Hugas Well

Mia's POV
Saturday.
Tuwing sabado 11am - 3pm lang ang pasok ko kahit nakakatamad na ay kailangan paring pumasok.
Maaga akong pumasok sa school dahil gusto kong maka-alis na agad sa bahay pa'no ba naman kasi inutusan akong mag hugas ng plato ni Kuya sa bahay, ewan ko ba kung bakit umuwi agad ng isang 'yun akala ko bukas pa siya uuwi eh.
Kaya naman sa cafeteria muna ako tatambay may isang oras pa bago ang klase namin.
Kasalukuyang naglalakad ako papasok ng cafeteria ng masalubong ko si Kyle.
"Hoy ang aga mo naman yata ngayon 11 pa pasok natin ah?" tanong ni Kyle sa'kin ng masalubong ko ito habang naghahanap ako ng mauupuan.
"Wow naman sa'yo ah kung makapagsalita ka mas nauna ka pa nga pumasok sa'kin," iritang sagot ko.
"Loka-loka baka may practice kami kanina kaya maaga ako?" Nagtataray n'yang sambit.
"Ah sorry naman haha, tinakasan ko kasi sa bahay 'yung timang kong kapatid eh," pag kwento ko rito.
"Sira ulo bakit kinulong ka ba kaya ka tumakas?" Nakatawa lang akong umiling. "Teka nga hintayin mo muna ako bibili lang ako ng lunch," sabi niya at pumunta na agad siya sa pila para bumili. Ilang saglit pa akong naghintay at nakita ko siyang naglalakad palapit sa'kin dala ang isang tray na may lamang pagkain.
"Gora na sumunod ka sa'kin kasama ko si Raf do'n ka muna sa table namin," saad niya saka nauna na maglakad kaya sumunod na lang ako rito.
"Kasama mo pala si Raf?"
"Ay hindi te, hindi. May practice nga kami ng volleyball kanina gaga 'di pa na gets." Asar nyang sagot habang pilit na natatawa naman ako.
Naglakad kami sa may dulong bahagi ng cafeteria at doon nga nakita ko si Raf.
"Oy gurl ang aga mo naman pumasok ngayon ano meron?" tanong ni Raf sa'kin at saka naupo naman ako kaharap niya.
"Tumakas daw siya sa kanila," sagot ni Kyle rito.
"Huh?" Naguguluhang tanong nito habang nagsisimula nang kumain.
"Tinakasan ko 'yung timang kong Kuya inutasan ako maghugas ng plato kaya nakaalis agad ako," natatawa kong k'wento sa dalawa.
"Apaka hayop mo gurl, simpleng gawain lang iyon," ani ni Raf.
"Hoy parang hindi ka kumakain makamura ka ah," awat ko sa kaniya.
"Sorry sorry." Natatawa niyang tinuloy ang kinakain.
"Para maghuhugas lang ng pinggan tinakasan mo?" Sumabat ni Kyle.
"Bading tumigil ka nga wala kang alam." Pagtataray kong sabi at saka nagpatuloy sa pagkukwento. "Ganito kasi 'yun kaunti lang naman ang hugasin eh kaya inutos niya sa'kin kasi ewan ko ba parang may nag-uutos sa'kin na gawin ko yung ginawa ko."
"Ano bang ginawa mo?" Sabay na tanong ng dalawa.
"Kaunti lang 'yung huhugasan kaya dinagdagan ko, 'yung mga plastic na plato at baso namin linagay ko sa may mantikang kawali saka ko pinuno ng tubig at iniwan ko lahat ng hugasin sa lababo na puro mamantika at pumasok na agad ako sa school." Pagkukwento ko sa kanila.
"Hayop." Malutong na napamura si Raf matapos marinig ang kuwento ko.
"Apaka demonyo mo rin talaga." Tawang-tawa namang sabi ni Kyle at hindi na natuloy ang kinakain ng magsimula silang matawa.
"Hoy mga tang*na niyo kumakain kayo," awat ko sa dalawa.
"Sino ba naman kasi hindi mapapamura, eh loka-loka ka talaga eh alam mong plastic nilagay mo sa may mantika. Napaka galing." Halos mapapalakpak nang sabi ni Kyle habang tawa naman ng tawa si Raf.
Nagpatuloy na sa pagkain ang dalawa at kinuha ko naman ang cellphone. May chat si Renzo kaya agad ko itong binuksan.
Renzo: Ate
Renzo: Ate, alas tres uwi mo mamaya 'di ba?
Me: Oo bakit?
Renzo: Mabuti naman, si Mama raw alas kwatro ang uwi.
Me: Alam ko, bakit mo ako tinatanong?
Renzo: Wala ate basta umuwi ka ng maaga.
Me: Bakit nga?!
Renzo: Alam mo bang inutusan ako ni Kuya na hugasan ang mamantikang mga plato sa lababo?
"Hahahaha." Humagalpak ako ng tawa matapos mabasa ang chat na iyon ni Renzo.
Me: Hahahaha
Renzo: Nakakatawa talaga 'yun ate
Renzo: Kasi 'di ko naman hinugasan...
Renzo: */sent a photo
Agad kong binuksan ang senend n'yang picture. Makikita roon ang tambak na hugasin sa lababo.
Renzo: Kita mo 'yan ate?
Renzo: Ako kita ko rin haha
Renzo: Umuwi ka ng maaga bago maabutan ni Mama iyang mga hugasin, ano akala mo sa'kin bobo nakita ko ang kademonyohan mo kanina kaya 'di mo ito maiisahan oy...
Renzo: Uwi ka ng maaga Ate... Baka maesend ko kay mama 'yang picture.
Renzo: Love you ate
"Tang*na.!!!" Gulat akong napamura matapos mabasa ang sunod-sunod na chat na iyon ni Renzo sa akin.
"Anyari?" Takang tanong ni Raf na kakatapos lang uminom ng tubig.
"Nag chat ang kapatid ko umuwi raw ako ng maaga bago maabutan ni Mama 'yung mga hugasin."
"Hahaha ayan kasi ano ka ngayon sa'yo din bumalik kademonyuhan mo." Pang-aasar na sabi ni Kyle at sabay namang tumawa ang dalawa.
Watdapak...
Ano ba kasing pinag-gagawa ko. Kailangan ko tuloy umuwi ng maaga bago maabutan ni Mama 'yun at mapagalitan ako.
Isang oras pa kaming naghintay bago pumasok sa klase namin. Nando'n na 'yung iba nang makapasok kami.
Naiinis akong naupo sa sarili kong upuan katabi si Kyle ng pumasok si Audrey kasunod naman si Lyn at Angel.
"Everyone I have an announcement!!" Panimula ni Audrey saka tumahimik naman ang lahat.
"Kinausap kami ni Sir Jake," dagdag pa nya patungkol sa P. E teacher namin.
"Ano sabi Sis?" tanong naman ni Raf.
"'Di raw siya makapapasok sa'tin ngayon kaya wala tayong P.E class, pero ang kailangan nating gawin ay bumuo ng sayaw na epe-present natin sa kanya by next week, guys 'yun daw ang exam natin sa kanya bago matapos ang 1st semester." Paliwanag pa ni Audrey sa klase namin, si Audrey kasi class president namin kaya siya ang namamahala sa buong section namin.
Pero pota naman talaga nakikinig ako pero wala akong naintindihan dahil ang iniisip ko ay kailangan kong maka-uwi ng maaga.
Watdapak Mia iyan ang napapala mo ang demonyo mo kasi eh.
Lumipas ang oras na lutang ako. Hanggang sa makauwi na nga ako ng mas maaga dahil wala rin naman kaming P.E kaya nag uwian kami na walang ginawa sa mga sinabi ni Audrey.
Pagkarating ng bahay...
Potek naman talaga mas nadagdagan 'yung tambak na hugasin sa lababo. Inis ko itong tinitigan at hindi malaman kong paano sisimulan.
"Good girl ka talaga ate kahit napaka demonyo mo masunurin ka. Ang aga mo nakauwi ah." Nakangising sabi Renzo ng lumingon ako, habang siya ay naka sandal sa pinto ng kusina at pinagtatawanan ako.
"Tang*na," tanging nasagot ko.
"ENJOY ATE, HUGAS WELL!" madiin nyang pagkakasabi habang nang aasar pa rin.
"Sira ulo ka Renzo!"
"'Wag ka nang dumada simulan mo nang maghugas matatagalan ka jan sigurado, mga dalawang beses mo sabonin dahil nadagdagan ko yata ng mantika 'yan kanina eh." Natatawa niya pang sabi at saka ako tinalikuran ng mukong.
Wala na akong nagawa ampotek... Magpapaka bait na talaga ako sa susunod...
Pero hindi ako nangangako... Try ko lang hehehe.
Kung si Kuya nagagawa kong maisahan, si Renzo hindi may talent rin ang isang 'to mas mautak pa kisa sa'kin.

Komento sa Aklat (70)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    17/07

      0
  • avatar
    AbpetSarah

    good

    22/05/2025

      0
  • avatar
    Marc Kevin Sena

    good

    23/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata