Naalimpungatan si Lee ng may narinig na mga boses sa labas ng kanyang kwarto. Hindi na niya namalayan na nakatulog siya sa sobrang pagod. Napatingin siya sa may balkonahe at napansin na malapit na kumagat ang dilim. Agad siyang tumayo at binuksan ang ilaw ng mapansin niya ang walang humpay na ingay sa labas ng kwarto. He slowly walks towards the door at dinikit ang tenga para marinig ang kaingayan sa labas. “What? Bakit ako? Ikaw na Kyle. Tutal makapal naman mukha mo,” aniya ni Frank. “Ako? Ayoko nakakahiya.”
“Bakit ba tayo nandito? Pwede niyo naman ipatawag na lang kay Rita,” aniya ni Luke. “Nasaan ba si Marco? Kung hindi pa kami pumunta dito hindi namin alam na nandito na siya,” pagtatampo ni Ronnie. “Ano ba kayo! Ang ingay niyo mama---” “Ako ba ang pakay niyo?” tanong ni Lee na ikinagulat ng apat na lalaki na nasa labas ng kwarto niya. Isinara niya ang pinto at tinignan silang lahat na tahimik pa rin. “Hello?” Alanganin na wika ni Lee na parang na-estatwa ang apat na nasa harap niya. “Guys?” lingon nilang lahat sa dulo ng hallway ng marinig si Marco. "What the heck?” ani niya ng makalapit sa nagkukumpulan niyang barkada. “Wala ako kasalanan, Bro. Kanina ko pa nga sila pinipigalan na huwag puntahan si Lee,” sumbong ni Kyle. “Oh! Sino kaya nagsabi sa amin na dumating na ang future wife ni Marco,” ani ni Ronnie na lumaki ang mata ng ma-realize ang last words na nasabi. Pumikit ng madiin si Marco sa kahihiyan na ginawa ng barkada. Tinignan niya muli ng makahulugan ang barkada at lumingon kay Lee na nagtataka ang mukha. “Sumunod ka sa amin. Nakahain na ang pagkain sa dining area,” malamig na turan niya kay Lee. Bago maunang umalis ay muli niyang pinasadahan ng masamang tingin ang barkada. Hindi nawala sa paningin niya ang mga lihim na ngiti ng mga ito. Tumikhim si Ronnie at inakbayan ang nanahimik na si Luke, “Tara guys, gutom na ako.” “Tara Lee, baka nagugutom ka na,” nakangiting yaya sa kanya ni Kyle. “Ah, sige susunod ako. May kukunin lang ako sa loob,” “Antayin na kita. Mamaya maligaw ka hehe,” ani ni Kyle na ikinatango lang ni Lee. Nang makapasok na si Lee sa loob ay siya naman pagtapik ni Frank. “Mukhang may nagselos,” bulong niya kay Kyle at tinuro si Marco na paalis. Napatawa naman ng mahina si Kyle na ikinailing na lang ng mga kasama niya. Nagpaalam na ang tatlo na mauuna na sila sa dining area. “Tara? Sorry nag-antay ka pa,” hinging paumanhin ni Lee sa nag-aantay na si Kyle. “Maliit na bagay. Let’s go baka malamig na pagkain.” “Hmmm. Hindi ko alam nagkita na ba tayo dati. Para kasing pamilyar ka eh?” tanong ni Lee sa kanya. “Ako? Baka naman kamukha ko lang iyon?” pagsisinungaling ni Kyle kay Lee ng maalala na binangga niya ito dati sa labas ng school. Nang marating na nila ang dining area ay muling napahanga si Lee sa lawak at ganda nito. Ang mga nakahilerang cabinet kung saan nakalagay ang tambak ng mga mamahalin na plato't mga baso at na-agaw ng kanyang atensyon ang mini bar na malapit sa kusina. “Lee, upo ka na,” yaya sa kanya ni Kyle. “Salamat.” Hindi niya alam kung anong okasyon ang meron pero napakadami ng pagkain sa harapan nila ngayon. Tahimik lang siyang nakaupo habang pinagmamasdan ang mga taong naabutan niya sa labas ng kwarto na busy mag-ayos sa hapag-kainan. Tinutulungan nila si Rita na dalhin pa ang iba pang pagkain sa mesa. Hindi niya maiwasan ang mapangiti na mapansin na tila iniiwasan siya ng tingin ng mga binata hanggang sa napadako ang tingin niya kay Marco na busy sa cellphone. “Kain na!” Nagulat si Lee sa sumigaw na si Frank. Nagtataka ang mukha na nilapitan siya ni Frank at lagyan ng kanin sa plato. Hanggang sa isa-isa siyang inasikaso ng mga binata pwera lang sa dalawa na si Marco at Luke. Tumikhim naman si Marco ng mapansin na parang nawawala na naman sa katinuan ang tatlo. “Pwede na ba siya kumain?” tanong niya sa tatlo at masama silang tinignan. “Kain ka na? Huwag mo na lang pansinin si Marco?” bulong ni Kyle kay Lee. Nang mag-umpisa na silang kumain ay isa-isang nagpakilala ang mga kaibigan ni Marco kay Lee. Ang akala niya sa unang gabi na pagtira dito ay mahihirapan siya ay kabaliktaran sa inaaasahan niya. Mabilis niyang nakagaanan ng loob ang mga ito pwera lang kay Luke at Marco na tahimik lang na nakikinig. Natutuwa siya sa kaingayan nila Ronnie at Kyle na walang patid sa pag-aasaran na siya pagsabay din ni Frank. Ngayon niya lang naranasan na kumain na maingay ang mga kasama, dati kasi mag-isa lang siya kumakain kapag nag-overtime ang kapatid niya na si Xander. Nang matapos ang kanilang dinner ay nagkayayaan ang mag-barkada na uminom. Nahihiya na tumanggi si Lee sa offer ng mga barkada ni Marco dahil sa hindi naman siya umiinom. Umakyat na si Lee sa kanyang kwarto at inumpisahan na magligpit muli ng iilan niyang gamit. Samantala, malakas na hiyawan at asaran ang namamayani sa labas ng sala. “Boss, maraming salamat po dito. Ngayon lang kami nakainom,” aniya ng isang tauhan. “Huwag masyado madami kailangan niyo pa magbantay,” saway ni Marco sa mga tauhan niya ng tinawag ng kanyang mga barkada para uminom. “Hay! Marco ang KJ mo naman. Nag-cecelebrate lang kami,” masayang ani ni Kyle. “Celebrate? Kayong tatlo gumagawa lang kayo ng dahilan para ubusin niyo alak sa mini bar,” sita ni Marco sa barkada na pasimuno. “Ano po isini-celebrate natin,” singit ng isang tauhan. Malapad na ngumiti si Kyle at inakbayan ang isang tauhan na nagtanong, “Dahil dumating na ang future wife ng Boss niyo,” bulong na sambit ni Kyle. Naningkit ang mga mata ni Marco ng nilapitan ni Kyle ang isang tauhan at malakas na humalakhak. Sigurado na meron kalokohan na ginawa ito. “Ano iyan binulong mo ha!” tanong niya kay Kyle ng umupo sa tabi niya. “Boss, sino po dumating kanina. Ang ganda niya po.” Nabulunan naman si Ronnie sa tinuran ng isang tauhan, “Maganda talaga pero hindi niyo pwede matipuhan iyon dahil naka-reserved na siya sa Boss niyo.” Malakas na hiyawan ang namamayani ng marinig ang salitang binitawan ni Ronnie. Napangiti na lang si Marco dahil sa siya naman ang nakitang asarin ng mga barkada. Habang nagkakasiyahan silang lahat ay pasimpleng tumayo si Marco at nilapitan si Ronnie. “Ah! Cough! Bro,” Hampas ni Ronnie sa nakapalibot na braso ni Marco sa kanyang leeg. “Barkada ko ba kayo? Kanina niyo pa ko inaasar eh. Huh!” reklamo ni Marco at bumalik na sa pwesto niya. “Ay, wag ka na mahiya Marco kami lang naman to hahahaha! Mabuti na lang at kumpleto tayong lahat gusto ko sana pangunahan ang celebration na ito para sa aking kinakapatid na si Marco na sa wakas dumating na ang kanyang future partner. Yeah! ”asar ni Kyle na mabilis na lumayo kay Marco ng tumayo ito ulit. Mas lalo pang lumakas ang hiwayan at kasiyahan ng mga kasama ni Marco ng hindi pa rin talaga siya tinatantanan. Sa kalayuan ay lihim na napapangiti si Lee na nakamasid sa mga taong nagkakasiyahan sa baba. “Hindi ko alam pero malayo ang in-expect ko sa magiging unang gabi ko dito. Hindi naman siguro silang masamang tao,” ani ni Lee sa sarili.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
maganda tong story
10/09/2024
0ist good
08/06/2024
0Ganda ng kwento nato
17/07/2023
0Tingnan Lahat