logo text

CHAPTER 12: VISITOR

Tanghali na nagising si Marco at mabigat pa rin ang ulo niya dulot ng pag-inom nila ni Kyle kagabi. Wala siya magawa kung hindi pagbigyan si Kyle sa pangungulit na i-celebrate ang nangyaring deal kay Lucas. Naisipan ni Marco na tumambay sa labas ng sala bitbit ang kape at laptop.
Nang matapos ang pakay niya sa laptop ay sinara na niya ito saka may tinawagan, “Good Afternoon, Mr.Tyler. I already transfer the amount. Huwag mo akong bibiguin and I expect it to be double kapag binalik mo,” paalala niya sa taong kausap.
“Shit!” mahina niyang mura ng magulat sa taong nasa gilid niya. Nakadungdong ang ulo nito sa mesa. “Ano! Kaya pa? Mag-asikaso ka na may pasok ka,” sermon niya kay Kyle na mababakas sa mukha ang pagka-hangover.
“Bro, wag mo muna ko sermunan. Masakit talaga ulo. Hindi muna ko papasok sa office,” pakiusap niya kay Marco sabay kuha ng kape at ininom.
“Tsk! Kape ko yan eh. Bakit hindi ka kumuha sa loob,” inis na sabi ni Marco.

“Salamat.” sambit niya at sumandal sa inuupuan at hindi pa nahiya ng itaas ang mga paa at pinatong sa mesa. Pinalo ni Marco ang binti niya dahil nag-uumpisa na naman niyang sirain ang maganda araw ng binata.
“Boss,” Lumingon si Marco sa kararating lang na si Jed. “I have something to report. Naging successful ang operation ng mga awtoridad kay Montemayor at the same time nahuli din ang client. And one more thing, nagsalita na siya kung sino ang leader ni-----”
“Shit! Marco yun pera!” singit ni Kyle na nabuhayan bigla ng marinig ang balita ni Jed. Napakunot-noo naman na tumingin si Marco sa kanya, “What? Sayang ang pera na trinansfer mo sa matanda, baka siya na ang tinuro ni Montemayor.”
Napapikit na lang si Marco sa narinig mula sa kaibigan na talagang pera pa ang inisip kaysa matuwa na baka nga magsabi ng totoo si Montemayor.
“Pero, Boss iba ang tinuro ni Montemayor na leader nila. Ang leader na kalaban nila sa negosyo ang kinanta ni Montemayor. Mukhang planado boss eh, napag-alaman ko na ang suspetiya ni Mr.Tyler na sumisira sa negosyo niya ay ang kalaban nilang grupo,” aniya ni Jed.
“So, it means na planado ni Lucas na mahuli si Montemayor? Kaya pala nagtataka ako ang bilis kumanta ni Montemayor yun pala may hidden agenda sila at iyon ang siraan ang kabilang grupo. Wow! Hindi ko naisip yun,” napahanga na wika ni Kyle.
“Akala niya tagumpay siya sa ginawa niya pero hindi niya alam naisahan pa rin natin siya. Hindi pa rin niya nahuhuli ang taong sumisira sa kanya. Mabuti na lang at gumawa tayo ng ibang plano. Sige, Jed thanks sa info,” aniya ni Marco pero nagtataka siyang napatingin sa assistant ng hindi ito umaalis sa harapan niya.
“Boss, dumating na po pala anak ni Mr.Lucas. Kasama ko siya pumasok kanina. Ayun po siya,” Turo ni Jed kay Lee na nakaupo sa sala. Sabay na napalingon si Kyle at Marco sa glass wall na nakikita ang buong loob ng sala.
Nabaling ang atensyon ni Marco kay Kyle ng bigla itong tumayo at nag-ayos, “Aish! Jed Hindi mo man lang sinabi agad na may bisita pala tayo. Bro, maayos ba itsura ko?” tanong niya kay Marco ng mag-pose itong parang model sa harap ng kaibigan.
Napairap na lang si Marco at iniwan ang kaibigan sa labas. Pumasok siya sa loob at nilapitan ang nag-aantay na si Lee. Tumayo ito sa kinauupuan habang bitbit ang bag na dala.
“Hi, Magandang binibini! Ay! I mean, Magandang Tanghali. Ako nga pala si Kyle Dela Costa,” papakilala ni Kyle ng makalapit sa kanilang dalawa.
Alanganin na ngumiti si Lee kay Kyle, “Lee Tyler." Pagpapakilala niya kay Kyle na malapad ang ngiti.
Napabuntong-hininga si Marco at inakbayan ang kababata as a sign na binabalaan niya na itigil muna ang kalandian, “I didn’t expect na darating ka ngayon. Nakalabas na ba ang kuya mo sa ospital?”
Lee nodded. He feel akward towards Marco lalo’t naaalala niya ang huling pagkikita nilang dalawa. Masama pa rin ang loob niya sa kanya dahil akala niya ay mabuting tao ito pero iba pala ang motibo sa kanya.
“Good. I expect na alam mo na nandito ang mga gamit mo. Pinadala ng ama mo noong isang araw. Pasasamahan kita kay Jed sa kwarto mo para makapagpahinga ka tutal maaga pa naman. Jed! Pahatid mo na siya sa kwarto niya,” utos ni Marco kay Jed.
“Ah!” daing ni Marco ng sapakin siya sa braso ni Kyle. Tinignan niya ito at parang balliw na kinagat ang kamao habang nakamasid kay Lee na paakyat ng hagdan.
“Hmmm! Bro! Ang cute niya! Bro! Seryoso ako liligawan ko yan kahit lalaki pa,” kinikilig na turan ni Kyle.
Wala ng nagawa si Marco kung hindi ang umiling na lang kay Kyle. Iniwanan na niya ito at pumunta na siya kanyang sariling opisina sa bahay.
Habang paakyat si Lee ng hagdan ay hindi niya maiwasan ang mapahanga sa ganda ng loob na bahay. Meron malaking balkonahe pagka-akyat ng hagdan na punong-puno ng mga halaman na nakapalibot na siyang nagbibigay liwanag at buhay sa loob. Tahimik lang siya nakasunod sa kasama at hindi mapigilan ang mag-isip na tila isang hotel ang pinasukan niya dahil sa dami ng kwarto na tinatahak nila. Sa bawat paglakad, ay ang paghawak niya rin sa mga figurines at furnitures na nakikita niya. Mga paintings na palamuti sa hallway na mas lalong nagbibigay ng sopistikado.
Nang marating ang dulo ng hallway ay napangiti siya sa kasama. Lee feels excited marahil ay nadala siya sa kagandahan at magarbong loob ng bahay. Mas lalo pa siyang natulala ng makapasok sa loob ng kanyang magiging kwarto. Mas triple pa ang laki nito sa kanyang dating kwarto.
“Hmmm, maiwan ko na po kayo. Kung may kailangan kayo or nagugutom punta lang po kayo sa kusina. Nandoon si Rita para asikasuhin kayo. Welcome home po,” nakangiting wika ni Jed sa kanya.
“Thank you,” ani ni Lee at tuluyan na siyang iniwan ni Jed.
Lumibot pa si Lee sa loob ng kwarto at nasabik ng makita na may sarili siyang balkonahe. Pumunta siya roon at napahanga sa laki ng sakop ng lupa kung saan nakatayo ang mansion. Para siyang nasa isang palasyo na napapaligiran ng mga taong nakabantay. Ngayon niya lang napansin kung gaano ito kalawak ng makita na niya ito sa itaas. “Oh! Meron din pala balkonahe ang bawat kwarto dito. Wow! Sobrang yaman pala nito ni Marco,” ani ni Lee sa sarili ng mapansin na meron balkonahe ang katabing kwarto. Nang mapagod sa kakalibot si Lee ay naisipan niya muna ang humiga sa kwarto. Tulala lang siya nakamasid sa kisame.
“Magiging okay lang kaya pagtira ko dito? Hay! Paano ko haharapin ang lalaking iyon. Nakakainis!” ani ni Lee ng aksidenteng napasipa sa maleta.
Mabigat ang loob na bumangon siya sa pagkakahiga at tinignan ang mga maleta. Napatakla na lang siya na talagang sinigurado ng kanyang ama na hindi siya makakatakas. Tumingin siya sa kanyang suot na relos at naisipan na mag-umpisa ng magligpit ng mga gamit. Marami pa naman ang mga gamit niya.
Ilang oras na pagliligpit ay hindi pa nangangalahati ang mga nakatambak na gamit sa sahig. Kahit na sobrang lamig sa kwarto ay tagaktak pa rin ang pawis niya. Umupo muna siya sandali at nag-unat para mawala ang ngalay niyang mapakunot-noo siya ng may mapansin sa loob ng maleta na papel na nakalukot.
“Galing kay Mommy?” wika niya ng basahin ang papel na kung saan nakapaloob ang isang kwintas. “Ngayon ko lang nakita itong kwintas,” sambit niya sa sarili at muling tinignan ang papel na lukot para alamin kung sino ang nagbigay ng kwintas pero wala siyang nakuha kung hindi mensahe lang na nagsasabi:
“Eto ang pinaka-importanteng pamana na binigay ng iyong ina.”
Inangat ni Lee ang kwintas na nakuha. Isa itong gold necklace na may pendant na hawig sa Araw. Binuksan niya iyon at nakita ang loob na may naka-engrave na tila isang pirma. Napaisip naman si Lee dahil wala sa miyembro ng pamilya niya ang may ganitong pirma. Ipinagsawalang-bahala na lang ni Lee ang laman ng pendant at sinuot ang kwintas.
“Hi Mom, sinuot ko ang kwintas,” aniya ni Lee habang nakatingin sa salamin.

Komento sa Aklat (7)

  • avatar
    Aneeza Lara B. Butac

    maganda tong story

    10/09/2024

      0
  • avatar
    Arrhenius Dumlao

    ist good

    08/06/2024

      0
  • avatar
    MohammadAl-munib

    Ganda ng kwento nato

    17/07/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata