"Laurence... Bumaba ka ng sasakyan maari ba?" anas niya." Hindi kami magpapahatid sayo!" Mariing pagtanggi n'ya dito. Tinanggal ng lalaki ang sout na scarft at salamin. Para saan pa ang pagdidisguise niya eh na kilala na siya ng dalaga. Humarap sya dito. "Ikaw naman Kate.. Magiging chossy ka pa ba sa driver mo, bukod sa gwapo na magaling pa magmaniho." Wika nito na sinabayan ng simpling ngisi na may pangingindat. Lalong naasar ang dalaga sa inaasta nito. Kung Hindi lang masamang magmura sa harap ng mga bata ginawa na niya. " Kailan ka pa naging driver Laurence? Hindi mo ito sasakyan kaya bumaba ka dito. .. Hindi ikaw ang gusto Kong maghatid sa amin. At maari ba, gawin mo na lang kung anong trabaho mo at hayaan mo na kaming mag inang umalis dito." halos sigawan n'ya ito sa mukha. "That's what I'm doing Kate.. A father's duty. I'll want make sure na safe ang mag iina ko.. Kaya Tara na.. Wag ka ng mag inarte.. Saan ba kayo pupunta?" Napabuntong hininga na lamang ang dalaga. Alam niyang Hindi na naman ito titigil at patuloy syang kukulitin. " Mama Di pa po ba tayo aalis? "tanong ng bunsong anak. " Kurt.. Wait lang.. Hinihintay pa natin ang totoong driver nito.. Mayroon kasi d'yan na ----- Hindi na natuloy pa ang sasabihin niya ng sumingit ang lalaking mag salita. "-----Ahm..Kurt.. Saan nyo ba nais pumunta? dadalhin ko kayo doon kapatid mo... Gusto nyong mamasyal sa mall? pupunta tayo at Bibilhan ko kayo ng maraming mga laruan at kakain tayo sa jollebe. what else..? Anu pang nais nyo.? "pang eengganyo niya sa dalawa. " Uncle.. Paano po tayo pupunta doon sabi po ni mama lilipat na kami ng bahay.." malungkot na sambit ni katelyn.. " Maari naman yon.. Pwedi tayong mamasyal bago tayo tumuloy sa lilipatan nyo." "talaga po?" nagkasabay pa ang dalawang bata. "Anong bang pinagsasabi mo sa mga anak ko? .."Saway niya dito, saka binalingan ang mga bata. " Mga anak.. Wag kayong makinig sa kanya.. Pinapaasa niya lang kayo. Hindi totoo ang sinasabi niya." paninira niya dito. " Mama sige na po pumayag ka na.. Gusto ko pong mamasyal sa mall at kumain ng checkin sa Jollebe. "malambing na paki usap ang kanyang bunso.. " No baby, listen to me 'Okay? Hinawakan pa niya ang mukha ng bunso para makinig ito sa kanya. "Wag na wag.. Kayo---- "----Kate.. Sige na pag Bigyan mo na ang mga bata okay..? Agaw uli ng lalaki. " Laurence ano ba umalis ka nga dito.. Sabat ka ngang Sabat eh..! "singhal niya sa sa mukha nito. Napipika na talaga sya pangingi-alam nito. Natahimik ito at ng Nginitian ang dalawang bata kinindatan ito ng pasimpli. " Mama sige na po please.. Huwag na po tayong umalis dito. Gusto ko po ditong sa bahay natin.. Kawawa naman po ang House natin.. Wala ng titira tapos si Tita Korina masa-sad po sya. "nakangusong sambit ng panganay niya. Lihim itong na ikinangiti ni Laurence. Pakiramdam nya. Kakampi niya ang mga anak niya. " Mama sige na po" "Mama please.." Nakukuliglig na siya sa mkukulit na dalawang bata .kung ito lang sana kaya niyang pasunusurin kaya lang kung kakampihan pa ito ng mas makulit na lalaking nagkunwari pang driver nila, hindi niya alam ang gagawin. "Okay.. Baba muna tayo ng sasakyan okay? " Sumunod sa kanya ang dalawang bata. Saka lumapit ang kapatid na si Korina sa kanila. "Ano Kate, di na ba kayo tutuloy?" tanong nito. Ang totoo nalulungkot din ito sa pag alis ng kapatid. Kung sya nga lang ang masusunod ay nais niya rin itong naroon lalot napalapit ito sa kanya. Napamahal na din kasi sa kanya ang mga pamangkin. "Pano naman kami tutuloy ate.. Eh.. Nariyan na naman ang bakulaw na yan.. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit naisipan pa nyang mag hatid sa amin." nababanas niyang sambit. sabay tinapunan ng masamang tingin ang lalaking Nasa sasakyan pa rin nakaupo. Tumakbo ang mga anak niya palapit doon. waring nangungulit. " Kate.. Hindi mo na talaga yan mapipigilan. Balikbatarin man natin ang mundo mag aama sila. Hayaan mo na si sir Rence.. Baka nais nya lang mapalapit sa mga anak niya." "Ayaw ko nga atee.." "Kung ayaw mo bahala ka.. Gawan mo ng paraan kung paano mo sya matatakasan pero sa tingin.. Magiging mas makulit pa yan ngayon. Lalo na sa oh.. Parang na papalapit na ang mga bata sa kanya. Lalo na si Kurt." Tinggnan mo.. Parang wala lang ang nangyari kahit pa nasigawan pa s'ya ng ama kahapon. "wika ng Kanyang ate. Ilang saglit pa bumaba ng sasakyan ang lalaki nakahawak kabilaang braso nito ang dalawa niyang anak. " Uncle, Di pa po ba tayo aalis? " " Aalis tayo kung papayag ang mama n'yo. S'ya pa rin kasi ang masusunod sa 'atin, okay.? "paliwanag nito sa mga bata. Tinungo nila ang gate papasok sa bahay nito. Sumama ang dalawang bata pagpasok sa loob ng bakuran. Sa kotse ito dumeretso. Nakita niyang inilabas nito ang sasakyan at huminto sa tapat nila. " Mama.. Tara na po. Aalis na tayo.. Gusto ko pong mamasyal." matinis na sambit ng dalawa niyang anak. Minaya maya na siya nitong kinulit. Pano ba nalang reading ready na ang lalaking paki alamero. "Sige na Kate, pag Bigyan mo na ang mga bata.. " Wika ng ate niya. Napilitan syang sumakay ng kotse. "Yeheey!!" "Mamasyal kami.. Salamat po mama!" " Kay mama nyo lang ba kayo mag ta-thank you? " " Syempre sainyo din po Uncle Rence." Natutuwa siya sa sinambit ng dalawang bata. "Wait lang ha.. Simula ngayon.. Ayaw ko ng tinatawag nyo akong Uncle." Naningkit ang mata nya sa sinabi lalaki. Ano na naman kaya ang binabalak nito? "Bakit po.. Ano pong itatawag namin sainyo? Tanong ng panganay niya. " Call me Daddy or papa.. Ayos ba yon? " " Laurence? "lalong Naningkit ang mata niya. Talaga namang walang preno ang bibig nito. ata't ba a'tat magsabi sa mga anak niya. Sukat ba namang pangunahan pa sya. Kaya lalong kumulo ang dugo niya. " Alam mo ikaw kasarap mong sampigahin!! Paki alamero..! Kanina pa ako nagtitimpi sayo..Napawalang hi.. ------ " ----- oops Kate... Relax.. Don't say bad words.. Kids are watching us.. "nakangsi pang saway nito sa kanya. " Bakit po Daddy itatawag namin sayo, Uncle?" Curious na tanong ng bata. " Dahil ako.---- "Laurence ganyan ka ba talaga kawalanghiya?! Kapal ng mukha mo magsabi ng kung anu-anu sa mga anak ko! Nagsisisi talaga ako kung bakit ako narito sa sasakyan mo?" Nag simula na namang umakyat ang dugo niya sa ulo. Dahil sa katabilan nito. " Kate... Wag ka ng magalit malalaman at malalaman din naman nila na ako ang totoong papa nila.!" walang pakundangang sambit nito. Sa puntong parang nais niyang hilahin ang dila nito dahil sa kadaldalan. "Totoo po uncle kayo po daddy namin.?" tanong ng nakakaintindi ng si Katelyn. Hinarap nito ang mga niya na Nasa unahan nakaupo. ." Totoo mga anak.. Ako ang Daddy nyo." Tuluyan pagtatapat nito. Pano nga ba niya kokontrahin ang sinasabi nito gayong kumikislap ang mata ang mga anak niya ng marinig ang pagkompirma ng kanilang ama. Matagal na rin itong naghahanap sa kanilang tatay. Ang totoo Di niya alam kung anu ang sasabihin sa mga ito every time na tinatanong sya about sa ama. "Daddy...." saway na wika ng dalawa. At nag unahan pa itong yumakap sa ama. " Mga anak ko.." magkasabay niya itong niyakap ng mahigpit. At hinaplos ang likod ng dalawa. Salitan pang hinalikan nito ang bumbunan ng dalawang bata. " Love you po Daddy."Sambit ng Kanyang panganay. Nakasubsub ito sa kanyang dibdib. " I love you more sweety.. " Dinampian ng halik sa nguso ang Kanyang Prensisa na matagal niyang Hindi nakasama. Sunod naman nitong hinalikan sa nguso ang anak na lalaki. "I love you son. Love na love ka ni daddy.. Hayaan nyo simula ngayon palagi ng akong narito sainyo."masuyong sambit nito. " Talaga po Daddy?" Di makapaniwalang sambit ng panganay. Naluluha luha pa ang mata nito at gumaralgal ang boses nito. " Yes my princess. Promise ko 'yan sainyo. " Lalo itong naiyak sa tuwa sa narinig sa ama. "Daddie..." Maluha luha s'ya habang yakap ang dalawa n'yang anak. Marahang humahaplos ang palad nya sa likod nito. Kaya pala malapit ang loob nya sa mga bata dahil dugo at laman nya ang mga ito . Walang pagsidlan ng tuwa ang Kanyang puso ng mga sandaling iyon. Pakiramdam nya ito na ang pinakamasyang araw n'ya ang mabuo silang mag-aama. Parang ayaw na n'ya itong pakawalan natatakot 'sya na baka muli silang magkahiwa-hiwalay. Pinanood na lamang ni Katerena ang madramang reunion ng mga aama. Pano nga ba naman niya ang kokontarahin ang kasiyahan ng Kanyang mga anak? magmumukha syang kontrabida sa mata nito kapag umiksina pa sya ng alanganin.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Ang ganda.
06/01
0Subrang ganda. Thanks author 🥰🥰🥰
06/11
0hello..
30/10
0Tingnan Lahat