Homepage/Save Me, Miss Tala/
Chapter Nine
Lotus Alexandria
It's Friday night.
Busy ako maghapon sa gawaing bahay kaya't ubos na ubos ang energy ko sa gabing ito. Pagkatapos ng nangyari kahapon ay hindi ako ulit pumasok ngayong biyernes sa eskwelahan.
Ayokong pagtulungan ako ng mga sari't saring katanungan mula kila Chabelita.
Wala akong ginawa kung hindi ang magpahinga, nagpapagod, at kung ano pa dito sa bahay.
Nag excuse naman ako sa mga klase ko pagkatapos kong tawagan ang Dean. Paimportante ako e, kaya ang Dean pa ang tinawagan ko para magpaexcuse. Biro lang. Actually, Miss Liandro suggest to call the Dean na lang.
Tinanong niya ako kagabi kung papasok ba ako today. Sinabi ko namang hindi, hindi rin naman siya ang naghatid sa akin pauwi. Kasi kay Ate Toni na ako sumabay.
She let me. Lalo na't pinilit ko lang ang gusto kong ihatid ako ni Ate Toni para hindi ko na siya mabahala pa.
Hanggang sa ito na nga, namalayan ko na lang na nasa loob ng condo ko ang mga kaibigan ko. Bigla na lang kasi silang sumulpot sa pintuan ng condo ko. Wala akong balak na makipaglokohan sa mga ito pero ito na nga.
Medyo naco-conscious na nga ako sa tingin nila na parang mga tanga.
Para nila akong pinag aaralan sa mga titig nila. Titig na titig talaga sila na akala mo ay mukha akong aswang na una nilang nakita.
Sabi ko ayaw ko ng mga katanungan mula sa kanila pero wala na akong magagawa ngayon na nasa harapan ko sila at nasa loob pa ng pamamahay ko.
"Sana tapos na kayong titigan ako tapos magsasalita na kayo ano?" Tanong ko sa mga ito. Natatawa na nga ako sa itsura nila e. Ang tatahimik ba naman at hindi maipinta ang mga mukha. "Ano kasing ginagawa niyo rito? Hindi kayo nagsabi na pupunta pala kayo."
Napabuntong hininga naman sila na parang may malaki at mabigat na pasanin. Para ngang dala-dala nila ang problema ng buong mundo sa ginawa nilang iyon.
Lahat na ata ay pinatong sa kanila.
"Lah, okay lang kayo mga pre?" Natawa na ako sa mga itsura nila. Para talaga silang binagsakan ng mundo sa laki ng dala nilang pasanin ngayon. Mukha talaga silang tanga e. Literal sa mukhang tanga.
Tapos ang tagal pa nilang sumagot o kausapin ako.
"Hindi naman siguro masamang magpunta dito hindi ba? At tsaka ano kasing nangyari sayo Alex? I saw you yesterday morning. Pero hindi mo ko pinansin and fuck, you look shit." It's Chabelita na hindi ko maintindihan ang reaction.
Yeah, naalala ko na nakita niya ako kahapon sa hindi magandang itsura. Pero hindi niya ako hinabol pagkatapos ko siyang hindi pinansin at iwanan.
I know that I look shit yesterday. Feeling ko nga sobra pa sa itsurang shit ang itsura ko kahapon. Hindi niya 'yon inaasahan so she would react like that. Who wouldn't, right? Miss Liandro react that way also.
And I know that they will ask too.
"Nah, hangover." Pagpapalusot ko sa mga ito. Maybe maniniwala sila or maybe katangahan ang palusot na 'yon.
Alam nilang hindi ako nagkakahang over.
"Duh? Hindi ka tinatablan ng hangover. Huwag mong irason 'yan bhe. Iyong kamay mo, anong nangyari diyan?"
O 'di ba katangahan na ipalusot 'yon.
Sabi ko nga hindi ako makakalusot e. Gaya ng sabi ko ay hindi ako nagkakahang over. Alak na ata ang dumadaloy sa katawan ko't bumubuhay sa akin.
Tinignan ko ang kamay ko. Wala na itong balot dahil tinanggal ko na at halata naman ang mga pasang narito. Nag iwan na din ng ilang mga sugat na siyang ginagamot ko pa rin.
Ayoko lang siyang balutin kahit pa masakit ito tuwing ginagamit ang kamay ko. Syempre hindi ko naman sasabihin sa kanilang masakit, ano.
Kung alam ko lang na pupunta sila dito ay sana binalot ko na lang ito para hindi makita ang itsura.
"Kasalanan ng pader." Walang gana akong nahiga sa lapag at pumikit. Hindi naman malamig ang lapag kaya ayos lang.
Naitanong na rin ni Miss Liandro ang bagay na 'yan sa akin. Tapos itatanong rin nila.
Parang si Miss Liandro rin na hindi ako lulubayan hangga't hindi ko sinasagot ang gusto nilang sagutin ko.
Paano ko tatakasan kung may mga makukulit na nilalang?
"Bakit? 'Yong pader na ba ang nanununtok ngayon?" Sarkastikong saad ni Carli pero hindi ko siya pinansin.
Bahala na muna sila diyan na mag isip. Tinatamad akong sumagot sa mga katanungan nila.
"Magsalita ka bitch!" Isang tadyak mula kay Chabe ang natanggap ko na hindi ko inaasahan. Napakasadista talaga ng walangya.
"Oo, 'yong pader ang nanunutok at baka gusto mong manuntok ako bigla at ikaw ang unahin ko sa inyong apat?" Inis kong buwelta at tanong sa kaniya. Nakita kong napangiwi sila pero napairap lang din sa huli ang dalawang babae.
Mga attitude sila pagdating sa akin.
"Ang rude mo lately." Sita ni Carlo. Ako naman ngayon ang napairap sa kanila. Ang dami nilang napapansin, like seriously.
"I'm always rude." I rebutted which is true naman. Why would I deny it, right? Masama ang ugali ko minsan.
"Alex—"
"Stop asking. Gusto ko muna ng katahimikan." Sabat ko sa pagtawag pa lang ni Carli sa pangalan ko.
"Tch. Dito kami matutulog ha?" Si Chabelita.
"Sa labas ka."
"Bwisit ka talaga, Alex." Natawa ako sa reklamo ni Chabe ng maasar na ito ng tuluyan. Nagsusuggest lang naman ako kung saan siya p'wede matulog e.
Ayaw niya pa 'yon.
Mukha na nga rin siyang natatae sa itsura niya e.
"Anong pagkain mayroon ka?"
"Tingin ka sa ref tas magluto ka na rin, utusan— aray!" Natawa ako ng malakas. Binato ba naman ako ng unan at sumapol sa mukha ko. Nahawa na rin ata sa pagiging sadista itong si Carli.
Parang sumasagot lang ako sa mga katanungan nila pero ganiyan na sila kasadista sa akin.
"Bahala ka, bwisit. Magluluto muna ako ng kakainin natin." Tumayo na si Carli at pumasok na siyang kitchen at siguradong magkakalat lang iyon doon. Gez, ayaw ko ng makalat.
Well, Carli can cook naman so I'll let her para may kainin kami for tonight. 'Wag lang talaga siyang magkalat sa kusina ko.
"Naks, tahimik ka ngayon Leo?" Sita namin kay Leo. Kanina pa kasi siya tahimik kaya siya naman ang pagtripan natin.
Mukha kasing malalim ang iniisip niya kaya sa kaniya na lang ako magtatanong. Kaysa ako ang tanungin nang tanungin.
"Magsabi ka nga Alex." Uh, ang seryoso nga talaga niya ngayon.
"Lol, seryoso mo mukha mo Leo." Natawa ako sa biglang pagbabasag ng trip ni Carlo kay Leo na hindi na ngayon maipinta ang mukha.
Hindi ko talaga maiwasang hindi tumawa. Ang e-epic nila ngayon.
"Sabat ka ng sabat Carlo. Crush mo na ba ako ngayon?"
For sure, bangayan na naman. Napalingon ako kay Chabe na tahimik na umalis habang naiiling at nagpunta ng kitchen. Baka tutulungan na magkalat si Carli doon. Kapag talaga makalat doon mamaya sila ang itatapon ko sa labas at ipapasama sa truck.
Magandang ideya rin ata 'yon para tigilan muna nila ako ngayon.
"Tangina mo naman pre. Kadiri ka naman." Napabuga ako ng malalim. Why people always says 'kadiri' to things that should be normalize?
"Mas kadiri ka, ako na lang laging napapansin mo!"
"Easy ka lang tol. Masyado kang hot e."
"Talagang hot ako. Kaya maraming nagkakagustong chikababes sa akin!" Napangiwi ako, mukha talaga siyang babae. Puro na lang babae at hindi na matapos sa kakababae niya. Hindi na lang siya magpakatino at mag focus sa isang babae kung may napupusuan man siya ngayon.
Marami na siyang nasaktan sa pagiging babaero niya e. 'Di na lang umayos.
"Pakialam ko sa chikababes mo?" Sarkastikong sagot ni Carlo dito na parang hindi na maganda ang mood makipag asaran kay Leo.
Hm, I smell something fishy.
The way kasi ng pagkakasarkastiko ni Carlo ay something that bothers me. He sounds jealous at the same time annoyed with Leo's doing.
Does Carlo like Leo?
Romantically?
Gosh, ang aking ship!
"Dapat lang na wala kang pakialam 'no! Humanap ka ng sayo!"
"Ikaw na lang."
Dahil sa ako ang pinakamalapit kay Carlo ay nanglalaki ang mata kong nakatingin sa kaniya dahil kahit bulong iyon ay rinig na rinig ko. Amputek, sinasabi ko na nga ba.
Hindi makakaligtas ang mga salitang iyon sa tainga ko.
Malinaw iyon sa akin.
"Ano 'yon tol? Pakiulit. Siguro walang may gustong chikababes sayo 'no?" At ang ewan na si Leo na palpak ang tainga. Ang tanga sa biglaang pagiging bingi tapos nang asar pa talaga.
Umiwas ng tingin si Carlo dito at saktong napunta sa akin ang tingin niya.
Namumula ang mukha nitong gulat na gulat. Siguradong hindi niya inaasahan ang presensya kong narito pa pala kasama nila.
"Akala ko nasa kitchen ka." Maang itong nakatingin lamang sa akin at kinindatan ko siyang ikinapula lalo ng mukha niya. "You heard it." Hindi siya patanong. It is a statement saying that yes, alam na niyang narinig ko talaga siya.
Sobrang focus ata niya kay Leo kanina at hindi namalayang nandito pa ako sa tabi niya habang nakahiga lang sa lapag.
Natatawa akong lumapit sa kaniya at nagpakandong at yumakap.
Dati pa man ay pansin ko na ang galawan niya pero hindi ako sigurado dahil lalaking lalaki pa rin naman siya.
Ngayon alam ko na, baliko ang beshy ko! Parang siya lang si Kuya Mike na hindi basta mahahalata ang pagiging baliko.
"Hoy! Anong ginagawa niyo?! Huwag kayong maglandian dito!" Napalingon kami kay Leo na nakangiwing nakatingin lang sa amin.
Hindi na nga maipinta ang itsura sa pagkakangiwi.
"Hindi na lang ako magsasalita o magsasabi ng kahit kanino tungkol sa narinig ko hanggang sa ikaw na lang mismo ang magsalita." Pansin ko rin naman na hindi pa siya handang magsabi ng mga ganitong bagay. Tumango si Carlo at ngumiti sa akin. Niyakap rin niya ako bago na ako tumayo at pupunta na ng kusina.
Hindi ko na pinansin ang nagtatanong at nagtatakang mga mata ni Leo na nakamasid sa amin kanina.
Bahala siya magtanong at magtaka. Ang bingi kasi niya.
"What's for our dinner tonight?"
"I'll cook hot wings, at adobo." Carli answer my questions. She's busy preparing as I look at them.
I even beamed when I heard hot wings. Yay! Hot wings! Sino naman kayang hindi magugustuhan ang hot wings? Marami akong kilala na paborito din ito.
Napansin ko naman si Chabe sa tabi niya na busy sa kung anong— Anak ng tinapa talaga ang batang ito!
"Chabe! Wag ka magkalat!" Takang taka ako sa hawak nitong box at mangilang kalat ng flour sa counter.
"Hindi ako nagkakalat!" Sigaw nito sa akin.
"Nagkakalat ka e. Tignan mo 'yang flour! Aanhin mo yang flour? Wala tayong iluluto na lalagyan ng flour!" Bwisit, sabi na nga ba at magkakalat lang ito dito sa kusina e.
"Gusto ko ng pancake e!" Pancake? Sa gabi? Nababaliw na ba talaga itong babaeng ito?
"Epal naman Chabe! Tigilan mo ako sa kalokohan mo dahil gabi na. Walang gagawa ng pancake!" Masama ang tingin ang binigay ko sa kaniya dahil mas kumalat pa iyong flour dahil sa inis itong nagliligpit.
"Parang pancake lang naman, Alex. P'wede naman 'yan kahit anong oras e." Dabog nito sa akin na ikinailing ko na lamang.
"Bukas ka na gumawa ng pancake. Gulo-gulo mo, Chabe. Iyang katakawan mo, naku naman." Inirapan lang ako nito bago tinulungan na lang si Carli sa pagluluto ng hindi na nagkakalat pa.
"Alex. Sa'n ka pala galing kahapon? Kasi nakita ka nga daw ni Chabe tapos di ka naman na pumasok maghapon. Lalo na kanina, hindi ka rin pumasok." Kunot noo akong tumitig sa nagtanong na si Carli.
Lutang ba ito kanina at hindi naririnig ang mga tanong ni Chabe sa akin? Ano bang tumatakbo sa isip nito?
I heaved a sigh. Ano sasabihin ko? Na galing ako sa langit kasama ang Tala kung kuminang ay sobra sa pagiging diamond? Joke lang. Madilim na Tala ang babaeng 'yon dahil sa kasungitang taglay niya.
Heto na naman ako sa pagiging tanga kung mag isip.
"Nagpahinga lang ako. Wala din sa mood na pumasok kaya hindi na ako tumuloy sa mga klase." Balewalang palusot ko na sana bumenta na sa kanila. "Hindi ba't nagtanong ka na kanina tungkol dito?" Hindi ko maiwasan na itanong.
"Ha? Nagtanong na ba ako?" Nailing ako dito. Lutang nga talaga ang babaeng ito. "As I remembered Chabe asked a while ago about what happened to your knuckles. Hindi ko pa tinanong kung bakit hindi ka pumasok kahit nakita ka ni Chabe sa University kahapon. Lutang ka ba, Alex?" Kunot noo nitong tanong sa akin.
I facepalm. Realizing na hindi pala siya ang lutang. Ako pala ang lutang. Katangahan ko nga naman talaga, oo.
"Oh, sorry. Akala ko kasi natanong mo na."
"Paano naman kasi magtatanong kung ayaw mo naman sumagot." Sabat ni Chabelita. Hindi ito nakatingin sa amin ni Carli. Nakaharap ito sa niluluto.
Natahimik na lang ako sa naging sagot niya. I know Chabelita. She won't stop thinking about this hanggang sa hindi niya nakukuha ang sagot.
Hindi na ako kumibo pa at tumulong na rin sa kanila. Hindi nagtagal when were done cooking. Nilinis na rin ni Chabe lahat ng kalat na ginawa nila na dapat lang. Kasi kung hindi ay baka silang dalawa ni Carli ang gawin kong basahan.
"Let's eat!"
Pumapalakpak na napatalon si Chabe. Tuwang-tuwa dahil may pagkain na naman sa harapan niya.
Tinawag ko na ang dalawa sa sala para kumain.
Galit-galit kaming nag umpisa na kumain na parang hindi kumakain na mga bata. Ah, basta ako gutom talaga ako.
Alam kong hindi lang ako, pati sila panigurado.
"Nakita ko nga pala si Ate Sherez, Alex." Simula ni Leo. Si Ate Sherez? "May kasamang chickababes." Minsan I want to punch Leo's face the way she called a girl 'chikababes'. It sounds disrespectful for me.
Kung ako siguro tinawag niyang ganiyan ay baka masapak ko nga talaga siya.
"Oh, tapos?" Walang ganang sagot ni Carlo dito. Nailing na lang ako. Siya talaga ang sumagot para sa akin.
"Tinatanong niya kasi sa akin Alex e." Hm, bakit na naman kaya? I didn't expect it lalo na't p'wede naman akong tawagan ni Ate Sherez. Sasagutin ko naman if ever e.
"Bakit daw?" Tanong ko na lang sa kaniya.
"Hindi niya sinabi pero pupuntahan ka na lang daw niya dito." Tumango ako sa kaniya at kumain na lang ulit.
Ano kayang problema ni Ate Sherez? Nakita ko si Ate Toni kahapon wala naman siya nabanggit tungkol kay Ate Sherez na hinahanap ako. Magkakilala rin naman sila dahil pareho ko silang pinsan.
Kung tutuusin din ay p'wede niyang ipadaan kay Ate Toni at si Ate Toni na ang bahalang magsabi sa akin. Pero wala namang sinabi ang isa.
Baka walang alam si Ate Toni tungkol dito.
"Sige, thank you. Tatawagan ko na lang siya mamaya." O kaya p'wede ko naman siyang puntahan na lang sa bahay nila. Mas madali siguro 'yon para naman makabisita din ako sa kanila. Matagal na akong hindi naliligaw sa bahay nila e.
"Anong balak niyo bukas? May mga lakad ba kayo o tutunganga na lang?" Hindi ako makapaniwala sa naging tanong ni Chabe. Sa dami ng choices of words ay iyon talaga ang ginamit niya.
"Umuwi na lang kayo." Segundamanong sagot ko. I gain some death glares from them while chewing their food.
Mukha ba akong matatakot sa mga tingin na 'yon?
"Ayaw mo ba kaming kasama?" Pairap na sagot ni Carli kaya tinaasan ko ito ng kilay. "Ngayon nga lang ulit magbabonding e." Reklamo pa nito.
Oo nga ngayon lang ulit pero wala talaga akong energy na mag enjoy muna kasama sila. Baka maging killjoy lang din ako sa huli.
"Ayokong umalis o gumala e." Naiirita kong wika dahil sa totoo lang ay gusto kong pumunta sa bahay nila ate Sherez. Nakapagpasya na ako at pupuntahan ko na lang talaga si Ate Sherez, baka kasi importante ang sasabihin niya kaya pupuntahan ko na lang siguro bukas. "Mali, may pupuntahan pala ako bukas e."
"Sama kami!" Sabay-sabay na wika nila. Halos magulat pa ako sa lakas ng mga bunganga ng mga ito.
Tumalsik pa ang kanin na nagmula sa bunganga ni Chabe na punong-puno.
"Ops— sorry!" Hinging pasensya nito sa amin.
"Ayoko! Walang sasama." May pinalidad kong wika na ikinasimangot nila Leo. Para wala ng mangungulit o pipilit pang sumama.
"Bakit naman?" Takang tanong ni Leo sa akin habang nakasimangot pa rin.
"Pakialam mo?" Pangtitrip ko dito.
"Umayos ka sa pagsagot sa akin Lotus Ale—" I cut him off.
"Hindi kita tatay, Leo. Kay huwag mo akong dinadaan sa ganiyan." Natatawa akong tinuro ang hawak na tinidor sa mukha ni Leo. "Hindi gagana ang paganiyan-ganiyan mo sa akin."
"Parang sasama lang naman kasi e." Simangot nito.
"Konti na lang p'wede ng sabitan ng kaldero ang bibig mo dahil sa pagkakasimangot." Pang aasar ko sa kaniya lalo.
"Wala talagang bawian? Hindi talaga p'wede?" Isa pang tanong mula kay Carli. I shooked my head. "Why nga?"
And asked me again.
Gez.
"Daming tanong naman e." Inabot ko ang basong tubig bago ito tinungga. "I'll talk to Ate Sherez kasi baka may importante siyang sasabihin. I remembered that I'm not checking my phone since Wednesday night kaya baka nagtanong na siya sayo Leo kasi baka tumatawag pala siya sa akin at hindi ko nasasagot." Katangahan ko rin naman pala. Sinabi ko pa kanina na bakit hindi na lang ako nito tawagan?
Paano ko nga naman sasagutin kung hindi ko hinahawakan ang cellphone ko?
Lutang nga talaga ako. Literal na lutang.
"Ang lutang mo talaga bhe, sana ayos ka lang." Iling ni Carli.
"Puro ka bhe." Reklamo ko. Naiirita na talaga ako sa kakabhe niya e.
"Bhe." Biglang tawag ni Leo sa akin na ikinasingkit ng mata ko.
"Bhe." Isa pa itong si Carlo na natatawa na.
"Bhe." At si Chabe na inulit pa talaga.
Nagkatinginan sila bago sumunod na nagtawanan ang mga mga ito.
"Para kayong mga tanga." Naiiling na sambit ni Carli. Kaya pati ako ay nailing na din.
Parang mga baliw talaga ang mga ito.
Mga siraulong nilalang na pumasok sa buhay ko.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (75)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
The story is so nice
02/05/2025
0hi author another story naman po sa mga circle of friends ni alex
23/02/2025
0nice story
15/10/2024
0Tingnan Lahat