Ilang beses ng paikot-ikot si Lee sa kanyang higaan. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Wala na rin siyang naririnig na kaingayan sa labas at tanging huni ng kuliglig ang kanyang naririnig. “Nasobrahan ata ako ng tulog kanina,” ani niya sa sarili at bumangon sa pagkakahiga. Naisipan niya na lang ang bumababa at pumunta sa kusina ng makaramdam ng pagkauhaw. “Hoo! Bakit ang dilim? Tutuloy ba ko?” Nagdadalawang-isip niya ng lumabas siya sa kwarto at nakita na sobrang dilim sa kanyang dadaanan. “Bahala na si Batman.” Sa matagal na pagtunganga niya sa labas ng kanyang kwarto ay nag-umpisa na siyang maglakad at nagulat ng may biglang umilaw sa gilid ng pader, “Ah! Kabayo!” napakapit siya ng wala sa oras sa isang doorknob na nasa katabi niyang kwarto. “Sorry, hindi ko sinasadya na banggain ka, nagulat ako sa motion sensor light,” kausap niya sa pintuan at muling tinignan ang motion sensor light na nasa harap niya. Kasabay ng kanyang paglakad ay ang pagbukas ng mga ilaw na kanyang ikinatuwa. Nang malapit na siya sa kusina ay nahagip ng kanyang mata ang isang kwarto ng nakaawang ang pinto. Out of curiosity ay nilapitan ito ni Lee at walang ano-ano’y mabilis na pumasok sa loob. “Rita! Oh my God!” tanong niya sa dalaga ng maabutan niya itong nakahiga sa sahig. “Aish! Uminom ka?” Nahawi ni Lee ang kanyang mukha ng maamoy ang alak kay Rita. Tinulungan niya na bumangon ito at nilapag sa kama, “Ano?” tanong niya ng mapansin na parang may sinasabi si Rita. “Tubig please,” mahinang bulong ni Rita. “Okay.” Nang maayos na niya sa pagkakahiga si Rita ay lumabas na siya ng kwarto nito at tumungo sa kusina para kumuha ng maiinom. “Saan kaya nakalagay ang baso?’ ani niya sa sarili at abala na hinanap sa cabinet ang mga baso. Mga ilang segundo ay natagpuan na niya ang baso at patungo na sa refrigerator ng magulat sa lalaking sumulpot, “Ah! Kabayo ka! A-aray!” sambit niya ng hindi sinasadyang matapakan ang basong nahulog sa sahig. Napasalampak siya sa sahig at tinignan ang talampakan na dumudugo. “Ano ka ba! Bigla ka na lang sumusulpot!” singhal niya kay Marco na nakamasid lang sa kanya. “Akala ko kung sino na nakapasok sa bahay. Ikaw lang pala. Bakit kasi hindi ka nagbubukas ng ilaw!” “Hindi ko alam kung nasaan ang switch. Tsk! Nakakainis!” aniya niya at pinulot ang mga bubog na nasa gilid. “Hayaan mo na yan diyan. Halika dito.” “Huy! Sandali! Te-teka.” Nataranta si Lee ng walang pakundangan siyang binuhat ni Marco at pinaupo sa mataas na upuan sa kusina. Iniwanan siya nito at bumalik na may dala ng medical kit. “Patingin nga,” ani ni Marco ng luhod para matignan ang talampakan ni Lee na nagdudugo. “Ah! Marunong ka ba!” sigaw ni Lee na ikinagulat ni Marco, “Bakit kailangan mo ibuhos ang alcohol sa paa ko! Aish! Ang sakit! Ahoo!” Ihip niya sa kanyang sugat habang hawak ang paa at masamang tumingin kay Marco. “Paano ko makikita yun bubog na nakabaon sa paa mo ha! Eh puro dugo. Pasalamat ka at kusang-loob ako na nilinis ang sugat mo,” asar ni Marco na umupo sa isang upuan. “Thank you ah! Na-appreciate ko,” galit na turan ni Lee at nag-umpisa na niyang kunin ang bubog na nakabaon sa talampakan niya. “Anong ginagawa mo sa kwarto ni Rita?” pang-uusisa ni Marco. Napakunot-noo naman si Lee kay Marco ng agawin sa kamay niya ang bulak at sinimulan dampian ang sugat niya. Napaubo si Lee ng walang oras ng makaramdam ng pagkailang sa paglapit sa kanya ni Marco. “Hay,eto lalayo na ko baka bigla mo ko yakapin,” nakakalokong ani ni Marco at pinatong sa binti niya ang paa ni Lee at inumpisahan ng balutin ng benda. Napanganga na lang si Lee sa sinabi ni Marco, “Kapal ng mukha,” mahinang bulong niya. “Anyways, hindi kasi ako makatulog kaya naisipan ko na pumunta sa kusina para uminom. Nagulat pa nga ako sa motion sensor light kaya tumama ako sa pinto. Oh! Alam ko na sasabihin mo. Ignorante ako?” ani ni Lee ng makitang ngumisi si Marco. “Atsaka, nagtaka kasi ako nakabukas isang kwarto tapos nagulat ako kasi si Rita nakahiga sa sahig. Nataranta ako akala ko may masamang nangyari sa kanya kaya pumasok ako yun pala lasing. After ko siyang ilapag sa higaan nanghingi siya ng tubig kaya lang hindi ko na siya nadalhan ng tubig dahil sa may sumulpot na asungot,” mahabang paliwanag ni Lee. “So, ikaw ang kumalabog kanina,” ani ni Marco na dahan-dahan nilapag ang paa ni Lee. “Wag mo ko sisihin kung nasugatan ka akala ko kung sino na ang nakapasok sa loob ng mansion. Mga nakainom pa naman ang mga tao dito kaya walang nagbabantay.” Naningkit na lang ang mata ni Lee ng siya pa talaga ang sinisi sa nangyari. Napaikot na lang siya sa kanyang kinauupuan at hindi pinansin si Marco na abala sa paglilinis ng mga nakakalat na bubog sa sahig.
“Delikado ba ang buhay mo para ganyan ka maging alerto?” wala sa sariling tanong ni Lee. Napalo niya ang kanyang bibig sa kahihiyan na kung ano ang naisipan sa biglaang pagtanong. “Bakit concern ka?” ani ni Marco na nasa tabi na ni Lee. “Hindi ah! Curious lang ako. Siguro may ginagawa kang illegal kaya marami kang bodyguards. Sabihin mo nga sa akin. Ano bang business ang namamagitan sa inyo ni Dad?” “Alam mo hindi mo na dapat alamin pa kung ano ang pinagkakaabalahan ko sa buhay Lee. Nandito ka sa poder ko dahil sa utang ng ama mo. He’s your Dad hindi niyo alam na magkapatid kung ano ang pinasok niyang business?” masungit na wika ni Marco. Mapait na ngumiti si Lee ng maalala ang sarilling ama. “Paano ko aalamin kung ano ang pinagkakaabalahan niya kung mismong gamit ko nga hindi niya pinaalam sa akin na pinadala na niya. Alam mo bang simula ng mamatay si Mom hindi na siya nagpakita sa amin magkapatid. Masaya ako ng bumalik siya kasi akala ko he’s staying for good para sa amin ni Kuya yun pala ginawa akong pambayad-utang,” seryoso siyang tumingin kay Marco. Sinalubong naman ni Marco ang mga seryosong titig ni Lee. Ngayon lang siya napagmasdan ng matagalan ang mukha ng kasama. Mababakas sa kaliitan ng mukha ang pagod at lungkot na nakikita niya sa mga mata ni Lee. Hindi niya alam na hindi maganda ang pakikitungo ng ama sa magkapatid. Sa totoo lang ay naaawa siya sa kanyang kaharap dahil totoo nga naman ang sinabi ng barkada na naipit lang siya sa plano pero wala siyang magawa kung hindi ituloy para lang makuha ang tiwala ng ama nito. “Since nag-uusap na tayo, gusto ko i-remind na habang nandito ka sa pamamahay ko kailangan malaman mo ang dapat at hindi mo dapat gawin. Ayoko na makikinig ka sa usapan namin ni Kyle o kung sino man taong nakatira dito. I must know kung saan ka pumupunta at huwag kang aabutin ng gabi sa daan dahil walang oras ang mga tauhan ko para hanapin ka. Huwag na rin sana maulit ng bigla ka na lang magtatanong tungkol sa business ko o kung ano ang namamagitan sa amin ng Dad mo at lahat ng kinikilos mo may taong nakabantay sayo to make sure na hindi ka gagawa ng kalokohan o maisipan na tumakas. At higit sa lahat hindi ka freeloader dito kumilos ka rin,” mahabang litanya ni Marco. “Tapos ka na?” mahinang sambit ni Lee sa binata ng marinig ang mga rules nito sa kanya. Pakiramdam niya ay gusto siyang gawin hangin ng binata sa mga ginawad na rules. Padabog siyang tumayo at naupo muli ng makalimot na may sugat siya sa talampakan, “Kaya ko! Okay?” masungit niyang binawi ang kanyang braso mula kay Marco at maingat na tumayo.
“Paano ka aakyat sa hagdan?” ani ni Marco habang nakatingin sa nakatalikod na si Lee na pahapyaw na tumatalon para makalakad pero hindi siya inimik at patuloy lang sa paghakbang. “Oh! Ibaba mo nga ako. Sabing kaya ko eh!” angal ni Lee ng buhatin siya muli ni Marco at umakyat sa hagdan. Habang paakyat sa hagdan ay nakafocus siyang nakatingin sa dibdib ng binata at naramdaman ang mga abs nitong nakadikit sa kanyang katawan. “Nakakahiya! Ano ba iniisip mo Lee. Erase it!” ani niya sa sarili at tinakpan ang mukha ng makaramdam ng pagka-init ng pisnge.
“Ano problema mo? Bakit mo tinatakpan mukha mo?” ani ni Marco ng ilapag na niya sa higaan si Lee. “Ha!” nagulat naman si Lee sa tanong sa kanya atsaka lang napagtanto na nasa loob na siya ng kwarto. Napayuko si Lee para hindi mapansin ni Marco ang pamumula ng kanyang mukha, “Bakit mo naman ako kinarga? Kukuha pa nga ako ng basong tubig para kay Rita.” “Wala man lang thank you? Hay! Never mind ako na bahala sa kailangan ni Rita,” malamig na turan ni Marco at lumabas na sa kwarto ni Lee. “Aish! Ang sungit niya talaga!” napasuntok na lang sa hangin si Lee sa kainisan niya kay Marco.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
maganda tong story
10/09/2024
0ist good
08/06/2024
0Ganda ng kwento nato
17/07/2023
0Tingnan Lahat