Homepage/Diary Ng Babaeng NBSB (Book 1)/
Epilogue
Mia's POV
After a weeks.
Dear Diary,
Tila ba nasagot na ang isang malaking katanungan sa isip ko, isang katanungan na kung 'paano ba magka-jowa.'
Hindi naman pala kailangan mag madali.
Hindi rin kailangan hanapin dahil kusa itong dadating.
Hindi rin naman kailangang pilitin ang sarili sa isang relasyon kung hindi ka naman talaga masaya dahil sa huli masasaktan ka lang.
Ang pagkakaroon ng karelasyon ay isang desisyon na dapat ay handa kang panindigan, kasama na rin ang pagtanggap kung ano ba ang estado o kasarian ang meron siya. Hindi naman kailangan magmadali para lang ipakita o ipamukha sa iba na may jowa ka dahil lang naiinggit ka.
Magpakatotoo ka at maging masaya sa kung anong meron ka dahil MAS sasaya ka pa pag nahanap mo yung nakatakda at para sa'yo talaga.
Kagaya ng kwento ko, ang tanong ko lang noon ay 'paano ba magkajowa?' ako rin pala ang kusang makakasagot ng tanong ko. Ang tangi ko lang naman ginawa ay maghintay na sana dumating yung tamang tao para sa'kin, at nang dumating na ay hindi lang isang jowa ang ibibigay sa'kin kun'di asawa agad.
Take it slow, maraming dahilan para sumaya hindi lang ang pagkakaroon ng shota, if you're single now all you have to do is to have fun, love yourself and just wait for the right time, for you to know and to believe that true love can wait and true love finds a way.
...
"Babe may bago ka bang diary?" Napalingon ako nang magsalita si Kyle at napatango naman ako bilang sagot.
"Bakit ba ang hilig mo magsulat ng mga diary pwede mo naman sabihin sa'kin, I'll be your human diary."
"Hindi ka naman nasusulatan." sarkastiko kong sagot dito.
"I mean sa'kin mo sabihin ang mga sinusulat mo jan."
"Ayoko ko nga kaya nga diary kasi secret ulol." Pagtataray ko sa kanya.
"Patingin nga." Kinuha niya ang bagong diary ko na wala pang sulat at nakita ko ang panlilisik ng mga mata niya ng mapatingin sa'kin, maharahil ay binasa niya ang title sa diary ko.
"Bakit ganito naman ang title wala ka talagang matinong utak." reklamo nito sa'kin.
"Ano bang pake mo eh sa iyan ang gusto ko eh, 'Diary ng Babaeng may Bading na Asawa." sabay tawa ko matapos basahin ng malakas sa harap niya ang nakasulat na title.
Napakamot sa ulo na lang ito habang napapailing na tila ba hindi sang-ayon sa narinig niya.
"Ewan ko sa'yo, aalis na ako bigyan mo na ako ng goodbye kiss." saad pa niya at tinitigan ko siya ng masama.
"Anong goodbye kiss?"
"Kiss goodbye." binaliktad niya lang ang sinabi.
"Kailangan pala yun?" sarkastiko kong tanong.
"Aba'y syempre dapat ginagawa iyon ng babaeng asawa sa mister niya pagpapasok na ito sa trabaho." Nauubusan na ng pasensyang saad nito habang nakapaywang pa sa harapan ko.
"Walang ganiyan-ganiyan sa'kin alis na." Taboy ko na sa kanya.
"Apaka damot mo 'wag kang yayakap sa'kin mamaya pag matutulog na ah." Banta naman nito sa'kin.
"Aba at sinong tinakot mo ikaw nga itong hindi nakakatiis yumakap sa'kin," angal ko.
"Sira ulo ka babe." Napasintido pa ito mukhang hindi inaasahan ang sinabi ko.
"Alis na Bading tsupe." pagtaboy ko sa kanya at wala na mga itong nagawa, natawa na lang ako dito habang pinapanood na siyang maglakad papalabas ng kwarto mapapansin sa itsura nito na parang isang bata na hindi nabigyan ng candy kaya nainis.
Nang makalabas na siya ay inayos ko na ang mga gamit sa harap ng table at sunod na lumabas na rin ng kwarto.
"Oh ba't bumalik ka pa?" tanong ko naman ng makasalubong ko siya habang pababa na ako ng hagdan.
"'Yung goodbye kiss nga kasi." Nakanguso na ito sa'kin kaya natawa na ako lalo at marahan ko siyang naitulak ng akmang lalapit na siya sa'kin.
"May nakalimutan ka ba?" tanong ko pa ulit.
"Yung flash drive ko naiwan." tugon nito at tumuloy na siya sa pag akyat.
Bumaba na ako ng tuluyan at lumabas ng bahay, nakita ko naman si Manang na nagdidilig ng halaman sa bakuran, kaya may maganda akong naisip.
"Manang ako na po jan," saad ko rito matapos kong makalapit.
"Naku 'wag na kaya ko na ito." tangging sagot naman niya.
"Hayaan niyo na po ako wala po akong magawa eh, sa kusina na lang po kayo." sa pamimilit ko ay wala din naman itong nagawa kaya binigay niya sa'kin ang hose na ginagamit niya pandilig ng halaman at sak ito pumasok na ng bahay.
Napalingon ako sa may pinto at nakita ko nang naglalakad na palabas si Kyle. Nagkunwari akong nagdidilig ng halaman.
"Babe aalis na---" 'Di na niya natuloy ang sasabihin ng bigla akong humarap sa kanya hawak ang hose at sinadya kong itutok sa kanya ang umaagos na tubig kaya dahilan para mabasa lahat ng suot niya pababa sa pantalon. Napahagalpak ako ng tawa ng makita ang gulat na gulat na reaksyon nito.
"Anong ginawa mo?" inis niyang tanong sa'kin habang napahawak sa tiyan niya na basa na.
"Binasa ka ng tubig obvious ba?" sarkastiko kong sagot dito.
"Bakit mo ko binasa?"
"Eh kasi tuyo alangan namang basain kita kong basa ka na." pigil tawa ko pang sabi.
"Inamo ka papasok ako sa trabaho, papasok ba ako ng basa?"
Haha galit na nga siya minura na ako.
"Edi 'wag kang pumasok." sagot ko rito at bigla kong nakita ang pagbabago ng reaksyon niya at napalitan ng pilyong ngiti ang mga labi niya.
"Ikaw ah kaya pala ayaw mo akong bigyan ng goodbye kiss dahil ayaw mo pala akong pumasok."
"Wala akong sinabi ah."
"Ayaw pa kasi umamin totoo naman." may ngisi sa mga labi niya at unti-unti nang lumapit sa'kin kaya binasa ko ulit siya gamit ang hose na naglalabas ng tubig.
Ngunit sa bilis niyang makalapit sa'kin ay naagaw niya ang hose na hawak at ako naman ang binasa nito.
"Bading tama na malamig ahhh!" Sigaw ko rito nang hindi siya tumigil kaya napatakbo na ako at patuloy na kaming naghabulan habang pareho na rin kaming basa.
...
SOMEONE'S POV
"Oh pag-ibig na makapangyarihan... Hahamakin ang lahat masunod ka lamang..." Wala sa sariling naiusal ko habang nakaupo ako sa loob ng aking sasakyan.
Subrang nakakatuwa at napakasarap pagpasdam kung paano maghabulan sa malawak na bukaran nila ang mag-asawang Mia at Kyle, ngunit kahit gaano pa man kasaya pagmasdan iyon ay wala akong ibang naramdaman sa puso ko kun'di galit at paghihinagpis. Mula sa may distansyang layo ng sasakyan ko sa bahay nila ay pinapanood ko ang dalawa kung paano sumilay ang magagandang ngiti sa kanilang mga labi, na kabaliktaran ng sa'kin, dahil luha. Luha ang tumutulo sa mga mata ko sa pagkakataong ito. Subrang sakit na parang unti-unting dinidikdik ng pinong-pino ang puso ko ngayon habang nakikita silang masaya.
Wala silang kaalam-alam na sa kabila ng kanilang saya ay may isang pusong nagluluksa ng dahil sa kanila. Kung paanong ang puso nila ay pinag-isa habang ang sa'kin ay wasak.
"Ang lahat ng saya ay may kaakibat ding lungkot, sa pagkakataong ito sulitin niyo na dahil ako ang LUNGKOT na tatapos ng inyong SAYA." Huling sinabi ko bago pinaandar ang sasakyan at tuluyang nilisan ang lugar na iyon.
TO BE CONTINUED...
Hi readers, it's me your author Yham. I just want to say thank you for reading my story.
If you guys are interested to read the book 2 just visit my homepage. The book 2 title is "ANG BADING KONG ASAWA"
Hope that this book finds you well, Thanks so much everyone and keep supporting me. Love lots.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (70)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
done
17/07
0good
22/05/2025
0good
23/11/2024
0Tingnan Lahat