Mabigat ang mga paa ni Lee habang naglalakad sa labas ng mansion. Pinapalipas ang inis kay Marco ng hindi siya tinantanan ng asar ng mag-almusal sila. “Nakakabwisit! Ugh!” nanggigil niyang sabi ng walang pakundangan niyang nasipa ang paso ng halaman sa harapan niya, “Ah! Ang sakit! Ouch!” mahina niyang iyak ng madali niya sa pangalawang pagkakataon ang paa niyang may sugat. Patalon-talon siyang lumapit sa mahabang bangko at naupo. Muling tinignan ang talampakan na natamaan. “Tsk! Bakit ba ang malas ng araw ko ngayon?” tanong niya sa halaman na nasa gilid niya. Tulala lang siyang nakatitig sa halaman na animo’y sasagutin ang kanyang katanungan. “Aish! Sarap mo sakalin!” sakal niya sa halaman na maaalala ang mapang-asar na mukha ni Marco. “Baka mamatay ang halaman sa ginagawa mo.” Gulat na napalingon si Lee sa lalaking nagsalita. Maagap niyang binitawan ang kawawang halaman at umayos sa kanyang pagkakaupo. “May problema ba?” tanong niya kay Lee at tumabi sa kinauupuan. “Hmmm! Wala haha!,” akward na tawa ni Lee. “Si Marco dapat ang sakalin mo hindi yan halaman,” nakangiti siyang tumingin kay Lee. “Na-narinig mo lahat?” tanong niya sa binata na tanging tango lang ang sinagot. “Nagpapahinga kasi ako dun sa malaking puno,” turo niya sa puno na malapit sa kanila. “Akala ko may nag-aaway, ikaw lang pala.” “Nakakahiya ka Lee!” ani niya sa sarili. “Pasenya na, naistorbo pa kita. Dito ba ang tambayan mo?” mahina niyang tanong. “Minsan kapag masyado ng maingay ang barkada lumalayo na ko.” Matipid na ngumiti si Lee sa narinig na rason ng kausap. “Akala ko masungit ka rin tulad ni Marco,hindi pala sadyang seryoso ka lang talaga.” “Huh! Marami nagsasabi na niyan sa akin kaya hindi na ako nagugulat. Hindi mawawala sa barkada na meron isa na tahimik,” nakangiti niyang tugon kay Lee. “Sabagay, ikaw lang ang nakikita ko na matino sa inyong magkakaibigan,” baling ni Lee sa katabi ng ngumiti lang ito sa puri niya. “Hmmm, By the way. I would like to introduce myself properly. I am Luke Lagdameo. Sorry kung ang first impression mo ay masungit ako,” sambit niya sabay alok ng pakikipagkamay kay Lee. Pareho silang natawa sa isa’t-isa ng formally silang magkamayan. “Pwede ba ko magtanong?” tanong ni Lee. “Yeah.” “Dito ba kayo nakatira lahat? I mean magkakasama kayo na nakatira dito sa mansion?” curious na tanong ni Lee. “Hindi pag-libre ang araw namin tatlo nila Frank at Ronnie madalas kami nag-stay dito sa mansion para samahan sila Kyle at Marco.” “Ibig sabihin dito nakatira si Kyle?” “Yep. Honestly, simula bata pa lang magkasama na yan si Kyle at Marco kumbaga magkapatid na ang turingan nila sa isa’t-isa. Nagkakilala kaming lahat na magkakaibigan ng dahil sa thesis sa College noon. Nung una, hindi ko trip na mapunta sa grupo nila dahil unang kita ko pa lang parang walang patutunguhan ang thesis namin pero maaasahan naman. Hanggang sa hindi namin alam magkakasama na kami kahit may kanya-kanya na kaming profession.” “Ahmm! I don’t know if pwede ko itong matanong. Wala na ba mga magulang si Marco?” alanganin na tanong ni Lee. Ilang minutong nanahimik si Luke sa tanong ni Lee. Tinatantiya kung dapat ba niyang sabihin ang tungkol sa personal na buhay ng kaibigan. “I don’t think na ako ang dapat magsabi sayo niyan. All I know is inampon siya same with Kyle ng may-ari ng mansion na ito.” Tumango na lang si Lee sa impormasyon na nalaman niya kay Luke. Nais pa sana niya malaman ang tungkol sa binata pero sa tingin niya ay tama ang sinabi ni Luke sa kanya, masyadong personal ang kanyang mga naging tanong. Pero paano niya nga ba matatanong si Marco kung pagtatalo ang namamagitan sa kanila. “By the way, I have to go hinahanap na ko,” ani ni Luke at tumayo na sa kinauupuan. “Don’t be stress towards Marco. Mabait na tao ang kaibigan ko,” assurance na sambit niya kay Lee at tuluyan ng umalis. Sa hindi kalayuan ay may mga matang kanina pa nakamasid kay Lee habang nakatambay sa balkonahe. “Tsk! Tsk! Kawawang mga halaman,” mahina niyang bulong ng makitang sinasakal ni Lee ang mga halaman. Hindi na niya mapigilan ang ngumiti na matuklasan ang kabaliwan ni Lee. Ngunit ang mga nigiti na nakamarka sa kanyang mukha ay napalitan ng pagsalubong ng kanyang mga kilay ng makitang may lumapit kay Lee. “Luke?” bulong niya at mas lalo pa niyang nilapit ang sarili sa balkonahe na animo’y gustong marinig ang pinag-uusapan ng dalawa sa kalayuan. “Marunong ka pa lang tumawa,” ani niya ng mapansin na ngayon lang niya nakitang ngumiti si Luke sa ibang tao. “Boss?” Lumingon si Marco sa taong tumawag sa kanya. Napaayos siya ng tayo ng magtaka ito sa itsura niya sa balkonahe. Tumikhim siya at muling binalingan ng atensyon si Jed, “Ano yun?” “Boss, tumawag ang isang client na interesado na maging supplier ng wine natin. Pinapaalam niya kung kelan pwede na maka-meeting kayo?” “Call my secretary. Ask her kung meron ako na free day for meeting and para mapaghandaan ang sample taste ng mga wine. Okay? Thank you Jed.” Pasasalamat niya kay Jed. Nang makaalis na si Jed ay tinuon niya ang atensyon sa dalawang tao na masayang nagkukwentuhan. “Sa ibang tao ang ganda ng ngiti niya samantalang sa akin laging nakabusangot,” wala sa sariling nasambit ni Marco. Nagtakang umupo si Marco kung bakit bigla lumabas sa bibig ang mga salitang iyon. “Ano bang pumapasok sa isip mo Marco.” Napahilot na lang sa sintindo si Marco at muling sinindihan ang sigarilyo. Naisipan na lang niya ang bumaba at tumungo sa opisina ng maharangan siya ng mga kaibigan. “Bro,aalis na kami. Inaantay lang namin si Luke,” paalam ni Frank habang nakaupo sa sala. “Asan ba siya?” tanong ni Kyle na busy manuod. “Tinext ko na baka nakatambay yun sa may puno,” ani ni Ronnie. Tumango na lang si Marco at tumabi sa nanunuod na si Kyle. Tahimik lang silang lahat habang nag-aantay kay Luke ng tumunog ang cellphone ni Marco. Mabilis na tumayo si Marco at lumabas para maiwasan na marinig ng kanyang tropa ang pag-uusapan ng taong nasa kabilang linya. “Hello Mr.Lucas” bati niya at napataas ang kilay ng tapikin siya sa braso ng kararating na si Luke. “I’m sorry Marco, this is urgent. May gagawin ka ba mamaya?” “Wala naman. I’m off today.” “Well, that’s good. I want to introduce you to my underlings & other members.” Hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan si Marco ng marinig ang pakay ni Lucas na ipakilala siya sa mga tao nito. Hindi niya akalain na nakuha na niya ang tiwala ng matanda. “I’m okay with that Mr.Tyler. It’s a pleasure to meet your other partners.” “No problem Marco. Malaki ang pasasalamat sayo ng aking grupo. I’ll send you the meeting place. See you there. “Okay. I will wait the details.Mr.Tyler.” “Si Dad ba kausap mo?” Naudlot ang excitement ni Marco ng may biglang nagsalita sa likuran niya. Hinarap niya ang taong seryoso ang mukhang nakatingin sa kanya. “Mukhang close na close kayo? Buti ka pa nagawa niyang tawagan samantalang ako hindi man lang niya magawang kamustahin simula ng tumapak ako sa lugar na ito,” sarkastikong sabi ni Lee. “Sabagay, bakit pa ako mag-expect sa kanya tapos na pala ang pakinabang ko sa kanya.” “Tsk! Nagtatampo ka ba sa ama mo? Hmmm,” mapang-asar na sabi ni Marco at yumukod upang mapantayan ang mga tingin ni Lee. “Ikaw na rin ang nagsabi tapos na ang pakinabang mo sa ama mo. Remember, your just his debt repayment?” mahinang bulong niya sa tenga ni Lee. Malakas na tinulak ni Lee si Marco papalayo sa kanya. Namumula ang mga mata na nakatitig siya sa mga mata ni Marco. “Wala ba sa bokabolaryo mo ang salitang respeto!” madiin niyang sabi. “Respeto? Eh! Ikaw nga itong nakikinig sa usapan ng iba. Nakalimutan mo na ata bilin ko sayo na wag kang makikinig sa usapan ng mga tao dito!” galit na sabi ni Marco. “So, wala ako karapatan na magsalita o makialam man lang. Tanggap ko na pambayad-utang ko pero hindi ibig sabihin na pwede mo na manduhin ang mga ginagawa ko o sundin ang gusto mo. Hindi mo ko pagmamay-ari mga ari-arian ko lang naman ang gusto mo!” nanggigil na sabi ni Lee at mabilis na nilayasan si Marco.Mabilis na umakyat ng hagdan si Lee. Hindi pinansin ang mga nagtatakang mga tingin ng mga taong nasa loob ng mansyon. Kasunod niya ang mga mabibigat na yabag ni Marco na madilim ang mukha na sinalubong ang mga tingin ng mga tao na nasa sala. “Hindi pa ba kayo aalis?” masungit na tanong ni Marco kila Luke at tumungo na sa kanyang opisina. Iniwanan ang mga kaibigan na nagtatakang napatingin sa isa’t-isa. “Ano nangyari dun?” tanong ni Ronnie na nakatingin sa saradong pinto ng opisina ni Marco. “Alis na kami, Kyle. Ikaw na bahala dun sa isa,” paalam ni Frank sa kaibigan at umalis na silang tatlo.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
maganda tong story
10/09/2024
0ist good
08/06/2024
0Ganda ng kwento nato
17/07/2023
0Tingnan Lahat