Homepage/A Night with the Knigth/
Husband's training
"Daddy!!"
Maaga pa naririnig ko na ang boses ng mga anak ko sa labas ng aking silid.
Anak ng kwago.. Akala ko sa bahay ni Kate sila natulog bakit narito sila ng ganito kaaga?
Patamad akong bumangon at binuksan ang pinto ng aking silid.
"Daddy!"
Yumakap sila sa hita ko. "Aga nyo yata mga anak. Nasaan ba ang mama nyo?"pupungas pungas Kong tanong sa kanila.
" Wala po daddy.. Nakaalis na po "wika ng panganay ko.
" Okay.. "
Bumalik ako sa kama at padapa akong humiga at pumikit.
Pakiramdam ko kasi kulang pa ako sa tulog. Marami akong tinapos kagabing trabaho at madaling araw na akong Nakatulog.
Nawala ang antok ko sa kakulitan nila.
Si Kurt ginawa akong kabayo habang ako'y nakadapa.
Habang si katelyn ginawang boquet ang ulo ko. Nilagay niya sa buhok ko ang Kanyang mga ipit na may ibat ibat kulay.
Napabangon ako ng higa. Pagtingin ko sa paligid para na itong dinaanan ng matinding delobyo sa dami ng kalat.
"Kids sino may gawa nito? "
"Si Kurt lang po daddy."sagot ng panangay ko nakaupo sa gilid. Hawak ang kanyang manika at sinusuklayan ito.
Mukhang nagsasabi naman sya ng totoo. Si Kurt lang talaga ang makakalat sa kanila. Katumbas yata nito ang ang sampong bata sa kakulitan.
Anak ng pato! Ang alam ko noong bata pa ako. Hindi ako ganito kakalat. Tsk!
" Okay kids let's go outside."
Hinayaan ko iyon kay Manang ,wala akong oras magligpit ng ganung kakalat.
Nakipaglaro ako sa dalawa Kong anak. Ako na rin ang nag alaga sa kanila ngayong araw. Pinaliguan ko sila at sabay sabay kaming kumain. Iba din sa pakiramdam ang ganitong gawain. I spend quality time with them.Ngayon ko lang ito ginawa Siguro kung iisipin na ganito ang gagawin ko araw araw ay di madali.Ngunit alam ng katawan ko how to deal with dahil .Gutso ko.Ngayon pa lang excited na akong maging ama at handa akong gampanan ang tungkulin ko sa kanila.
Pagkakataon ko na ito para magpakitang gilas sa kanilang ina.
Katerena 's pov
Palabas na ako ng hospital ng bumuhos ang malakas na ulan. Nagpatila muna ako sa waiting area.
"Kate parang kanina ka pa dito hindi ka parin nakakauwi? Tanong ni Trish na kakarating lang.
Isa s'ya mga kasamahan ko.
"Oo nga eh.. Ang lakas kasi ng ulan. Kung sa kalsada ako maghihintay ng masasakyan t'yak na mababasa ako ."wika ko.
"Ako nga din. Dito na rin ako maghihintay ng sundo ko. Maya maya lang narito na iyon."wika ni Joy.
"Wow sana all may sundo noh? "anas ni Trish.
" Ingitira ka naman girl... Ito nga so Kate oh.. Sa ilang taon nating magkakasma ni minsan Hindi ko to nakitang may sumundo. Pero Hindi na naiinggit sa akin." palatak ni joy kay Trish.
" At bakit naman ako maiinggit, kaya Kong umuwi mag isa no?"sagot ko.
"ow.. Talaga? Pero.. Sa kabilang banda girl.. Ang sarap kaya ng feeling na may jowa, may nag aalalaga at may sumusundo lalo na kapag ganitong maulan."Saad ni Joy sa akin.
"Kontento na ako sa mga anak ko kaya Di kailangan pa ng isa pang intindihin sa buhay."
"Kate anu ka ba? Kailangan natin ng jowa para humaba ang buhay."pangungumbinsi niya sa akin.
" Kailan pa naging pampa haba ng buhay ang jowa!?"kunot noo kung tanong sa kanya.
" Parang halaman din yan Kate.. . Kailangan ng dilig at mag aalalaga kung hindi malalanta."pilyang sagot ni Trish.
"Kaya pala parang lanta ka ngayon kasi wala si jowa.... Walang magdidilig... ." palatak ko sa kanya.
Ldr kasi sila ng boyfriend niya.
"Mas lalo ka na girl.. Ilang taon na ba?"pang aasar niya sa akin."
" Okay lang.. Di ko na ako naghahanap." pairap Kong sambit.
Sanay na kaming nag aasaran.
Palibhasa ilang taon na rin kaming magkakasma sa hospital.
Madalas ako ang inaasar nila. Mag asawa na daw uli ako para may karamay ako sa pag aalaga sa anak ko.
Lalo pang lumakas ang ulan. At may tubig naipon harapan ng pwesto namin.
Pagdaan ng isang kotse sakto iyong tumilansik iyon sa akin.
"Hoy!! Mag dahan Dahan ka! Nakakaperwisyo ka ng tao!" Sigaw ko sa may-ari ng kotse.
Kaya lang tuloy lang ito sa pag-usad at mabagal na mabagal na takbo.
Sa Inis ko hinabol ko ang kotse at pinukpok ko ng bato ang sasakyan niya.
Ayon napahinto sya at lumabas ng sasakyan. Chenick ang bahagi ng kotse na tinamaan ko.
Inis syang nagmartsa palapit sa akin. ."Anong problima miss bakit mo p*nukpok ang kotse ko?"
"Problima? Tinggnan mo ang itsura
ko!" Matapang Kong sambit sa kanya
Nabasa ba naman ang uniform ko mula t'yan pababa. Malabo ang tubig at puti pa naman damit ko. Kaya asar talaga ako.
Sinukat niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
" Kaya kong bayaran yang lahat na sout mo..pero yong kotse ko.. Alam mo ba kung magkano ang halaga nun?" mayabang niyang sambit.
"Wala akong paki alam sa kotse mo! Ang isyu dito hindi ka nagdadahan dahan kaya ka nkakakaperwisyo?" Sigaw ko sa kanya.
"Babayaran ko yang sout mo pero babayaran mo ang pag pagawa sa kotse ko na niyupi mo."Sambit niya at itinuro pa niya ang natuping bahagi sa akin.
Aray!Napalakas talaga ang pagkapokpok ko noon. Kita kasi iyon at lumobog ng husto.Ito na nga ba ang nangyayari kapag pinairal ang init ng ulo.
" Oo.. Babayaran kita. Pero ngayon din mismo tuyuin at linisin mo ang sout ko gamitan mo ng mahika kung mayroon ka. Kung Hindi mo magawa tapos na ang usapan natin na'to." 'nanggagalaiting sambit ko sa kanya para lang kwets kami.
"Bal*w ka ba? Sa panahon ngayon di na maiiwasan yan, talagang mababasa ka dahil maulan!"
"Kung ikaw kaya ang basain ko na tulad nito tapos tatakbohan kita anu, sayo anong nararamdaman mo? pauuwiin mo ako sa bahay na ganito ang itsura ko.At hindi ko alam kong saan nanggaling ang tubig na bumasa sa akin..mabuti sana kong malinis!
Nahampas niya ang ng palad ang kotse niya.
"Then do it! basain mo ako. Tapos ipagawa mo ang kotse ko! "sigaw niya sa akin at hinahamon ako.
" Lintik ka!! Wag mo akong sigawan dem*nyo ka! Anu ako Tanga! hindi ako papayag sa kabaliwan mo!" singhal ko sa mukha niya.
" Kate. 'tama na halika na." Saway ni joy.
Umiinit na kasi ang away namin.
" Wag mo rin akong sinisigawan dahil pumapatol ako sa babae."mas mataas ang boses ng lalaki sa akin."
Mukhang mahal na mahal niya yata talaga ang kotse niya.
"Pwes di kita uurungan.!
Kate Halika na!"
Sorry sya dahil mahal ko din ang buhay ko. Kaya kahit duwag ako ay nagtapang tapangan na ako.
Kailangan Kong panindigan ito. Dahil alam Kong tama ako.. Bahala na..
Kahit alam kung mukhang di papatalo ang lalaking kaharap ko.
"Babe tama na halika ka na.. "Sambit ng maganda niyang girlfriend niya. Bumaba na din ito sa kotse. Palibhasa natagalan na kami sa pagsagutan ng mayabang na lalaking ito.
" No.. Babe.. Go back to the car. Tuturuan ko ng liksyon tong punyet* na to." tiim bagang na sambit ng lalaki.
Ngayon lang ako nakakitang ganitong lalaki na pumapatol sa babae. Bakla yata ito. Namumula talaga ang mukha n'ya.
Sa puntong iyon lumayo na sa akin si Joy at si Trish. Natakot na yata silang madamay sa away namin ng lalaki.
Mag isa na lang akong Nakatayo sa gitna kasama ng lalaking iyon. Hindi ko na inalintana kung mababasa ako ng ulan.
Pareho kaming Nasa ulanan ng lalaki. Kahit pareho kaming basa parehong mainit ang ulo namin.
Naramdaman ko na may payong na tumakip sa ulo ko.
Ng tumingala ako si Laurence ito.
Napayakap ako at umiyak sa dibdib niya.
Actually kanina pa ako naghihintay na may makikisimpatya sa akin.
Gusto ko ng kakampi ng sandaling iyon kaya. Wala kasing nais tumulong sa akin . Kahit nariyan pa ang mga kasamahan ko at ako ang agrabyado sa pangyayari.
Isinout niya ang jacket nya sa akin.
"Anong problima boss?" Ani niya sa mayabang na tipaklong na'to.
"Yang kasama mo. Pinukp*k ang kotse ko. Ang nais ko bayaran niya iyon!" demanding na sambit lalaki.
"Magkano ba?"
"100 thousand!"
"Akin na ang bank acoount mo. Ako na ang magbabayad."sambit ni Laurence.
" Laurence wag na, dahil sya ang may kasalanan" Pigil ko sa kanya.
"Hayaan mo Kate para matapos na ito!"sambit niya.
" Maari ko bang malaman ang pangalan mo.?"wika ng lalaki matapos nitong maibigay kay Laurence ang Bank account niya.
" Babayaran kita. Kaya lang hindi ko binibigay ang pangalan ko lalo na sa mga walang kwentang tao na katulad mo." kalma lang himig n'ya ngunit naroon ang tapang nito.
"Kailangan Kong malaman. Mahirap na baka takasan nyo ako" siguristang sambit ng lalaki.
"Wag kang mag alala.. Tanda ko ang mukha mo. Gusto mo ako pa mismo mag hahanap sayo?"
Naka relax na sambit niya ngunit tila may ibang pakahulugan at dating iyon. He looked directly to the man eyes.
" Aah.. Sige.. Boss!.. Tuloy na ako. "wika ng lalaki. Mukhang nawala ang tapang niya kanina ng makaharap si Laurence.
Tila nag mamadali itong naglakad pabalik sa kotse niya.
" Okay ka lang ba? "tanong niya sa akin habang sinusuri ang mukha ko.
Tango lang ang sinagot ko sa kanya. Tumingin sya pababa sa sout ko.
" Basang basa ka! Nag aalala niyang sambit sa akin.
Lumingon muli sya sa kotse na nakaalitan ko. Kaya lang paalis na ito."Gusto mo bang bumawi sa kanya pagbibigyan kita.
" Wag na Laurence.. Hayaan mo sya" wika ko.
Saka ko sya tininggan sa mata.. Babayaran mo ba talaga ang bwes*t na iyon? "
" Hindi. Sa ginawa niya sayo baka nga padaanan ko pa sa pison ang kotse niya. " anito at tinapon ang Bank account ng lalaki sa basurahan.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (154)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Ang ganda.
06/01
0Subrang ganda. Thanks author 🥰🥰🥰
06/11/2025
0hello..
30/10/2025
0Tingnan Lahat