NAKANGITING lumabas mula sa Mansyon si Robert. Kahit hindi niya nakita si Antonietta ay masasabing buo na ang kanyang gabi. Sa mga oras na iyon ay hindi niya makalimutan ang mukha ng isang babaeng nakita niya ngayong gabi: si Antonia. Nalilito pa rin ang binata sa saad ng dalaga kanina ngunit sinaksak niya na lang sa kukote na totoo ang sinasabi nito. Ang tanging nasa isip niya ngayon ang maputing kutis nito, ang mapupungay na mata na siyang naging rason para mapako ang kanyang paningin sa dalaga. Ang mapupulang labi ni Antonia na hindi man lang nabahiran ng lipstick, at ang mahinhin na boses nito. She's totally beautiful, He whispered as he went to the car. Bago pa niya paandarin ang sasakyan, naalala niyang bigla si Antonietta. Bakit nga ba si Antonia ang nilalaman ng isip niya kung gayong si Antonietta ang dahilan ng pagpunta niya rito? Umiling-iling ang binata saka hinarurot ng mabilis ang sasakyan. Antonia is gorgeous, but Antonietta is your girlfriend. Paulit-ulit niyang sinasaksak sa kukote niya ang mga salitang iyon habang bumabaybay pauwi ng kanyang Apartment sa Quezon City. Ngunit hindi niya magawang kalimutan ang dalaga simula noong umalis siya sa Mansyon, ang matindi pa nito, mas lalong bumakat sa isipan niya ang pangalan ni Antonia. Mukhang mapapainom siya ng marami para lang makatulog dahil siguradong hindi siya dadalawin ng antok ngayong gabi. *** "PRE, sinasabi ko sa 'yo, delikado iyan," paalala ng kanyang kapatid na si Gustavo na ngayon ay nasa Apartment ni Robert upang samahan itong uminom. "Iyon na nga Bro e. N'ong makita ko si Antonia, para ko na ring nakita si Antonietta. Believe me Bro, magkamukha sila. Akala ko nga noong una, siya 'yong namatay na kapatid ni Antonietta e. Pero nilinaw niya sa 'kin na hindi siya 'yon. Galing siya from somewhere Baryo at kaya siya nasa Mansyon ay para kumita ng pera para sa tatay niya." "Ano naman ang trabaho niya roon?" tanong ni Gustavo. Napahawak sa sentido si Robert. Umupo siya sa couch saka ini-straight ang isang shot ng vodka. "She's the new Personal Assistant of Tita Anastasia. Ewan ko ba pre, sa tuwing ipinipikit ko ang mga mata ko gaya na lang ngayon," pumikit si Robert at halos mabaliw na siya sa kanyang kinauupuan niya--pinipilit niyang isipin si Antonietta pero bigo iyong mangyari. "This is so crazy! I think I'm madly in love!" sigaw niya, wala namang magawa si Gustavo kundi pagtawanan ang binata. "You're in trouble, little bro. Naranasan ko na iyan noong nakilala ko si Toni. Pero nang mawala siya, she eventually lost in my mind. Siguro kailangan mo munang dumistansya sa kanya para hindi mo na siya maisip pa. Remember," Tinapik niya ng malakas ang balikat ni Robert. "The word 'Moving On' exist in this world. Hindi na uso ang martyr, sa babae lang 'yan." "Sabihin mo nang nakakabakla but Whatever," iyon na lamang ang sinabi ni Robert at dere-derecho na itong pumasok sa kanyang kuwarto. Naiwan na lang sa salas si Gustavo na magmistulang crumpled paper sa pagkakunot ng kanyang noo. That Antonia looks like Antonietta? At magkamukha rin sila ni Toni? What the fucking hell is happening here? May konting curiosity ang pumasok sa isip ni Gustavo. Nang mabalitaan niya kasi ang tungkol sa pagkamatay ni Toni ay hindi na siya umasa pa na buhay ito. Ngayon sa mga narinig niya sa nakababatang kapatid ay muling nabuhay ang kanyang namatay na nararamdaman kay Toni. Hindi niya man alam ang katotohanan ay aalamin niya, kikilalanin niya kung sino si Antonia, at kung ano ang papel niya sa kuwentong ito. *** ABALANG inaayusan ni Antonia ang buhok ni Anastasia. Ngayon kasi ang first shoot ng ginang sa kanyang pelikulang 'The Life of a Princess Enchanted'. Ang role niya roon ay ang ina ng bidang si Edith na nakatira sa mundo ng pantasya. Tuwang-tuwa ang dalawa habang nakaupo sa dressing room. "Ang ganda mong mag-ayos ng buhok, Antonia. I really like the way you bun my hair!" Complement niya sa dalaga. Nagulat si Antonia, sa unang pagkakataon ay mayroong isang tao na namangha sa kanyang talento. Bihira niyang gawin ang mga ganoong klase ng hairstyle, na para ba 'yong sa buhok ng mga artista sa Hollywood. Nobody knows of her talent, at noon ay sa sarili niya lang nagagawa ang bagay na iyon. "Talaga po, Miss Anastasia? Naku, maraming salamat po! Natutuwa po ako na nagustuhan niyo. Sa totoo lang po, ikaw ang kauna-unahang inayusan ko ng buhok. Ayaw ko kasing may makaalam ng talento kong ito at baka pagkaguluhan ako ng mga tao sa Baryo namin. Sapat na sa 'kin 'yong pagiging tindera ng mga kakanin," aniya. Nilingon niya ang dalaga. "Bakit hija, iyon lang ba ay sapat na para sa 'yo? Ayaw mo bang pumasok sa kolehiyo?" Hindi nakapagsalita si Antonia. Paano nga ba siya makakatungtong ng kolehiyo, ni pera nga pampa-opera kay Tonyo ay wala siya, iyon pang pampa-aral niya ng apat na taon sa kolehiyo? "M-miss, gustong-gusto ko po. P-pero, wala pa 'yan sa isip ko ngayon kasi mas iniintindi ko muna ang pamilya ko dahil sila ang bumuhay sa akin noong mga panahon na walang-wala ako. Gusto ko lang naman suklian ang mga kabutihang binibigay nila sa akin. Siguro, kapag nakapag-ipon na lang ako ay susubukan kong mag-aral muli." Naputol ang kanilang pag-uusap sa pagpasok ng Direktor ng pelikula na si Madam K. Siya rin ang tumatayong manager ni Antonietta kaya agad niyang pinuntahan si Anastasia upang ibalita ang nabalitaan nito mula sa dalaga. "Anastasia, can we talk?" galanteng tanong ni Madam K kay Anastasia. Tinignan niya si Antonia ng mariin, na nangangahulugang mag-uusap sila ni Anastasia ng sarilinan. Tumango lang ang dalaga saka lumabas ng dressing room. "Sure, ano'ng pag-uusapan natin? The conepts are great. Handa na rin ang mga casts so is there any problem with it?" "Unfortunately, we only have fifteen minutes but still, Antonietta is not around. Tinawagan ko na siya pero hindi siya sumasagot. Can you just contact her and tell her about this? At kung hindi siya makakarating agad dito, I will declare the movie cancelled!" Mahina ngunit mariin na pagkakasabi ni Madam K. Si Antonietta kasi ang gaganap na Princess Edith sa pelikula. Sinabihan na rin siya kahapon ng manager nito na pumunta ng maaga ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ang dalaga. Unti-unti nang nauubos na parang kandila ang oras na natitira. Ngunit sa mga oras na pumapatak ito at nasasayang, isang ideya ang biglang pumasok sa isip ni Anastasia. "Unless..." Tumingin siya sa pintuang nilabasan ni Antonia. Yeah, you're right! Naisip niya na tutal ay may pagkakahawig sina Antonietta at Antonia, maaaring si Antonia ang maging subtitute ni Antonietta sa pelikula. She didn't even wonder if Antonia could act. She believes that Antonia can do everything. "Unless what?" "Unless, we hire an replacement," ani Anastasia. Tumayo siya mula sa kinauupuan at naglakad palabas ng Dressing Room. "At sino naman ang gusto mong pumalit sa anak mo?" Bumukas ang pinto ng Dressing Room at bumungad sa harapan nilang dalawa si Antonia na gulat na gulat. Napakagat sa kuko si Antonia habang tinititigan siya ng dalawa. N'ong lumabas ng Dressing Room ang dalaga ay nanatili lang ito sa labas ng pinto. Sa mga naririnig niya ay hindi niya sinasadyang pakinggan ang pag-uusap nina Anastasia at Madam K. Ngunit nagkamali siya. Humawak si Anastasia sa braso ni Antonia, tinignan niya ang ginang nang may pagtataka. "Miss, Anastasia, bakit po?" tanong niya. "Halika sa loob, akong bahala sa 'yo." Hindi na nagawang sagutin ni Anastasia ang katanungan ni Madam K sa kanya dahil obviously, the answer is in their front. Hindi na rin nanlaban si Antonia at pinili na lang na pumasok sa loob ng Dressing Room. Pinaupo si Antonia sa loob at tinawag ang hairstylist ni Antonietta. Lumapit ito sa kanila saka bumulong ang ginang rito. "Ikaw na ang bahala sa PA ko. Make sure na sa gagawin mong make-over, walang makakaalam na hindi siya si Antonietta," bilin niya pa. Hindi naging klaro para kay Almira (The hairstylist) ang saad ng ginang kaya naman bigla siyang nanginig nang tignan ng maigi ang mukha ng dalaga sa salamin. Kumunot ang noo niya ng pagkalaki-laki at tila hindi makapaniwala sa nakita. Totoo ba ito? Ano'ng klase naman ng mansanas ang nakain ni Miss Antonietta at biglang nawala ang lason sa utak niya? Tanong sa isip ni Almira. Maamong mukha ni Antonia ang nakikita niya sa kanyang harapan na nakangiti sa sarili. 'Di gaya ni Antonietta na sa tuwing magkikita sila ng hairstylist ay laging wala ito sa mood. Nanibago lang siya. Hinila ni Almira si Anastasia palayo kay Antonia at kinausap ito ng mahinahon. 'Di pa ito nakuntento dahil paulit-ulit pa niyang kinukusot ang mga mata niya at baka namamalik-mata lang siya. "Seryoso kayo, Ma'am? Hindi 'yan si Miss Antonietta?" "Yes, do you think I'm those kind of people who like kidding anyone?" Isang ngiti ang tinapon niya kay Almira. "Just do you job and don't tell anybody about this, okay? Make sure you can do this in fifteen minutes. Remember, time is gold," aniya. Tumango-tango na lang si Almira at bumalik sa kinaroroonan ni Antonia. "Let's go?" aya ni Anastasia kay Madam K at hinila ito palabas ng Dressing Room. "B-bakit, hindi ba natin hihintayin 'yang alalay mo este subtitute ni Antonietta?" "Time is gold, remember? Imbis na maghintay tayo dito, why don't we waste our time to prepare for the shoot? Don't worry K, temporary lang 'to at kapag bumalik na si Antonietta, sa kanya na ulit ang role, if there's still remaining part for her will do," nakangiti niya pa ring sabi. Para kay Anastasia, she's contented with Antonia to play the leading role from the start unto the end. She's much better than Antonietta dahil sa maamo niyang personalidad na match doon sa character na gaganapan niya. Saka tulong na rin iyon para mapagamot niya ang ama na nasa ospital pa rin dahil tiyak na malaki ang kikitain ng dalaga kung sakali. Lumabas na ang dalawa sa loob ng Dressing room at naiwan roon si Antonia at Almira. Noong una, wala nino man sa kanila ang nagsasalita ngunit kaalunan ay binasag rin ni Antonia ang katahimikang bumabalot sa pagitan nila. "Ate, p'wede ko bang matanong kung ano'ng ibig sabihin nitong lahat? Bakit kailangan n'yo akong ayusan gayong hindi naman artista ang role ko dito kundi Personal Assistant ni Miss Anastasia?" nagtatakang tanong ng dalaga. "Alam mo, sa mga oras na ito, kalimutan mo muna na isa kang alalay ni Madam." "Bakit naman ho?" Hinawakan ni Antonia ang kanyang buhok upang matigil sa pag-aayos si Almira. Lumingon siya rito at tinignan ng malalim. "Hindi ako marunong kumanta at tumugtog ng instrumento, lalo na ang sumayaw. Huwag niyong sabihin na isasali niyo ako sa pelikula ni Miss Anastasia? Wala po akong talento bukod sa pag-aayos ng buhok, pag-gawa ng kakanin at pagtatahi ng mga damit. 'Yon lang." Humalakhak si Almira, subalit hindi ganoon kalakas. Inilingon niya ang ulo ni Antonia sa harap ng salamin upang ayusan muli. "Nakakatuwa kang bata ka! Pero parang ganoon na nga. Narinig ko kasi na hindi 'ata makakarating si Antonietta sa shoot kaya ikaw ang pinili ni Miss Anastasia na pumalit sa kanya since magkamukha naman kayo." "Ha?" Gaya ng inaasahan ng lahat, magulat ang dalaga. Hindi dahil iniisip niya na magiging artista siya, kundi dahil kahit kailan ay hindi niya pinraktis na umarte. At siyempre, kasama na sa dahilan niya ang pagmamadali. "P-pero, Ate, hindi puwede dahil hindi ako maaaring magtagal dito. Kailangan ako ng pamilya ko sa Baryo namin lalo na ang tatay ko. Kailangan ko agad makabalik at kung papayag pa ako sa gusto ni Miss Anastasia ay siguradong hindi ako makakauwi agad--" "Huminahon ka. Huwag kang mag-alala dahil temporary lang naman 'to e habang wala si Miss Antonietta. Pero kung sakaling hindi na siya sumipot sa shoot sa kabuuan ng pelikula ay wala kang dapat ikabahala. Uuwi ka nang may dalang pera. Maraming-maraming pera. Kikita ka dito kaya relax ka lang." Parang nabunutan ng tinik si Antonia matapos marinig ang mga salitang makakapag-pagaan ng kanyang dinadala. Tama si Almira, may talent fee na makukuha si Antonia mula sa production ng pelikula na dapat ay mapupunta kay Antonietta. Kapag nakuha niya iyon ay maaari na siyang makabalik sa kanila upang ipa-opera si Tonyo. "Tama ka," pagsangayon ni Antonia kay Almira. "Tamang-tama dahil kailangan na ni Itay ng pera sa ospital. Naku, siguradong matutuwa si Inay kung saka-sakali. Sana lang, matapos agad ang pelikula para makauwi na ako. Excited na 'kong makita sila, at si Itay." "Don't worry my dear, eighty minutes lang naman ang pelikula e, at sigurado akong matatapos rin iyon. Hindi lang pera ang maiuuwi mo sa inyo, kundi ang kasikatan mo. Mark my word, Hija. From this day until the movie released, artista ka na!" Wala sa sariling ngumiti si Antonia habang nakatingin sa salamin. Sa haba ng kanilang pag-uusap, hindi niya namalayang labinglimang minuto na pala ang nakalipas, at kanina pa siya nakaayos. Nasa harapan na niya ngayon ang damit na isusuot. Dinala siya ni Almira sa Fitting Room upang isuot niya ang damit para sa shoot. Bago niya pa isara ang pinto ay isang matamis na ngiti ang namumutawi sa bibig ni Antonia. "Good luck, Princess Edith," ani Almira habang pumapalakpak pa. Good luck, Antonia. Samantalahin mo na ang pagkakataon. Pagkatapos nito, uuwi ako at maililigtas ko ang buhay ni Itay. *** "GET READY." Lumipas na ang labing-limang minuto ngunit hindi pa rin lumalabas mula sa Dressing Room si Antonia. Tanging siya na lang ang hinihintay ng mga tao roon dahil kanina pa nakahanda ang shooting. Naroon na rin ang lahat ng cast na gaganap sa pelikula, kasama na d'yan si Robert na may papel bilang Romeo, isang prosecutor na magkakagusto kay Princess Edith. Nasa gilid sina Anastasia, Madam K, at Robert na kanina pa naghihintay sa dalaga. "Ano bang nangyayari, Ana at wala pa 'yang alalay mo? Kanina pa tayo naghihintay pero hindi pa rin siya lumalabas sa Dressing Room. Princess Edith ang role niya dito, hindi presidente ng bansa!" Halos ibulong niya kay Anastasia ngunit may diin ang pagkakasabi nito. "Alam ko, K, pero sinabihan ko na si Almira na bilisan ang pag-aayos kay Antonia. May tiwala ako sa kanya kaya siguradong palabas na rin iyon." "Ano ho?" Hindi sinasadyang pakinggan ni Robert ang pag-uusap ng dalawa, lalo na nang marinig ang pangalan ni Antonia. "Si Antonia po? Akala ko ba'y si Antonietta ang gaganap na Princess Edith?" "Shush... Huwag kang maingay. Walang nakakaalam ng sikretong ito. Kanina ko pa tinatawagan 'yang Girlfriend mo pero hindi sumasagot at hanggang ngayon ay wala pa rito. Buti na nga lang at kasama ko si Antonia kundi, hindi ko maiisip na i-subtitute niya si Antonietta. Siya nga pala, natawagan mo na ba si Antonietta?" "Kanina ko pa po siya tinatawagan pero hindi niya naman sinasagot, mukhang naka-off 'ata ang phone niya." "Ah, ganoon ba? Pero teka nga sandali, magkakilala ba kayo ni Antonia?" kunot-noong tanong ni Anastasia kay Robert. "Napansin ko kasi sa tono ng pananalita mo kanina na parang magkakilala na kayo. Totoo ba?" "O-opo. Unfortunately, we've met last night I went to the mansion. I went to the second floor and I accidentally entered her room sa pag-aakala kong si Antonietta ang nasa loob ng kuwartong iyon ngunit si Antonia pala. Nilinaw naman niya sa 'kin ang lahat kaya naniniwala ako sa kanya," ani Robert. Gaya nang binilin sa kanya ng kapatid na si Gustavo, kailangan niyang dumistansya kay Antonia dahil baka mahulog ang loob niya sa dalaga. Delekado na dahil nasa iisang bubong nakatira si Antonietta at ayaw niyang madamay si Antonia kung sakaling magkatotoo iyon. Kaya bago pa magsimula ang shoot ay nagpaalam muna si Robert na pupunta sa banyo, pero ang totoo ay aalis na siya sa shooting at pupuntahan si Antonietta. Hindi pa man nakakaalis ng setting si Robert ay napako ang kanyang tingin sa isang babaeng lumabas mula sa Dressing Room. Iniluwa ng Dressing Room ang isang babae--oh, scratch that, isang Prinsesa. Isang magandang prinsesa na may maamong mukha. Sino pa ba ang tinutukoy dito kundi si-- "Antonia?" Napabulong na lang si Robert habang pinapasadahan ng tingin ang dalaga mula ulo hanggang paa. Hindi niya inakala na ang isang Personal Assistant na kagaya ni Antonia ay bubungad sa kanyang harapan bilang isang Prinsesa. Hindi na nagawa pa ni Robert ang binabalak niya. Bagkus, siya na mismo ang kusang lumapit sa dalaga. Tumayo na rin sina Anastasia at Madam K mula sa kinauupuan nila at pumuwesto na. Samantala, gulat na gulat naman si Antonia--hindi niya ine-expect na si Robert ang bubulaga sa kanyang harapan. She don't even know that Robert is an Actor. Gayon pa man, hindi niya pinahalata iyon sa harap ng maraming tao. Hanggang sa hindi niya na lang namalayan na kanina pa nagsisimula ang taping. "Let's go," rinig niyang sabi ni Robert kaya sumunod na siya rito. Pumunta sila sa makulay na karwahe upang doon simulan ang unang eksena ng shooting. Nakasakay na sila sa karwahe at walang ginagawa si Antonia kundi lumingat-lingat sa paligid niya. Tumigin siya ng derecho kay Robert kaya naman natumbok ng binata ang ibig sabihin nito. Pinatigil niya muna ang mga cameraman sa pagre-record ng video at bumulong siya sa dalaga. "What's wrong, Antonia?" Napasinghap si Antonia. "Alam mo ang totoo?" Tumango-tango si Robert. "Tita told me before. Hindi mo ba kaya? Napapansin ko kasi sa mga mata mo ang pag-aalala." Hindi inaasahang hinawakan ng binata ang kamay ni Antonia. "Huwag kang mag-alala, nandito lang ako. Kung hindi mo alam ang linya mo, just be youself," aniya. "Pero kinakabahan ako, Robert--" "Don't be nervous. Just be yourself." Hindi na nakapalag si Antonia at tumango-tango na lang ito. Nagbigay na rin ng Go-signal ang direktor kaya itinuloy na nila ang shoot. Sa kalagitnaan ng shooting ng pelikulang "The Life of a Princess Enchanted", napuno ito ng kasiyahan sa pagitan nina Robert at Antonia. Kapwa nag-e-enjoy ang dalawa sa magagandang eksenang nagagawa nila, tila ba nakalimutan na ni Antonia na isa siyang cheap baryo girl, as Antonietta called her. Hindi namamalayan ng dalaga na wala na sa script ang mga linyang sinasabi niya, subalit mas maganda ang mga mensaheng nakapaloob doon kumpara sa script na sinulat ng writer. At para kay Robert, sa mga oras na magkasama sila ni Antonia, parang nakalimutan niya si Antonietta. Ang tanging nasa isip at puso niya ngayon ay ang pinakamagandang babaeng nakilala niya--at iyon ay si Antonia Maricon. *** MAKALIPAS ng anim na oras na shooting, natapos na rin ang Day one. Magkasama sina Robert at Antonia ngayon at bumalik muli sa karwaheng kanina ay sinakyan nila. Nag-usap sila roon, nagkuwentuhan tungkol sa mga buhay nila. And just think of it, may natuklasan sila tungkol sa mga sarili nila--biruin mo ba namang ang Bob na kababata ni Antonia at minahal niya mula noon hanggang ngayon, at ang Robert Alcantara na nasa harapan niya ay iisa? Kapwa nagkatinginan ang dalawa na para bang tumigil ang oras sa pagitan nila. Naramdaman na lang ni Antonia na may luhang pumapatak sa mga mata niya, at pinunasan iyon ni Robert gamit ang kanyang panyo. Niyakap niya ng mahigpit ang dalaga, na halos hindi na mapaghiwalay. Walang boses ang naririnig at tanging mga ngiti lang at namumutawi sa mga bibig nila. "Kay tagal kitang hinanap, Bob. Ikaw lang pala 'yan? Kay tagal kitang hinintay dahil alam kong darating ang araw na magkakasama rin tayong muli," umiiyak na saad ni Antonia. Hindi naman nakasagot si Robert dahil sa emosyon. Biglang tumunog ang telepono ni Antonia na nanggaling sa bulsa niya kaya napakalas siya sa pagkakayakap kay Robert. Kinuha niya iyon at inalam kung sino ang tumatawag--si Anne pala kaya sinagot niya ito. "Hello?" "A-antonia, anak," tawag ng inang si Estrella na nakitawag sa telepono ni Anne. Sa tono ng boses ng ina ay para bang may masamang nangyari kaya biglang tumaas ang balahibo niya at kinabahan. "I-inay, bakit po?" nine-nerbyos na tanong ni Antonia. "Anak, w-wala na ang tatay mo." Anak, wala na ang tatay mo. Anak, wala na ang tatay mo. Anak, wala na ang tatay mo. Halos mabingi si Antonia matapos marinig mula sa kanyang ina ang balitang wala na ang kanyang ama. Matapos ang lahat nang paghihirap niya para lang makakuha ng pera na sana'y ipapang-opera kay Tonyo ay nauwi lang ito sa abo. Ngayon, pakiramdam niya, kahit ilang Oscar pa ang mai-uwi niya sa Baryo Marikit ay hindi matutumbasan nito ang sakit na nararamdaman niya. "H-hindi maaari, hindi maaari!" Napasigaw si Antonia at nawalan siya ng kontrol sa sarili kaya naibato niya ang cellphone niya kung saan. Takang-taka naman si Robert sa biglang pagwawala ng dalaga. "Antonia, are you okay? What happened?" nag-aalalang tanong ni Robert. Antonia look directly to his eyes. "Wala na si Itay, Robert. Wala na!" Bigla niyang hinablot ang kamay ni Robert. "Saan tayo pupunta?" kunot-noong tanong ng binata. "Samahan mo akong umuwi sa Baryo Marikit, gusto kong masilayan ang aking ama," matigas na sabi ni Antonia. Hindi na tumanggi si Robert at pumayag naman siya sa gusto ng dalaga.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
hessshs
02/10/2024
0nice story
19/09/2024
0nakapagtapos ako
08/09/2024
0Tingnan Lahat