WALANG nagsasalita nino man at tanging kalansingan ng mga kutsara, tinidor, at baso ang maririnig sa hapag-kainan ng mga De Vega. Maski si Antonia ay tahimik na pinagsasaluhan ang mga pagkaing nakahain sa harap niya, at hindi man lang nagawang magkuwento ng mga oras na iyon. Paano kasi, paborito niya ang putaheng nilalantakan niya. Sa kabilang banda naman ng mesa naroon nakaupo si Antonietta, na kanina pa tinatapunan ng masasamang tingin si Antonia at hindi man lang nagalaw ang laman ng kanyang plato. Feeling niya kasi, sa bawat ngiti at kinikilos nito sa kanya ay para bang may halong pang-iinsulto. Hindi niya malaman ang tunay na dahilan ngunit pakiramdam niya ay pinagseselosan niya ito, kagaya na lang nang nangyari kanina. Walang kamalay-malay si Antonia habang tinitignan siya ni Antonietta. Bakit ganoon? Bakit kami magkamukha? Tanong ni Antonietta sa isip habang titig na titig sa mukha ni Antonia. Wala akong matandaang closest relative na may pagkakahawig sa akin. Hindi kaya - Oh Geez, Antonietta! She's no longer here anymore and she will never come back, pangungumbinsi sa sarili. Naalala niya si Toni kay Antonia ngunit imposibleng iisang tao lang sila dahil matagal nang wala ang kakambal nito, na siya rin ang may kagagawan kung bakit. Napansin ni Anastasia ang kinikilos ni Antonietta kaya tinanong niya ito. "Antonietta, are you okay? Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" Napasinghap si Antonietta at inayos ang sarili. "Ah, Oh Yes, I'm okay. As I'd told you before, I'm tired that's why I feeling this way. But anyway, Antonia," tawag nito sa dalaga na busy pa rin sa pagkain. Agad itong uminom ng tubig para panulak sa kinain. Tinignan siya ni Antonietta habang nakataas ang kaliwang kilay nito. "Tell me about yourself, and where does your name came from." Sa dalawang katanungan na binato ni Antonietta kay Antonia ay nagmistulang mga bingi ang mga tao roon. Walang nariririnig--natahimik pati ang mga kutsara't tinidor na nagkakalansingan. Napakunot ng noo si Antonia. Sino ba naman kasing tao ang magtatanong ng ganoong ka-non-sense na katanungan bukod kay Antonietta? Ngunit gayon pa man e sinagot pa rin ng dalaga ang mga katanungan nito. "Miss Antonietta, galing po ako ng Baryo Marikit. Ang nanay ko ay katulong ko sa paggawa ng mga kakanin sa aming baryo habang ang tatay ko naman ay isang Fish Vendor sa palengke, pero sa kasamaang palad ay nasa ospital siya ngayon, at kritikal ang kalagayan niya. Kaya ako nandito ngayon upang kumita ng perang ipampa-opera kay Itay. Ang sabi kasi ng Doktor, may baradong ugat sa kanyang puso na kailangang maoperahan agad," Naluluhang saad niya rito at ramdam niya ang pakikiramay ni Anastasia sa kanyang tabi. Napansin 'yon agad ni Antonietta kaya mas lalong kumulo ang dugo niya. "You didn't answer my question. I'm asking for you PERSONAL INFORMATION, not your family background. And your poor baryo Dad is none of my business." "Antonietta?" "Shush! I want to hear the exact answer from her." "Pambabastos na 'yang ginagagawa mo sa bisita natin, don't you know that?" "Ma'am Anastasia, hayaan niyo na po, sasagutin ko na lang po ang tanong niya." Hindi na nagawa pang pigilan ni Anastasia ang anak kaya hinayaan niya na lang na magsalita si Antonia. "Tindera po ako ng mga kaanin sa baryo namin. Hindi man ako nakatungtong ng kolehiyo e nakapagtapos naman ng Hayskul. Sapat naman po ang kinikita ko sa pagbebenta sa araw-araw pero kulang iyon para pag-aralin ang sarili ko. At ang pangalan ko po," Sandaling nanahimik ang dalaga ngunit 'di nagtagal ay ipinagpatuloy niya rin ang sinasabi. "Ay galing sa akin ama na si Antonio, kaya Antonia ang pinangalan nila sa akin." Sabagay, like father, like daughter, pareho silang cheap. Tumango-tango ng bahagya si Antonietta pero para sa kanya ay kulang pa rin ang nakalap nitong impormasyon. Sumipsip siya ng Juice at pinag-taasan pa ng kilay muli ang dalaga. "So as you told me before, nasa ospital ang tatay mo, and that is the reason why you came here to apply as PA of Mama. Pero paano ka naman nakasisigurong makakakuha ka ng pera pampa-opera sa tatay mo agad-agad? Ano, tatawagan mo ang mga cheap baryo friends mo para pag-usapan niyo ang plano? Bubuksan mo ang vault ni Mama o kaya ka nag-apply ay para alamin ang Account Number niya para makakuha ka ng pera?" "Antonietta, stop it!" saway ni Mark sa anak na nagmamaldita. Hindi niya sinasadyang mapasigaw gayong may bisita sa kanilang harapan. Ngayong si Antonia pa lang ang nakatungtong sa mansyon ng mga De Vega ay ganito na ang turing sa kanya ng De Vega sisters, how much more if Arnie was here? "Sir, hayaan niyo na lang ho na sagutin ko ang mga katanungan niya," ani Antonia. Dahan-dahan niyang nilingon si Antonietta na ngayon ay naghihintay pa rin ng sagot. "Miss Antonietta, hindi po ako kagaya ng iniisip niyo. Kahit imposibleng kumita ng pera ay sinubukan ko pa ring magtrabaho sa inyo dahil ito na lang po ang natitirang paraan para maoperahan si Itay. Hindi po ako pumunta dito para humingi lang ng pera. Handa kong pagtrabahuhan ang lahat para kitain lahat ng iyon." Parang may bumarang chalk sa lalamunan ni Antonietta at hindi na niya nagawang pagsalitaan ng kung ano ang dalaga. Gustong-gusto niya itong duruin ang sabihan ng kung anu-anong masasakit ngunit hindi nagre-respond ang kanyang bibig. Wala siyang magawa kundi magwala sa isip. Napaka-yabang talaga ng babaeng ito! Sige lang, Antonia, magpakaligaya ka. Makikita mo rin ang hinahanap mo. Pagsisisihan mo na lumapit ka sa mga De Vega, sigaw niya sa isip. Kanina pa siya nagtitimpi. Kung siguro'y wala rito ang Mama at Papa niya ay siguradong nakatikim na ang dalaga sa kanya. Ayaw niya kasing mapahiya sa mga ito at ginagawa na niya ang paraan para sa kanya matuon ang atensyon ng kanyang mga magulang. Hindi na nagalaw ni Antonietta ang plato niya at badabog itong umalis sa hapag-kainan, ganoon rin si Elizabeth. Parang mga basang sisiw itong umalis at tila napahiya sa mga ito. Ipinagpatuloy lang nila Antonia ang pagkain sa mesa. "I'm very sorry for Antonietta. Hindi ko inakalang mangyayari ito," may bakas ng paghingi ng tawad ang sinabi ni Anastasia sa dalaga. "Selosa kasi ang dalawang iyon kaya huwag mo na lang pansinin. Hindi magtatagal ay masasanay ka rin sa kanila," ani Mark. Tumango-tango ang dalaga at nginitian lang ito ng matamis, para bang walang nangyari kanina. Tumingin siya kay Kaye, magiliw itong kumakain ng paboritong fried chicken na lalong kinatuwa niya. Sa tatlong magkakapatid na De Vega, si Kaye lang ang natatanging magaan ang loob sa kanya. Nakakaramdam rin si Antonia ng kaunting gaan ng loob kay Elizabeth maliban kay Antonietta na hindi niya malaman kung bakit mainit ang dugo sa kanya nito. "Ayos lang po iyon. Naiintindihan ko naman po e. Nakuwento niyo pala sa akin kanina sa labas ang tungkol kay Toni. Iyon po ba ang rason kung bakit ganoon ang trato nila sa akin?" Kapwa nagkatinginan ang mag-asawa---Medyo mariin ang pagkakatitig ni Mark kay Anastasia dahil 'di niya inexpect na uungkatin na naman nito ang issue kay Toni dahil lang kay Antonia. Gayon pa man, pinilit nilang ikwento ang mga limitadong impormasyon ukol sa kanilang yumaong anak. "Ah--Oo. Nakuwento ko ba sa iyo na magkakambal sina Toni at Antonietta? Masyado kasi akong na-depress noong panahon na nawala ang anak ko kaya no'ng makita kita ay akala ko, ikaw iyon. Pasensya ka na," paghingi niya ulit ng dispensa dito. Tango-tango lang ang sinagot sa kanya ni Antonia. "Alam mo, close sila ni Antonietta noong mga bata pa sila. Bago mawala si Toni, binigyan pa nga niya ito ng bracelet na may pangalan nito. Simula noong nawala si Toni, parang gumuho ang mundo ko. Pero dahil nandiyan ang pamilya ko, pilit kong magpakatatag dahil ayaw ni Toni na magulo ang pamilya namin." "Ganoon po ba? Mabuti naman po. Mahirap po kapag nagkawatak-watak na ang isang pamilya. Parang puzzle. Once na hindi mo maibalik ito sa tamang pagkakaayos ay hindi mo na ito kayang ibalik pa. Kung maibalik mo man ay huli na." "Saan mo naman natutunan iyan?" tanong ni Mark sa dalaga. Tumawa ito ng bahagya. "Sa pocketbook po, kay Inay." Nagkatawanan na lang ang apat. Kahit na bata pa si Kaye ay nakitawa rin siya sa mga ito. Kung titignan sila ay para itong isang buong pamilya. Buong pamilya nga ba? *** "AARRGGH!" Isa-isang binato ni Antonietta ang kung ano mang bagay ang madampot niya sa loob ng silid nito. Kung saan-saan ito tumama--sa pader, sa glass window, and the worse, sa kaisa-isang chandelier na nakasabit sa taas ng kisame. Muntik na nga siyang bagsakan nito kung hindi siya hinila ni Elizabeth palayo dito. "Crazy woman! Bakit ba ang init ng dugo mo ha? In fact, Antonia is right. Nagkwekwento lang naman siya, tapos ikaw, naghuhuramentado ka?" saway ni Elizabeth sa kapatid. Hindi pa rin mapakali si Antonietta. Kumuha ito ng isang bote ng wine at nilagok ng tuloy-tuloy. Nang makakalahati na ang iniinom na alak ay itinigil na rin niya iyon. Nakadungaw siya sa bintana habang kunot-noong iniisip ang mga sinabi sa kanya nito. Gigil na gigil siyang gantihan ang dalaga ng mga oras na iyon. "You know what, That cheap bastard baryo girl ruin my day. MY FUCKING DAY! I am expecting na pag-uwi ko dito, magiging peaceful ang buhay ko compare to london. But now what? She came here and act like a part of our family! She made my day miserable. Well, I will make her life like a hell at sisiguraduhin kong mapapalayas ko siya dito nang walang uwing pera. And I don't give a fuck if she can't pay her Dad's bills in the hospital!" "Asus. Ikaw pa? Kung si Toni nga nagawa mong paalisin sa buhay mo, iyan pang babaeng 'yan?" Sinaluhan ni Elizabeth na uminom ang dalaga at inakbayan pa niya ito na parang magkaibigan. "Don't worry my dear younger sister, I will support you on your fight. I can help you to take home the crown at uuwi siyang basang sisiw sa baryong sinilangan niya." "Good! Mabuti ka pa, supportive. Unlike Brandon, he's kind of a shit." Napakunot ng noo si Elizabeth. "Bakit Antonietta, ano'ng ginawa sa 'yo ni Brandon sa London, huh?" "Geez, never mind! Wala siyang kataste-taste, nakakaumay siyang kasama." "Hindi mo ba nagustuhan 'yong ginawa niyong Photoshoot ni Brandon sa kama?" pang-aasar niya pa kay Antonietta para mapikon ito. Gustong-gusto ni Elizabeth ang pikonin ang kapatid dahil nakakatuwa itong tignan. Gayon man, hindi siya nagtagumpay. Hindi nagpadala sa pang-aasar ni Elizabeth si Antonietta. Bigla niyang dinampot ang kanyang iPhone saka itinapon sa basag na bintana. "We haven't sex during my stay in London. Ang gusto niya, dito pa talaga sa Pilipinas? How if malaman iyon ni Robert? Ate Liza, walang nakakaalam sa realsyon namin ni Brandon maliban sa 'yo. I love Brandon, his love, his body. But I have no choice to go back here since he's busy! Babalik na lang daw siya kapag natapos na ang pelikula niya roon." "Ha! Ha! Ha! You love Brandon and his sexy body. But how about Robert, mahal mo pa rin siya? Hindi mo alam kung gaano kaseryoso 'yan sa 'yo. Tapos may balak ka pang maghanap ng iba? Robert is a kind of a man who dreamed by every woman. Hindi pa ba siya sapat sa 'yo?" "Of course, I loved him!" She screamed. In fact, mahal niya naman si Robert, at mahal nila ang isa't-isa. Sadyang sensitive lang si Robert pagdating sa sexuality. Ang gusto niya kasi ay ibibigay niya ang kanyang sarili sa taong mapapangasawa niya lang. "Iyon naman pala e, ano'ng gagawin mo ngayon?" tanong ni Elizabeth. Umupo si Antonietta sa couch sa tabi ng kanyang kama, at napaisip. Ano nga ba ang gagawin niya ngayong pinagsabay niya ang dalawang lalaki sa buhay niya? Mahal niya ang nobyong si Robert ngunit ayaw nitong ibigay ang sarili sa kanya kaya siya naghanap ng iba--at iyon ay si Brandon. Sa tuwing nakikita niya ang sincerity ni Robert sa kanya ay nakokonsensya siya sa ginagawa niyang pangangaliwa. Mahal niya rin si Brandon hindi lang ang pisikal na pangangatawan nito, at sa tuwing magkasama sina Brandon at Antonietta ay nakakalimutan niya ang mga problema sa kanila ni Robert kapag sila ay may tampuhan. Ngayon, hindi na niya alam kung sino ang pipiliin sa huli. "Hindi ko alam, okay? Bahala na. Ang sa akin lang, mahal ko sila, at kahit sino man ang itadhana sa akin ay tatanggapin ko. P'wede ba, huwag na natin 'tong pag-usapan. Sumakit na nga ang ulo ko kaiisip sa Antonia'ng 'yan, dadagdag ka pa?" galit niyang sabi saka umalis sa kanyang silid. Naiwan roon mag-isa si Elizabeth at saka pinulot ang iPhone ni Antonietta na tumilapon sa labas--hindi naman gaanong malayo ang pinagtapunan no'n kaya nakuha niya iyon agad. Binuksan niya ang cellphone nito at tinignan ang mga larawan. Ang wallpaper ng telepono ay litrato ni Antonietta kasama si Brandon na kuha mula sa mamahaling restaurant sa London. Makikita sa larawan ang pagiging sweet nila sa isa't-isa, na tila kasal na lang ang kulang. Naawa si Elizabeth kay Robert dahil noong panahon na nasa London si Antonietta ay araw-araw na bumibisita sa mansyon ang binata. Inuusog siya ng konsensyang sabihin ang totoo sa binata ngunit ayaw naman niyang masira ang pagmamahalan ng dalawa. Kahit mali ay sinuportahan niya ang kapatid maske sa mga balak nitong gawin sa mga nakakalaban niya. Nakakatandang kapatid nga si Elizabeth sa lahat, pero natatakot siya na baka mangyari sa kanya ang ginawa nito kay Toni. Nag-search sa gallery ng cellphone ni Elizabeth ng mga litrato nila ni Robert ngunit bigo niyang mahanap iyon. Ito siguro ang cellphone ni Antonia kapag magkasama sila ni Brandon. Naisip niya na baka may isa pa itong telepono na ginagamit niya naman kapag sila ni Robert ang magkasama. Poor Robert. Pero alam kong makakabawi ka rin. Walang lihim na hindi nabubunyag ay sinasabi ko sa 'yo, hindi ka lugi doon. *** SUMAPIT ang alas nuwebe nang dumaan mula sa Mall si Robert Alcantara. Siya ang anak ni Mr. Bernardo Alcantara na may-ari ng isang prehistiyosong paaralan sa buong Maynila, ang Alcantara University. Siya rin ay bagong salpak sa Showbiz, as Mark De Vega refers to his former manager. Mayroon rin siyang bagong pelikula na sisimulang i-shooting sa mga susunod na araw, kasama ang noybyang si Antonietta. Araw-araw ay hinihintay ang pagdating ng dalaga simula noong umalis ito ng bansa. Nang mabalitaan ang pagbabalik ng dalaga ay nagawa pa nitong sumaglit sa Mansyon upang kamustahin ito. Hindi na niya ipinasok ang kotse sa loob dahil hindi naman siya magtatagal roon. Pumasok siya sa Mansyon at ang sumalubong sa kanya ay sina Mark at Anastasia. Nagbeso-beso sila saka ito umupo sa sofa. "Ano'ng sadya mo, hijo? Naku, kung si Antonietta ang hinahanap mo, naroon na sa kuwarto niya, natutulog na 'ata. Maaga kasi siyang kumain kanina dahil napagod sa biyahe. Subukan mong umakyat sa taas at baka matiyempuhan mong gising pa siya," ani Anastasia. "Sige ho, akyat muna ako." Umalis si Robert upang umakyat sa taas. Unfortunately, hindi niya alam kung saan ang kuwarto ng kasintahan dahil hindi siya pinapaakyat ni Antonietta roon. May halo mang pagtataka ay hindi na lang niya iyon binigyan ng malisya. May halong ngiti at excitement ang pakiramdam ni Robert nang paakyat siya sa second floor ng Mansyon. Hindi siya sigurado kung doon nga ang kuwarto nito pero sinubukan niyang alamin. Nakakatuwang mag-isa siyang nakangiti ng pilit sa tuwing binubuksan ang mga kuwartong nakikita niya roon na wala namang tao. Mukhang tsina-challenge siya nito. This is the first time I will enter your room, Antonietta. I'm so excited to see you, hindi mapakaling sabi niya sa isip. Sa dulo ng second floor, may isa pang kuwarto doon, at iyon na lang ang hindi pa nakikita ni Robert. Dahan-dahan siyang pumunta doon. Huminga ito ng malalim bago hinawakan ang door knob ng pinto. Hindi ito naka-lock pero naririnig niya ang Electric fan na umugong sa loob, kaya tiyak na may tao roon. Teka lang, Electric fan? Kailan pa gumamit ng fan si Antonietta? Pagtatanong niya sa sarili pero hindi na niya iyon gaanong pinansin. Dahan-dahan niyang pinihit ang door knob at palihim na pumasok roon. Ngunit imbis na ang kasintahan ang makita ay isang babaeng mahimbing na natutulog ang kanyang nasilayan sa loob ng silid. "Antonietta," bulong niya at dahan-dahang lumapit ito sa babaeng natutulog na si Antonia, sa pag-aakalang si Antonietta iyon. Hinaplos niya ang noo nito habang pinagmamasdan ang maamong mukha ng dalaga. "I'm very miss you, Antonietta. Kahit na hindi kita naabutang gising, at least, nasilayan ko ang maganda mong mukha," anito. Hindi pa gaanong nakakatulog si Antonia at nakapikit lang, kaya narinig niya ang mga sinabi ng binata. Minulat niya ang kanyang mga mata, at nagulat siya nang makita niya ito. Napaiwas siya nang hahalikan na sana siya ng binata. Muntik na nga niya masapak ito kung nagkataon. "Sino ka? Ano'ng ginagawa mo sa kuwarto ko?" mahinahong tanong ni Antonia kay Robert. Kahit kailan ay hindi niya nagawang magsungit sa kahit sino puwera na lang kung sabihin niya ang pakay nito. Kumunot ang noo ni Robert sa sinabi ng dalaga. Hahawakan niya pa sana ang braso nito pero umiwas ito. "What's happening with you, Antonietta, It's me, Robert." "Naku, pasensya na po kayo pero hindi ako si Miss Antonietta," pagliliwanag nito, mas lalong naguluhan si Robert. "Ako po si Antonia Maricon, Personal Assistant ni Miss Anastasia." "What? You're not Antonietta? Then who are you, Toni?" Hindi na nagulat pa si Antonia sa saad ng binata dahil halos lahat naman ng mga tao dito sa Mansyon ng mga De Vega ay napagkakamalang siya si Toni. Taas-noo siyang umiling-iling at huminga ng malalim. Mukhang mabigat na pagpapaliwanag na naman ang gagawin niya para lang tigilan na siya nito sa pag-aakalang siya si Toni. "Hindi rin ako si Toni. Galing ako ng Baryo Marikit at nag-apply lang akong PA ni Miss Anastasia para kumita ng perang pampa-opera sa tatay ko." "Sounds curious but anyway, I believe in you, Antonia. I'm sorry for disturbing your night. I should go." "Sandali!" Pinigilan niya ang binata bago makalayo sa pamamagitan ng paghila nito sa kamay ng binata. Dahil sa lakas ng pagkakahila niya rito ay aksidenteng nasubsob ang sarili nito sa binata. Nagkatinginan sila, mga tingin na nagpapaalala sa kanila mula sa nakaraan. Ang mga tingin na nakakatunaw, ang mga tingin na minsan ay nagbigay ng kahulugan sa kanila. "Antonia..." Mainit na hangin ang nalanghap ng dalaga habang nakatingin kay Robert. Sa katagalan ay kumalas na rin sila sa isa't-isa. Sariwa pa rin ang mga tingin ni Antonia kay Robert. Ngunit bigla siyang napayuko at ipinikit ang mga mata. "Pasensya ka na, Sir Robert. Hindi ko sinasadya--" Hindi na niya pinatapos ang sinasabi ng dalaga. "It's okay, Antonia. In fact, you complete me. You complete me of Antonietta." Naiwan nang mag-isa si Antonia sa loob ng kanyang silid. Laking tanong sa kanyang isipan kung ano ang ibig sabihin ni Robert. Gayon pa man, itinulog niya rin iyon at inisip na lang ang mga magagandang panaginip na nangyari ngayong gabi.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
hessshs
02/10/2024
0nice story
19/09/2024
0nakapagtapos ako
08/09/2024
0Tingnan Lahat