DALAWAMPU

Sa paglalakad ko ay may nabunggo akong lalaki pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Kuya Trev na si Truwillo na dito sa libro.
"Sorry hindi ko sinasadya." paghingi ko ng tawad kay Kuya Trev.
Nagulat ako nang higitin niya ang pulsuhan ko at inangat. Ahh! Ang sakit.
"B-bitawan mo ako!" sigaw ko dahil pinipisil niya ang pulsuhan ko.
Sinamaan niya ako ng tingin at hinawakan naman niya ang panga ko gamit ang isang kamay niya.
Pilit ko nanamang tinatanggal ang kamay niya sa panga ko pero masyado siyang malakas.
"Bitaw sabi!" sigaw ko.
Lumingon ako sa paligid pero lahat ay nasa cafetria at yung iba ay nasa libary, wala ng tao dito sa may ground floor.
"Sino ka para banggain ako?" galit na tanong niya
"masakit na sa--" putol na sabi ko.
May tumulak sa kanya at tumalsik siya ng malayo.
Nagulat ako sa nangyari.
Kaya napalingon ako sa lalaking tumulong sa'kin.
Pagkalingon niya sa'kin ay bumilis ang tibok ng puso ko.
Sino siya?
Napabalik ako sa ulirat ko dahil naalala ko si Kuya Trev na tumalsik.
Dali-dali akong lumapit doon at tinulungan siya.
Kahit papaano eh kapatid ko pa din siya sa totoong mundo kahit na hindi kami magkadugo.
Nagulat ako nang hilain ako nung lalaking tumulak kay Kuya Trev.
Pagkahila niya ay hinila din ako ni Kuya Trev at naghatakan silang dalawa gamit ako.
Ang ng sakit, hindi ko lang mabawi ang mga braso ko kasi sobrang lakas nila.
"Bitawan niyo nga ako! Ano bang problema niyo?" tanong ko at tumingin sa kanilang dalawa na masama ang tingin sa isa't isa.
"Drano!" rinig kong sigaw kaya napatingin ako sa tumawag at sinubukang humingi ng tulong sa kaniya.
Pero hindi siya nakatingin sa'kin, kundi dito sa dalawa na masama pa rin ang tingin sa isa't isa.
"Drano..." saad ni Kuya Trev dito kay Guy na tumulak sa kaniya kanina.
Kita ko ang ngisi sa labi niya nung banggitin yung name ng lalaking tumulong sa'kin kanina
"So, you are the most powerful in this Academy?" nakangising sabi niya at bigla nanamang bumilis ang tibok ng puso ko.
Gosh!
"Bitawan mo siya." madiing sabi ni Kuya Truwillio.
Truwillio naman siya dito eh so tawagin ko na lang siyang Truwillio.
"Let her go." madiing sabi din ni Drano daw.
"Drano! Truwillo! Bitawan niyo siya kawawa naman yung Lady." sabi nung lalaki na tumawag kay Drano.
Napatingin silang dalawa sa'kin at sabay nila akong binitawan.
Huhuhuhu my gosh my hands!
"Ano bang problema niyo? Ang sakit sakit kaya!" nakakunot kong sabi habang hawak ang magkabilang braso ko.
"Long time no see Drano. I can't wait to have a duel with you in Arena." sabi ni Kuya Truwillio.
"I also can't wait. Pero 'wag mo nang lalapitan ang babaeng ito dahil baka hindi ako makapag-timpi at mapatay kita." sabi ni Drano.
Kaya napakunot ang noo kong tumingin sa kanya.
Anong sabi niya?
"Gaano ba siya kahalaga sayo at kailangan mong banggitin ang mga salitang yan. At isa pa, isa din akong nilalang sa mundong ito, gagawin ko ang gusto ko." napatingin naman sa'kin si Kuya Truwillio at ngumisi. Bumalik ang tingin niya kay Drano at tinapunan ito ng masamang tingin.
Nginisihan lang siya nito at tumakbo na ng mabilis palayo. Umalis na din ako, bahala sila dyan.
Mukhang ang laki ng problema nilang dalawa.
Pumasok na lang ako sa Room ko kahit wala pang klase. Malayo pa naman ang oras kaya siguro mamaya pa sila pupunta rito.
"Aish ang daming nangyari ngayong araw!" sigaw ko dito sa loob.
Wala namang tao so it's okay.
"Bakit ganun umasta yung Drano? Bakit ganun na lang ako ngisihan ni Kuya? Bakit ganun na lang nila titigan ang isa't isa, dati ba silang magkarelasyon? charrot!" parang tanga kong saad.
Kung ano-ano ang iniisip ko! Nako...
"Hello! Blesi!" rinig kong sabi nung babae.
Kaya ngumiti ako dito.
"Hello din!" ngiti kong sabi.
W-wait?
Sino siya?
Hindi ko siya kaklase!
"waaahhhhhhhh!!!!!!!" tili ko.
Kaya tatakbo sana ako palabas nung natapilok ako doon sa upuan. Nako naman! Bakit ang lampa mo Beatrice?
"HAHAHAHAHA." rinig kong tawa kaya tumayo agad ako at humarap sa kanya.
"s-sino ka?" tanong ko.
Bakit may multo dito?
"Ako ang diwata mo Blesi!" ngiting sabi niya
Kaya napataas ang isang kilay ko sa kanya.
"Ipinadala ako dito ni Mother Fairy para tulungan ka. Alam ni Mother Fairy na mayroon kang kapangyarihan na nakatago ngunit hindi mo alam kung papaano gamitin." ngiting sabi niya sa'kin at umupo pa sa upuan ko.
"S-so f-fairy kita? pwede mo akong tulungan sa mga bagay na nahihirapan ako?" tanong ko sa kanya kaya tumango siya.
"Tama ka dyan! Tawagin mo akong Lila." ngiting sabi niya.
Sabagay puro siya naka violet eh, edi bagay lang sa kanya ang pangalang Lila.
"Tsaka huwag kang matakot sa'kin." ngiting sabi niya. "wala akong pakpak ngunit kaya kong maglaho at mapunta sa kung saan-saan." dagdag pa niya.
"Nakikita ka ba ng iba?" tanong ko sa kanya.
Umiling lang siya.
So parang multo nga siya.
Talaga bang matutulungan niya ako?
Grabe! Kung may sakit lang ako sa puso baka inatake na ako dito, bigla kasing susulpot dito tapos maghehello?
Sana nga matulungan niya ako sa kapangyarihan ko.
****************
"Blesi! Nandito na kami!" rinig kong sigaw ni Jedi.
Nandito ako sa loob ng banyo at nagtu-toothbrush nung sumigaw si Jedi.
Nauna kasi ako dito at maaga kaming pinauwi.
Mag-eextend ata yung ibang section kaya mukhang section nilang tatlo ang kasamang na-extend.
Tok tok tok!
"Blesi! Nandyan ka ba?" rinig kong katok ni Relya.
Hindi na ako sumagot kasi nag tu-toothbrush ako, baka malunok ko ulit yung ibang bula kapag nagsalita ako.
Medyo masarap peroo masyadong maanghang, joke.
Binilisan ko na ang pagsesepilyo ko at lumabas na.
"Blesi! May pag-uusapan tayo." mahinahon na sabi ni Trely.
Huhu parang nanay ko siya na nalaman ang pagiging pasaway ko ganern.
Kaya umupo na ako sa kama ko at sumunod naman sila sa'kin kahit hindi pa sila nagbibihis.
"Tungkol sa iyong kapangyarihan, Blesi." sabi ni Trely kaya naalala ko yung sinabi ko kanina na pag-uusapan namin yun ngayon.
"K-kasi hindi ko rin talaga alam eh basta na lang ganun." sabi ko sa kanila na ipinagtaka nila.
Hinawakan ko ang kamay ni Trely at nilagay ang kamay ni Relya at Jedi sa ibabaw ng kamay ni Trely.
"Pakiusap, huwag niyong sasabihin ito kahit kanino, lalo na kila Kuya." pakiusap ko sa kanila.
"Ngunit bakit? tiyak na matutuwa si Blaster nito." sabi ni Trely.
Kaya napangiti ako nung banggitin niya ang name ni Kuya.
"Huwag mo akong ngitian dyan, aasarin mo nanaman ako." mahinang palo niya sa'kin.
"Unang nalaman ko ang kapangyarihan ko nung pumunta kami sa palasyo ng Kertuwa. Pumunta ako noon sa hardin nila at hinawakan ko ang bulaklak nila ngunit umilaw ito. Hindi ko alam na wala palang ganung kapangyarihan ang mga kababaihan." sabi ko sa kanila kaya nagulat sila.
Kahit ako din noh nagulat noon.
"Ibig sabihin? Iba ang kapangyarihan mo sa'min?!" sigaw ni Relya at tumayo.
Naglakad-lakad siya sa harapan namin at nag-iisip.
"Oh baka mas malakas ka kaysa sa mga kalalakihan dahil isa ang pagpapailaw ng bulaklak ang magiging dahilan upang matalo ang kaaway ngunit kailangan ng mas malakas na pwersa galing sa iyong iba pang kapangyarihan." sabi niya at naglalakad-lakad nanaman sa harap namin.
Napatingin naman sa'kin si Jedi at si Trely.
"Tama si Relya, Blesi." sabi ni Trely.
"Ngunit kailangan mo nang matinding pagsasanay sa iyong kapangyarihan, dahil baka yan ang ikapahamak mo." sabi ni Jedi.
"Ililipat ka namin sa Klase ng mga kalalakihan!" sigaw ni Relya kaya nagulat ako.
Itong dalawa naman ay tumango.
"Huwag! ayaw ko hindi pa ako ready tsaka hindi ko pa naman natutuklasan ang iba ko pang kapangyarihan eh." sabi ko.
Hindi ko kayang magklase kasama ang ilang mga kalalakihan noh! Baka matukso ako choss.
"Hindi pwede yun! Mapapahamak ka kapag mali ang paggamit mo sa kapangyarihan mo!" sabi ni Relya.
Kaya nagulat nanaman ako sa sigaw niya.
Bakit ba to sumisigaw? Nakagulat.
"Relya, wag kang sumigaw nakakagulat kaya!" sabi ni Jedi kaya napatingin sa kanya si Relya at humingi ng tawad.
"Tsaka na natin pag-usapan ang paglipat-lipat na yan kapag nakapag-sanay na ako sa section ko. Wag tayong magpadalos-dalos, pakiusap." sabi ko sa kanila kaya tumango silang tatlo.
"Magbihis muna tayo para makapagpahinga na tayo." sabi ni Trely kaya tumango silang dalawa.
Si Trely ang tumatayong Ate namin dito.
Kahit matanda siya sa'min ay hindi siya pumapayag na tawagin siyang Ate.

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    BallenaTyrone

    gggh

    03/10/2024

      0
  • avatar
    Renar Cunanan

    knjjkkkkkjjkkkmnjj

    03/08/2024

      0
  • avatar
    Cristin Macatunog Pajuelas

    Gusto ko mag basa niyo

    27/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata