Finale

NALAGLAG ang panga ni Honey sa nakikita. Si Edward. Nandoon ito sa gitna at ito rin ang kumakanta. May hawak itong pumpon ng roses. Hindi lang iyon, sa wall ng restaurant ay naroroon ang video niya. Video na hindi niya alam kung paano at kung kailan iyon nakuhaan. May larawan din na iba't iba ang anggulo. 
Napabaling siya sa binata na ngayon ay unti-unti nang lumalapit sa kinaroroonan niya. Pasimple niyang hinawakan ang tapat ng kanyang dibdib, pakiramdam kasi niya'y mahuhulog na ang puso niya. 
Patuloy itong kumakanta. Inilahad nito ang palad. May pag-aalinlangan man ay inabot na rin niya iyon. Pinagdaop nito ang kanilang mga palad at dinala siya sa gitna. Tinapos muna nito ang kinakanta, siya nama'y nagkulay-kamatis na ang mukha dahil sa hiya. Lalong namula ang mukha niya sa hiya nang ilibot niya ang paningin sa paligid, halos lahat ng mata ay sa kanila nakatingin. Gusto na niya itong hilahin paalis sa gitna. Kumibot-kibot ang labi niya. Sa labis na kahihiyan ay hiniling niyang lamunin siya ng kinatutuntungan.
"Congratulation, my princess!" panimula nito. 
Ewan ba niya kung bakit magpahanggang ngayon ay kinikilig sa endearment nito sa kaniya. Para bang sa tuwing maririnig niya mula sa bibig nito ang katagang 'my princess' ay para siyang isang maharlikang hindi makabasag pinggan. Para bang isa siyang mamahaling crystal na dapat ingatan. 
"Alam mo ba na nagkaroon ng spark ang una nating pagkikita? Noong aksidente mo akong nabunggo, nagkaroon ng munting liwanag ang walang direksyon kong buhay."
Naramdaman niya ang panginginig ng katawan nito, marahil ay kinakabahan habang nagsasalita. 
"At alam mo ba magpahanggang ngayon ay natatawa pa rin ako sa ipinangalan mo sa 'elevator', pintuang tumataas at bumaba."
"Stop it!" mahinang angil niya. Namula ang mukha sa labis na kahihiyan. Nadagdagan pa 'yon nang marinig ang tawanan ng mga taong nakapalibot sa kanila. 
"Sabi mo pa, 'sana dalahin ako ng pintuang ito sa aking ina'."
Sabay nilang nilingon ang kinaroroonan ni Nancy, ang kaniyang ina, na minsan ay naging masama ang tingin niya rito. Kahit may kalayuan ay pansin niya ang pagluha ng ginang.
"Alam mo rin ba, ipinagpapasalamat ko da iyong ina, dahil sa kaniya, napadpad ka sa poder ko. Kung hindi mo siya hinanap, hindi ka dadalahin ng 'yong paa patungo sa akin."
Ang paligid na kanina lamang tawanan ay binalot ng katahimikan at lungkot. 
"Grabe ang takot ko nang mawala ka sa akin dahil sa kapangasahan ng isa kong kakilala. Tumigil ang pag-inog ng mundo ko. Hindi ko alam ang aking gagawin. Mabuti na lamang dahil ginabayan ako ng Maykapal, ibinalik ka niya sa akin. And now, dumating na ang pangako ko. Ang pangakong hihintayin muna kitang makatapos..." 
Nangilid ang luha niya nang bigla itong lumuhod. May kung anong dinudukot sa bulsa, it's a small box, at nanlaki ang mata niya nang masilayan ang nilalaman n'on. Gold ring na may diamond sa gitna. 
"My princess, will you marry me?" 
Tuluyan nang nahulog ang luha niya. Nanginig ang buong katawan. Hindi muna siya tumugon, mabilis na gumalaw ang itim ng mata niya patungo sa matandang nag-alaga sa kaniya. Katabi ito ng babaing nagluwal sa kaniya. Nasa mukha ng dalawa ang kasiyahan. 
Naagaw ang atensiyon niya nang maghiyawan ang mga taong nasa paligid nila. Lahat ay isinisigaw ang 'oo'.
Choosy pa ba siya?
"Yes!"
Umaliwalas ang mukha ni Edward. Agad itong tumayo at isinuot ang singsing sa daliri niya. Kita niya ang pagtagas ng butil ng luha nito at maging siya. Mahigpit itong yumakap sa kaniya. 
"I love you, my princess!" 
"I love you more, my prince..." bulong niya rito. 
Sa loob ng dalawang buwan ay mabilis na naisaayos ang kanilang kasal. Simple lang ang gusto niya at sa probinsiya 'yon ginanap, 'yon ang request ng kaniyang lola.  
Kasalukuyan siyang nasa sariling silid, pinagmasdan ang wedding gown na anumang oras ay isusuot na niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang ikakasal na sa isang lalaking para sa kaniya'y ubod ng guwapo.
"Anak..." 
Napalingon siya sa pinto, nalasilip doon ang kaniyang ina.
"Gusto mong tulungan kita sa pagbibihis?"
Bilang tugon ay ngumiti siya. Pumasok ito't muling isinarado ang pinto. Habang papalapit ito'y bumalik sa kaniyang alaala kung gaano ito kasungit sa kaniya noon. Mabuti na lamang pala't pinahanap ni Edward kung sino ang kaniyang ina, dahil kung hindi ay baka'y magpahanggang ngayon ay hinahanap pa rin niya ang anino ng ina.
"Ang ganda mo, 'nak," puri nito sa kaniya.
"Kayo rin naman po, 'nay." 
Napansin niya ang pagguhit ng lungkot sa mata nito. 
"Kung hindi kami nagkahiwalay ng 'yong ama at hindi siya nawala, siguro ikinasal din ako sa kaniya." 
Ginanap niya ang palad nito. "Nay, may dahilan po ang lahat at remember, kasal ko ngayon, bawal ang malungkot at umiiyak sa kasal ko."
"Hindi naman ako umiiyak ah! Naalala ko lang ang 'yong tatay, anak."
"Masaya po kaya siya ngayon?" 
"Oo naman. Masayang-masaya dahil alam niyang nasa mabuti kang kalagayan." 
Ngumiti siya. Naantala ang kanilang pag-uusap nang pumasok ang kaniyang lola. 
"Mukhang nagda-drama na naman kayong dalawa. Aalis na ang sasakyan, apo." 
"Opo, 'la." 
Kumapit siya sa bisig ng dalawang babaing pinakamahalaga sa kaniya at ubod-tamis na ngumiti. Nauna na si Edward, ayon sa lola niya'y hindi sila puwedeng magsabay, sa simbahan na sila dapat magkita. 
Ang daming pamahiin ng kaniyang lola...
Ganoon pa man ay sinunod nila ni Edward ang bilin nito. Ilang sandali pa lang ay nasa tapat na sila ng simbahan, hinihintay ang hudyat ng kampana.
Bawat minutong lumilipas ay para siyang sinisilaban. Parang maiihi na masusuka. Ganito ba talaga ang feeling ng ikakasal? 
"Ang tagal naman, naiinip na ako," anas ng isipan niya. 
Dumating na ang pinakahihintay niya. Kasabay si Nancy ay marahan silang naglakad, ang kaniyang lola ay nasa gilid at masayang nakantabay sa kanila. Habang papalapit sa kinaroroonan ni Edward ay mas dumoble ang tibok ng puso niya, parang may nagkakarerahang mga kabayo. Alam niyang ganoon din ang nararamdaman ng lalaking mapapangasawa niya. 
"Ang ganda mo," bulong nito nang makalapit na sila. 
"Ang guwapo mo naman," ganti niya rito. 
Nagsimula na ang seremonya ng kasal. Ang lahat ay tahimik na pinakikinggan at dinadama ang sinasabi ng pari. Magkadaop ang kanilang mga palad, hindi bumibitiw si Edward, nagkahiwalay lang nang isiuot na nito ang singsing na sumisimbolo sa kanilang pag-iibigan. 
"I'll pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride!" 
Nakangiting iniangat ni Edward ang belong tumatabing sa mukha niya. Mangiyak-ngiyak siya sa labis na kaligayahan. Sinong mag-aakala na ang boss niya noon ay asawa na niya ngayon. 
Naglapat ang kanilang mga labi. Ang mga taong saksi ay naghiyawan at may palakpak.
Sa reception ay halos hilahin na ni Edward ang oras, gusto na raw siyang masolo. Ang mga taong dumarating ay isa-isang binibilang nito.
Maghahatinggabi na sila natapos. Lantang gulay na ang katawan niya nang makapasok sa silid. Ibinagsak niya ang katawan sa kama. Pumipikit na ang mata niya
"I'm ready, my princess!" 
Hindi niya nilingon ang asawang nasa paanan ng kama. "Puwede bang bukas na lang. I'm so tired, my prince." 
Wala itong tugon kaya'g napilitan siyang bumangon para tingnan ang asawa. Nakabusangot ang mukha nito na ikinahagalpak niya ng tawa.
"Tomorrow na lang. Antok na antok na ako." 
Lalo itong bumusangot ang mukha. Tumayo siya't pumantay sa asawa. Habang pinagmamasdan ang guwapong mukha nito'y para bang nawawala ang espirito ng antok at sa harapan nito'y isa-isa niyang hinubad ang kasuotan. 
Ang kanina lamang na tahimik na kuwarto'y unti-unting napuno ng ungol. Pinagsasaluhan ang tamis ng kanilang pagmamahalan. 
The End...

Komento sa Aklat (149)

  • avatar
    MasaudlingJerald

    tinawanam tulog siya ng mga yong nakakita sa kanya at Lalo nawalang pakinabang sa kanya

    18/11

      0
  • avatar
    Loyd Leid

    I'm so happy

    25/07/2025

      0
  • avatar
    CampaneroJanet

    us and foods to eat when pregnant at all net 10 day weather for me ser wala nga loed pang of it and get the store for the schhol to be expected ok I will let her get home 🏠 to be expected ok lang po yun paden yun na nga rinapun to be there by mo to Springfield mo to Springfield IL be expected to get it to work out tayu ngayun sa phase of the schhol my pera ka i can need a uwian lang po kung pwde kasi ako sa manila kas nakalabas to get the same as all the schhol my pera ko pls to get it done 👍

    06/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo