"Mabuti at bumaba ka na! Akala ko na duwag ka na 'ang kapal ng mukha mo! Sa laki mong yan pinatulan mo ang anak ko!" bulyaw niya sa lalaking Pababa sa engranding hagdan. Napatigil s' ya ng mapagtantong kilala niya ang bulto ng lalaking papalapit sa kanya. Natoud sya sa Kinatatayuan habang Dahan-Dahan itong naglalakad patungo sa kanya. Lahat yata ng tapang niya kanina ay unti-unting umuurong. Paano nga ba niya haharapin ang ama ng mga anak niya na ayaw na niyang makita kahit kailan? Ang lalaking kahit sa panaginip ay ayaw na n'yang makasama. Unti-unting nabalot ng pangamba ang Kanyang sarili. "Laurence.." Ang Tanging Nausal niya. Nagbalik sa alaala n'ya ang huling pagkikita nila, Ang pang iinsulto nito sa kanya at pag apak sa kanyang pagkababae. Five years ago na iyon Ngunit parang kahapon lamang nangyari ang lahat. Naroon pa rin ang sakit. Napakbang s'ya ng paurong nag madaling lumabas ng bahay. " Katerena!" Narinig niya ang pagtawag nito sa pangalan niya. Hindi niya ito pinansin.Nilakihan pa n'ya ang hakbang para di sya nito abutan. Kung bakit ba naman kasi sa dinami daming tao sa mundo ang ang lalaking to pa ang naging kapit bahay niya. Ganun ba ka ata't ang tadhana na pagtagpuin silang muli? Binura na niya ito sa kanyang alaala at nakaraan ngunit para itong kabuti na sumulpot na Kanyang harapan. Narinig nya ang yabag nito na nakasunod sa kanya. Mas binilisan pa niya ang paghakbang. Para syang dagang hinahabol ng pusa at Nagmamadaling pumasok sa lungga. Plaggg!! Ang lakas ng lagabog ng pinto at inilock niya itong mabuti para hindi makapasok ng bakulaw na ama ng mga anak niya. Alam niya kasi na magpipilit na naman ito. Lalo nakita nito ang anak niya. Kahit anong gawin niya Hindi na niya ito maitatanggi pa lalaki lalo't magkamukhang- Magkamukha ang mag-ama. Para nga itong pinagbiyak na bunga. "Katerena anong nangyari?" nag aalalang tanong ng kanyang ate. Kita nitong humahangos ang kapatid habang hawak ang dibdib. Para itong hinahabol ng sampong kabayo. Hinila niya ang upuan para makaupo ito. Kumuha din siya ng tubig dahil parang namumutla ito takot. Hindi ito makapgsalita. "Ano bang nangyari sayo Kate?" Aniya matapos inumin nito ang tubig. " Ateee.." Bakas sa mukha nito ang pag aalala. May nakita syang luha sa mata nito na dumadaloy ngunit walang hikbing lumabas bibig nito. " Katerena! Buksan mo ang pinto! "Narinig niyang sambit ng binatang kapitbahay at Pinuntahan niya ang pinto. " Ate wag.. Wag mong bubuksan please. "Pigil niya sa kapatid. " Bakit, anu ba kasing nangyayari?" naguguluhang tanong nito. Nag simula na ring bumangon ang kaba sa dibdib niya.Ngunit Nakahanda itong buksan ang pinto para magkaliwanagan. "Ayaw Kong makita ang pagmumukha ng lalaking yan ate!" wika nito kasabay ng pagkalaglag ng luha sa kabilaang pisngi. " Katerena,.. Please... Mag usap tayo buksan mo to!" Muling sambit ng malaki sa labas. " Kate... Kailangan pa bang umabot sa ganito? Wait lang ka kausapin ko si sir Rence,naguguluhan ako sainyo. Gusto Kong malaman anung ano ba talaga ang nangyayari! . " wika niya. Ang alam niya kasi tungkol sa bata lang ang ikinakaganito ng kapatid ngunit parang iba ang Nakikita niya. Tumayo sya at binuksan ang pintuan. " Kate.." Anang lalaki. Para itong maamong tupa na Nakatayo sa may pintuan. Mabigat ang Kanyang mga paa na humakbang papasok. Nakatingin lamang sya sa dalagang nakaupo, habang Nasa hita nito ang bunso nitong anak na umiiyak dahil nasigawan niya. Noon nya napagtanto na ito pala ang tinutukoy ng Kanyang kapitbahay. Kaya pala tila alam niya ang kwento nito at Hindi coinsedence lamang. Kaya pala kamukha niya ang anak nitong si Kurt. Ngayon he has no doubt na kanya ang anak nito. Ramdam na ramdam niya ito sa kanyang puso kahit itanggi pa ito ni Katerena. Gusto niya man itong lapitan at yakapin Hindi niya magawa. Sa pagkakataong ito, naiitindihan niya ang nararamdam ng dalaga. Parang nais niyang parusahan ang sarili dahil sa kagag*han niya. Ilang minuto din bago sya nito nilingon. Matapang ang namumula nitong mata ng lingunin s'ya. "Palalampasin ko ang pag sigaw-sigaw mo sa anak ko. Basta 'wag ka ng na lang magpapakita sa amin!" madiing sambit nito. "I' m sorry kate....., I didn't mean it. "nakayukong wika niya. " Umalis ka na..ayaw Kong makita ang pagmumukha mo!"bulyaw niya dito. Pagsigaw ng dalaga sa kanya ay nakuha pa niyang humakbang palapit. ." Ayaw ko sayo... Bad ka... Inaway mo ako! "humahagolhol na sambit ng batang kalong nito. "Narinig mo? Pati anak ko ayaw na sayo. Kaya umalis ka dito.!" mabigat ang tono nito. Kita niyang namumula at mata nito na halatang umiiyak din. Bumagsak ang tuhod niya sa harapan nito. "I'm sorry son.. Hindi ko sinasadya. Sana mapatawad mo ako." "Wag mong matawag tawag na anak ang anak ko. Wala kang karapatan. Umalis ka na! "singhal niya sa lalaki. Ngunit tila walang lakas ang tuhod nitong tumayo para lisanin ang bahay nila." Umalis ka na dito Laurence... Ayaw na kitang makita. At wag kang mag alala dahil kahit kailan Hindi narin lalapit pa ang mga anak ko sayo." "Kate please.. Alam Kong walang akong karapatan na hingiin ang kapatawaran mo ngunit nagsusumamo ako. Boung puso akong nagpapakumbaba sainyo. 'I'm really Sorry.." Kita niya ang pamamasa sa mata ng lalaki habang nakaluhod ito. Ngunit matigas ang na kanyang puso. Umiwas sya ng tingin dahil ayaw niyang paa-pekto dito. Dahan Dahang tumayo ang lalaki, alam nyang Hindi madali para kay Katerena na patawarin sya. Ayaw niya itong madaliin at pilitin. Naniniwala syang may Tamang panahon para sa lahat. Pagpihit niya pa kaliwa nakita niya ang isa pang batang babae kakalabas lamang ng kwarto "Katelyn.." Hindi niya napigilang buhatin ito at haplusin ang cute at maamo nitong mukha. Habang inaarok ng bata kung ano ba ang nangyayari sa paligid. " B-Bakit po Uncle?" "Namis lang kita.." maimosyon niyang sambit. Parang kailan lang nangyari ang lahat. Dati maliit pa ito ng mahawakan niya. Sobrang Gaan ng loob niya rito noong una niya itong makita,ngayon walang pagkaiba. Infact namiss niya ito ng sobra. Dati ipinagdarasal niya noon na mag positive ang paternity test nila, kaya lang hindi iyon nangyari, kaya sya nasaktan ng sobra, ngunit ngayon wala 'na syang paki alam pa kung negative man iyon mas naniniwala s'ya sa sinasabi ng Kanyang puso na anak niya ang batang ito. Matamis itong ngumiti sa kanya."Namis ko din po kayo Uncle." Dahan Dahan niya itong ibinaba." Paano.. Aalis na ako. Kung nais mong maglaro sa bahay welcome na welcome kayo ng kapatid mo okay? Pati ang mama mo."nakangiti niyang wika. Nilingonan niya si Kate bago Tuluyang lumabas ng pinto. " Kate, ibig bang sabihin magkakilala kayo ni sir Rence? " tanong niya sa kapatid. Tahimik lamang syang nagmasid sa dalawa kanina. Kahit hindi ito masyadong nag usap sa Basi sa kilos ng mga ito ay para itong mag kilala. Tipid na tango lamang ang isinagot nito sa kanya. "Haaay.. Pagkakataon nga naman." Gusto pa niya itong tanungin ng tanungin kaya lamang ay naroon ang mga bata at parang wala pa ito sa mood mag kwento. Malihim kasi ang kapatid sinasarili lang nito ang mga Problima, bihira lang itong mag kwento, kaya hindi na sya nagpipilit na ususain pa, baka kasi hindi pa ito handa. Mag ku-kwento naman ito sa kanya kapag handa na. "Mga anak... Dito muna kayo sa kwarto at matulog na kayo ha.. Magpapaghinga lamang ang mama n'yo." wika niya sa mga pamangkin. Sumunod sa kanya ang mga bata at sya na ang asikaso dito. "Kate anu bang ginagawa mo?" "Ate, napag isip isip Kong umalis sa Lugar na'to." wika niya at isinilid ang mga damit nilang mag ina sa maleta. "Aalis ka na naman. Hanggang kailan mo ba tataguan ang ama ng mga anak mo? " " Ate... Wag mo na Kong pigilan please.. Hayaan mo na ako. Alam mo naman ang pinagdanan ko sa kanya Diba? "Naiitindihan ko.. Ngunit may karapatan din syang malaman ang totoo at yong mga anak mo. Hindi mo ba nakikita malapit sila sa kanilang ama. " Ate.. Sinigawan niya ang anak ko sa tingin mo ba ayos lang yon? Wala syang pasensya sa anak ko. Kaya Hindi namin s'ya kailangan" "Bahala ka nga Kate.. Ito lang ang masasabi ko sayo. Hindi mo matatakasan ang kapalaran Takbohan mo man ito ng ilang ulit.. Hahabolin at Hahabolin ka pa rin nito. Hindi ka makakawala sa nkatadhana para sayo!" "Ate naman.." Kinabukasan nakahanda na ang lahat sa pag alis nilang mag iina. May nakuha ate Korina niyang L 300 van na sasakyan nila palayo sa Lugar na iyon. Mabuti na nga lang at Hindi na ito nagpilit Pang pigilan s'ya. This time sisiguradohin n'ya na malayo ang pupuntahan nila para Hindi muli sila magkita ng lalaking kinamuluhian niya. "Manong alis na po tayo" wika niya sa driver. "Okay.. Saan po ba tayo?" tanong nito sa kanya. Bakit parang kilala niya ang boses nito? Pinagkatitigan niya ang itsura nitong Naka jacket na maong at nakabonet na itim at may makapal na salamin. May scarft pa itong nakapulupot Sa leeg . Bigla niyang hinila ang sout nito sa ulo. Napatiim sya ng makita ang pagmaumukha ng mama. "Laurence ano bang ginagawa mo dito?" Naiiritang tanong niya. "Ano pa edi ihahatid ko kayo. Diba aalis na kayo ? Naisip ko lang na ako ang mag maniho para masiguro Kong safe kayo papunta sa distenasyon nyo." nakangiting Saad nito. "So, pano tayo na?"
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Ang ganda.
06/01
0Subrang ganda. Thanks author 🥰🥰🥰
06/11/2025
0hello..
30/10/2025
0Tingnan Lahat