LABING WALO

"Blesi, si Prince Lomord lang pala ang makakatalo sayo." natatawang sabi ni Jedi kaya nakapout pa din ako.
"Oh masahe na!" tapik niya sa balikat niya habang tumatawa pa yung tatlo at minasahe na siya.
"Hari namin sa larangan ng bato-bato pick! King Lomord of Bato-bato pick!" sabi ni Jedi kaya natatawa ako ang big deal kasi sa kanila.
Kaya minasahe ko na yung kanang braso ni Lomord sabay na nagbilang si Relya at si Trely.
Nung pag ka 5 minutes na ay umayos na kami ng upo.
"Akalain mo yun! Ang galing ko pala dito oh oh oh." sabi niya habang nag bato-bato pick mag isa.
Pumalakpak naman yung tatlo parang sira.
"Oh Blesi pumalakpak ka din! hindi mo ba matanggap na natalo kita? kahit na natalo mo silang tatlo?" natatawang sabi ni Lomord kaya napatawa na din ako.
Kung makapag salita siya akala mo sobrang galing tignan mo mag-rematch kami nito, paniguradong talo to.
"King Lomord of Bato-bato pick ang galing mo." sabi ko at pumalakpak pa.
Kaya ngiti siyang tumango.
"Let's go na girls, paalam Prince Lomord alam mo ang galing mo talaga ngayon! karangalan kong magkaroon ng bato-bato pick match sa iyo sa susunod." ngiting sabi ni Trely.
Kaya naman ngumiti si Lomord at feeling niya siya na ang pinakamagaling sa lahat.
"Aalis na kami Lomord ah bye." paalam ko kaya kumaway na din siya.
"Magkita na lang tayo sa dorm mamaya ah." kaway naman nila kaya tumango na din ako at dumeretso na sa class room ko tinandaan ko talaga yung daan para hindi na ako maligaw.
Pagkapasok ko ay nakita ko nanaman yung mukha nung tatlo.
Nakaabang sa upuan ko yung tatlo kaya pagkapunta ko sa upuan ko ay tumayo ng maayos yung tatlo at pumwesto kagaya kanina nung pagkalapit nila sa'kin kaninang pasukan.
Hays hindi ba sila napapagod? ako kasi pagod na sa kanila.
"There you are!" sigaw nung leader at naka-crossed arm pa.
Huminga na lang ako ng malalim bago magsalita, kasi naman nakakagigil na.
"Uulitin ko ah, hindi niyo man tanungin wala akong pakialam, kahit anong grupo man yan hindi ako sasali! Wala akong pakialam kung magaganda kayo dahil maganda din naman ako diba? So back off!" sabi ko at tinarayan sila bago umupo sa upuan ko. Di na sila nakapagsalita at tingin ko bumalik na sila sa upuan nila. Buti naman.
Maganda naman talaga ako sabi ng mommy ko, hahahaha.
Maya-maya ay may dumating na guro at nag-umpisa ng mag-lecture ng kung ano-ano.
Dahil first day ko naman magtityaga muna ako kasi naman eh iba yung turo nila dito kaysa sa reality matalino kaya ako doon kaya nga ako naging scholar eh, at dahil narin siguro palabasa ako ng libro at parati din ako sa library.
"Hanggang dito na lang ang ating lesson wag kayong mag-alala tutulungan ko kayong madiscover ang mga kapangyarihan niyo." ngiting sabi niya at lumabas na ng silid.
Nagmadali na rin akong umalis dahil gusto kong iwasan ang tatlo nakakagigil! nababanas ako kapag nakikita ko mga pagmumukha nila dahil sa attitude nila.
May pag-ka-mean din ako kapag inaaway ako sa school namin.
Pero pagdating kila Tracy? Di ko na sila pinapatulan dahil na rin ayaw kong magalit sa'kin ang Papa ko na hindi di ko pala tunay na Ama.
Ang sakit lang kasi nagtitiis ako dahil tingin ko sila ang pamilya ko kahit wala na ang mommy ko. Tapos malalaman ko na lang na kaya pala ganun sa'kin si Papa ay dahil hindi niya ako tunay na anak.
"Ang galing-galing ni Prince Lomord." kinikilig na sabi ni Harelya.
Napatawa naman ako dahil kinikilig din tong dalawa para kay Harelya.
Napangiti na lang ako dahil halata namang gusto din siya ni Prince Lomord.
"Oo nga Relya alam mo ang gwapo ng taong gusto mo nung naglalaro sila ni Blesi! natalo niya pa si Blesi!" sigaw ni Jedi kaya nagtakip ako ng tainga.
"Buti ka pa Harelya nakakasama natin yung taong gusto mo samantalang ako ang layo-layo niya at di ko pa ulit siya nakikita."  malungkot na sabi ni Trely.
Namimiss ko na nga si Kuya eh sabi niya bibisita siya dito pero kahit dalawang araw palang kami dito gusto ko na silang makita ni Ate.
"Ako din naman, magkaibigan si Prince Treoll tsaka si Kuya Blaster edi hindi ko rin siya nakikita, sayang gusto ko na siyang makita eh." sabi ni Jedi at pumunta sa harap ng salamin at tinitignan ang sarili.
"Eh paano naman si Blesi? Hindi niya nga kilala ang lalaking nahalikan niya, hindi rin niya nakita ang mukha at hindi rin niya alam ang pangalan." sabi ni Harelya.
Kaya napatango-tango ako, tama si Harelya mas grabe pa nga ang problema ko sa dalawang to.
"Oo nga Blesi, ayos ka lang ba? nandito lang kami para sayo." sabi ni Jedi na emotional na lumapit sa'kin.
"Ano ba kayo! Malay niyo kami ang nakatadhana at baka bigyan kami ng pagkakataon na magkita ulit." taas noo at nakangiti ko pang sabi.
#100% confident
Ngumiti lang sila sa'kin at ginawa na ang mga kaniya-kaniya nilang gawain.
Pero si Juno? ewan ko pero kapag nakikita ko siya feeling ko siya ang tamang lalaki para kay Blesi kaya gusto kong magkatuluyan si Prince Juno at si Blesi sa kuwento, para pagkaalis ko dito at pagkabasa ko ng libro na 'to sa future eh proud ako sa sarili ko dahil nagawa kong happy ending ang kuwento.
Pero paano naman yung lalaking dalawang beses akong iniligtas? Kaya ko bang isuko ang pagmamahal ko para sa magiging kasiyahan ni Blesi?
Ni hindi ko nga alam kung kailan matatapos tong buhay ko dito sa libro.
Kapag ba nagawa ko ng maging happy ang ending ng kuwento ni Blesi at Prince Juno o kaya ni Ate Beryl at ni Prince Ellio ay tapos na ang trabaho ko dito?
Kapag ba natapos ko na ang mission ko dito, kaya ko bang iwanan sila?
'Dapat kayanin mo Blesi! dahil nasa pekeng mundo ka at dahil kapag sinanay mo ang sarili mo sa pekeng mundo, sa huli ay ikaw lang ang masasaktan.' parang may bumubulong sa'kin.
Kaya napalingon ako sa paligid pero wala naman, tinignan ko yung tatlo at may kaniya-kaniyang mundo yung isa ay inaayos ang sarili sa salamin yung isa naman may binabasa sa touch pad at yung isa ay inaayos ang mga gamit
Baka guni-guni ko lang yun, pero ang linaw kasi nung sinabi yun parang nasa gilid ko lang ang nagsabi.
Natatandaan ko pa ang sinasabi nun.
Ang creepy! may multo kaya dito?
"May problema ba, Blesi?" tanong ni Trely na nakasandal sa headboard ng kama niya.
Ngumiti ako sa kanya at umiling.
"Iniisip mo pa din ba yung lalaking yun? Gaya nga ng sinabi mo kung kayo talaga ang nakatadhana, pagtatagpuin kayo nun." ngiting sabi niya.
"Hindi! Iniisip ko lang si Kuya namimiss ko na kasi." ngiting sabi ko at inaasar siya. Bigla naman siyang namula ang mga pisngi niya.
"Matulog na nga tayo, kayong dalawa dyan dalian niyo na at matutulog na tayo." sabi ni Trely.
Tinabi niya na ang touch-pad niya at humiga na.
Samantalang ako nakasandal pa din sa head board.
Kinikilabutan ako sa narinig ko kanina pero tama naman yun, nasa pekeng mundo lang ako at kapag nainlove ako ay talo ako o kaya kapag sobrang napamahal na ako sa mundong ito at nasa paligid ko ay tiyak na sobrang masasaktan ako.
Humiga na din ako at huminga ng malalim para makalimutan ko ang iniisip kong yun.
"Blesi! Gising na maghahanda pa tayo sa pagpasok." gising sa'kin ni Harelya.
Kaya umupo ako sa kama ko at hinihintay na makarecover ang sarili ko sa pagiging tulala dahil nga ganito ako kapag bagong gising.
Inikot ko na ang paningin ko at nakita ko ang tatlo na hinahanda na ang mga kasuotan nila si Harelya naman ay hinahanda na din ang kasuotan ko kaya lumapit ako sa kanya.
"Salamat Relya." ngiting sabi ko.
"Walang anuman, ako muna ang gagamit ng banyo ah." paalam niya, tumango ako kaya pumasok na siya sa banyo.
"Oh Jedi, parang ang tahimik mo yata." sabi ko.
Napatingin naman siya sa'kin at sumimangot.
"Eh kasi naman inaantok pa ako, dinaganan pa ako ni Trely para gisingin." nakapout niyang sabi habang inaayos ang uniform niya at yung mga gagamitin niyang alahas.
"Bakit ka ba kasi puyat?" tanong ni Trely.
Hinihintay ko naman siyang sumagot sa tanong ni Trely.
"Hindi kasi ako kumportable sa ayos ng mga gamit ko kagabi, kaya ayun tinanggal ko ulit tapos inayos ko, ang tagal ko pang nag-isip kung ayos na ba ako sa ginawa ko, tapos nakatulog na ata ako nung mga madaling araw na." sabi naman ni Jedi kaya napatawa kaming dalawa ni Trely. Sumimangot naman lalo si Jedi.
Napailing na lang ako kasi may pagkamaarte pala si Jedi sa katawan.

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    BallenaTyrone

    gggh

    03/10/2024

      0
  • avatar
    Renar Cunanan

    knjjkkkkkjjkkkmnjj

    03/08/2024

      0
  • avatar
    Cristin Macatunog Pajuelas

    Gusto ko mag basa niyo

    27/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata