"Ate aalis na po ako. Ikaw na bahala sa mga anak ko," Nagmamadaling paalam niya sa kapatid. " Okay.. Kiss na kayo sa mama nyo," utos ng ate sa mga pamangkin. Bumaba ang mukha niya sa bunsong anak. "Umuah!" "Muah.. Love you mama ingat po" malambing na wika naman ng panganay. "I love you both. Wag kayong pasaway kay tita ha?" malambing niyang wika saka lumabas ng bahay. Nakangiting lumapit ang caretaker ng kabilang bahay na si Aling Mercedes. " Korina.. Ang ganda talaga ng kapatid mong yon. Kahit may anak na mukhang dalaga pa rin. "Aba'y Syempre...nagtatrabaho kaya naalagaan ang sarili.Ako naman ay Nasa bahay lang" "Hindi rin.... Ang layo ng itsura nyo... Milya Milya. "pangbubuska nag matanda dito. Pano ba naman mataba si Korina at maitim. Kulot pa ang buhok nito, malayo sa itsura ni Katerena na maputi, makinis at balingkinitan. Nag uusap sila ng dumating ang among ng babae. " Hello sir Rence.." Bati ni Korina sa kapitbahay. May sampong taon na niya itong kapitbahay. Bihira nga lang ito sa Lugar nila. Sa pagkaka alam niya marami itong pinagkakaabalahan. Napunta lamang ang binata sa bahay nito Tuwing magbabakasyon. Natutuwa sya dito dahil mabait ito at nakikipag usap sa kanila, bukod dito, magandang lalaki ito at makisig ang pangangatawan. Ang alam niya binata ito. At pawang mayaman dahil sa itsura nitong magandang kutis at sa laki ng bahay. "Godmorning Sainyo." Bati nito sa kanila "kumusta.. Ate Korina may anak ka na ba?" Bati nito sa kanya. Ng una niya itong makita bagong kasal pa lang kasi sila ng asawa. "Wala nga eh.. Mabuti na lang may pamangkin ako. "sagot niya sa binata. " Ikaw sir Rence.. May asawa ka na ba? " " Wala pa nga eh.. Baka may alam ka. Ereto mo naman sa akin! " biro ng lalaki sa kanya. "hahaha.. Wala eh.. Kung gusto mo may kapatid ako dalaga.....kaya lang dalagang ina haha.."pabiro nyang sagot. " Pero Maganda yon sir Rence. Baka gusto mo lang." dagdag pa niya. Na ikinatawa ng binata. "Pass sa may anak na." sagot nito " Oo nga sir Rence.. Ang ganda ng kapatid ni Korina. Tingin ko bagay kayo non.. "Sabat ni Aling Mercedes, ang caretaker nito. " Kayo talaga. " Napapailing n'yang sambit. Mukhang seneryuso ng dalawa ang biro n'ya. Nakita na naman ng binata ang Alagang pamangkin ng kapitbahay bahay. " Kurt.. Halika, play tayo. "nakangiting wika niya rito. Agad na lumapit ang bata sa kanya. Kinarga niya ito." Do you want chocolate? " " Opo." " Bawal daw po si Kurt ng chocolate sabi mama." wika ng matinis na boses ng batang babae. Sa tingin niya kapatid ito ni Kurt.May hawig kasi ang mukha nila at pareho Maganda ang kutis. Parang pamilyar sa kanya ang maamong mukha nito kaya lang hindi sya Sigurado. " Who is this beautiful lady in front me?" " Ate ko po sya!" Sambit ni Kurt." "Ah.. You're ate.. What's the name of your ate?" "Ate Len-len po." "umh.. Len-len.. You remind me of somenone." wika niya. Nakuha pa niyang pisilin ang cute nitong pisngi. "By the way let's play!" Natutuwa ang dalawang babae habang pinapanood ang tatlo na naglalaro sa malawak niton bakuran. Sa tingin nila para itong mag aama. Malulutong na tawa at halakhakan ang naririnig nila sa tatlo habang naglalaro. Gabi na ng dumating si Katerena. "Mama. Napagod po akong mag play kanina."masayang kwento ni katelyn sa ina. " Ako din po mama. Ang saya pong kalaro ni Uncle Rence. " sino namang Uncle Rence iyon? " "Kapitbahay po natin." " Saan naman kayo naglaro?" Napapangiting sambit niya. Ngayon niya lamang ito naririnig na excited mag kwento. "Sa house po nila mama. Ang ganda po ng house nila sa loob. Ang sarap pong maupo sa sofa nila malambot at marami po silang chocolates at mga candies. "Manghang sambit ng anak niyang babae. " Okay, wag lang kayong malikot sa kanila ha dahil baka makabasag kayo. Wala tayong pambayad sa mababasag nyo ha.?" paalala niya sa mga bata. " Opo. " sabay na sambit nito. Ilang sandali pa Nakatulog na ang dalawa niyang anak marahil nga sa pagod. Sya naman unti unti nawawala ang pagod niya habang pinagmamasdan ang dalawa niyang anak na natutulog. Tila nga wala na syang mahihiling pang iba ngayon kundi ang palagi lang silang ganito. Masaya at magkakasma. "Katerena... Isasama daw ni sir Rence ang mga anak mo sa tabing dagat bukas." Sambit Kanyang ate. "Naku ate wag ha.. Baka naman mapano pa mga anak ko. Wag kang mag tiwala dyan sa kapitbahay natin baka naman may masama syang gawin mga anak ko," pa alala niya sa nakakatandang kapatid "Anu ka ba.. Mabait ang ang nakatira dyan sa kabila. Wag kang mag alala. Sasama kami naman ni Mercedes." pagtatanggol nito. "Okay kapag kasama ka kapag Hindi wag mong Ipapasama ha? "wika niya. " Oo na. Alam mo kate.. Ang bait talaga ni sir Rence.. Ipakilala kaya kita sa kanya. Binata yon.. Baka magustuhan ka niya oh Diba, may ama na ang mga anak mo." Napapangiting sambit nito. " Tsk.. Anu ka ba ate.. Hindi ko kailangan ng lalaki, no? Masaya na ako sa piling ng mga anak ko" " Ano ka ba? Maganda din yong may katuwang ka sa buhay, Katulad ko. Kahit wala pa kaming anak ng kuya mo.. Ayos lang. Magkaramay kami sa lahat ng bagay." Sinalubungan niya ito ng kilay.Hindi niya alam kung anu ang nakain nito at bigla bigla nagrereto sa kanya ng lalaki. " Ateee.. Hindi na magbabago pa ang isip ko. Ipinangako ko sa sarili ko na wala na akong ibang mamahalin pa maliban sa kanila. Hindi ko kailangan ng asawa. okay?" Napataas ang kilay ng kapatid. "Hmmp..bahala ka nga. Eh anu pa ba naman ang magagawa ko.. Eh.. Mismo ngang ama ng mga anak mo inayawan mona.." Basta bukas ipapakilala kita kay sir ha malay mo magkagustuhan pa rin kayo... Try mo lang. " " Haiist naku ate.. Ayaw ko nga. Wala akong time sa lovelife. Kinalimutan ko na iyon. " matigas na wika niya. Sa ngayon wala ng mahalaga sa kanya kundi ang dalawa n'yang anak. " Korina nasaan na nga ba ang kapatid mo?" Tanong ni Mercedes. Magkakasma sila noon papuntang dagat. Ang dalwang bata si Laurence si Korina ang kasambahay na si Mercedes. " Sayang naman wala pala ang kapatid mo. Hindi tuloy makikita ni Sir Rence. "Sambit ng katulong. " It's okay. Hindi na mahalaga yon ang importante mag enjoy tong dalawang bata" ani ng binata. "yeeheey!"sigaw pa ng dalawang makulit. Daaagat! Daagat! Da gat!" Matinis na hiyaw pa ng mga ito ng matanaw ang mangasul mangasul na kulay ng malawak na karapatan. Hinawakan ng lalaki ang braso ng dalawang bata saka sila lumusong sa tubig. Nang makarating na sila sa malalim na parte ay kinarga niya ang mga ito. Habang nagpapalutang sa tubig. Matitinis nitong sigaw ng kaligayanan ang maririg sa paligid habang nakikipaglaro sa alon. Panay ang hiyawan ng mga ito. May kung ilang oras din itong nag babad sa tubig. Ng magsawa na ang dalawa at namulot itong mga shell sa buhanginan kasama si Aling Mercedes. "Nakakatuwa naman ang mga pamangkin mo ate Korina. Napaka energetic nila. Wala silang kapaguran" Puna ng binata sa pamangkin ng kapitbahay. Nakaupo sila sa buhangin habang pinapanood nila ang mga batang tumatakbo sa buhanginan. " Oo Iwan ko ba sa mga batang iyan kung saan nag mana. Hindi nauubusan ng energy." natatawang sagot ng babae. "Matanong ko lang ate Korina, nasaan nga pala ang tatay ng dalawang 'yan.? Pag iiba niya. Hindi naman sya tsismosong tao.Basta niya lang natanong sa kapitbahay. Siguro out of curiosity na rin. Medyo madaldal kasi ito at minsan nakakaentriga ang mga sinasabi. " Hindi ko rin alam kung nasaan ang lalaking yon. Hindi ko pa nga nakikita ni anino ng empakt*ng 'yun. " So ibig n' yong sabihin.. Maliit pa yang dalawang yan hindi na nagsasama ang magulang nila?" hula n'ya basi na rin sa sagot nito. "Ganun na nga." "Matatag pala ang kapatid mo.. Biruin mo dalawa iyan, nakakaya n'yang palakihing mag-isa." "Oo. Matatag s'ya. Sabi 'nya babaero kasi ang ama ng dalawang' yan. Ayaw niya ng sakit ng ulo.kaya 'yon mas nais n'yang sila na lang, kisa sa sumakit lang ang ulo niya." " Ah kaya pala. Babaero."patango-tango nyang sambit. " Oo.. Babaero daw. Kaya nga ayaw ng mag asawa ng kapatid ko. Natruma yata sa ama ng mga anak niya. Akala niya daw kasi mabait, noong una lang pala... Iniligtas daw sya sa rapist. Naglalakad daw sya noon sa buhanginan kagaya nito.." Wika ng babae sabay turo sa kinuupuan. Habang nagku-kwento ito si Katerena ang naalala niya. Ganun na ganun din ang nangyari sa kanila. Coinsedence nga ba ang nangyayari o isang tao lang ang naiisip niya at tinutukoy nito? Pinagmasdan niya ang mukha ng katabi mukhang malayong malayo naman sa itsura ng dalaga na Nasa utak niya, Kaya imposibli. "Tapos yon na nga sir Rence.. Dalawang taon na yang anak niya, Nabuntis uli ang kapatid ko dyan sa bunso na yan. Doon din sa lalaking yon. Sabi niya pinilit lang daw sya ng lalaking yon na makipag s*x! Ang tindi nga kamandag nun.. Biruin mo, dalawang beses lang niyang nakasama, nadalawahan sya! Kaya ayon, lumayo sya sa sa Maynila. Dinala ko sya dito. Ayaw niya daw makita yong lalaki. Tahimik naman ang buhay nila..At--------" " Tita! tita...! Marami kaming napulot oh.."agaw ng batang babae. Kaya natigil ang pag ku-kwentuhan nila. Pinakita pa nito ang mga shells na Nasa damit nakabalot. " Great! So pano uuwi na tayo.!" Aya niya sa mga bata. " Yehey! Uuwi na kami.. "sigaw pa ng dalawa at tumakbo ito papunta sa mga sasakyan.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Ang ganda.
06/01
0Subrang ganda. Thanks author 🥰🥰🥰
06/11/2025
0hello..
30/10/2025
0Tingnan Lahat