logo text

CHAPTER 11: BELONGINGS

“Sure ka na ba talaga na lalabas ka ng ospital kuya?” tanong ni Lee kay Xander habang busy siya sa pagliligpit ng mga gamit.
“Naka-ilang tanong ka na niyan Lee. Sabi ng okay lang ako eh. Saka marami na ako pending sa opisina kailangan ko ng pumasok.”
Napatigil si Lee sa ginagawa ng marinig ang balak na pumasok sa opisina. Pagsasabihan sana niya ang kapatid ng pumasok si Ken.
“Kuya Ken, pwede ba pagsabihan mo ito si Kuya na hindi pa siya pwede bumalik sa opisina. Kanina pa siya hindi nakikinig sa akin,” nangigigil niyang litanya habang nakapa-meywang sa pagitan nilang dalawa ni Xander.
“Ano ka ba Bro! Bakit ba inaaway ako nitong kapatid mo. Sabi ko naman sayo na makinig ka sa kanya. As your Doctor, pinayagan na kitang lumabas ng ospital dahil mabilis naman ang recovery mo. Inumin lang mga nireseta kong gamot at iwasan mo na kumain ng malansang pagkain. I think there’s no problem kapag bumalik ka sa trabaho mo at ipagpatuloy ang ating men nights out!” Ah!” Pakikipag-fist bomb nito kay Xander na tuwang-tuwa naman.
Napanganga na lang si Lee na akala niya ay tutulungan siya ni Ken na pagsabihan ang kapatid. Wala sa sarili niyang kinurot ang braso nito.
“Ah, sakit!” daing ni Ken.
“Okay na eh! Maganda na leksyon mo eh tapos kukunsintihin mo lang sa bandang huli,” pagmamaktol ni Lee sa kanya at niyakap na lang siya nito ng mahigpit.

“Hoy! Ken. Hindi porket kinampihan mo ko eh! Yayakapin mo na lang kapatid ko.” Paghila nito kay Ken at pumagitna sa dalawa.
Napairap na lang ng mata si Lee at bumalik sa ginagawa niya ng mag-umpisa na silang mag-asaran. Napag-desisyon niya na pumunta muna sa bahay para kunin ang ilang mga gamit para mamaya paglabas ng kuya niya ay maisabay na sa pag-uwi.
“Kuya, uuwi muna ako sandali sa bahay. Kukunin ko lang ibang gamit mo para madala na natin sa titirhan mo pag-uwi.” Natahimik naman sila sa tinuran ni Lee at nag-alalang lumapit sa kanya si Xander.
“Bakit hindi na lang natin ipasuyo kay Mang Hector, mamaya---”
Pinutol ni Lee ang gusto nitong ipunto, “Kuya, nakakahiya na kay Mang Hector mag-aasikaso rin yun ng mga gamit na dadalhin niya. Mas maganda na tulungan ko na siya para hindi na pabalik-balik pa sa bahay na kung ano pa ang kukunin. Wag kang mag-alala sabi naman ni Mang Hector hindi naman naglalagi na si Dad sa bahay,” pagpapalubag-loob ni Lee sa kanya.
“Aalis muna ko. Wag mo ko susundan.Kuya ah! Kuya Ken, for once lang please pakibantayan si Kuya," nakangiti niyang paalam sa dalawa.
Ilang minuto nanatili si Lee sa loob ng sasakyan. Pinagmamasdan ang bahay na kinalakihan niya, mga magagandang alaalang nabuo pero naging saksi sa isang masamang pangyayari. Napahinga na lang siya ng malalim, nagdadasal na sana wala sa loob ang kanyang ama. Simula ng mangyari ang insidente ay hindi niya pa ito nakikita.
Tahimik lang ang buong bahay ng makapasok siya sa loob. Dahan-dahan siyang naglalakad upang hindi makagawa ng ingay kung sakali na nandoon ang kanyang ama. Nang mapagtanto na walang tao sa sala ay diretso siyang tumungo sa may hagdan ng magulat sa tumawag sa kanya.
“Lee? Kamusta ka?” Lumapit sa kanya ang kasambahay at niyakap.
Ngumiti naman si Lee sa kanya pagkatapos siyang yakapin. Panay pa rin ang lingon niya sa paligid habang tinutungo niya ang kusina para magtago.
“Hinahanap mo ba Daddy mo?” tanong ng kasambahay na ikinatango na lang ni Lee.
“Wag kang mag-alala. Wala dito ang Daddy mo. Laging tanghali iyon umuuwi.”
“Ganun ba?” Umupo si Lee sa upuan ng makumpirma na wala sa bahay ang ama.
“Mabuti at umuwi ka.”
“Hmmm. Aalis din ako kailangan ko kasi iligpit iba pang gamit ni Kuya,” aniya ni Lee ng abutan siya ng makakain ng kasambahay.
“Naku, niligpit ko na mga gamit niya. Sabi kasi ni Mang Hector sa ibang bahay muna titira si Sir Xander. Eh, inutusan din ako ng Daddy mo na impake ko ang mga gamit mo kaya sinabay ko na rin pati kay Sir Xander,” mahabang litanya ng kasambahay.
Nagtatakang napatigil si Lee sa pagkain, “Naka-impake ang mga gamit ko?”
“Oo, sinakay pa nga namin sa sasakyan mga gamit mo pero nagtaka ako kasi pinaiwan ng Dad niyo mga gamit ng Kuya mo,” dagdag pa nito.
Napasapo na lang sa ulo si Lee ng malaman na wala na pala siyang aabutan na gamit sa loob ng bahay. Naiinis siya dahil hindi man lang pinaalam sa kanya ng sariling ama ang pagligpit ng mga gamit niya at ipadala ito sa kung saan man. Tumayo na siya sa kinauupuan at muling nagtanong, “Nasaan si Mang Hector?”
“Nasa kwarto ni Sir Xander.”
“Okay. Thanks.” Tinungo ni Lee ang kwarto ng kapatid at naaabutan si Mang Hector na nagliligpit.
“Oh! Sabi ko naman sa inyo ako na bahala magdala ng mga gamit ng Kuya mo,” ani ni Mang Hector ng magulat sa pagdating ko.
“Alam niyo ba ang tungkol sa pag-impake ng mga gamit ko?” seryosong tanong ni Lee.
Mababakas sa mukha ni Mang Hector ang pagkagulat ng malaman na ni Lee ang tungkol sa mga gamit nito. Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango sa tanong, “Sasabihin ko sana kaya lang natatakot ako na marinig ng Kuya mo. Alam mo naman ang kapatid mo mamaya sugurin na naman ang tatay niyo.”
Naliwanagan naman si Lee sa tinuran ni Mang Hector. Tama nga naman dapat ay hindi niya ito sisihin sa nangyari. “Alam niyo ho ba kung saan pinadala ni Dad ang mga gamit?” tanong niya muli.
“Pinadala ng Dad mo sa mansion ni Marco Mendoza.”
Hindi na nagulat pa si Lee sa natuklasan. He knew it na kila Marco ipapadala ang mga gamit niya. Ano pa ba ang magagawa niya kung hindi parang walang nangyari na tanggapin na lang ang ginawa ng ama. Ipinagkibit-balikat na lang ang narinig at nag-focus na lang na i-check ang gamit na pwede pa maligpit.
Nang matapos na silang magligpit ay pareho nilang pinagtulungan ni Mang Hector ilagay ang mga bagahe sa sasakyan. Nagpasalamat siya sa kasambahay na nagligpit ang gamit ng kuya niya at hindi na mangangamba na mag-stay pa ng matagal sa bahay.
Pasakay na siya sa loob ng sasakyan ng maabutan siya ng paparating na sasakyan. Bumababa ang pinaka-iniiwasan niyang tao, ang sariling ama.
“Aalis ka na?”
Tanging tango ang tinugon sa ama at bubuksan na ang pinto ng sasakyan ng muli itong nagsalita.
“I think alam mo na wala na ang gamit mo sa bahay. I also want to remind you na dapat bukas nasa poder ka na ni Marco. Nakakahiya naman sa tao na delay ang pinangako ko sa kanya. Huwag ka ng tumulad sa kapatid mo na pinahirapan ako. Maraming mata ang nakabantay sa inyo.” Pagbabanta ng kanyang ama at iniwanan na siya nito.
Napatakla na lang siya at hindi nag-abalang lumingon sa ama na nilagpasan siya, ”Deal pa rin ang nasa isip niyo? Sana naisipan niyo man lang kamustahin si Kuya Xander,” ani niya at sumakay na sa sasakyan.

Komento sa Aklat (7)

  • avatar
    Aneeza Lara B. Butac

    maganda tong story

    10/09/2024

      0
  • avatar
    Arrhenius Dumlao

    ist good

    08/06/2024

      0
  • avatar
    MohammadAl-munib

    Ganda ng kwento nato

    17/07/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata