Homepage/A Deal that Lead Us/
CHAPTER 21: BONDING
Sa paglipas ng ilang linggo ay nakakasanayan na ni Lee ang pagtira sa mansyon. Naging malapit na rin siya sa mga taong nakakasalamuha na nakatira sa mansyon at sa mga kaibigan ni Marco. Pero kahit kailan ay mailap sila sa isa’t-isa ni Marco. Totoo nga ang sinabi ni Kyle na bugnutin si Marco kaya umiiwas na siya kapag nakita na niyang isang linya na ang makapal na kilay na binata.
Mag-uumpisa na rin sa susunod na linggo ang klase ni Lee kaya hindi maitago ang kasabikan. Kasabikan na hindi na siya maglalagi sa loob ng mansyon at may dahilan na siya para mabisita ang kapatid. Nitong mga nakaraan araw ay hindi niya magawa na dalawin ang kapatid dahil sa takot siya na magpaalam kay Marco. Tangi sa videocall niya lang nakakamusta at nakikita ang kapatid.
“Oh,Kyle?” ani niya ng bumukas ang pinto ng kanyang kwarto.
“Pizza?” alok sa kanya ni Kyle at pumasok sa loob.
“Ano meron?" tanong niya at nilagay sa cabinet ang mga tinuping damit.
“Wala lang. Ay! Kahit naman talaga gusto ko masolo si Lee. Sumunod pa talaga kayo,” frustrated na ani ni Kyle ng makitang pumasok sa kwarto ang tatlo niyang kaibigan.
“Sus! Kaya nga namin sinundan mamaya may gawin ka pa kay Lee,” ani ni Ronnie na kumuha ng pizza.
“Is it okay na nandito kami?” tanong ni Luke kay Lee.
Tumango na lang si Lee ng nakangiti sa tanong ni Luke kahit na ang lagay ay wala naman na siyang magagawa dahil nasa loob na sila ng kwarto. Kagaya ni Luke ay naupo rin sa sahig si Lee habang abala sila Ronnie , Frank sa paglibot sa kwarto at si Kyle na busy magkalikot sa TV.
“Here.”
Lingon ni Lee kay Luke ng inabutan siya ng pizza at tumabi sa kanya.
"Thank you,” ani ni Lee.
“Pasensya ka na na-istorbo ka pa. May gusto kasi sila panuorin eh gusto kasama ka kaya yan dumayo kami dito,” nakangiti na paalam ni Luke.
Malapad na ngumiti si Lee pabalik kay Luke dahil hindi niya inaaasahan na gusto siyang maka-bonding ng mga eto.
“Oh! Ayan meron na sa Netlfix. Lee, okay lang manuod tayo ng Zombie? Tinatamad na kami bumababa eh,” pagdadahilan ni Kyle.
Tumango si Lee bilang pagsang-ayon kahit ang totoo ay hindi niya trip manuod ng mga ganyan genre lalo na ang Horror movies.
Habang nanunuod ay hindi maiwasan ni Lee ang mapagitla sa kung ano man elemento ang lumalabas sa palabas. Panaka-naka niyang tinatakpan ang kanyang mukha kapag sumusugod na ang mga zombies o di kaya’y may bigla na lang na kakainin. Pakiramdam niya ay nasa loob siya ng palabas dahil sa tensyon na nararamdaman niya samantala ang mga kasama niya tutok lang ang mga mata sa TV.
“Are you okay?” bulong na tanong ni Luke kay Lee.
“No?” bulong ni Lee habang natatakpan ng mga palad ang kanyang mukha.
Natatawang umiling na lang si Luke sa nakikitang ekspresyon ng katabi. Binato niya ang seryosong nanunuod na si Ronnie na nakaupo sa kama at sinenyasan na batuhin ang unan.
“Eto ang magandang pantakip,” ani ni Luke at binigay ang unan kay Lee.
“Ah!” sigaw ni Lee ng kumalabog pabukas ang pinto ng kwarto dahilan para mapakapit siya sa braso ni Luke.
“Dude! Ano ka ba! Di ka ba marunong kumatok!,” singhal ni Kyle ng magulat silang lahat sa balibag na pagbukas ng pinto.
“Kaya pala tahimik sa baba. Nandito kayong lahat,” ani ni Marco.
“Bro, mamaya muna kami pagalitan. Maganda na eksena,” ani ni Frank na nakahiga sa sahig.
“Maupo ka muna Marco,” hila ni Kyle kay Marco na wala ng nagawa kung hindi ang sumunod ng hindi man lang siya tapunan ng atensyon ng mga tao sa kwarto. Naningkit ang kanyang mga mata ng mapadako ang tingin niya sa dalawang taong na sa likod ni Kyle na tila sweet sa isa’t-isa.
“Sorry, nakakahiya nalukot ko manggas mo,” ani ni Lee na inaayos ang nalukot na manggas ni Luke ng kumapit siya sa braso ng magulat kanina.
“It’s okay.Haha!” mahinang tawa ni Luke.
“Luke! Paabot ng pizza,” pang-iistorbo ni Marco sa dalawa ng bahagya siyang lumapit sa pwesto nila Lee at Luke.
“Bantay-sarado?” pang-aasar ni Kyle na lumapit sa pwesto ni Marco.
“Manuod ka lang,” seryosong sambit ni Marco na di man lang tinapunan ng tingin ang taong katabi.
Mahigpit na umakap si Lee sa unan na hawak ng makaramdam ng pagkailang kay Marco na nasa harap niya. Tinuon na lamang niya ang kanyang atensyon sa palabas ng walang pasabing---
“Ah! Nakakatakot mukha niya!” nahihintakutan na ani ni Lee na mahigpit na nakakapit at nakadungdong ang mukha sa braso ni Luke.
“Hey, okay lang yan Lee,’ nagpipigil na tawa ni Luke habang marahan na tinatapik ang braso ni Lee.
“Gusto mo ba i-stop na lang natin tong pinapanuod,” concern na tanong ni Ronnie na hawak ang remote.
“No! Don’t mind me. I’m okay. Go on,” namumulang sambit ni Lee ng kumawala na siya sa pagkakapit kay Luke kahit ang totoo ay namomoblema siya kung paano matutulog mamaya.
“Tsk, you heard him Ron. Play it,” seryosong sambit ni Marco at marahas na hinila ang box ng pizza.
“Easy lang. Naniningkit na mata mo,” bulong ni Kyle.
“Stop it, Kyle,” pagbabanta ni Marco sa katabi bago ituloy ang pang-aasar.
Kyle trying to hold his laugh acted zipping his mouth while Marco killing him with stare. “Ahmm! Lee, pasuyo naman ako ng hot sauce,” suyo ni Kyle habang nakatingin ng nakakaloko kay Marco.
Lee get the hot sauce that was infront of him. Walang malay niyang inabot kay Kyle ang hot sauce and realization hit him ng maramdaman niya ang hininga ni Marco sa braso niya. Saka lang napagtanto ni Lee na napapagitnaan nilang dalawa ni Kyle si Marco na natulala sa biglaan na paglapit niya. Lee akwardly focus his attention on TV at nahihiya sa nangyari.
Makaraan ang ilang oras ay sa wakas natapos nila ang kanilang pinapanuod. Isa-isa silang nag-unat habang sabay-sabay na nag-uusap ang tatlo na tila mga kritiko sa pinanuod.
“Thank you,” sambit ni Lee ng tulungan siya makatayo ni Luke.
“Ano inom tayo?” yaya ni Kyle sa mga kaibigan.
“Pass muna ko,” ani ni Marco ng inabot ang pizza box kay Kyle at umalis na sa kwarto.
“Hay! Bugnutin talaga ang lalaking yun,” mahinang sambit ni Kyle na tinawa na lang ng mga kasama niya.
“Wala ng bago diyan. Tara na,” segunda ni Frank.
“Thanks, Lee.” Tapik ni Luke kay Lee.
“Thank you Lee, nag-enjoy kami manuod kasama ka. Hahaha! Eto ang magandang kasama sa panunuod ng horror eh,” pang-aasar ni Ronnie.
“Aish! Aasarin mo pa talaga. Halos mawala na nga boses niya,” dagdag ni Kyle na ikinangiti na lang ni Lee dahil siya na naman ang pinuntiryang asarin ng dalawa.
“Kayong dalawa. Wag niyo na asarin. Don’t worry Lee ako na bahala sa kanila,” biro ni Luke na nakatitig kay Lee.
Tumikhim naman ang tatlo ng makita nilang nagbiro si Luke. Hindi nila akalain na marunong magbiro ang kaibigan nilang si Luke. “Bye Lee!” paalam ni Kyle at inakbayan si Luke. “Matunaw si Lee,” bulong niya ng iginiya na niya ito palabas ng kwarto.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (7)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
maganda tong story
10/09/2024
0ist good
08/06/2024
0Ganda ng kwento nato
17/07/2023
0Tingnan Lahat