Started Over agin

Nakatulog sa sasakyan ang dalawang bata matapos ang Nakakapagod nilang pamamasyal kanina.
"Anak gising na, narito tayo sa bahay." marahang sambit ni Katerena sa panganay.
"No, Kate.. Hayaan mo na s'ya.. Bubuhatin ko na lang s'ya okay?" Saway pa ng lalaki.
bumaba ito ng sasakyan at tinungo ang backset, maingat na binuhat ang panganay.
Tig isa silang karga papasok sa bahay, Kay Laurence si katelyn dahil mas mabigat ito kumpara sa bunso.
Dahan-, dahan nilang inilapag ang mga ito sa kama.
" Sige na Laurence umuwi ka na sa bahay mo." pagtataboy niya rito. Baka kasi humirit pa ito ng tabi sa kama.
Nakatingin ito sa mga batang kakalapag lamang nila.
" Oo, tutuloy na ako.. Salamat nga pala sa pag papaunlak mo sa akin kanina."
Itinulak niya ito papalabas ng kanilang silid. Dahil ngayon niya feel maningil sa kapangahasan nito kanina.
Nagpatianod naman ang lalaki sa kanya. Papunta sa sala.
"Kapal ng mukha mo....! FYI,
Hindi kita pina unlakan... Bigla ka na lamang sumulpot sa kung saan tapos, ginamit mo ang mga anak ko para di ako makapalag..Ayos ka rin no? Magaling.., Maganda ang ginawa mo."nanggigil niyang sambit sa lalaki.
" Kate naman.. Akala ko okay na tayo.. " malumanay na sagot nito.
" Yon ang akala mo. Akala mo ba ganun lang yon kadali sa akin? Oo nakuha mo ang loob ng mga anak ko.. Pero ako hindi. Ito lang ang sasabihin ko sayong pakialamero ka.... Maari bang sa susunod wag kang umasta na napakabuti mong ama!"singhal n'ya sa magmumukha nito. Para kontrahin ang pagbabait baitan nito sa mga anak n'ya.

" Kate, mabuti sana akong ama kung binigyan mo akong pagkakataon.. Kaya lang hindi eh. Niligaw mo ako sa katotohanan nilayo mo sa akin ang mga anak natin. Tapos ano ito, pinagmumukha mo akong masama ngayon?"
Lumalaban ng tingin mata nito sa kanya. Batid niya ang pinupunto nito at guilty sya roon.
Ngunit ang at Nasa isip niya ang huli nilang pagkikita bago sya Muling nabuntis.
Mas timiim ang titig niya dito.
"So anu, Kasalanan ko, kasalanan ko ba na nabuntis mo ako? Kasalanan ko ba na pinili Kong isilang ang mga anak ko buhayin silang mag isa kahit waka ka? Kasalanan ko ba na makitid ang utak mo at masama ang tingin mo sa akin? Kaya inapak-apakan at Ininsulto mo ang pagkatao ko?"wika habang nakakuyom ang kamao.
Lumamlam ang mata nito habang Nakatingin ng deretso sa kanya.
" Pareho nating ginusto ang nangyari Kate.. Ang Hindi ko lang maintindihan nilayo mo sa akin ang anak ko. Willing naman akong panagutan kayo at maging ama sa kanila. Kaya lang inalisan mo ako karapatan."
"Dahil masama kang tao! "
" Masama ang tingin natin sa isa't isa, dahil Hindi lang tayo nagkaintindihan sa una.
Ngunit Hindi pa huli ang lahat.. Ayusin natin
ito "pagsusumamo ng lalaki.
" Umalis ka na Laurence.. Dahil kanina pa ako umay sa pagmukha mo. "Ana's niya. Wala syang balak makipag ayos dito.
" Kate please...alam Kong may galit ka pa rin sa akin.. Bigyan mo sana ako ng pagkakataon na patunayan ko ang sarili ko sayo at sa mga anak natin."
" Laurence kahit kailan hindi ko makakakalimutan ang ginawa mo sa akin." Madiin niyang sambit dito.
"Patawarin mo ako Kate.. Hindi ako susuko hanggang sa makuha ko ang kapatawaran mo. Lahat gagawin ko mapatawad mo lang ako.
Alam ng Diyos kung gaano ko gustong maging mabuting ama sa mga anak mo. At kung suswertehin pa maging asawa mo sana Kate..."
Humina ng boses nitong ng sinambit ang huling pangungusap.
" Wag kang magdrama dayan Hindi bagay
sayo! "Inis na turan niya at
Itinulak niya ito pa palabas sa pintuan saka ito mabilis na isinara.
Ang kulit!
Nakahinga sya ng maluwag ng Hindi na ito maramdaman sa labas ng bahay nila.
Kinabukasan
" Mama si Daddy po.? "tanong ng kanyang panganay. Huling natatandaan kasi nito magkakasma sila kahapon.
Umuwi na sa bahay nila anak.
" Mama.. Maari po ba akong pumunta sa bahay nya?
" No baby.. Dito na lang kayo sa bahay okay?"
" Bakit po mama. Hindi po ba daddy namin sya dapat po family tayo. Dapat isang house lang tirahan natin."
"Anak.. Maraming ka pang hindi naiitindihan.. Hindi mo pa mauunawaan yon sa ngayon. Balang araw ipapaliwanag ko sayo. Kung bakit . Ito lang sasabihin ko sayo ha.. Listen to me. Hindi kami mag asawa ng dad mo. Kaya Hindi magkasama sa isang bahay"
" Mama bakit po ganun..? Malungkot ang tono nito at parang iiyak.
"Sorry anak kahit kasi ipa liwanag ko sayo Hindi mo maintidihan eh." Niyakap na lamang niya ito. At hinaplos ang likod.
" Oy..gising na pala ang bunso ko, saan ka pupunta?!" Malambing n'yang tanong sa anak.
Kakababa lang nito sa kama ng tunguhin nito ang pintuan Palabas.
Nakatingin agad ito sa bahay ng ama." Mama pupunta po ako doon kay Dadddy.
Napatayo ang panganay niya." ako din po Mama. Sasama po ako Kurt."
"Okay.. Bahala kayo.. At wag kayong makulit doon ha? "
" Opo"
AGAD NA binuksan ni Aling Mercedes ang pinto
Ng makita ang mga bata sa Gate. Ipinagbilin kasi ng amo na hayaan ang dalawang bata pumasok sa bahay niya. .
"Sayang naman wala dito ang Dad nyo. Umalis sya." anang matanda.
"Saan po sya nagpunta?"
"May mahalaga syang pinuntahan. Hindi ko alam kung anung oras at kailan sya babalik. Pero sabi niya asikasohin ko daw kayong dalawa kapag narito kayo sa bahay niya." Natutuwang Saad nito.
Nakita niyang nalungkot ang mukha ng mga bata.
Uuwi na lang po kami sa bahay." walang siglang wika ni katelyn.
**
" Mr.. Arevalo na recover na po namin ang mga bangkay Dalawang nawawala sa sa gusaling pag aari nyo." wika ni SPO2 Macaraeg.
"Mabuti naman po kung ganun ang abogado ko na lang po ang bahalang makipag usap sa pamilya nila.
Sasagutin po kompanya lahat ng gastos at papapalibing sa kanila"
"Mabuti kung ganun.. Pano hindi na kami magtatagal."
"Sige po.. Sir anito at nagsaluduhan pa bago naghiwalay."
Pagkagaling niya sa mga pulis ay dumeretso sya sa Resort para kausapin ang mga tauhan
Niya para sa pagpapa renovate ng kanilang resort nasunog.
Marami syang nakatinggang Gawain dahil nahinto ito ng dalawang araw syang nawala. Pinagtuuan niya kasi ng pansin ang mag inang matagal niyang Hindi nakasama.
Kung tutuusin nga kulang pa ang araw na iyon. Ngunit sa ngayon kailangan niyang unahin ang trabaho, babawi saka na lamang sya Muling pag balik niya.
Sinigurado n'ya din na wala itong kawala
Sa kanya kahit pa walang sya sa tabi ng mga ito. May mga tao s'yang Iniwan para magbantay sa kanila. Para mayroon s'yang babalikan oras na matapos ang mga mga trabaho n'ya.
Dalawang buwan din syang mag e-estay sa training center bilang staff batallion officer para itrained ang hawak niyang mga sundalo.
**
"Mama.. Bakit po wala si Daddy?" tanong na naman ng Kanyang mga anak. Ilang linggo na kasi nila itong hindi nakikita.
"Anak narito naman ako.. Bakit n'yo ba sya hinahanap?"
"Dahil Namimis po namin sya."
"Mga anak wag nyo na syang hanapin pa dahil busy sya. Marami syang ginagawa.."paliwanag niya.
Ang totoo pabor din naman sa kanya na wala ang lalaking iyon. Kung maari nga lang ay wag na talaga itong mag pakita sa kanila para Tahimik ang buhay nilang mag ina.
Wala syang balita dito kung saan ito nagpunta kung anu ang ginagawa wala naman kasi silang kumunikasyon at wala syang paki alam sa taong ito kung saan lupalop ito nagsosout.
Kaya lamang sya ang pinipindiho ng mga anak niya. Araw araw na yata sya nitong tinatanong.
Kung kailan babalik ang ama nila.
"Mga anak.. Hindi ba sinabi ko na sainyo na wala sya.Hindi ko alam dahil wala kaming kumunikasyon ng ama nyo. Sabi ko naman sainyo 'wag n' yo na syang hanapin."Giit niya sa mga makukulit na bata.
"Bakit po?"
"Dahil baka wala na ang tatay nyo."
"Saan na po sya.? "
" Naku anak baka kinain na sya ng pating sa dagat kaya di sya nagpapakita sa sainyo."
"Amh.. Hindi po maari wala kaming daddy.. Kawawa naman sya.." Naiiyak ng sambit ng bunso.
"Hayaan n'yo na sanay na man tayo na wala s'ya Diba? Hayaan nyo kapag Nakawala yon sa t'yan na pating magpapakita yon sainyo." pagpapalubag Loob niya sa anak.
Dahil sa sobrang nakukulitan na sya sa mga ito kaya nakasambit sya ng Hindi magandang salita, Na ikinaiyak nito.
Palibhasa enosinte pa kaya paniwalang paniwala sa kanya na kinain ang ama ng pating.
" Kailan kaya mama kaya sya makakawala sa t'yan ng pating?" Naiiyak pa rin na tanong ng bunso. Awang awa ito sa sinapit ng ama.
"kanina lang anak... Mabuti natalo ko ang pating sa dagat." Sambit ng lalaking bagong dating
Napalingon ang dalawang bata pinangalingan ng boses.
"DADDY....!! tumakbo ito sa kinarorooan ng ama.
Napaluhod ang lalaki para mapantayan ang taas ng anak. "Namis nyo ba ako?"
" Opo.. "sabik na sagot ng dalawa. Mangiyak ngiyak pa itong yumakap sa ama.
Boung pagmamahal na ikinulong ng ama ang dalawa nyang anak sa kanyang mga braso at salitan niya itong hinalikan sa nguso.
" Sorry, mga anak.. Busy si Daddy ng ilang araw kaya ngayon ko lang kayo napuntahan."
" Ang tagal nyo po kayang nawala!" patampong wika ng panganay.
"Matagal ba? Sorry naman. Pero ngayon babawi ako magbobonding tayo okay ba? Saan nyo ba nais pumunta?"
" Wala po daddy.. Gusto lang namin sa house nyo."Ang panganay na ang sumagot.
" Okay, kung ganun Tara na sa bahay. "
Kumapit sa leeg niya ang batang lalaki habang ang batang babae naman sumakay sa likuran niya. Dahan Dahan syang tumayo at humakbang.
" Ows.. Hindi naman kayo mabigat na dalawa ah?" Natatawa niyang sambit sa dalawang parang kuhol na Nakakapit sa kanya." Namis n'yo talaga ako ha?"
"Opo daddy."
Huminto sya sa tapat ng dalaga. "Eh.. Ang mama nyo kaya namis din ako?"
"Hindi kahit kailan!" sikmat niya dito.
"Ah, pala pinakain mo na ako sa pating ha?" pero wag kayong mag alala mga anak Hindi ako makakain ng pating. Dahil sa magaling akong lumangoy. Hindi sila oobra sa akin kahit isda pa sila mabilis ko silang matatakasan. "pagmamayabang niya.
"Talaga po daddy magaling kang magswim?"
"Totoo anak Hindi lang swim.. Kahit pag sisid pa Diba Kate?" wika niyang nakangisi at sinamahan pa ng pilyong tingin na ikinairap ng dalaga.
Kita niyang namumula ang mukha nito.
Marahil ibang sisid ang naalala nito.

Komento sa Aklat (154)

  • avatar
    Mila Sulit

    Ang ganda.

    06/01

      0
  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Subrang ganda. Thanks author 🥰🥰🥰

    06/11

      0
  • avatar
    CastañasLester

    hello..

    30/10

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata