“Hello, Mr.Austin. Eto kaibigan ko si Xander Tyler.” Pagpapakilala ni Ken sa kararating lang na panauhin nila sa gabing iyon. “Nice meeting you, Mr.Austin,” pakikipagkamay ni Xander. “Have a seat. Nakapag-order na kami ng pagkain. Is it okay?” “Yup, it’s okay. I never expect any food,” masayang turan ni Austin. “Since we’re eating. May I know what’s your plan or business with me?” “Ken told me na matutulungan mo ko sa plano na naisip ko. I want you to investigate about him.” Nilapag ni Xander ang isang litrato ni Marco sa mesa. “All about him, his past and all those people na may kinalaman sa kanya.” “Malaki ba atraso niya sayo?” “Nasa kanya ang kapatid ko. May nangyari kaya hindi ko mabawi ang kapatid ko sa kanya. Gusto ko humanap ng paraan na pwede ko ilaban sa kanya. Kung maaari na rin ay bantayan mo rin ang kapatid ko. I will double the payment. Nag-aalala kasi ako sa kanya. I’’ll send you his picture,” aniya ni Xander. Habang abala ang tatlo sa pag-uusap ay napukaw ng atensyon ni Xander ang mga tao sa likuran bahagi ng kanilang pwesto. “Dad?” mahina niyang sambit ng lumingon siya sa likod ng marinig ang pamilyar na boses. “What is he doing here?” tanong ni Ken na gaya ni Xander ay napalingon din sa likod. Palihim silang sumilip sa mga halaman na nakaharang sa pagitan nila at ng ama ni Xander. Nakamatyag silang nakatingin sa mga taong kausap ng kanyang ama. Hindi niya kilala ang mga taong kasalamuha nito at nababakas ni Xander na mukhang may balak na hindi maganda ang kanyang ama. “I think we need to go,” aya ni Xander sa mga kasama. Nang matapos magbayad ay lumabas na sila sa restaurant at hindi na tinapunan pa ng tingin ang ama. “Pasensya ni Mr.Austin if biglaan ang pag-alis natin. I hope na matutulungan mo ko. Thank you,” pakikipag-kamay ni Xander kay Austin. “No problem. Hindi kita bibiguin nakakahiya naman sa ama ni Ken kung hindi kita matutulugan. Mauna na ko sa inyo.” Paalam ni Austin. “Buti napansin mo na nandun ang Dad mo kung hindi maririnig niya ang plano mo. Kanina pa kaya siya nandoon?” tanong ni Ken kay Xander habang patungo sila pareho sa parking lot. “I don’t think so. Parang kararating lang nila.” “Kilala mo ba mga kasama niya?” Napatigil si Xander habang inaaalala ang mga mukha na kasama ng kanyang ama, “No, pero sa tingin ko mga kasamahan niya lang iyon sa on-so called niyang business.” “Xander Tyler?” Parehong tumingin si Xander at Ken sa boses na tumawag. Nakangiti itong lumapit sa kanila. “It’s good to see you here. Mabuti at magaling ka na.” “Mawala man ako sa hindi. Hindi ko hahayaan na iwanan lang sayo si Lee ng ganun na lang,” matapang na sambit ni Xander. “Tsk, don’t worry about him. Aalagaan ko naman ng maayos ang kapatid mo,” nakakalokong asar ni Marco at muling lumapit kay Xander sabay bulong, “Hindi ko siya itutulad sa mga babaeng alam mo na ibig kong sabihin.” “Tarantado ka!” galit na galit na hinablot ni Xander sa kwelyo si Marco. “Dude! Tama na! Mamaya dumugo pa sugat mo,” awat ni Ken kay Xander na masama ang titig na ginagawad sa taong hawak-hawak. “Subukan mo lang na may gawin sa kapatid ko. Hindi ako magdadalawang-isip na patulan ka. Tignan natin kung saan aabot ang kayabangan mo. Tandaan mo hindi pa ko tapos sayo!” madiin na ani ni Xander at marahas na binitawan si Marco na tumatawa lang. Marahan na nag-unat si Marco at pinagpag ang suit na kanyang suot. “ I will anticipate that threat of yours Xander. I will make sure na magugustuhan ni Lee ang pagtira niya sa poder ko. Sayang! Nag-eenjoy pa naman ako pero I have to go dahil baka nag-aantay na ang ama mo sa loob,” seryosong wika ni Marco at tinuon ang atensyon kay Ken. “Oh! By the way, thank you sa pag-awat pero sa susunod wag kang makikialam.” Tapik niya kay Ken at iniwanan ang dalawa. Napatingala na lang si Xander sa inis at muling tinignan ang papalayong si Marco. “Siya ba si Marco? Pinagkaka-utangan ni Tito?” tanong ni Ken kay Xander na ikinatango niya. “Pwede na ba ko uminom?” tanong ni Xander sa kaibigan. “No.” madiin na sagot ni Ken sa kanya. “You know what. Ipahinga mo na lang yan. Magagalit sa akin si Lee kapag nalaman niya na uminom ka pa. Kilala mo naman kapatid mo malakas makaramdam. Let’s go.” Yaya niya kay Xander ng binuksan na niya ang sasakyan. Nang makapasok na si Marco sa loob ay malugod siyang sinalubong ni Lucas. “Mabuti at nakarating ka Marco. Halika!” animo’y isang ama na sabik ipakilala ang anak sa mga kasamahan. “This is Marco Mendoza, he’s the one I am referring to. Malaki ang naitulong niya sa atin para sa panibagong simula ng ating grupo.” “Mr.Tyler, wag mo naman ako masyadong gawin bida sa gabing ito,” masayang wika ni Marco na ikinatuwa ng mga kasama niya sa mesa. “Nagagalak na makilala ka namin, Mr.Mendoza. Bilib ako sayo lagi kang ikinu-kwento nito ni Lucas sa amin. Totoo nga ang sinasabi niya na napakabata mo at pumasok ka na sa ganitong business” wika ng isang lalaki. “Thanks for the compliment, Sir. Hindi ko akalain na na-ikukwento pala ako sa inyo ni Mr.Tyler,” ani ni Marco na tumingin sa katabi na si Lucas. “Ay! Kayo talaga binuking niyo pa ako. By the way, nasabi ko na sa kanila na na-secured na and under maintenance ang lugar na kinuha ko and you know what meron ng client na interesado na makipag-transaksyon sa atin.” “Good. Mukhang makakabawi ka na sa akin,” aniya ni Marco at kinuha ang basong alak na inabot sa kanya. “Mabuti na lang at pinagbigyan mo pa si Lucas, Mr.Mendoza. Alam mo naman nitong mga nakalipas na mga buwan ay hindi maganda ang naging takbo ng negosyo,” singit ng isang lalaki. Ngumisi si Marco ng palihim dahil sa paniniwala nila na kabutihan ang pinapakita niya sa kinikilala nilang leader. “Kailangan ko rin naman gawin yun dahil naghahanap din naman ako ng mga tao na pwede akong tulungan sa ganitong kalakaran. Nakikita ko ang potensyal kay Mr.Tyler kaya hindi ako nagdalawang-isip na tulungan siya kahit na hindi maganda ang business agreement namin nung una. Ang gusto ko lang ay masiguro niya na hindi na mangyayari ang problema.” “Huwag kang mag-alala, Marco. Wala na ang taong sisira sa negosyo natin dahil nandoon na yun natutulog sa likod ng mga rehas,” natatawang sambit ni Lucas at ng mga kasama niya. “Nahuli niyo na ba kung sino ang sumisira?” tanong ni Marco kahit alam na niya ang tinutukoy nito. “Leader ng kabilang grupo. Nabuking ang isang tauhan ni Lucas na siya pala ang nag-espiya sa kabilang grupo na sa tingin namin siya ang dahilan ng sunod-sunod na nahuhuli ang mga kasamahan namin,” wika ng isang lalaki na medyo bata pa. “Wag kang mag-alala. Pinatulog na ni Boss ang espiyang yun,” dagdag pa nito. Napakamot na lang sa kanyang buhok habang nagpipigil na hindi maipakita na natutuwa siya sa nangyayari. Muli niyang tinignan ang kanyang mga kasama na nagkakasiyahan. “Laugh all you can. Wala kayong kaalam-alam na ako rin ang magtatanggal ng mga ngiting yan” ani niya sa sarili at napatingin sa isang kasama sa mesa ng lagyan ng alak ang kanyang baso. “Wag kang mahiya sa amin. Mr.Mendoza. Enjoy this night. Ngayon lang namin nagawa ito ng magkasiyahan and we all thanks this to you. Thank you Mr.Mendoza. Hulog ka ng langit,” pasasalamat ng isang lalaki na may edad. “Cheers!” sigaw nilang lahat hindi alintana ang mga panaka-nakang tingin ng mga tao sa paligid.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
maganda tong story
10/09/2024
0ist good
08/06/2024
0Ganda ng kwento nato
17/07/2023
0Tingnan Lahat