Homepage/A Deal that Lead Us/
CHAPTER 22: GETTING TO KNOW
Ilang ikot na ang ginawa ni Lee sa higaan pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Gustuhin man niya ipikit ang mga mata ay naaalala niya lang ang mga mukha ng Zombie na pinanuod nila. “Hay! Bakit kasi hinayaan mo sarili mo na manuod Lee,” ani niya sa sarili at bumangon sa kama. “Hindi naman siguro masama magtimpla ng gatas?” tanong niya habang pabalik-balik siyang naglalakad. “Tulog naman siguro ang lalaking yun,” tukoy niya kay Marco at napagdesisyon na lumabas ng kwarto para ituloy ang balak.
Maingat na sinara ni Lee ang pinto ng kwarto, iniiwasan na makalikha ng ingay lalo na at katabi ng kwarto niya ang may-ari ng mansyon. “Hoo!” maluwag siyang nakahinga ng masara ang pinto at pahakbang na ng magulat sa pagbukas ng pintuan sa katabing kwarto.
Natuod siya na kinatatayuan at nakatitig lamang kay Marco. Paano siyang hindi matutuod sa kinatatayuan kung ang kaharap niya ay naka-topless lamang. Napakamot na lang ng kilay si Lee at nilihis ang paningin sa gilid.
“Saan ka pupunta?” baritonong tanong sa kanya ni Marco.
“Sa kusina magtitimpla sana ko ng gatas. Pwede ba?” paalam niya sa binata.
“Wala naman akong hawak na gatas,” seryosong sambit ni Marco at nag-umpisa ng maglakad.
“Sandali!” Hawak ni Lee sa braso ni Marco at kagat-labing pinagmamasdan ang madilim na dulo ng hallway. “Bababa ka ba?” tanong niya sa kaharap.
“Yeah,” ani ni Marco na bahagyang yumukod para tignan si Lee.
“Pwede ba sumabay? Natatakot kasi ako. Bakit kasi sensory lights ang naisipan mo na ipalagay sa hallway?” reklamo ni Lee.
“Di naman siguro kailangan na kumapit sa akin?” sarkastikong sambit ni Marco at nanlalaki ang mga mata na binitawan ni Lee ang braso ng binata. Umikot na lang ang mga mata ni Lee ng sungitan siya ni Marco at nag-umpisa na niyang sundan ang binata sa paglalakad.
Nang marating nila ang baba ay walang pakundangan na iniwan siya ni Marco dahilan para mabilis na humakbang si Lee patungo sa kusina. Habang nagtitimpla ay hindi maiwasan ni Lee ang kumanta ng mahina para maiwasan ang takot na nararamdaman lalo at iniwan lang siya ng kasama.
“Are you done?” tanong ng taong kinagulat ni Lee sa pagsulpot. Lumingon siya sa kanyang likuran at napansin na nakasuot na ng pantaas ang binata. Umupo ito sa isang high chair sa counter at tinungga ang isang bote ng alak.
“You may take a seat. If you want?” ani ni Marco kay Lee na nanatiling nakatayo.
Hindi na umangal pa si Lee at sumunod na lang sa sinabi ni Marco. Lumapit siya sa pwesto ni Marco at umupo sa dulong parte. Ngumisi na lang si Marco sa inasta ni Lee at pinatong ang boteng hawak sa mesa na nasa likod.
“Akala ko pass ka sa pag-inom. Nang-aya ang mga kaibigan mo kanina.” Pambasag ni Lee sa katahimikan na namamagitan sa kanilang dalawa.
“Wala akong balak kaya lang hindi ako makatulog,” ani ni Marco na tumingin sa kanyang gilid na nakatutok ang mga mata sa basong gatas na hawak. “It seems were same na hindi makatulog.”
“Hmmm,” pagsang-ayon ni Lee.
“Napapansin ko na close na kayo ni Luke,” ani ni Marco na hindi malaman ang dahilan kung bakit niya natanong iyon.
“Huh!” Nagtataka na tumingin si Lee kay Marco. Sinalubong ang mga matang nag-aantay ng kanyang sagot. “Mabait siyang tao ganun din ang mga kaibigan mo pero hindi naman kami ganoon na close? Sadyang maganda lang ang pakikitungo nilang lahat,” paglilinaw ni Lee.
“Hindi ba maganda pakikitungo ko sayo?” ani ni Marco na namumungay na ang mga mata.
Lee felt dumbfounded. Hindi niya alam kung ano ang lumalabas sa bibig ng kasama niya ngayon. Napansin niya na malumanay ang pakikipag-usap sa kanya at tila nalulunod siya sa mga titig na binibitawan ni Marco.
“I don’t get you?” iwas na tingin ni Lee ng makaramadam ng pagkailang.
Mahinang tumawa si Marco sa hindi inaaasahang sagot mula kay Lee. “Why are you asking stupid question, Marco?” ani ni Marco sa sarili.
“Your friends told me na you’re a good man pero iba ang nakikita ko sa sinasabi nila,” biglang ani ni Lee na ikinalingon ni Marco.
“Ano ba ang nakikita mo sa kin?” tanong ni Marco at dahan-dahan na lumapit sa pwesto ni Lee.”Hmmm?”
Tila napako si Lee sa kinauupuan ng lumapit si Marco sa kanyang pwesto. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman ng tangkain niya na tumitig sa taglay na kagwapuhan ng binata at makulong sa kakaibang tingin na pinupukol sa kanya. Lee felt burning sensation from his cheeks. He know for sure namumula na ang mukha niya. He suddenly felt the urge of shyness at napapikit na lang para ibalik ang sarili sa ulirat.
“Masungit kang tao,” cold na sabi ni Lee na nakatingin na sa hawak na baso. “I saw my Dad on you. Kaya siguro hindi ko makuha ang punto ng mga kaibigan mo na mabait kang tao.”
Napatawa na lang ng mahina si Marco sa sinabi ni Lee, “What happened to our first meeting? I remember how soft you are unto me ng suntukin ako ng kuya mo sa waiting shed. Did you feel that time na mabuti akong tao?” ani ni Marco na nakapako ang mga mata kay Lee. “Kung paano mo ko ipagtanggol sa kapatid mo, Hmmm.”
“Kaya kita pinagtanggol noon dahil may mali si Kuya Xander at wala pa akong malay na may motibo pala ang pag-alok mo,” masungit na sabi ni Lee at sinalubong ang mga tingin ni Marco.
“But I knew na naramdaman mo na mabuti akong tao ng mga oras na iyon? Right?” napakagat-labi si Marco ng mapadako ang tingin niya sa mabasang labi ni Lee after nitong inumin ang natitirang gatas sa baso.
“Oh! Ho-hmmmph!” mahinang angal ni Lee ng iniwas niya ang mukha sa gawing gilid ng dahan-dahan na lumapit ang mukha ni Marco sa kanya.
“That means, you saw goodness in me. I’ll prove to you. No? I’ll show you na hindi ako katulad ng Dad mo. You will change your mind kung ano man ang iniisip mo tungkol sa akin. One more thing, huwag mo masyado kong isipin baka lumala iyan mapunta pa kung saan,” bulong ni Marco at nakangising iniwan ang tulalang si Lee.
“Ha! Lee?” tawag ni Lee sa sarili habang habol hiningang nakahawak sa dibdib niya. “Hoy! Bakit ang bilis ng kabog ng dibdib ko?” angal niya at daglian na kumuha ng tubig na maiinom. “Ano ginawa niya?” ani ni Lee sa sarili at nanatiling nakahawak pa rin sa dibdib.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (7)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
maganda tong story
10/09/2024
0ist good
08/06/2024
0Ganda ng kwento nato
17/07/2023
0Tingnan Lahat