Homepage/Love Gone Wrong/
Chapter 5
BLOOD
Para kaming bingi at pipi habang kumakain sa Skyrisse. Wala akong maisip na sabihin sa kanya. I already congratulated him and I think it's enough. Mabilisan kong inubos ang steak na inorder ni Henley at nilagok ko din ng mabilisan ang orange juice na nasa harap ko. Nakita kong napatingin ito sa akin kaya tinaasan ko ito ng kilay. I am not in the mood today. Kakabasag lang ng puso ko, pinagluluksa na ito ng mga bulate na may pakpak sa loob ng tiyan ko. Sa susunod talaga ay tatanggalan ko na ng pakpak ang mga ito.
"Tapos kana?" Tanong nito sa akin. Tipid akong tumango at nag-paalam na pupunta sa banyo.
Pumasok ako sa banyo at agad na nagtungo sa sink, binasa ko ang mukha ko at tumitig sa repleksyon na nasa salamin. Tumaba ang mukha ko at mukha na akong elepante. Huminga ako ng malalim at pilit pinigilan ang luhang nagbabadyang tumulo. Hindi ka pa ba nauubos? Maubos kana please para hindi na ako umiyak ulit? Pagod na akong umiyak araw-araw. Maganda narin ata ito dahil isang bagsakan lang ang luha ko, sinaksak na ako kahapon, binaril naman ako ngayon. Sana hindi na umabot na i-chop-chop ako ng sarili kong damdamin.
Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas. Naglalakad ako papunta sa mesa namin ng makita ko na may kausap na lalaki si Henley. The man is tall ang also handsome. Lumapit ako sa dalawa.
"Oh yes, Skyller. This is my friend Questria." Pagpapakilala sa akin ni Henley sa lalaki. Chinito ang lalaki at may lahi atang chinese. His features are soft and he looks like an easy going man.
"Questria Shaie Verunque, nice to meet you." Ngiti ko dito.
"Skyller Claudious Mandrid, owner of this restuarant. Nice to meet you Ms. Questria." Pagpakilala nito. Nanlaki ang mata ko, the owner of tge restaurant is here in front of me! Wow!
"I am a fan of your restaurant. This place is great even tough it's expensive. I like it here?" Maligaya kong sabi. Tumawa ang lalaki at ang sexy ng tawa nito.
"Yeah it's quite expensive. Don't blame me for it, blame my wife!" Sabi nito. Tumawa ako dito at tumingin sa likod niya dahil may isang babae na papalapit. Pagkalapit ng babae ay agad nitong hinawakan ang kamay ni Skyller.
"By the way, this is my wife, Charisse Faith Benjumia." Tukoy nito sa magandang babae. The girl is tall and also beautiful. Her face is small and she smells nice. Hindi ko tuloy mapigilang lumapit dito at simutin ang leeg nito.
"What is she doing?" Maarte nitong saad. Napahinto ako at namula dahil sa kahihiyan. What did I do? Nakakahiya, lupa kainin mo na ako, ngayon na!!!
"I'm so sorry. You smell nice and I think my baby likes your smell." Sabi ko. Tumaas ang kilay nito at pinasadahan ng tingin ang tiyan ko. Unti unting sumilay ang maganda nitong ngiti at kaagad hinaplos ang baby bump ko. Ang awra nitong nakakapatay ng tao ay unti unting nawala at napalitan ito ng pang batang awra. Ang ganda niya, nakakabakla!
"Ilang months ka ng buntis?" Tanong nito habang nakahawak padin sa tiyan ko.
"5 months pa lang." Sabi ko, hindi ito makapaniwalang tumingin sa akin at tumawa. Ano naman ang nakakatawa?
"Are you serious?" Tumango ako.
"No way! How come ganito kalaki ang tiyan mo. When I was pregnant with my baby ay hindi naman umabot sa ganitong laki. Is your baby twins? "
"Hindi ko din alam. I want to surprise myself kaya hindi ko muna inalam kong ilan sila at kung ano ang gender." Nahihiya kong sabi.
"Wow! Alam mo noong ako nagbubuntis, lagi akong nag-ca-crave sa mangga, ilaw ano ang crinave mo?" Tanong nito. Sasagot na sana ako kaso ay hinila niya ako sa kabilang mesa at doon naupo. Lumingon ako kay Henley at tumango lang ito sa akin. Binalik ko ang tingin kay Charisse at ngumiti.
"Santol ang crinave ko tapos ang hirap kapag kasi laging mood swing pati ako ay naiinis nadin sa sarili." Reklamo ko. Tumawa ito ng napakalakas at hinampas pa ang mesa. Ang cute niya parang bata. Hindi halatang may anak na ito, ang ganda kasi ng katawan nito at nasa tamang pwesto ang mga kurba. Sana ganyan din ang mangyari sa katawan ko pagkatapos kong manganak. Okay lang sa akin ang stretch marks dahil iyo ang ebidinsya ng hirap at pagdadala ko sa anghel ko. Gusto ko lang na nasa maayos at tamang pwesto padin ang mga kurba ko. At sana hindi ako mag mukhang losyang.
"Naawa nga ako sa asawa ko e, kasi siya lagi ang pinagbubuntungan ko. Iyon kasi ang pinaglihian ko. Masaya nga ako dahil nasa akin ulit siya." Tila naging malungkot ang boses nito.
"Bakit, nawala ba siya sa iyo?" Tanong ko. Kasi naman, bakit kasi siya nagsasabi ng mga salita na nagiging sanhi ng pagiging curious ko. Ngumiti ito at hinawakan ang kamay ko na nasa mesa. Malamig ang kamay nito at nanginginig ng konti.
"Iniwan ko kasi siya at ang tanga ko sa part na iyon. Pero okay na iyon, past is past, ang mahalaga ay nasa akin ulit siya. Iyon talaga ang desisyon na ayaw ko ng gawin ulit. Mahirap pa lang mawalay sa taong mahal mo, kaya ako sayo, huwag mo ng iiwan iyan si Henley. Mabait na tao iyan at pursigido." Hahaha, nagkakamali ka diyan.
"Hahaha hindi si Henley ang ama ng anak ko at wala kaming relasyon. Kaibigan ko lang ang lalaking iyon at pansamantalang nakikitira sa kanya." Mahina kong sabi. Nakita ko ang pagkalito sa mukha nito at iginilid pa ang ulo.
"So you mean walang namamagitan sa inyo?" Umiling ako.
"Ikakasal na si Henley. At hindi ko din kilala ang ama ng anak ko. I was raped and now I'm bearing the fruit of that incident," lumungkot ang mukha nito at hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
"I'm sorry to hear that. Magpakatatag ka lang. Your life will change kapag lumabas na ang anghel sa sinapupunan mo."
"Magiging malakas ako para sa mga anghel ko." Sabi ko.
"Ito number ko, tawagan mo ako kapag gusto mo ng kausap, wala kasi akong makausap dahil ang mga kaibigan ko ay may kanya kanya ding buhay. Friends na tayo ha!" Sabi nito. Tumawa ako at tumango at tinanggap ko din ang calling card na binigay nito.
Nagpaalam na si Charisse sa akin dahil sabi niya na may kakausapin pa daw itong kliyente. Sobrang saya ko dahil may kaibigan na ako dito sa Manila maliban kay Henley. Ang bait ni Charisse kahit mukha itong suplada at maarte. Ang ganda din nito.
Sabay kaming lumabas ni Henley sa lugar. Pero bago kami umuwi ay dinaan niya muna ako sa isang park. Umaliwalas ang mukha ko pagkalanghap ng sariwang hangin. Dinama ko din ang sinag ng araw at masayang pinagmasdana ang kabuuan ng lugar. Maraming tao ang nag-ba-bike, meron ding ibang naglalakad lakad lang kasama ang pamilya. Ngayon ko lang naalala na may pamilya pa la akong iniwan sa probinsya. Kamusta na kaya sila Mama? Wala din kasi akong natanggap na kahit isang tawag sa kanila. Alam kong galit at nagaalala sila sa akin ngayon pero hindi pa ako handa na sabihin sa kanila kong ano talaga ang dahilan ng paglayas ko.
Napaigtad ako dahil sa lamig na lumapat sa mukha ko. At narinig ko ang mahinang pagtawa ni Henley. Lumingon ako dito at sinamaan ito ng tingin. Huminto ito sa pagtawa at binigay sa akin ang isang lemonade. Mabilis ko itong tinanggap at agad itong tinikman. Ngumiti ako at umupo sa isa sa mga bench ng park. Tumabi sa akin si Henley at tumitig sa akin.
"Bakit ka nakatitig?" Naiilang kong tanong. Hindi naman masama ang pagtitig kaso nakakailang. Hindi ako sanay na tinititigan, mabuti sana kong maganda ako kaso naiimagine ko ang mukha ko na parang elepante habang tinititigan ng iba. Bakit kasi tumaba ako!
"I just want to admire your beauty. Halos mag-ka same features kayo ng fiancè ko. Masaya ako dahil tinaggap niya ang alok kong pagpapakasal. We are already 8 years in relationship and now were getting married." Kwento nito. Mapait akong ngumiti at uminom sa lemonade.
"Masaya ako para sa inyo. Sana makahanap din ako ng lalaking tulad mo. Mabait, may paninindigan at pursigido sa buhay. Gusto ko din makatagpo ng lalaki na tanggap ang buong ako kasama ang mga anak ko. Gusto kong bigyan ng buong pamilya ang anak ko kaso paano ko magagawa iyon kong hindi ko man lang alam ang itsura o pangalan ng ama nila." Malungkot kong sabi. Ngayon pa lang ay nahihirapan na ako para sa mga anak ko. Nakikita ko na ang panahon na magtatanong sila tungkol sa aman nila at wala akong maisagot. Ang hirap pala.
"I know you'll find that man, Tria. Someone out there is rightful for you and you just have to wait for that perfect time. Be strong para sa mga anak mo at ninong ako ha!" Sabi nito. Tumawa ako at tinampal ito.
"Kailan mo ako ipapakilala sa magiging asawa mo? Gusto ko siyang makilala." Nilapag ko ang lemonade sa tabi ko at pinagsiklop ang kamay. Namamawis kasi ito.
"Baka sa susunod na linggo, bumalik kasi kaagad ito sa Paris dahil may aasikasuhin pa doon. At balak kong doon kami manirahan pagkatapos namin ikasal."
"Paano ang condo mo dito?" Tanong ko. Syempre maghahanap na ako ng bagong matitirhan kapag dumating ang araw na ikasal na ito. Hindi pwedeng habam buhay akong umasa sa kanya. He also has a life to run.
"I'm planning to give it to you." Kamot ulo nitong sabi.
"Bakit mo naman ibibigay sa akin. Hindi naman iyan laruan na pwede mo lang ipamigay, nakakahiya!" Gulat kong saad. Bakit naman kasi ibibigay sa akin.
"Ayaw kong ibenta kaya mas mabuting ibigay ko na lang sa'yo. Don't worry hindi ko iyan babawiin sayo." Sabi pa nito. Nakakahiya talaga.
"Huwag na, tinulungan mo na nga ako, gagawin mo pa iyan. Masyado ka ng maraming nagawa sa akin. Nakakhiya na at hindi ko na alam kong paano masusuklian ang mga bagay na binigay mo sa akin." Nahihiya kong saad.
"Hindi naman ako naniningil and take that condo as an advance gift na lang sa baby mo. Sige na, tanggapin mo na, magtatampo ako kapag hindi mo tinaggap ang condo." Makaawa bito. Paano ba tumangi? Hindi ko ata kayang tumangi sa lalaking ito.
"Salamat ha! Alam kong wala akong maibibigay sa'yo pero kapag nagkatrabaho na talaga ako ay ililibre kita." Pangako ko. Tumawa ito at tumango.
Kinuha ko ang lemonade sa tabi ko at tumayo. Ininat ko muna mga kamay ko at lumanghap ng hangin. Tumayo nadin si Henley sa pagkakaupo at lumapit sa akin.
"Alis na tayo?" Tanong nito.
"Tara uwi na tayo. Gusto ko ng magpahinga, napagod din ata ang mga baby ko." Haplos ko sa tiyan ko.
Nauna ako naglakad kay Henley af nasa likod ko naman ito. Nakamasid lang ako sa paligid at nakuha ng atensyon ko ang isang magandang sarangola na nasa himpapawid. Hindi ako natingin sa dinadaanan kaya hindi namalayan ang paparating na motor. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Henley pero huli na ang lahat.
Tumama sa likod ko ang motor at agad naman akong napasubsub sa lupa. Ramdam ko ang hapdi sa likod ko at ang sugat sa tuhod ko. Lumapit sa akin si Henley at agad akong inalalayan. Napahawak ako sa tiyan ko at bigla akong napaluha. Ang hapdi!
"H-henley m-may dugo!" Hestirical ko. May dugong dumadaloy sa mga binti ko at ang hapdi ng tiyan ko. Iyong baby ko!
"Iyong baby ko, Henley. Ang baby ko!" Iyak ko. No! Hindi pwedeng mawala ang baby ko. Binuhat ako ni Henley at agad kaming nagtungo sa kotse nito. Wala na akong pakealam sa nakabangga sa akin ang importante sa akin ngayon ay ang anak ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kong mawawala ang anak ko. Hindi pwede!
Pinaa dar ni Henley ang sasakyan at kaagad na umalis sa park. Habang nasa kalagitnaan kami ng biyahe ay kaagad akong nawalan ng malay. Ang tanging narinig ko lang ay ang malakas na sigaw ni Henley. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (13)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
awesome
08/12/2024
0crush
05/09/2024
0wow
11/07/2024
0Tingnan Lahat