logo text

Reaksyon ng Ina kapag May umaway sa Anak

"Anak sino ba ng tintingnan mo d'yan?" tanong niya sa bunsong anak.
Kanina pa kasi ito nakasilip sa bakod ng kapitbahay.
"Si Uncle Rence po. Gusto ko pong maglaro sa bahay n'ya mama." wika nito.
Ilang saglit pa sumilip ang caretaker nitong si Aling Mercedes.
"Sorry Kurt... Gustuhin ko mang palaruin ka dito sa bahay ng amo ko.. Hindi ko magagawa yon.
Baka mapagalitan n'ya ako. Alam mo naman,
Katulong lang ako dito kaya bawal akong mag papasok ng ibang tao lalo na kapag wala s'ya." Saad nito sa bata.
" Narinig mo anak..? Bawal ha? Wag ka ng mamilit. Doon na lang tayo sa bahay natin maglaro, okay? " Malumanay na Saad n'ya sa bunsong anak.
" Nasaan po si Uncle ? "Nakanguso nitong tanong sa caretaker.
Marahil ay nawili ito ng ilang araw na kasama ang lalaki kaya ngayon ay naghahanap ito.
" Wala ang amo ko .. Busy sya sa trabaho at negosyo."
" Kailan po sya babalik? "
" Yon ang Hindi ko alam. Madalang lang yong napunta dito. Palibhasa marami syang bahay na maaring uwian. Nagbabakasyon lang yon dito At Madalang pa sa patak ng ulan Kong pumarito. "dagdag pa ng matanda.
Malungkot na sumunod ang bata sa ina sa loob ng bahay.
" Tayo na lang mglaro dito okay? Walang pasok si mama. Kaya Libre tayong mglaro.. "masaya niyang sambit.
At nagpasahan sila ng bola. Naglaro ng kotse kotsehan, tagu taguan.
Hyper kasi ang bunso niya kaya napapagod talaga syang bantayan ito. Tila wala itong kapaguran sa palalaro at sya na lang talaga ang nagsasawa.
Di kagaya ng panganay na si Katelyn na kontinto sa isang tabi, may hawak lang itong coloring book.
"Laurence where are you? The meeting is about to start."nababanas na sambit ng kapatid sa telepono.
" LAnce.. I said Hindi ako pwedi. May emergency dito sa resort... Kaya mo yan d'yan okay? "
" This meeting is so important. You need to be here! "striktong sambit nito.
" what I should I do. Narito ako Subic. I know you can take care of it. bye! "sabay pinatay niya ang telepono.
Kukulitin kasi s'ya nito kung kakausapin pa n'ya ng matagal.
Dinaluhan niya ang mga tauhan. Nagkaroon kasi ng sunog sa kanyang resort kanina lamang. Inabot ito ng tatlong oras bago naapula .Nakipag usap sya sa mga pulis at bumbero para embistigasyon sa insedente. Mayroon kasing dalawang casualty at nawawala sa naturang sunog kaya tinutukan niya ito.
Inabot sya ng hating gabi sa pakikipag usap sa mga awtoridad. Naisipan niyang umuwi sa bahay pakatapos ng meeting ito kasi ang pinakamalapit na maari n'yang uwian.
Madilim pa sunod sunod na naman ang tawag sa kanyang telepono. Mayroon sa kampo, kay LAnce, at sa Kanyang ibang business associates.
Mayroon pa sa awtoridad. Halo halo na ang istasyon sa kanyang ulo.
Lumabas sya ng bahay para makalanghap ng Sariwang hangin. Kanina pa s'ya nakikipag usap sa mga ibat ibang tao thru vedio call at telepono. Umaga pa lang pakiramdam niya quota nag sya sa mag hapon.
"Uncle Rence.... Uncle Rence..! Narinig niya ang makulit na kapit bahay.
Lalapitan niya sana ito ng tumunog uli ang telepono.." Hello sarge.. Ano pong nangyari narecover na po ba ang nawawala? "
Hindi na niya maintindihan ang kausap dahil sa ingay ng kapit bahay. Senenyasan niya si Aling Mercedes na patahimikin ang bata. Sa halip iba ang pag kaintindi ng matanda. Pinapasok nito ang bata sa bahay niya.
Napakapasok s'ya ng loob para Hindi sila maistorbo sa pakikipag usap. Alam n'ya kasing hyper ang kapitbahay niyang bata.
"Okay sarge .... Update na lang po kayo
ulit! "wika niya at ibinaba ang telepono."
Nakita n'ya sa malapit ang bata at niyaya s'ya nitong mglaro.
"Kurt... Wala ako sa mood makipag laro sayo busy si Uncle Rence.. Kaya.. Umuwi ka muna sainyo okay?" mahinahong sambit niya sa makulit na bata.
"Uncle.. Saglit lang po please.. Tagal n'yo po kasing nawala.. Laro po tayo.." pangungulit nito.
"Sorry.. Ngunit Hindi, pwedi next time na
lang .. Okay? Labas ka muna ayaw ko ng magulo dito sa loob ng bahay ko. "striktong wika niya palibhasa kahapon pa sya naistress.
Tumakbo ang bata sa loob ng kanilang sala at nariyang nag talon talon pa ito sa sofa.
Unti unting nagiinit ang ulo niya sa kakulitan nito.
" Kurt.. I said stop!! Get out of my house!" napasigaw na sya. Para sundin nito. Dahang Dahang Bumaba ang bata sa sofa dahil na rin sa takot. Sa laki na naman niyang tao at sa lakas ng boses kahit matanda talagang matatakot.
Ringgg!!
Muli niyang sinagot ang tawag sa telepono.
Habang si Kurt ay unti unting nawili. Palibhasa nakita nyang nakarelaks na naman ang kalarong matanda.
Nagsimula na naman itong tumalon at Tumakbo. Hanggang sa nasagi nito ang malaking pigurin
Na lumikha ng malakas na ingay.
Na sinigundahan ng malakas na sigaw ng lalaki.
"What the h*ll did you do? You broke the jar!! Hindi ba sinabi ko sayo na umuwi ka muna?! labas!! singhal nito sa paslit na no'oy naginginig na sa takot at umiiyak na.
Iwan ba naman niya kung bakit nasagad ang pasensya niya ng araw na'yon naibunton niya ang galit sa batang nais lang makipag laro sa kan'ya.
"Mercedes..! Alisin mo sa harapan ko ang batang ito at linisin mo ang kalat n'ya! "malakas sambit niya saka umakyat sa hagdan.
" O...opo sir Rence.." Tarantang sambit ng matanda. Palabas na ito ng makita si Korina.
"Iuwi mo muna ang pamangkin mo at galit ang amo ko. Mukhang mainit ang ulo." pagmamadaling sambit nito.
Nag madaling lumabas ang magtiyahin. Kinarga na nito ang batang umiiyak.
" Ano ba kasing ginawa mo.?" tanong nito. Ikaw ba ang sinisigawan ng Uncle mo?" aniya. Naawa sya sa pamangkin kaya. Mukhang takot na takot ito.
"O... Opo..! " sini.. Gawan.. Nya.. Po.. Ako.. "Hindi na nito maituwid ang salita dahil pag-iyak.
"Oh, sya tahan na okay?"aniya at pumasok sila sa loob ng bahay.
Inamo-amo niya ito para tumahan na.
" Bakit ba naiyak ang baby ko?"Tanong ni Katerena. Ang pula kasi ng mata nito at panay ang sigok. Ngayon lang niya ito nakitang ganito kapula ang mata. Tila umiyak itong matindi.
Kinuha niya ito mula sa kanyang ate.
" Ayon, mukhang mainit ang ulo ni sir Rence kaya nasigawan sya. Mukhang nakabasag yata ito sa kabilang bagay." kinabahang sambit sa kapatid.
Alam niya kasi na malaki din ang kasalanan ng pamangkin. Mukhang mamahalin ang nabasag nitong pigurin dahil yon ang pinakamalaking nakita niyang pang display sa bahay.
Umakyat ang dugo nito sa ulo sa sinabi ng kapatid." Anong sinabi mo ate..? Sinigawan si Kurt ng kapitbahay natin? "
" Oo."
"Hawakan mo si Kurt ate.. Walang syang karapatan na sigaw-sigawan ang anak ko. "
Mabilis s'yang lumabas at tinungo ang kabilang bahay.
"Aling Mercedes!! Buksan nyo tong Gate nyo!!" sigaw niya. Halos gibain n'ya ito sa lakas ng kalampag.
"Oh, bakit Katerena? "anang matanda habang Nagmamadaling papalapit sa kan'ya.
"Ang amo mo palabasin mo! Ang kapaal ng mukhang niyang sigawan ang anak ko Hindi ko mapapalampas ang ginawa niya.!!"
Nangagalaiti s'ya sa galit.
Matitiis niyang siya ang masigawan ng ibang tao ngunit para sigawan ang anak n'ya ibang usapan na iyon.
"Katerena.. Mainit ang ulo ng amo ko kaya wag ngayon! "saway ng matanda.
" Wala akong paki alam. Wag nyang idadamay ang anak ko sa init ng ulo niya. May kasalanan ang anak ko ako kausapin niya. Ang kapal ng mukha niya. Ang liit liit ng anak ko para patulan niya.!!" malakas na sigaw niya sa labas ng Gate.
Nag umpisa na manginig ang laman niya sa galit.
Sa boung buhay niya ngayon lang sya na galit ng ganito at pakiramdam niya lumabas lahat ng tapang niya. Tila nakahanda syang pumat*y ng tao ng sandaling iyon.
Wala syang paki alam kahit sinong Pocio pilato ang kaka harapin nya. Gera na kung gera.
Halos mag wala na s'ya sa labas. Kinalampag niya gate para lamang pasukin ng caketaker ng bahay na iyon.
Nagtagumpay naman sya.
" Rence nasaan ka ka!! Harapin mo ako! Ang kapal ng mukha mo wag kang magtago!!" Mapaghamong sigaw niya. Na umaligaw ngaw ito sa boung kabahayan.
"Ano ba? lumabas ka dyan bumaba ka harapin mo ako Hindi ako natatakot sayo kahit lalaki ka pa!
Kinanti mo ang anak ko, kaya Hindi kita uurungan!!"
Halos mapatid ang ugat n'ya sa lalamunan sa lakas ng sigaw nya.
Si Mercedes naman ay nakatingala sa hagdan Naka amen ang kamay at kinakabahan. Hindi niya akalain ganito pala katapang ang kapatid ng kapitbahay n'yang si Korina. Walang kasi sa itsura nito.
Habang among si Laurence naman ay higit na ma's malakas dito. Makapigil hininga niyang inaabangan ang mangyayari. Nagdarasal siya na sana hindi naman magkasakitan ang dalawa.
Ilang saglit pa bumukas ang pinto sa silid ng amo.
Pababa na ito ng hagdan habang si Katerena ay panay pa rin ang talak at mura nito sa ibaba. Parang arm*lite ang bibig nito dami ng sinasabi.

Komento sa Aklat (154)

  • avatar
    Mila Sulit

    Ang ganda.

    06/01

      0
  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Subrang ganda. Thanks author 🥰🥰🥰

    06/11/2025

      0
  • avatar
    CastañasLester

    hello..

    30/10/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata