Homepage/A Night with the Knigth/
Getting closer
Sa bahay kami dumeretso. Agad akong naligo pagdating namin. Matapos kung magbihis, tinulungan niya akong tuyuin ang buhok ko.
Gamit ang hair drier.
Hinayaan ko syang gawin iyon dahil pakiramdam ko nilalamig na ako at nais Kong ng matulog.
"Kate.. Hindi ka na ba kakain?"
"Hindi na Laurence nais ko ng magpahinga at matulog"Sambit ko at umilalim ako sa kumot.
"Kate are you okay?"
Hindi ko na sya sinagot at ipinikit ko ang aking mata." Yong dalawang bata Ikaw muna bahala sa kanila o kaya pakidala muna sa bahay ni ate korina." walang sigla Kong wika.
Pagdating kasi namin sya namang pag alis ni ate ate Korina. Nanonood pa ng TV sa sala ang mga anak ako ng time na iyon.
"Okay.. Sige."Wika niya.
Lumabas sya ng silid ko . Ilang saglit pa bumalik sya at naramdaman Kong nahiga sya sa tabi ko.
Yumakap sya sa akin. Sinalat niya ang noo ko.
." Kate okay ka lang ba? mukhang mainit ka." Mahina niyang sambit sa akin. Naroon ang pag aalala nito.
Sinamahan niya ako boung magdamag. Nariyang pinakain niya ako at pinainom ng gamot.
Naramdaman ko din ang pagpunas niya ng basang tela sa katawan ko.
Paggising ko ng umaga ay maayos na ng kaunti ang pakiramdam ko. Tumayo ako sa higaan namin.
" Saan ka pupunta? "tanong niya sa akin.
" Papasok ako sa trabaho."
"Hindi. Dito ka lang wag ka na munang pumasok" Pigil niya sa akin.
"Laurence? Hindi maari? Marami kaming pasyente ngayon."Giit ko.
" Kate. Hindi kita papayagan. Halos magdamag kang nilagnat. Pano kung ikaw naman ang maging pasyente doon?"
" Kaya ko na. 'nababad lang ako sa lamig kahapon. Pero mamaya nararamdam Kong magiging okay na ako." giit ko sa kanya.
"No hindi ako papayag. Dito kalang." Mariin ang pagtutol niya sa akin.
Hinawakan niya ako sa braso at marahang inalalayan para mahiga sa kama.
Itinapat niya ang Kanyang mukha sa akin ,dahilan para maghurumentado ang dibdib ko.Iba talaga ang epekto n'ya sa akin.
Ilang minuto niya akong tinitigan bago marahang idinampi ang labi niya sa labi ko.
"Ano bang ginagawa mo.?! Bakit mo ginagawa sa kin ito Laurence?"
wika ko at pinilit kong magpakatino.ayaw kong magpdala sa nararamdaman ko sa kanya.
"Kate.. Hindi pa ba obvious? Mahal kita. Hindi dahil sa ina ka mga anak ko kundi iyon ang nararamdam ko, Kate" masuyong wika niya sa akin.
Napahawak ang kamay ko sa mukha niya. Parehong hangin ang nalalanghap namin. Ramdam ko ang init ng Kanyang buga.
Nagbalik sa aking alaala ang unang gabi pinagsaluhan namin. Ganitong ganito iyon. Ay mali.
Pakiramdam ko mas nagkaroon sya ng puwang sa puso ko dahil Inalagaan niya ako kagabi at ipinagtanggol niya ako kahapon. Ramdam ko ang totoo sya sa sinasabi niya.
"I love you Kate.." mahinang usal niya sa
akin. "ganun din ba ang ang nararamdam mo sa akin? "
"Hindi ko alam Laurence.. Natatakot akong baka saktan mo lang ako. Pati ang mga anak ko."
"Hindi mangyayari iyon. Hindi man ako magiging perpekto ng asawa sayo.. I promise, Magigi akong mabuting asawa at ama ng mga anak natin Kate."
"Pano mo patutunayan sakin iyon?"
"Hindi naman ako nag mamadali kate.. Ang Hiling ko lang give me a chance. Subukan mong buksan mo ang puso mo sa akin. And l will show you how."
"Paano? Nangliligaw ka palang nagtatake advantage ka na sa akin."
Naramdaman ko kasi ang kamay niya sa aking harap. Sinusukat iyon ng palad niya na marahang inaakyat ng daliri ang toktok nito.
Nag iinit ang katawan ko sa tuwing iipitin iyon ng ng Kanyang tumb finger at hintuturo niya. Ang bilis talaga ng kumag 'to.
Napatawa sya ng mahina sa tinuran ko.
"Pasensya na. Namis lang kita. Kaya di ko mapipigilan ang sarili ko. Ngunit hayaan mo. Hindi na kita bubunt*sin hanggat di pa tayo nagiging mag-asawa. "mahina at pilyong wika niya sa akin.
" Sa sinasabi mong yan.. Mukhang may balak Mr. Arevalo. Dapat ba akong kabahan sayo?"
" Hindi honey.. Don't worry safe ka sa akin. Basta promise me sasagutin mo ako at hindi mo na tatagalan ang pagpapakipot mo."
Napangisi ako sa tinuran niya. "Hindi ako pakipot Mr Arevalo. Alam mo yan. Gusto kita.. Kaya nga tayo nagka anak diba? Kaya lang yong puso ko ,sinugatan mo, kailangan mong gamutin iyon para maghilom."
Napahiga sya sa tabi ko at humarap sa kisami.
"Okay.. I'll get it .
Simula bukas.. Hindi ka papasok sa trabaho na walang hatid at sundo."
" Bakit naman? Pano mo gagawin iyon.. Gayong busy ka? "
"Hayaan mo may tao na gagawa noon para sa akin. Sa tuwing wala ako."
"Kailangan ba talaga 'yon?
" Oo ayaw Kong maulit pa ang nangyari sayo kahapon. At yong lalaking umaway sayo... Wag ko lang uling makita na lumapit sayo. Dahil bas*g Sa akin ang mukha niya.
Dumikit ako sa kanya at ipinatong ko aking ulo sa kanyang dibdib.Gusto kong malaman kong anong pakiramdan nang may nsasandalan.
Ang sarap tumambay doon naamoy ko ang amoy nyang masarap sa ilong..
Ramdam ko bawat pintig noon na sumasabay sa tibok ng puso ko. Sa kaibuturuan nito I really felt that I belong to this man.
Tumingala ako sa kanya. Dahan Dahan nyang akong pinatakan ng halik sa noo. Tumagal iyon doon ng ilang sigundo at bumaba iyon sa aking labi. Marahan niyang sinakop iyon. At boung puso ko syang tinugon.
Marahan at banayad ang bawat galaw niya. Habang tumatagal ay lumalalim iyon at nauubusan ako ng hangin kaya bahagya akong humiwalay sa kanya.
Ngunit maagap sya, hindi niya iyon pinakawalan. Naging mainit at mapusok ang kilos niya. Na nagpainit sa aming katawan.
Sa pagkakataong ito wala akong pagpipigil sa nararamdaman ko sa kanya. Sa kanya lang talaga kasi ako nakakaramdam ng ganito. Para bang sabik ako sa halik niya at hindi ko kayang tanggihan iyon.
Ang mapusok niyang halik sa akin na naglakbay sa iba pang parte ng aking katawan. Napapalon ang katawan ko sa sarap na dulot noon.
"Oh Kate.. Hindi ko alam Kong paano ko pipigilan ang sarili. Let me do this to you," namamaos na ang kanyang boses at tinatangay na kami ng init ng katawan at pagnanasa.
Naramdaman ko na lang na nilalakbay na namin ang mundo patungo sa paraiso na kami lang ang may alam. Nakakabaliw na nakakasabik.
Bawat kilos niya ay tumitindi ang pagnanasa Kong abutin ang dako pa roon. At Hindi niya ako binigo. Sabay naming Inabot ang rorok ng kaligayanan na aming pinagsikapan naming akyatin.
Kapwa kami hingal at pawisan matapos iyon.
Napayakap sya sa akin ng mahigpit. Matapos ang mainit na tagpo kanina.
Ano ka ba hindi ako makahinga."mahinang reklamo ko ko sa kanya. Ngunit may lambing ang himig nito.
" Sorry. Ayaw na kitang pakawalan pa. Kate. Magpakasal na tayo." masuyo n'yang wika niya sa akin.
" Hindi ba masyadong mabilis?"
"Bakit pa natin patatagalin doon din naman ang punta noon Kate. Siguradong Sigurado na ako sayo. Ikaw ang nais Kong makasama habang buhay."
"Baka nasasabi mo lang yan dahil pinagbigyan kita ngayon." may pagdududa Kong sambit.
" Mahal kita. Ayaw na kitang Bitawan dahil natatakot akong mawala ka na naman sa akin.
Kapag naging asawa mo ako hinding-hindi ka magsisi. Mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko Kate.. Kayo ng mga anak natin. Kaya please.. Pumayag ka na. Marry Me please? " nagsusumamo niyang usal.
" Mr.. Arevalo.. Tanungin mo akong muli kapag Hindi ka na high. Ngayon kasi.. Masaya ka pa dahil kakatapos lang natin."
"Okay.." Nakangiti niyang sambit sa akin. At muli niya akong niyakap at hinalikan sa pisngi.
Narinig Kong tumunog ang telepono niya sa ibabaw ng maliit na mesa, tumayo sya at sinagot iyon.
Humakbang sya palabas ng silid ko at sa sala nakipag- usap sa taong tumawag. Ilang saglit pa bumalik sya sa silid ko.
"Kate.. Maiwan muna kita. May importante lang akong aasikasohin ha?
" Okay go ahead."
Humalik sa sa akin bago sya lumabas ng silid ko.
" Mama.. Nasaan po si Daddy?tanong ng mga anak Kong bagong dating. sa bahay kasi siya ni ate korina natulog.
"Wala anak.. Umalis muna sya."
"Ay sayang namam po mama.. Di namin sya naabutan."malungkot na sambit ng panganay ko.
"Hayaan mo na anak. Mamaya uuwi yon dito sa atin." Nakangiti Kong sambit sa kanya.
"Talaga po mama?!"
"Oo anak." wika ko kahit ang totoo Hindi ko rin sure kung uuwi ba talaga sya.
Napalitan ng masiglang ngiti ang malungkot niyang mukha kanina.
Gabi na iyon ng naghahanda ako ng aming hapunan ng may kumatok sa pintuan.
"Baka si Daddy na iyan mama.." excited na sambit ni katelyn.
Patakbo siyang lumapit sa pintuan.
Hinayaan ko sya na buksan ito.
"Daddy....!"
"Prinsisa!"
agad niya itong kinarga at hinalikan sa nguso.
"Ako din po daddy." Sambit ng bunso kong si Kurt .
Inilapag niya ang panangay namin at si Kurt naman ang binuhat niya.
Lumapit sya sa akin. "Hello honey.. Do you mis me?" kinabig niya ako ng isa niyang kamay at hinalikan niya ako sa pisngi.
Napapangiting nakatingala sa amin ang anak Kong babae.
"Uy.. Ang dalaga Kong anak marunong nang kiligin. " nakangiting sambit niya sa anak ko sa ibaba.
"Wait lang I have something for you honey.. Wait lang, kukunin ko sa car."
Pagbalik niya ay dala niya ang palumpong ng pulang rosas sa akin. At chocolate naman para sa mga anak ko. Kaya Hindi lang ako ang masaya pati na din ang dalawa Kong anak.
"Salamat po daddy."duet pa nilang sambit.
Napapangiti akong Nakatingin sa kanya habang inaamoy ko ang dala niyang bulaklak.
"Thanks you sa flowers Rence. Nag Abala ka pa."
"No need Kate.. May bayad yan.. Dito ako matutulog ngayong gabi." Nakangiti niyang sambit. At sa mga tingin niyang sa akin tila may kahulugan iyon.
"Serious?"
"Nalock ang bahay ko at wala akong susi kaya mukhang need ko talagang makitulog dito sa bahay mo." wika niyang at nag dahilan pa talaga sya ng ganun.
"Yeehey! Tatabi ako kay Daddy" masayang sambit ni Kurt.
"Ako din po Daddy!"
" okay.. Papayag ako kaso you'll need to sleep early ha? Bawal magpuyat. " pinangunahan na niya ang mga anak ko.
Mukhang naghahanda sya para mamaya.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (154)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Ang ganda.
06/01
0Subrang ganda. Thanks author 🥰🥰🥰
06/11/2025
0hello..
30/10/2025
0Tingnan Lahat