Homepage/A Deal that Lead Us/
CHAPTER 20: REMINISCE
“Salamat Kyle,” ani ni Lee ng bumaba siya ng sasakyan.
Nang makapasok si Lee sa loob ng mansyon ay agad na inakbayan ni Marco si Kyle. “Ano pumasok sa isip mo at binigay mo sa kanya contact ko?”
“Ah! Ano ka ba bitawan mo muna nga ko!” reklamo ni Kyle at umalis sa mahigpit na pag-akbay sa kanya ni Marco. “Ano ka ba pinapabango ko nga pangalan mo sa kanya eh.”
“Bakit kailangan mo gawin yan?”
“Para maging close kayo. Alam mo Marco matanda ka na dapat humanap ka rin na may mag-aalaga sayo. Kung hindi lang kita kinakapatid liligawan ko yan.”
“What? He’s a guy, Kyle.” Frustrated na sabi ni Marco.
“So? He’s not a straight guy. Kung tutuusin mas maganda pa siya sa babae. Tinalo pa nga niya mga kababaihan na nakikita ko sa Bar sa pagka-mahinhin niya atsaka mabait. Tignan mo naman kung gaano siya ka-protekta sa kapatid niya.” Mahabang paliwanag ni Kyle sa kaibigan.
“I don’t get you. Minsan hindi ko alam kung ano na lang ang pinag-iisip mo Kyle. Hindi ko siya magugustuhan dahil naaalala ko lang na ang ama niya ang dahilan kung bakit nawala ang mga magulang ko,” seryosong sambit ni Marco.
“Haist! Mamaya marinig ka niya,” suway ni Kyle. “Ang kasalanan ng ama huwag mo ipasa sa anak. Ano bang malay ni Lee sa ginawa ng ama niya. Nakalimutan mo ata na ginawa siyang pambayad. Gawain ba ng matinong ama yun. Atsaka feel ko tinadhana kayo sa isa’t-isa eh,” ani ni Kyle habang pababa-taas ang dalawang kilay.
Umiling na lang si Marco sa huling tinuran ni Kyle. “Minsan bawasan mo manuod ng mga K-drama.”
“Ay! Tignan mo talaga ‘to” ani ni Kyle sa papalayong si Marco. “Kakainin mo rin iyan sinabi mo na ayaw mo kay Lee.”
Nang matapos ang pag-uusap nila ni Kyle ay hindi pa rin lumalabas sa kanyang sariling opisina si Marco. Marami siyang trabahong kailangan tapusin dahil sa ilang araw siyang naging tutok sa kanyang agenda kay Lucas. Sumandal siya sa kanyang kinauupuan at pumikit ng maisipan na magpahinga muna sandali.
“Para maging close kayo.”
Agad na bumukas ang mga mata ni Marco ng bigla iyong pumasok sa kanyang isipan. He don’t know pero hindi maaalis sa isipan niya ang pag-uusap nila ni Kyle. Totoo nga naman ang sinabi ni Kyle na walang kinalaman si Lee sa pagkamatay ng magulang niya pero hindi pa rin niya maikakaila na ang ama nito ang salarin.
Malalim na buntong-hininga ang binitawan niya at napatingin sa litrato na nakapatong sa kanyang mesa. Litrato kung saan ay college graduation nilang dalawa ni Kyle kasama ang kanilang Tito Roberto. Wala sa sarili na kinuha ni Marco ang isang maliit na box na nasa tabi ng litrato at kinuha ang nasa loob na isang kwintas.
“I’m sorry, Tito. I know na hindi mo gusto ang desisyon na ginawa ko pero sana gabayan mo pa rin ako na kayanin ko. I want to know the truth kung bakit niya ginawa sa magulang ko iyon,” ani ni Marco na mahigpit na nakahawak sa kwintas.
Habang nakatingin sa kwintas ay naaalala niya ang mga nangyari sa nakaraan. Nang mawala ang kanyang mga magulang ang kanyang Tito Roberto ang kumuha at kumupkop sa kanya. Nagpakilala siyang matalik na kaibigan at malaki ang utang na loob sa yumaong ama kahit ang totoo ay hindi niya ito nakilala kailanman. Sa paglipas ng taon ay walang hinangad si Marco kung hindi mahuli ang mga salarin. Sinanay niya ang sarili at natuto kung paano humawak ng baril. Palihim siyang kumikilos at naghanap ng imbestigador na ipahanap ang isang taong namukaan niya ng maganap ang pananambang sa kanila.
Ng matuklasan niya ang taong sumugod ng gabing iyon ay walang takot niya itong pinahirapan. Silang dalawa lamang ni Kyle at iilang tauhan ng kanyang Tito Roberto ang nakakaalam sa nangyayaring pag-torture niya. Nais niyang malaman ang taong nasa likod ng pagpaslang sa kanyang magulang at sa kalaunan ay naisawalat na ang taong kanyang pakay.
Hindi rin nagtagal ay nalaman ng kanyang Tito Roberto ang kanyang ginawa ng madiskubre sa pag-uusap ng mga tauhan na nakakaalam. Mainit na pagtatalo ang namagitan sa kanilang dalawa hanggang sa sumuko ang kanyang Tito Roberto sa desisyon na ituloy ang plano na paghihiganti lalo at alam na niya ang totoong salarin. Nang lumaon ay hinayaan na siya sa mga desisyon na kanyang ginawa. Pinaigi pa niya ang kanyang paghahanap at pagsuplong sa mga pulis ng mga taong konektado kay Lucas sa tulong ni Kyle at ng kanyang alalay na si Jed. Naisip niya ang paraan na iyon para lumabas sa kanyang lungga ang taong pakay.
Hindi nagtagal ay naudlot pansamantala ang kanyang plano sa paghahanap ng ituon niya ang kanyang atensyon sa negosyo ng kanyang Tito Roberto pagkatapos magkaroon ng malubhang sakit. Malaking pagsubok ang dumating sa kanila ni Kyle ng magpaalam na ang kanilang Tito Roberto. Mabigat ang kanyang mga paa na tumungo sa hospital at nakaramdam ng sakit ng makita ang nanghihinang mga mata na nakatingin sa kanya. Naalala niya na madiin na hinawakan ang kanyang mga kamay ng Tiyuhin at inabot ang isang kwintas. Tinitigan niya ang matanda at inaantay ang nais sabihin ng unti-unti ng lumuwag ang pagkakahawak sa kanya.
Mariin na pumikit muli si Marco at pilit na winaksi ang mga alaala ng nakaraan. Pinipigilan ang mga luha na nagbabadyang tumulo. Malaki ang pasasalamat niya sa kanyang Tito Roberto, sa pag-alaga at pagpunan sa kanyang mga pangangailangan pero ang tanging ginanti niya lamang ay katigasan ng ulo at hindi pagsunod sa gusto niya. Gayunpaman ay hindi niya pagsisihan ang desisyon na maghiganti kahit ayaw ito ng matanda.
Tumayo na si Marco at binalik sa lagayan ang kwintas. Niligpit ang mga dokumento na nakakalat sa kanyang mesa. Muli siyang nag-unat ng katawan at lumabas sa kanyang opisina. Sinilip niya ang kanyang mga tauhan na nakabantay sa buong paligid ng mansyon at tumungo na sa kanyang kwarto. Habang binubuksan ni Marco ang kanyang kwarto ay siya naman paglabas ni Lee sa kabila. Gulat na nakatingin sa kanya si Lee na hindi alam kung tutuloy ba sa paglabas ng kwarto o hindi.
“Wait. May sasabihin ako,” pigil ni Lee sa kanya sa pagpasok sa kwarto.
“What is it?” tanong ni Marco kay Lee ng tuluyan ng lumabas sa kanyang kwarto. Tinignan niya ang taong kaharap at nagmukhang lumiit ito sa kasuotan na malaking T-Shirt at pajama.
“Thank you nga pala kanina sa pagpapahatid. Saka, eto binura ko na contact mo sa phone ko importante lang naman malaman ko ang address,” ani ni Lee at pinakita ang cellphone sa binata.
“Marunong ka pa lang magpasalamat? Akala ko si Kyle lang ang kilala mo kanina,” masungit na sabi ni Marco at hinablot ang phone ni Lee.
“Aish! Grabe hindi ka ba naniniwala na binura ko number mo. Kailangan i-check?” pilyong sabi ni Lee ng tinignan si Marco na hawak ang kanyang phone.
“Don’t do it again. Don’t delete it,” seryosong sabi ni Marco at pumasok na sa loob ng kwarto pagkatapos ibalik ang phone kay Lee. Naiwang nakatulala lang si Lee sa labas ng kwarto hindi siya makapaniwala sa inasta nito. Wala sa sarili na napahawak siya sa kanyang dibdib ng makaramdam ng malakas na kabog at tahimik na tumungo sa kanyang kwarto.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (7)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
maganda tong story
10/09/2024
0ist good
08/06/2024
0Ganda ng kwento nato
17/07/2023
0Tingnan Lahat