabuntong hininga ako. "She's not, Nheya. Hindi siya pinadala ni Mommy, alam ko iyon kasi hindi magpapadala si Mommy ng inosenteng babae. Kung pinadala siya ni Mommy, dapat ngayon ay alam na niyang nagpapanggap lang akong bakla," Tumitig ito. Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. "Oh my ghad, Zachary!" Sigaw nito. "Sinabi mo? Umamin ka!?" natawa siya at napahawak sa buhok nito. "Sa loob ng ilang taon tinago mo ang tungkol sa sarili mo, pero nang dumating ang babaeng iyon, sinabi mo!? Nagtiwala ka!? Agad-agad!?" Ramdam ko ang panginginig ng boses nito at kita ko ang pangingilid ng luha niya. "Nheya--," "Dumating lang siya parang nawala na ako sa buhay mo," mahina niyang sambit. "Ano? May nangyare na sa inyo? May bago ka ng parausan! May ibang putahe ka ng titikman kaya binabalewala mo na ak-- "Nheya, hindi 'yun gan--" "Eh, ano! Kung hindi ganoon, ano? Binabalewala mo na ako! Pinalagpas ko 'yung mga nakaraan kasi akala ko pagod ka lang! Pero-" umiling-iling siya at pinunasan ang tumulong luha galing sa mata niya "I hate you! I hate you, Zachary! Ngayong may bago ka na, paano ako? Paano yung tayo! Ha! Zac--" tuloy-tuloy ng tumulo ang luha niya kaya napapikit ako. "Nheya!" sigaw ko kaya natigil siya sa pagsasalita. "Stop crying. Nheya, I just want to remind you one thing. Nheya, walang tayo. So don't acting like I cheated on you," seryong sambit ko. Napabaling ang tingin at mukha ko sa gilid ko nang makatanggap ako ng isang sampal mula sa kanya. "I hate you! Ang sama mo," mabilis niyang kinuha ang gamit nito at umalis. Napapikit ako. Napasubra ako, alam ko iyon.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (368)
GarciaMaricris
sobrang ganda😍😘😘thank you so much sana marami pang susunod..
13/08/2022
1
Althea Cardiente
grabe ang plot twist 😍😍😍
31/07/2022
0
Aj Kun
omg ang ganda 😭 sobrang happy ko din na may happy ending sila. pero grabe, ang akala kong simpleng romcom lang e meron pa lang touch of angst. grabe ka don, author. you really got me there. gusto kitang bigyan ng yakap sa leeg hanggang maging violet ang kulay ng mukha mo for playing with our feelings. grabe lang kasi yung tamang tawa lang ako tapos the next thing i know e may tubig na ang mata ko lalo na if it is about zacky 😭😭😭
sobrang ganda😍😘😘thank you so much sana marami pang susunod..
13/08/2022
1grabe ang plot twist 😍😍😍
31/07/2022
0omg ang ganda 😭 sobrang happy ko din na may happy ending sila. pero grabe, ang akala kong simpleng romcom lang e meron pa lang touch of angst. grabe ka don, author. you really got me there. gusto kitang bigyan ng yakap sa leeg hanggang maging violet ang kulay ng mukha mo for playing with our feelings. grabe lang kasi yung tamang tawa lang ako tapos the next thing i know e may tubig na ang mata ko lalo na if it is about zacky 😭😭😭
25/07/2022
0Tingnan Lahat