logo text

Building a relationship

Ngayon lang ako nakapag day off na walang na walang umiistorbo sa akin. Tahimik kasi ang dalawa Kong anak sa bahay ni Laurence.
Ilang oras na sila doon at hindi pa naiisipang umuwi sa bahay namin. Parang it feels like something new . Hindi ako sanay.
Mas sanay ako na ginugulo ni Kurt habang nagpapahinga. Parang hinahanap ko 'yun ngayon.
Sobrang Tahimik kasi ng bahay namin.
Mukhang nawili sila sa bahay ng kanilang ama. Nais ko man silang silipin kaya lang nag aalangan akong gawin iyon.
Magdidilim na wala pa sila hindi na ako nakatiis.
"Ate Korina pakisundo na nga ang dalawa Kong anak sa kabilang bahay." pakiusap ko sa kanya.
" Hmn.. bakit ako? Ikaw na kaya.. "balik utos niya sa'kin.
" Ate please.. ikaw na... Ayaw Kong makita ang pagmumukha ng Laurence na 'yon." nagsusumamo na boses ko sa kanya.
Naasar kasi ako sa tuwing nakikita ko ang mukha ng lalaking iyon.
Pakiramdam ko , simula ngayon magiging kaagaw ko na sya sa mga anak ko.
" Ikaw na para naman makapag-usap kayo ng maayos ni sir Laurence. "giit niya.
Alam ko naman na yon ang nais niya lumapit ako doon sa emp*ktong pakialamero na' yon.
Ewan ko ba sa ate ako... Tuwang-tuwa sya kapag magkalapit kami ni Laurence.
Habang ako sumisikip ang dibdib ko kapag nariyan sya sa paligid ko.
Humugot, ako ng malalim na hininga at
Humingi ako ng sign sa itaas.
Kapag nagkusa sya na isauli ang mga anak ko ngayong gabi, He truly respect me at Malinis ang intension niya sa amin, Ngunit kapag Hindi niya isinauli ang mga anak ko ngayong gabi, Garapal talaga ang ugali niya at bukas na bukas din maglalaho kami sa paningin niya ,bago pa niya makuha ng tuluyan sa akin ang mga anak ko.
Mag aalas syete na wala pa sila. Kinakabahan na ako. Nagsisismula ng manginig ang laman ko sa ngitnit ko sa kanya. Nag iisip na ako kung saan kami pupunta para lumayo ng Tuluyan sa kanya.
Pumasok ako sa silid namin at naisipan Kong ayusin muna iyon habang naghihintay sa pag uwi ng dalawa Kong anak. Umaasa ako na magkukusa syang isauli ang mga anak ko sa loob ng oras na binigay ko.
Nag salubong ang mga kilay ko ng paglabas sa pintuan ng kwarto ay sya ang nabungaran ko .
Hindi ko alam kung paano sya nakapasok sa loob ng bahay namin. Alam ko kasi isinara ko ang pintuan bago ako pumasok sa silid.
"Anong ginagawa mo dito at Nasaan na yong dalawa? Bakit mag isa ka lang?" sunod sunod Kong tanong sa kanya.
"Tulog na sila kanina pa. Nakatulog sila sa silid ko." kaswal na sagot niya sa akin.
"Bakit hinayaan mo?Hindi ka pa ba kontento na kasama mo sila maghapon? Nagawa mo pa silang patulugin doon?" Inis Kong turan sa kanya.
"Nais daw nilang matulog sa malambot Kong kama at malamig na kwarto, kaya pag Bigyan mo na."wika niya.
"Sana, tinanong mo muna ako kung papayag ako na matulog sila doon.?"
"Kate.. Anu ka ba?.. There's nothing wrong with that. Besides.. Bahay na rin nila yon.. Kaya hayaan mo na." wika n'ya.Nagdesisyon na naman syang mag-isa.Ginamit na naman n'ya ang pagiging ama n'ya sa mga anak ko para magawa ang nais n'ya.
" Bahay nila..? Tapos ano.. Kukunin mo sila sa akin, tapos Ilalayo mo sila sa ganun ba ang plano mo? "pasigaw Kong sambit sa kanya.
Napailing sya sa tinuran ko." Wala akong balak na ganun Kate...?" tanggi niya.
" Kung ganun ibalik mo sila dito! "giit ko.
" Kate naman.. Igalang mo naman ang pag tulog nila. Ang Sarap na higa nila doon." malumanay nyang sambit sa akin.
" Wala akong paki alam.. Basta ibalik mo sila dito. Dito sila matutulog sa bahay ko.. Kuha mo?"
" Kate naman... Hindi mo ba talaga mapagbibigyan ang mga bata..? Kung natapakan ko man ang pride mo dahil sa bahay ko natulog ang dalawa.. Maari bang isantabi mo muna iyon? besides, It's not about me...or It's not about you... Maawa ka naman sa dalawang batang natutulog."
" So ngayon, ako ang kinukonsenya mo? Ganun ba? Well infact ikaw naman talaga ang may kasalanan. Hindi porket ama ka nila may karapatan ka ng kung ano ang nais mo para sa mga anak ko."
"Hindi mo ba talaga ako maaring pagbigyan? Kahit para sa mga bata lang?" pagpipilit niya.
"Hindi!"
Alam ko naman ang ibig nyang puntuhin kaya kaya lang ayaw ko syang pagbigyan dahil baka mamihasa sya.
Bumalatay sa mukha niya ang pagkadismaya at saka muling bumaling ang tingin niyan sa akin.
"Bakit ba galit na galit ka sa akin.. Kanina pa nakataas ang boses mo?"
" Paanong akong hindi magagalit sayo.. Bastos ka! Mayabang at Arogante !akala mo lahat ng tao mapapasunod mo? Hindi porket mayaman ka kaya mo na akong diktahan Laurence!"gigil kong wika sa kanya. at halos ipagdiinan ko sa mukha niya ang masama niyang ugali.
Habang sya naman ay nakarelax lang at Hindi man lang apektado sa mga masamang sinabi ko sa kanya.
Parang pinapalabas niya lang sa kabila niyang taenga ang mga sinasabi ko.
"Okay.. Ano bang gagawin ko para mawala ang galit mo sa akin.?"
" Wala.. Dahil kahit anong gawin mo hindi na magbabago pa ang tingin ko sayo! Ngayon, Kung talagang hindi ka nanadya sa akin... Ibabalik mo ora mismo ang mga anak ko."giit ko sa kanya.
Napatingin sa sahig habang kinakamot ng hinalalaki niyang daliri ang dulo ng Kanyang kilay. Bago muling nag salita.
" kate.. Kung ako lang, kaya ko... Anu ba naman yong dahil ko sila dito madali lang iyon.. Kaya lang....---
"Kaya lang anu dami mong dahilan...! anas ko sa kanya." Madalas mo silang gamitin para di kita mapilit.. P'wes ngayon.din. Ibalik mo sila dito! "pa sigaw Kong sambit sa kanya sa sobra Kong gigil.
" Okay..okay.. Ibabalik ko sila dito." wika niya at
Lumabas sya ng bahay.
Ilang saglit lang ay umuwi bumalik na sya. Karga niya ni Kurt na tulog. Binalot niya ito ng kumot para Di mahamogan.
Naawa man ako sa anak ko ay.. Tiniis ko na lang. Parang Di kaya ng dibdib ko na matulog sya sa bahay ng ama nila. Natatakot ako na baka pag gising ko bukas ay itakas ng hudas niyang ama.
Inilapag niya ito sa kama naming mag-iina.
Saka walang kibong Muling lumabas ng bahay at pagbalik si Katelyn naman ang karga niya.
"Makakaalis ka na! "pagtataboy ko sa kanya. Matapos niya itong maihiga sa tabi ni Kurt.
Naupo sya sa tabi ng mga anak ko. Marahan itong hinalikan sa noo." Good night mga anak. "anito saka muling bumaling sa akin.
" Sige Kate.. Uuwi na ako. Balang araw magbabago din ang tingin mo sa akin."wika niya.
" Asa ka pa Laurence.. Ngayon pa ba na nakita ko na kung gaano kaitim ang budhi.. Kung maari nga lang na Ibalik ang panahon.. Pinagsisihan ko na ikaw ang naging ama ng mga anak ko "
Napangisi sya sa tinuran ko.
" So..malamang kung Hindi ako ang ama ng anak mo.. Kawawa naman si Katelyn... Magiging ama niya yong sangganong nagtangka sayong dumukot.. Mas gusto mo ba yon Kate?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Bakit ko ba iyon Nasabi?oo nga pala sya ang nag save sa akin. Mula sa kup*l na iyon.
Tumayo sya at tumingin ng deretso sa mga mata ko. "Look Kate.. Naalala mo pa.. Ng una tayong magkita. Ng una tayong magkasama. I was your saviour . Mula noon may mangyari sa atin , hindi ka na mawala sa isip ko. Hinanap kita kung saan-saan at umasa na magkikita tayong muli balang araw .Noong makita kita sa mall bigla ka na lang nawala.Hinanap uli kita kaya lang di kita makita. Hindi ako noon nwalan ng pag-asa dahil nararamdaman ko na malapit ka lang.
Npakalapit lang pala talaga natin dahil sa mansion ka lang namin nakatira.Kaya lang kapiling ka naman ng kapatid Ko.
Kaya nalungkot ako at iniisip ko noon na may anak kayo. Pero di ako nawalan ng pag-asa dahil di pa kayo kasal at naruto Ko na anak ko si Katelyn.Tama nga ang hinala ko kaya lang nagsinungaling ka sa akin.
bakit Kate?
"Dahil babero ka!"
"Yes! I admit it.pero dati iyon because the moment I'm with you nagbago na ako.
Hanggang ngayon di Ko alam kung anu relasyon na mayroon kayo.Sabihin mo anu ba talaga kayong dalawa?"seryuso niyang sambit sa akin.
"Kailangan ko ba talagang sagutin pa iyon? matagal na kaming di nagkikita ng kapatid mo"
"Oo.I need to know!"
"Wala kami ng kami kapatid mo , Kung ano ang nakikita mo sa amin 'yun lang yon.
"Kung sinabi mo lang lahat sa akin di tayo aabot sa ganun Kate.I like you.Mahal kita."
Napangisi ako sa tinuran n'ya."Mahal?kung mahal mo ako di mo ako sasaktan.Ininsulto mo ang pagkatao ko Laurence.Pinamukha mo sa akin na mababa ako ganun ka ba magmahal?
Lumamlam ang mata n'ya sa akin at bumagsak ang tuhod n'ya sa sahig."I'm sorry..paulit-ulit kong hihingiin yon sayo hanggang sa mapatawad mo ako.
"Mahal kita.kayo ng mga anak natin.I I want us to be a Family." wika pa n'ya.
"I'm sorry.hindi iyon madaling kalimutan. Lumabas ka hindi pa ako handang patawarin ka."
Dahan dahan siyang tumayo at maharan n'ya akong hinawakan sa balikat.."Sige..lalabas na ako.Good night.",Anito .Saka s'ya lumabas ng pinto.

Komento sa Aklat (154)

  • avatar
    Mila Sulit

    Ang ganda.

    06/01

      0
  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Subrang ganda. Thanks author 🥰🥰🥰

    06/11/2025

      0
  • avatar
    CastañasLester

    hello..

    30/10/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata