Homepage/I Hate You But I love You/
Chapter 24
PAKIRAMDAM ni Honey ay lumaki ng ga-pinggan ang kanyang mata. Kilala niya ang boses na iyon. Hindi siya maaring magkamali. Pero paano siya natunton nito?
"Nancy..." patakbong lumapit si Caring sa bagong dating.
Nakatayo si Nancy, Edward at kasama pa si Caren at Wengweng ng dalawa. Hindi yata makapaniwala ang dalawang dalaga sa narinig mula sa bibig niya. Nais niyang tuktukan ang sarili. Bakit kasi lumabas iyon sa bibig niya? Tila nanuyo ang lalamunan niya, kaya't kahit nanginginig ang tuhod niya'y nagdumali siyang nagtungo sa kusina. Hindi lang iyon, si Mrs. Cabrera. Ano ang sasabihin niya rito? Kumuha siya ng baso. Nanginginig din ang kamay nang lagyan niya ng tubig iyon. At halos isahing lagok lamang ang laman niyon. Ngunit hindi pa rin naibsan ang panunuyo ng kanyang lalamunan.
"So, how's your life without me?"
Napapitlag siya sa boses ni Edward. Nakatalikod kasi siya kaya hindi napansin ang pagsunod ng binata. Pinakalma muna niya ang sarili bago ito hinarap.
"F-fantastic! Walang sakit sa ulo."
"Pero iniwan mong masakit ang puso ko."
Naks! Hanep sa banat. Biglang umahon ang kakaibang pintig ng puso ni Honey. Hindi lang dahil sa narinig na salita, kundi dahil na rin sa paglapit sa likuran niya nito. Naramdaman niya ang pagdikit ng katawan ng binata sa likuran niya. Napaawang na lang ang bibig niya.
"Alam mo bang halos ikabaliw ko na naman ang pagkawala mo. Mabuti na lamang, alam ko na kung saan nakatira si Caren, sinamahan niya ako papunta rito," halos pabulong na saad ni Edward. Ang ulo nito'y nakadikit na sa ulo niya, bahagya pa itong yumukod upang magpang-abot sila.
Naumid ang dila niya. Hindi siya makapagsalita dala ng malakas na tugtog ng kanyang dibdib. Pakiramdam niya'y lalabas na iyon sa sobrang lakas.
"Ikaw ba? Nakatulog ka ba nang maayos? Ako kasi hindi eh!"
Muli siyang hindi nakapagsalita kaya sinamantala na iyon ni Edward. Napasinghap siya nang ipulopot nito ang braso sa baywang niya. Lalo siyang pinanlambutan ng tuhod, mabuti na lamang nasa likod niya ang binata kundi'y baka natumba na siya.
"Pinasakit mo ang puso ko nang iwan mo ako pero nang marinig ko ang sinabi mo kanina, nawala na ang sakit. Napalitan iyon ng sobrang kaligayahan. And because of that, I love you, too Honey."
Umasim ang mukha niya. "I love you, too? Lumalabas pala niyan, Sir, ako pa ang nanligaw sa iyo!" Pilit siyang kumalas para sana ay makahinga, kahit limang hinga lang.
Nangiti si Edward, "Ahm, parang ganoon na nga. Para naman makabawi ka sa matagal mo nang atraso sa akin." Idinikit muli nito ang mukha sa ulo niya.
Nagsalubong naman ang kilay niya at natigil sa ginagawang pag-alis ng braso nito sa baywang niya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Matagal na kasi akong nagpaparamdam sa 'yo pero 'di mo ako pinapansin," malambing nitong tinig. Naramdaman niya ang paghigpit ng pagkakayakap nito sa baywang niya, kaya't mabilis niyang tinanggal ang bisig at sa pagkakataong iyon ay nakawala na siya. Agad din niyang hinarap ang binata.
"Ikaw 'yong nagpapadala sa akin ng mga bulaklak?"
Nakangiting tumango ang binata, "Yes at wala nang iba. At wala nang bawian pa sa kung anong narinig ko kanina. I'm yours, Honey!"
Muli siyang nakadama ng hiya. Nais sana niyang magtago subalit, maya-maya rin ay nag-iba ang hitsura niya. May naalala siya.
"Ang kapal ng face mo. Hoy, may kasalanan ka pa sa akin!"
Napakamot sa ulong hindi naman kumakati si Edward. "Kasalanan? May kasalanan ako sa iyo?"
"Mayroon!" mabilis na tugon niya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na si Mrs. Cabrera pala ang nanay ko?"
"Well, I'm sorry for that, baby."
Lihim na nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil endearment na ginamit nito sa kanya. Hindi na lang siya nagpahalata.
Muling lumapit sa kanya si Edward. "Hindi ko sinabi sa iyo kasi gusto na siya ang magsabi sa iyo. Ayaw ko na pangunahan siya kaya't sinabi ko sa kanya na dapat siya ang magtapat sa iyo." Sumeryoso ang mukha nito. Sinapo pa nito ang magkabilang pisngi niya.
Nakipagtitigan siya rito. "Paano mo nalaman na siya ang ina ko?" muling tanong niya.
"Simula nang kuhain ka ni Mr. Cheng, pinahanap ko na ang iyong ina. Natakot kasi ako nang sobra sa ginawa niya. At mas nanaisin ko pa na bumalik ka rito sa probinsya kasama ang iyong ina, kaysa ang makuha kang muli ni Mr. Cheng. Hindi ba, iyon naman ang ipinunta mo sa Manila?"
Pinigil ni Honey ang huwag maluha sa sinabing iyon ng binata. Nakakabagbag damdamin ang dating niyon sa kanya. Hanggang sa nakita niya ang pagdating ni Mrs. Cabrera.
"Hi, Honey!"
Nagbigay ng daan si Edward sa ginang. Umiwas naman ng tingin siya rito. Pansamantala ay sumandal ito sa dingding na yari sa kahoy na nakayuko ang ulo.
"A-anak..." gumaralgal ang boses ni Nancy at unti-unti nitong inihahakbang palapit ang paa sa dalaga.
Tinalikuaran niya ito upang itago ang namumuong luha sa kanyang mga mata. Napakatagal niyang inasam na may tatawag sa kanya na anak, pero ngayong abot-kamay na niya, bakit may pader na nakaharang?
"I'm sorry, anak." Tulad ni Edward, patalikod din siya nitong niyakap.
Doo'y humulagpos ang luhang pinipigilan ni Honey. Kay tagal na niyang ina-asam na mayakap ang kanyang ina. Kay tagal din niyang hinintay na may tatawag na anak sa kanya. Pero ngayong dumating na, bakit tila hindi siya masaya? Ah! Marahil ay sa nagawa ng ginang sa kanya. Hindi pa nga pala niya naiibigay ang kapatawaran dito sa ginawang pang-aalipusta nito sa kanya.
"I'm sorry," mahinang saad ng ginang muli. "Sana'y mapatawad mo ako sa mga nagawa't nasabi ko sa 'yo. I'm sorry. Nadala lang ako ng galit ko kaya nakapagbitiw ako ng mga salitang hindi maganda sa iyo."
Naikuyom niya ang dalawang palad. "Kung hindi mo ho ba nalaman na ako ang anak mo'y hihingi rin ho ba kayo ng tawad sa akin?" Sa wakas ay naisatinig din ni Honey.
Hindi naman nakasagot agad si Nancy. Waring nag-iisip ng masasabi sa kanya. Kinalas niya ang brasong tila nakatali sa katawan niya at bahagyang lumayo sa ginang.
Pinagkiskis nito ang dalawang palad at ang luha'y unti-unti nang dumadaloy sa magkabilang pisngi nito. "Alam mo bang nakaramdam din ako ng takot nang malaman ko na nawala ka? Hindi ko alam kung bakit ko naramdaman iyon. At alam mo rin ba, na-guilty ako matapos kong sabihin sa iyo ang masasakit na salita." gumaralgal ang tinig nito.
Hindi agad siya nakapagsalita. Nagtatalo ang kanyang puso't-isipan. Hindi malaman kung ano ba ang mas dapat niyang pakinggan. Ang isip na nagsasabing huwag muna itong patawarin o ang itinutulak ng kanyang puso.
"Hayaan n'yo ho muna akong makapag-isip-isip. Gulong-gulo pa rin ako sa nangyari," naisatinig na lamang niya.
Tumango si Nancy. Tumalikod na ito upang magtungo sa sala. Naiwang nakasunod ng tingin siya sa ginang at si Edward na nakatitig lamang sa kanya. Maya-maya pa ay mabilis na bumalong ang luha niya. Nilapitan naman siya ng binata upang damayan.
"Alam mo ba kung gaano ko gustong mayakap ang aking ina? Pero, bakit ngayong nandito na siya sa harapan ko'y parang nagtatalo ang aking puso't-isipan?" garalgal niyang sabi.
Hinaplos-haplos ni Edward ang bahaging likuran niya, "I know, Honey, alam na alam ko. Nagpunta ka pa nga sa Manila para lang hanapin siya. Kahit na walang kasiguraduhan ang iyong pag-alis ay ginawa mo pa rin. And you are so brave at iyon ang una kong minahal sa iyo." Kinapitan nito ang ulo niya at unti-unting idinidikit iyon sa dibdib nito.
"Brave!" Payak siyang tumawa. "May matapang bang iyakin?"
Inilayo ni Edward ang mukha niya sa dibdib nito at saka'y maingat na itinaas iyon, "Huwag kang magpatalo sa idinidikta ng 'yong isipan. Pakinggan mo kung ano ang sinasabi ng 'yong puso."
Mabilis siyang nagbaba ng paningin, ngunit maya-maya rin ay napakayakap siya sa binata. Sa dibdib siya nito umiyak nang umiyak. Masuyo lang naman nitong hinahagod ang likod niya.
Iiyak mo lang iyan, I'm sure na magiging maayos din ang lahat. Alam ko na mahal na mahal mo ang 'yong ina and I know na mapapatawad mo rin ang iyong ina."
Ilang minuto ang lumipas, kinausap naman niya si Caring. Iisa lamang ang naging tugon ng matanda at Edward. Iyon daw ang dapat at pareho pa silang mapapanatag ang loob.
Yeah! Mapapatawad din niya ang kanyang ina...pero hindi pa sa ngayon. Kikilalanin muna niya ito at kahit sabik siya sa yakap nito'y titiisin muna niya ang kanyang sarili. Hindi madaling tanggapin ang sinabi nito sa kanya. Sa ngayon ay masaya na rin siya lalo na't okay na sila ni Edward.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (149)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
tinawanam tulog siya ng mga yong nakakita sa kanya at Lalo nawalang pakinabang sa kanya
18/11
0I'm so happy
25/07/2025
0us and foods to eat when pregnant at all net 10 day weather for me ser wala nga loed pang of it and get the store for the schhol to be expected ok I will let her get home 🏠 to be expected ok lang po yun paden yun na nga rinapun to be there by mo to Springfield mo to Springfield IL be expected to get it to work out tayu ngayun sa phase of the schhol my pera ka i can need a uwian lang po kung pwde kasi ako sa manila kas nakalabas to get the same as all the schhol my pera ko pls to get it done 👍
06/05/2025
0Tingnan Lahat