Homepage/I Hate You But I love You/
Chapter 22
HINDI mapakali si Mrs. Cabrera sa kinauupoan. Matiyaga siyang naghihintay kay Edward upang makibalita kay Honey. Si Honey na anak pala niya. Nangilid ang luha niya. Matapos sabihin ng binata na may posibilidad na ina siya ng dalaga ay hindi na siya matahimik. Ito ang ikalawang pagkakataon na mag-uusap sila ng binata hinggil sa anak niya. Sising-sisi siya sa mga nagawang pagkakamali rito, kung sana lang ay pinakitaan niya ito ng mabuti, sana'y hindi siya ngayon nababahala.
"Mrs. Cabrera!"
Nagtaas siya ng paningin. Tumayo siya't nakipagkamay dito.
"Kumusta ang pag-uusap ninyo?"
Umiling siya, "Hindi maganda."
"Try lang nang try Mrs. Cabrera. Mabuting tao si Honey at kapag naipaliwanag mo sa kanya nang maayos at mahinahon, mauunawaan ka rin ng 'yong anak. And please, don't give up. Matagal ka niyang hinanap."
"I understand kung bakit ganoon siya sa akin. Simula pa lang ay hindi na maganda ang trato ko sa kanya." Napahinga siya ng malalim. "It's all my fault. Iniwan ko sila, sila ng mag-ama ko. Wala akong nagawa." Hindi na niya napigil ang sarili. Napahagulgol na siya ng iyak at ang sariling palad ang ginawa niyang sandalan.
"Wala ako sa posisyon para husgahan ka, Mrs. Cabre--I mean Nancy, ang tanging hiling ko lang ay magkabati kayong mag-ina. Mabait si Honey. Sa una siyempre, masasaktan siya pero alam ko na mapapatawad ka rin niya. Sabik siya sa kalinga mo, Nancy."
Mahaba-haba pang oras ang pinag-usapan nila. Hanggang sa nagpaalam na si Edward, kailangan na raw nitong bumalik sa office. Naiwan naman siyang tila lutang ang isip. Lumabas na rin siya ng coffee shop at habang naglalakad patungo sa kinaroronan ng sasakyan ay hindi niya napigilang balikan ang nakaraan.
"PAPA, mahal ko po si Jeffrey!"
"No! Ako ang masusunod! Ako ang pipili kung sino ang mapapangasawa mo!" nanggagalaiting sigaw ni Wilson.
"Dahil ba sa mga utang mo? Bakit ako ang magbabayad? Hindi naman ako ang umutang n--" Lumagapak sa pisngi
"Papa, please--"
"That's enough, Nancy! Susundin mo ang in-uutos ko sa iyo or else, dadalahin kita sa America."
Walang nagawa si Nancy kundi ang sumuko. Yugyog ang balikat at bumabaha ng luha sa kanyang mata nang magsarado ang pintuan ng silid niya.
"Paano na lamang ang pagmamahalan namin ni Jeffrey?" Sa pagitan ng kanyang hikbi ang namutawi ang salitang iyon. "Hindi! Hindi ako susuko. Alam kong maghihintay sa akin ang lalaking nais kong makasama habangbuhay. Gagawa ako ng paraan upang makatakas."
Pinahid ng palad ang luhang namamalisbis sa magkabilang pisngi niya, saka'y tumayo upang tungohin ang bintana. Mula roon ay tanaw niya ang paglabas ng sasakyan ng ama sa gate. At iyon sinamantala niyang pagkakataon. Aalis siya at lilisanin ang kinalakihang tahanan upang makasama ang lalaking minamahal. Ayaw sana niyang gawin iyon ngunit pilit siyang ipapakasal ni Wilson, ang ama niya, sa lalaking hindi naman niya mahal at bukod pa r'on ay hindi pa n'ya nakikita.
Lumangitngit ang pinto ng kanyang silid nang pihitin niya ang seradora niyon. Unti-unti rin niyang inilabas ang ulo, tumingin sa paligid at nang makasigurado na walang tao'y saka pa lamang siya lumabas nang tuloyan.
Mabilis siyang nakalabas ng bahay. Halos takbuhin na niya ang palabas ng subdivision. Habol ang hininga nang makasakay na siya aa taxi na dumaan, nagpahatid na siya sa pinapasukang trabaho ni Jeffrey. At nang makita na ang lalaking itinatangi ng puso ay pinilit niyang umalia ito sa pinapasukan. Sinabi niya rito ang gusto ng ama ngunit hindi ang pagpapakasal niya sa iba. Dahil tiyak na magtatampo nang husto ang binata. Kaya nama'y umalis na rin agad sila upang magtago sa probinsya.
Masayang-masaya ang dalawa lalo na't nabuo ang bunga ng kanilang pagmamahalan. At kahit mahirap ang mamuhay sa probinsya'y kinakaya niya kapalit naman niyon ang makasama ang lalaking mahal. Kahit mahirap, masayang-masaya naman siya. Ngunit, buong akala nila ay hindi na sila matutunton ni Wilson, nahanap sila nito nang sumapit ang pagluwal niya sa kanilang supling ni Jeffrey.
Sa ospital kung saan nagsisilang siya ay nakaabang na pala si Wilson. At pagkatapos niyang mailuwal ang sanggol ay pilit na siyang isinama ng ama. Ni hindi man lamang niya nasilayan ang munti niyang anghel at hindi na rin nakapagpaalam ng maayos kay Jeffrey. Tanging si Caring lamang ang kasama niya sa ospital nang sandaling iyon. Wala siyang nagawa dahil tinakot siya ng ama na papatayin ang kanilang anak at maging ang lalaking minamahal. Isinama siya ng ama sa America at pagkatapos nang isang tao'y muli silang bumalik sa bansang sinilangan upang pakasalan ang lalaking hindi pa naman nakikilala, at iyon nga ay ang kapatid sa ina ni Edward. Hindi niya ito mahal magpahanggang ngayon dahil ang puso niya'y iisa lamang ang laman at iyon ay ang ama ni Honey.
"I'm sorry. Sorry, anak!" Puno ng luha ang kanyang mata, nasa loob na siya ng sasakyan at doo'y ibinibuhos ang bigat na nararamdaman. "Anak ko!" Natutop niya ang sariling bibig nang halos maisigaw na ang salitang binigkas.
Hindi niya alam kung paano hihingi ng tawad sa anak lalo na ngayong ginigipit sila ng pagkakataon. Si Honey, ang nag-iisa niyang anak, pinararatangan pa niya ng kung ano. Paano siya makahihingi ng tawad dito?
"Papa, hanggang sa kabilang buhay ba nama'y pinarurusahan mo pa rin ako? Bakit ka ba ganyan sa akin? Ang lupit mo!" Humiyaw na siya sa sobrang sama ng nararamdaman.
Oo. Galit siya sa kanyang ama. Galit na galit. Pumanaw ito isang taon na ang nakararaan at magpahanggang ngayon ay hindi pa n'ya ito napapatawad. Paano niya mapapatawad ang isang taong dahilan ng kanyang pagdurusa? At sarili pa n'yang ama! Hindi ganoon kadaling magpatawad lalo na't malaki ang naging sugat sa puso niya sanhi ng ginawang kasalanan sa kanya. Inabandona niya ang kanyang mag-ama dahil sa amang sakim at ngayon ay nakagawa pa siya ng kasalanan sa anak.
"Anak ko, patawad!"
HINDI patulogin si Honey ng mga ipinagtapat ni Edward. Gulong-gulo pa rin ang isipan niya.Sadyang hindi siya naniniwala lalo na't alam niya na marami-rami nang dumaan na babae sa buhay ng binata nang nasa America pa ito.
Mag-isa siya sa silid at nagmumuni-muni sa nangyari nang sila'y nasa office. At dahil hindi pa siya makatulog ay minabuti niyang lumabas muna. May kadiliman na ang loob ng unit kaya't lumapit pa siya sa living room. Nagulat na lamang siya nang may nagsalita sa sofang nakahilira roon.
"I love your daughter, Mrs. Cabrera at hinding-hindi ko siya pababayaan," tinig na nasa sofa.
Napakunot ang noo niya sa narinig. "May anak si Mrs. Cabrera? Pero sabi niya'y hindi nabiyayaan ng anak ang mag-asawa. Sino ang tinutukoy nitong anak?" anas ng isipan niya.
"Yes. I will, Mrs. Cabrera."
"May mahal ka na palang iba pero bakit pa nagsabi ka sa akin na mahal mo ako? Manloloko ka pala, Sir." Nakadama siya ng lungkot. Kahit ipinalagay niya ang loob ay hindi niya maiwasang malungkot sa narinig.
"Kailan mo ipagtatapat sa kanya? I know, I know, Mrs. Cabrera, pero dapat habang maaga pa ay ipagtapat mo na. Sabik si Honey sa pagmamahal ng isang ina kaya't alam ko na mapapatawad ka rin niya, hindi man ngayon but someday, mapapatawad ka rin niya."
Natutop ni Honey ang sariling bibig. Kaya ba ganoon na lamang kapursigido na humingi ng tawad sa kanya si Mrs. Cabrera, dahil ito ang ina niya. Tama ba siya? Hindi niya alam kung paano siya nakarating sa tabi ni Edward.
"Si Mrs. Cabrera ang ina ko? Bakit hindi mo ipinagtatapat sa akin? Matagal mo na ba itong alam?"
Napalingon naman si Edward, "H-honey, k-kanina ka pa riyan?'"
''Narinig ko na kaya huwag ka nang magmaangngan pa. Kailan mo pa alam na si Mrs. Cabrera ang ina ko?" mangiyak-ngiyak niyang tanong dito.
"H-honey--"
"Sagutin mo ang tinatanong ko!" Napasigaw na siya sa labis na galit.
"N-noong isang araw lang."
Napapikit siya. Kahit gustohin man niya na magtanong pang muli ay pinili na lamang niya ang manahimik. Tumakbo siya patungo sa silid at doo'y umiyak nang umiyak. Hanggang sa may nabuong balak sa kanyang isipan.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (149)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
tinawanam tulog siya ng mga yong nakakita sa kanya at Lalo nawalang pakinabang sa kanya
18/11
0I'm so happy
25/07/2025
0us and foods to eat when pregnant at all net 10 day weather for me ser wala nga loed pang of it and get the store for the schhol to be expected ok I will let her get home 🏠 to be expected ok lang po yun paden yun na nga rinapun to be there by mo to Springfield mo to Springfield IL be expected to get it to work out tayu ngayun sa phase of the schhol my pera ka i can need a uwian lang po kung pwde kasi ako sa manila kas nakalabas to get the same as all the schhol my pera ko pls to get it done 👍
06/05/2025
0Tingnan Lahat