Homepage/I Hate You But I love You/
Chapter 25
MALAYANG pinagmamasdan ni Edward si Honey na nakikipagkuwentuhan kay Caren at sa isa pa nitong kaibigan, ito 'yong nagturo sa kanila sa bahay na ito. Hindi niya in-expect na maririnig sa bibig nito ang katagang mahal din siya nito. Buong akala niya'y daraan pa siya sa butas ng karayom sa panunuyo rito. Nang umalis ito sa condo ay grabeng takot ang naramdaman niya. Ilang gabi siyang hindi makatulog ng maayos, mabuti na lamang dahil naalala niya ang kaibigan nito. Sumama rin si Mrs. Cabrera sa kanya para na rin daw huminging muli rito ng tawad.
Hindi niya mawari ang kasiyahang nadarama nang marinig ang pag-amin ng dalaga sa lola nito. Nais na niyang sugurin ng yakap at pupugin ito ng halik nang sandaling iyon. Kundi nga lang ba sa nakita niyang katabi nito at katabi niyang si Mrs. Cabrera ay baka nagawa na niya. Napukaw ang iniisip niya nang may tumikhim sa tabi niya.
"Mrs. Cabrera!" Nginitian niya ito.
"Kumusta na kayo ng anak ko-- I mean ni Honey?"
Sabay silang nagawi ang paningin sa dalagang pinong tumatawa. "We're okay now, Mrs. Cabre--"
"Nancy na lang ang itawag mo sa akin," putol nito.
Muli silang napasulyap ang tingin sa dalaga. "Ang cute talaga niyang tumawa." Napangiti na rin siya sa nakikita rito.
"Kamukhang-kamukha siya ng kanyang ama." Napasulyap siya kay Nancy. "Ingatan mo sana siya, Edward. Huwag kang tutulad sa akin." Mabilis na naglandas sa pisngi nito ang luha.
"I'll promise, Mrs--Nancy. Hinding-hindi ko sasaktan ang anak mo," aniya.
"Ngayong natagpuan ko na ang aking anak, hindi ko na pag-aaksayahan ng panahon ang kompanya mo. It's all yours, Edward. And about, Mr. Cheng, may warrant of arrest na sa kanya."
Napatitig siya ng deritso rito. "Are you sure of that, Nancy?"
"Nancy? Walang galang na bata ka!"
Nahintatakutan si Edward sa narinig na salita. Naumid ang dila niya. Ang lola ni Honey, nasa likuran na pala niya ito. Nagawi ang paningin niya kay Nancy, humihingi ng tulong. Nakita niya itong napailing at payak na napangiti.
"Bad shot!" anas ng isipan niya.
"Inay," lumapit si Nancy sa matanda. "Mabait po na bata itong si Edward, inalagaan po niya si Honey. At kaya Nancy po ang tawag niya sa akin ay dahil iyon ang nakasanayan na niya dahil kapatid niya ang napangasawa ko," paliwanag nito.
Umismid lang ang matanda. Patay ka, Edward! Mukhang hindi ito boto sa kanya. Dapat pala'y ligawan niya ang matanda. Hindi nga siya naghirap kay Honey pero mukhang sa lola nito'y timba-timbang panliligaw ang magagawa niya.
"Dapat bang regaluhan ko na ng rose at chocolate," kabadong saad niya sa sarili.
KINAGABIHA'Y nasa labas ng bahay si Honey. Nakatingin sa mga nagkikislapang bituin sa kalangitan. Kinaka-usap n'ya ang mga iyon gamit ang isip lamang. Sa likuran niya'y naroon si Nancy, nakatitig lang sa kanya. Hindi na rin nakatiis ang ginang lumapit na ito sa kanya at muli'y masinsinang siyang kinausap.
"A-anak...a-alam ko na masakit na salita ang sinabi ko sa iyo at hindi ako mapapagod na humingi ng tawad sa iyo."
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Kung bakit kasi pinagtagpo sila nito sa masalimoot na pagkakataon, disinsana ay hindi siya ngayon nahihirapan.
"Maghihintay ako, anak. Maghihintay na mapatawad mo ako." Pagkawika nito'y tumalikod na ito.
"I-inay..." katagang lumabas sa bibig niya na nagpatigil kay Nancy.
Mabilis itong bumalik at sinugod siya ng yakap. "Anak ko..."
"Inay," sambit niya habang mahigpit na nakayakap sa ina.
Kapwa sila luhaan nang sandaling iyon at dinaig pa ang magkasintahang nagkahiwalay nang matagal na panahon kung magyakap. Kahit luhaan ay hindi niya napigil ang mapangiti. Masarap pala sa pakiramdam ang yakapin ng iyong ina. Walang kasing-sarap sa pakiramdam. Lahat ng tampo niya rito'y naglaho na parang bula.
Mula sa pinto, kitang-kita ni Caring ang dalawa at maya-maya pa ay lumapit dito si Edward. Maging ito'y nasihayan din sa nakikita.
"Ang saya nilang pagmasdan. Kung sana lang ay buhay pa ang Mama ko, naramdaman ko rin sana ang yakap ng isang ina."
Naramdaman nito ang paghagod ng palad sa likod nito. "Ganyan talaga ang buhay, iho. May nauuna at may nahuhuli. At habang kapiling mo pa ang iyong mga mahal sa buhay, iparamdam mo na ang pagmamahal mo sa kanila upang sa huli ay wala kang pagsisihan."
LUMIPAS ang isang buwan, nasa condo na muli ni Edward si Honey. Ngunit, hindi na ito pumapasok sa opisina. Ipinagpatuloy niya ang pag-aaral sa kolehiyo, iyon kasi ang sabi ng binata. Si Nancy nama'y tuloyan nang ipinamahala sa binata ang kompanya at minabuti na lamang nito na maglagi sa probinsya kasama si Caring.
"Ehem..." tikhim ni Edward. "Baka naman matunaw na ako niyan ha!"
"Oy hindi ah! May iniisip lang ako," depensa agad niya. Nasa mesa sila nang sandaling iyon at magkaharap ng upo habang kumakain.
"Palusot pa! Ayaw pang umamin. Halata naman sa mukha mo."
"Kulit mo rin, Sir, noh!"
"Aminado naman ako na makulit ako eh!"
Nangiti lamang si Honey.
Napatitig ng deritso ang binata sa kanya, "Iyang ngiti na 'yan ang isa sa pinakagusto ko."
"Drama! Oh siya, matutulog na ako. Baka'y abutin naman ako ng alas-dose ng hatinggabi'y mulat pa ang aking mata." Mabilis siyang tumindig upang itago ang kilig na nararamdaman.
"At bakit ka naman nagpupuyat? Nag-iinternet ka naman.
"Hindi ho, Sir!"
"Oh, eh, bakit?"
"Buwisit ka kasi, Sir!"
Nangonot ang noo ni Edward ngunit hindi ito nagtanong.
"Ang guwapo mo eh! Hindi ako pinapatulog ng iyong ngiti eh! Gabi-gabi na lamang ay laman ka nito." Itinuro niya ang tapat ng sentido.
Lumapad ang pagkakangiti ni Edward sa sinabing iyon ng dalaga. Dali-dali itong tumayo upang lapitan siya. Napatulala si Honey. Tila isang estatwang nakatayo lamang. Lalo nang hawakan ng binata ang magkabilang pisngi niya.
"I love you, Honey."
"I love you, too, Sir."
Lumapad ang nakaukit na ngiti sa labi ng binata. Unti-unting inilalapit nito ang mukha sa mukha sa kanya. Napapikit siya upang salubongin ang pagdating ng labi ng binata. At hindi nga nagtagal ay naramdaman niya ang labi nito.
"Ganito pala ang pakiramdam ng unang halik. Nakakapanginig ng tuhod!" hiyaw ng isipan niya. Kaysarap. Kaytamis. Walang kasing-lambot.
Unti-unti siyang nagmulat nang inilayo na ni Edward ang labi nito sa kanya.
"Magtitiis at maghihintay ako hangga't hindi ka nakakapagtapos ng pag-aaral." Iyon ang ipinangako ng binata sa kanya. Magtatapos muna siya ng pag-aaral bago sila magpakasal.
Nangonot ang noo ni Honey, "Bakit magtitiis? Para saan iyon?"
"P-para sa pangmatagalang kaligayahan." Napakamot ng ulo si Edward sa naisagot sa dalaga.
Tumango-tango na lamang siya kahit pa nga hindi naunawaan ang sinabi ng kaharap. Ilang sandali pa ay tinungo na niya ang silid. Labis-labis ang kaligayahang nadarama ni Honey dahil sa nangyari sa kanya. Natupad na ang kanyang pinaka-mimitihi. Ang makita't makapiling ang ina. May bonus pang malambing na boyfriend. Tuwing isang linggo ay lumuluwas Nancy kasama si Caring upang bisitahin siya. At kung hindi nama'y sila ang pumupunta sa probinsya.
"Thank you, Lord, for everything. Thank you, for my happy ending. Salamat sa napakagandang nangyari sa akin dito sa Manila," taimtim niyang panalangin.
Sa kabilang silid, nilaro-laro ni Edward ang cellphone na hawak. Hindi ito mapakali. Hanggang sa nagmessage na nga ito sa dalaga.
"Goodnight, my princess. Bukas, sabay tayong sumakay sa tumataas at bumaba na pinto ha!"
Humagikgik ng tawa si Honey matapos mabasa ang message na iyon.
"Opo! Goodnight din po, aking prinsipe, my happy ending."
"CONGRATS, anak!"
"Thank you po, 'nay, Lola." Humalik si Honey sa pisngi ng ina at ganoon din kay Caring.
"I'm so proud of you, anak."
Ngiti lamang ang isinagot niya sa ina. Ngayo'y nakapagpatapos na siya sa kolehiyo. Apat na taon na rin ang kanilang relasyon ni Edward. Hindi man perpekto ang kanilang relasyon, pero masasabi naman niya na mahal na mahal nila ang isa't isa. Sa isang relasyon ay hindi talaga maiiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan. But still, they love each other. Nagkakaroon ng tampuhan pero hindi maghihiwalay.
Nagpalinga-linga siya. Hinahanap ng mata kung dumating ba si Edward. "Wala talaga siya." Laglag ang balikat niya nang mapagtantong wala nga ang boyfriend niya sa araw ng kanyang graduation. Isa pa namak iyon sa importanting araw para sa kanya.
"Okay lang iyon, anak. Kahit wala siya rito, we all know naman na proud na proud si Edward sa iyo. And, I'm sure na mapapanuod din niya, ivinideo kasi kita."
Pekeng ngiti lang ang itinugon niya rito. Nagpaalam ang binata na hindi makadadalo dahil may important meeting ito sa isang investor. Kahit ipinaalam na iyon sa kanya ay umaasa pa rin siya.
"Ay naku! Ang apo kong ari, matamlay na naman. Halika na nga. Kakain muna tayo sa labas. Kanina pa nag-aalburuto ang aking tiyan sa gutom." Hinila na ni Lola Caring ang kamay niya.
Sa isang sikat na restaurant sila humantong. Walang kagana-gana siyang umupo sa harap ng mesang napili ng kanyang ina. Wala rin siyang pakialam sa paligid. Habang nagkukuwentuhan ang kanyang ina at lola ay pumailanlang ang isang musika. Musikang pamilyar na pamilyar sa kanya. Iyon ang malimit kantahin ng binata sa kanya. Napatuwid siya ng upo. Pamilyar din ang boses ng taong kumakanta. Nasa bandang likuran nila ito, na kung saan ay nasa gitna ng naturang restaurant.
Nanlaki ang mata niya. Napatitig siya sa kaharap na lola't ina na ngayon ay ngiting-ngiti na. Bumulusok ang kakaibang pintig ng puso niya. Naghiwayan na rin ang mga taong nandoon, kaya nama'y dahan-dahan siyang napalingon sa taong kumakanta.
"Oh em gee!" hiyaw ng isipan niya.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (149)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
tinawanam tulog siya ng mga yong nakakita sa kanya at Lalo nawalang pakinabang sa kanya
18/11
0I'm so happy
25/07/2025
0us and foods to eat when pregnant at all net 10 day weather for me ser wala nga loed pang of it and get the store for the schhol to be expected ok I will let her get home 🏠 to be expected ok lang po yun paden yun na nga rinapun to be there by mo to Springfield mo to Springfield IL be expected to get it to work out tayu ngayun sa phase of the schhol my pera ka i can need a uwian lang po kung pwde kasi ako sa manila kas nakalabas to get the same as all the schhol my pera ko pls to get it done 👍
06/05/2025
0Tingnan Lahat