Homepage/Wild embrace (Mujer fuerte series #1)/
CHAPTER 25
Away From Me
Pumangalumbaba ako at pinag masdan ang stilleto na binigay sa akin ng chairman dalawang araw na ang nakakalipas. May balak naman akong sooting ito dahil muka namang maganda kaya pwede na. I can use it when I'm attending to some events.
"Ito na ba iyon?" Ani Lola at hinawakan ang sapatos na nasa ibabaw ng counter top.
Matalim ko siyang nilingon, katatapos ko lang kasing magalit sa kaniya dahil sa ginawa niya sa akin noong isang araw.
"Wag mo akong tignan ng ganyan, Dominique. I'm telling you, hindi ko sinasadyang hindi maka dalo!" She said defensively.
Umirap ako at tumayo na sa pag kakaupo sa highchair. "Basta po ba sa susunod kayo na ang haharap sa kanila, hindi na po ako"
"No, hindi pwede!" Ani Lola. Nilingon ko siya at kinu-nutan ng noo. Anong hindi pwede?
" At bakit naman po hindi? Sinabi ninyo na hindi ninyo sinasadya ang hindi pag dalo! Pero bakit gustong gusto ninyong ako ang humarap sa kanila!?" Iritadong tanong ko.
Napaiwas siya ng tingin. Ano? May pinag usapan ba sila na di ko alam!?
"Baka kasi hanapin ka nila sa susunod. Alam mo na, hindi maganda na iba-uba ang haharap sa kanila nakakahiya... At narinig ko din na nirereto ka ni chairman sa anak niyang lalaki—"
" Lola! Hindi po ako interesado sa reto-reto na iyan! Pag pumunta ulit sila, sabihin ninyong hindi ako interesado, na busy ako!" Tumaas ang tono ng boses ko at padabog akong umupo sa sofa.
Umiling ako. Oo nga pala at walang alam si Lola at Lolo sa kung anong meron kami ng CEO ng RG!
Sabihin ko nalang kaya? Para tigilan na niya ako? Pero ayoko namang sabihan niya ako bitter dahil lang sa ayaw kong humarap sa kanila! Isa pa wala na namang halaga iyon.
"I already met the chairman's son... Ang gwapo at mukang gentleman, bagay kayo—"
Halos mag takip ako ng tenga dahil sa sinasabi niya. " Lola! Baka muka lang gentleman iyon, pero hindi talaga. Hindi porket gwapo ay mabait na! At nag ka usap pala kayo ng CEO!? Baka naman kayo itong nag rereto sa akin doon!" Halos mag wala ako.
"Hindi ah! Si Chairman ang nauna. Ng binanggit kong may apo akong maganda ay nireto na niya ang binata" she shook her head defensively.
Umirap nalang ako at binuhat si Nillan para dalhin sa kwarto. Bahala na si Lola diyan. Marami pa siyang dahilan kahit halata na naman ang pakay niya.
"Hindi ninyo ako nireto pero binigay ninyo ang size ng paa ko?" Umiling ako at bago pa makasagot si Lola ay pinag sarhan ko na siya ng pinto.
Pinag patuloy ko ang mga araw, kahit na lagi akong kinukulit ni Lola tungkol doon. Lumipas ang isang linggo at ganoon parin siya. Nalaman ko nalang na naka ilang set ng schedule na pala sila ng dinner na hindi ko sinipot.
Niisip ko na nandoon lahat ng angkan ng mga Gonzaga ay nag iinit na ako sa galit. Halos lahat yata sila ay ayokong makita maliban sa chairman na walang alam.
At bakit naman ako pupunta!? Alam ko naman na irereto lang ako ng chairman sa anak niya! Bakit ba kasi hindi niya nalang ikasal si Ariela kay Ruiz para matapos na ang problema nila! Dinadamay pa ako!
At si Ruiz? Alam niya kaya na ako ang CEO ng Belleza? Bakit nga be 'di pa siya mag asawa, ang tanda niya na eh!?
"Ma'am?"
Nabalik ako sa ulirat ng mag salita si Gian. Kanina pa pala ako tulala dahil sa iniisip.
"Huh?" I asked. Tumuwid ako ng pag kakaupo sa swivel chair ko.
"Thirty minutes po before your next meeting" Sabi niya ng naka tingin sa iPad.
I nodded to her and fixed my black blazer. Namataan ko agad ang pag baba ni Nillan sa sofa ng maramdaman na aalis na ako.
Sabay kaming lumingon ni Gian sa kaniya. I smiled at him. Sinalubong ko ang pag ikot niya sa lamesa ko patungo sa swivel chair kung nasaan ako.
"Isasama ko siya" binuhat ko si Nillan at tumayo na. "He's a good boy so, he never be burden to me"
Madalas ko naman itong ginagawa kaya sanay na si Nillan doon. Bigyan mo lang siya ng pagkain at laruan ay ayos na siya at tatahimik na sa isang tabi.
Tumango si Gian at ngumiti. Sumunod siya sa pag labas namin ng office ko.
"Just sent me the location and I'll take care of it" sabi ko ng naka sakay na kami sa elevator.
"I already did ma'am. You'll be meeting Mr, Herera on his building. Sasalubong po sa inyo ang secretary niya sa lobby at ihahatid kayo sa office ng boss niya"
Tumango ako sa sinabi ni Gian. Karamihan sa nakaka business meeting ko ay sa isang high-end restaurant nakikipag kita. Kataka-taka na sa mismong office lang ay ayos na.
Pinag kibit balikat ko iyon. Siguro ay antisocial lang ang mr. Herera na iyon at ayaw ng maraming taong nakakasalamuha.
Pag lapag ko kay Nillan sa backseat ay agad naman akong nag maneho. I set the location on my GPS and drove.
Pagdating doon ay tama nga ang sinabi ni Gian. Sinalubong kami ng isang babeng foreigner na secretary ng Mr. Herera.
"Good day, Ma'am. This way please" she lead us to their elevator.
Nakangiti ang secretary at nilingon ang bata na hawak ko. Ngumiti din ako at sumunod sa pag sakay ng elevator.
"Hi, baby!" She waved on Nillan. Ngumiti ako at nilingon si Nillan na naka ngiti na rin. He's really a good boy.
Kaya ng naka dating kami sa tamang palapag ay pinaupo ko lang siya sa sofa. Hindi siya umiyak at nag habol. Inabutan ko siya ng crackers at gatas na nasa bote.
"Can I have a favor?" Nilingon ko ang secretary na nasa gilid ng sofa. " Can you look at him for a while? He's a good guy, he's not going to cry"
Tumango ang secretary at umupo sa space sa gilid ni Nillan.
"Of course Ma'am. Mr Herera is not already in his office but you can wait for him inside. He will arrive in a minute"
Tumango ako.
I say my 'thank you' then stand straight. I fixed my posture before walking near the glass door. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan pero binaliwala ko nalang iyon. Aantayin ko lang naman si Mr. Herrera sa office niya, kaya anong nakakakaba doon?
Lamig ng air-conditioner ang sumalubong sakin pag pasok ko ng pinto ng office. Walang tao gaya ng inaasahan.
Nag lakad ako palapit sa isang mahabang sofa at umupo doon. The interior of the office is mixed by white and black. May halaman din sa gilid at may mga bookshelf.
Tumayo ako at nag lakad sa malaking lamesa makalipas ng isang minito na wala parin ang Mr. Herrera. May wooden plank doon kung saan naka ukit ang pangalan ni Mr. Herrera.
Maverick Herrera - CEO
Walang kahit anong picture sa lamesa kaya hindi ko alam kung sino siya.
Agaran ang pag baba ko ng wooden plank ng tumunog ang doornob ng pinto.
Tumuwid ako ng tayo at ngumiti ng pumasok ang isang lalaking naka corporate attire. It's look like we're at the same age.
"Nice meeting you, Mr. Herrera" Ngumiti ako at naglahad ng kamay sa kaniya.
" Uhm... It's nice to meet you too, Ms. Vasquez..." Tinanggap niya ang kamay ko. Ngunit nag taka ako dahil hindi siya umalis sa tabi ng pinto.
Napansin ko din ang pag ka balisa niya na para bang kinakabahan.
"Shall we start our meeting?" Tanong ko bilang panimula. Baka naman kasi baguhan lang siya sa ganito? Kaya ganoon?
Nag kamot siya ng batok at bahagyang tumawa. Nag iwas siya ng tingin. Para bang hiyang hiya siya sa ginagawa niya.
Kumunot ang noo ko sa kinikilos niya. "Is there a problem, Sir?"
Bumuntong hininga siya bago ako tiningala. "Actually, Ms. Vasquez... I'm sorry, I'm really sorry..."
Lalo lang ako nag taka sa sinasabi niya. Anong problema? "Why you're sorry?"
Is he backing out? Ayaw niya na ba sa deal?
" Are you backing out sir? It's okay with me" ngumiti pa ako para mapanatag siya.
" No , actually I didn't schedule this because of business..." He look hesitant.
Nag taka lalo ako at bahagyang kinabahan.
" Then what?" I asked, still calmed kahit na na wiwirduhan na sa nangyayari.
"May nanghingi lang ng tulong ko para dito. Actually hindi talaga ako nag pa appointment ng meeting para sa business—"
Natigilan ako sa sinabi niya. Napansin ko na nag tagalog siya kaya bahagya akong nakahinga. He's a Filipino. Pero meron sa sinabi niya na hindi makakatakas sa isipan ko.
Nanghingi ng tulong? Sino? Kinabahan parin ako dahil kanina pa siya hindi umaalis sa pinto.
" Ano? What do you mean, Mr. Herrera?" Bahagyang tumaas na ang tono ko dahil sa kawirdohan niya. Ano bang problema niya? "Is this a scam?"
Naloko ba ako!? Sino iyong tinutukoy niya!?
Agad namang nag panic si Mr. Herrera o kung iyon ba talaga ang tunay na pangalan niya. Nag taas siya ng kamay at napabulong ng mura dahil sa gulat sa pag hiyaw ko.
"Miss No... hindi ito scam... I mean, kind of—"
"What!? Alam mo Mr. Herrera, inaaksaya mo lang ang oras ko—"
Umamba akong aalis pero pinigilan niya ako.
"Shit! Bro pumasok kana nga!" Hiyaw niya sa kung sinong nasa labas ng pinto.
I stiffened. What is this all about!?
Ano iyon? Nag tatawag ba siya ng katulong? Ano ito kidnapping!?
"Aalis na ako, kung ano mang kabaliwan ito, wag mo akong idamay. Mr. Herrera!" Lalagpasan ko na sana siya kung hindi lang bumukas ang maluwag ang pinto at iniluwal nito ang taong sobrang pamilyar sa akin.
Namilog ang mata ko at napaatras. Nangatog ang binti ko at nanlamig ang kamay ko.
"A-Ano to...?" Kumalabog ng malakas ang dibdib ko. "Bakit ka nandito?"
Matalim ang tingin ang naka pamulsang si Ruiz sa akin. His jaw clenched and his sharp eyes looking directly on me. Iniwas ko ang tingin sa pich black niyang mata.
Wala parin siyang pinag bago, maslalo lang yatang gumanda ang katawan at nag susumigaw ng kakisigan ang tindig. Ipinilig ko ang ulo para pigilan ang pag puri sa kaniya.
Nilingon ko si Mr. Herrera na ngayon ay nag kakamot na ng batok at mukang hiyang hiya na. Dapat lang na mahiya siya, he betrayed me!
"I'm really sorry, Ms. Vasquez" Umatras siya at tinapik ang balikat ni Ruiz bago tuluyang lumabas ng office na ito.
"Teka!" Pigil ko sa kaniya ngunit huli na ang lahat. Ayoko namang habulin siya dahil naka harang na ang gagong si Ruiz!
Matalim ko siyang nilingon. "Ano itong kagaguhan na ito!?"
He signed heavily before answering.
"I know you'll disagree if you find out that it was me. Hindi ka nga sumipot sa lahat ng dinner na si-net ng papa ko—"
" Of course! Why would I need to talk to you anyway? At hindi ko na kailangan pumunta sa dinner na iyon kung hindi naman tungkol sa business! Ano? Gusto mo iyong ideya na ni rereto ka sa akin?"
Umigting lalo ang panga niya dahil sa sinabi ko. He look pissed now. I'm pissed too! So we're even!
"Bakit mo ba ito ginagawa!? Bakit nag effort kapa talaga na gumawa ng kabaliwan na ito—"
" Oo! Kabaliwan nga ito! You're right " His voice thunder in every corner of this office.
Nag ngitngit ang ngipin ko at uminit ang sulok ng mata ko dahil sa galit.
"I just really want to talk to you—"
"Okay, fine! Talk now!" Tumango ako at nag lahad ng kamay ko. " Para matapos na ito! Dahil gusto ko ng umalis, gusto ko ng umuwi!"
"Saan ka Uuwi?at bakit gustong gusto mo ng umuwi? Sa lalaki mo ba?" Matalim ulit ang mga mata niya at bahagyang namumula.
"Ano!? E ano naman ngayon sayo!? Akala ko ba mag uusap ka? sinasayang mo lang ang oras ko—"
" Okay, I-I'm sorry..." Huminahon ang boses niya ng makitang lalagpasan ko siya. Nag mamakaawa ang mga mata niya ng humarang sa dadaanan ko.
Umatras ako at hinilamos ang dalawang palad sa muka.
Ano ito? He want closure? The heck!
"Why did you leave?"
Nilingon ko siya dahil sa tanong na iyon, tanong na akala ko alam niya ang sagot. Pumatak ang isang butil ng luha ko sa pisngi. My eyes widened. Iyan talaga ang gusto niyang pag usapan namin!?
"Why did you fucking leave me, huh!?"
Pinilit kong wag pansinin ang sakit sa bawat salita niya. Bakit niya ginagawa ang bagay na ito sa akin? Wala akong maalala na ginawang kasalanan para parusahan niya ako ng sobra.
"Ano naman sayo kung umalis ako? Anong karapatan mo para tanungin ako ng bagay na iyan? —"
" Because I'm your fucking boyfriend!"
"Hindi kita boyfriend! Tapos na tayo, matagal na. kaya anong sinasabi mong boyfriend!?"
"Kahit kaylan wala akong sinabing tapos na tayo! I can't remember that we end it!"
"Don't Tell me nagka amnesia ka? Nabagok ba iyang ulo mo? Hibang ka na ba? Na kahit pakikipag break sa akin ay hindi mo maalala?—"
"Damn! I can't remember that I break up with you! I didn't fucking break up with you—"
" Yes, you did! Bakit ka ba nag sisinungaling? Why are you denying it!?" Halos iduro ko ko.
And after the years that's not talking to each other, I don't think he didn't realize that we already done? Is he dumb?
"I'm not lying! Sa tingin mo anong mapapala kung mag sisinungaling ako? "
" Dahil gusto mo akong pag tripan!"
"Hindi kita pinag titripan!"
" Kung ganoon sinong nag text sa akin!? Multo, huh!?"
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at hinarap sa kaniya. Sinubukan kong pumiglas.
"I don't understand you, I don't know what you are talking about. I didn't break up with you at all. Bakit mo ginagawa sakin ito? Bakit mo ako sinasaktan ng ganito?"
Natigilan ako at natawa kahit walang nakaka tawa.
"I'm not forcing you to understand me! Wala na akong pakialam kung hindi mo maalala na nakipag hinawalay ka talaga sa akin! at tinatanong mo ako kung bakit ko ginagawa sayo ito? Ako dapat ang nag tatanong niyan! Pero hindi ko na gagawin dahil matagal na tayong tapos!"
"Hindi pa tayo tapos!—"
I immediately build an alibi so he stop bugging me.
" Can't you see? I already have a son—"
" Don't lie to me! He's not your son! I know you will say that lies to me. Oh, you already did, to Ariela. You know that she will told that to me right? Muntik na nga ako maniwala, pero hindi. Dahil base sa kalkulasyon ko sa edad niya, kung anak mo nga siya ay ako dapat ang ama! Pero hindi, dahil hindi ka naman nabuntis. Hindi naman kita na buntis. Dahil pinanganak siya bago ka pa umalis at iwan ako! So, why are you saying that he is your son!? Just so I leave you alone? " Umiling siya. " I don't think so, kahit yata magka anak ka ng lima. Hinding hindi kita titigilan"
Ang talino din talaga ng gagong ito noh?! sabagay madali lang naman iyon kung iisipin, dapat pala mas tinindihan ko ang pag iisip ng kasinungalingan, dapat sinabi ko nalang na buntis ako ngayon at may asawa na. At talaga palang pina-alam sa kaniya ni Ariela iyon?
"Sana pala ay nabuntis nalang kita para hindi ka na umalis—"
Galit kong pinadampi ang palad ko sa pisngi niya.
"Eh, gago ka pala talaga eh noh!? Bitiwan mo ako, uuwi na kami! Stay fucking away from me!" I hissed on his face.
Marahas kong hinaklit ang braso ko mula sa pag kakahawak niya sa akin at tinalikuran siya.
Shit! Bwisit!
Padabog kong binuksan ang pinto ng office at naabutan si Mr. Herrera na napatayo ng tuwid ng makita ako. Inilihis ko ang tingin sa kaniya.
Lumapit ako sa sofa kung nasaan si Nillan.
Agad kong binuhat ang inosenteng si Nillan at umalis na sa pesteng lugar na iyon!
Nag mamadali akong pumasok sa elevator at ilang beses na pinag pipindot ang boton para lang sumara iyon.
Pero bago sumara iyon ay nag tama pa ang mga mata namin ni Ruiz. Naabutan niya ang pag sara ng pinto pero huli na.
Huminto siya sa pagtakbo at pinag masdan nalang ang pag sara nito. His expression is full of sorrow and pain. Hindi din naka takas sakin ang pag kislap ng mga mata niya dahil sa luha.
Nang tuluyan na iyong sumara ay napapikit ako. I embrace Nillan tightly and pray...
Please take away all the pain I'm feeling right now. Dahil kung kaya ko lang, sana matagal ko nang ginawa.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (15)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice❤
30/07/2024
0good
09/07/2024
0nice🥰🥰🥰🥰
06/06/2024
0Tingnan Lahat