Homepage/Diary Ng Babaeng NBSB (Book 1)/
Trouble on Wedding (Finale part 2)
Mia's POV
Habang magsasalita ang pari ay napansin ko ang pamamasa na naman ng mata ko kaya bago pa ulit ako tuluyang maiyak marahan ko iyong pinunasan gamit ang sarili kong palad.
"Umiiyak ka na naman ba? Tumahan ka na baka ngayon ko makita kung gaano ka kapangit umiyak mag back out na talaga ako sa kasal na 'to." Pabulong nang saad ni Kyle sa'kin. Bakit ba ang sungit nito eh sa naiiyak ako sa tuwa ano bang pake niya, akala mo naman siya hindi umiyak nakita ko kaya siyang nagpunas ng luha kanina tss.
"Subukan mo lang mag back out sisiguraduhin kung hindi ka makakalabas ng buhay sa simbahan na 'to." Pabulong ko ring banta ko sa kanya.
"Grabe nagiging brutal ka na yata baka kawawa ako pag mag asawa na tayo."
"Buti alam mo, 'wag ka na kasi kumuntra sa'kin naiiyak lang ako sa saya."
"Huwag ka na ngang maingay nagde-deny ka lang kasi, ba't hindi mo pa sabihin na naiiyak ka kasi ang gwapo ng mapapangasawa mo," saad niya at nakangisi pa ito nang lingunin ko.
"Asa ka naman masyado ihampas ko kaya sa'yo itong bulaklak na hawak ko para makita mo."
"Kawawa nga ako pag natapos itong kasal na 'to ngayon pa nga lang sasaktan mo na ako."
"Gusto mo na lumabas sige lang," inis ko pang bulong dito.
"Hind ka naman mabiro. Pero alam mo bet ko 'yang gown na suot mo." Napatingin ako sa sarili ko dahil sa sinabi niya.
"Talaga gusto mo pala isuot ito sana sinabi mo na sa'kin kanina para pinasuot ko sa'yo."
"Mas maganda naman sa'yo kaya okay lang hehe."
"Ano nga gusto mo ba isuot ito palit muna tayo sa labas nagsisimula pa lang naman ang kasal balikan na lang natin sila pag sinabi na ni Father na 'you may now kiss the bride' hehe." Napangisi pa ako.
"Sira ulo, iyon talaga ang gusto mo eh."
"Ang alin?" takang tanong ko pa.
"Ang sasabihin ni Father na 'you may now kiss the bride' na hehehe."
"Asa ka masyado tumahimik ka na nga." Pagpapatahimik ko sa kanya napapansin na kasi namin na panay na ang tingin ng pari sa'min dahil sa panay bulungan namin ni Kyle sa harap nito at hindi nakikinig sa sinasabi ng niya.
"Ikaw ang tumahimik jan baka hindi ako makapagpigil at wala pang sinasabi ang pari halikan na kita," saad pa niya.
Dahilan naman para mapalunok ako ng ilang beses dahil sa sinabi niyang iyon, parang uminit ang pakiramdam ko at hindi na nakaimik pa. Nararamdaman kong tila pulang-pula na ako. Hindi ko na nagawang lumingon sa kanya dahil sa kilig sira ulo talaga, ano ba. Baka ako ang hindi makapagpigil magsisi ka.
Tumahimik na lang din ako at hindi na siya pinansin nakinig na lang din ako sa sinasabi ng pari na pangangaral para sa pagtahak namin ng sariling buhay bilang mag-asawa.
Ilang minuto pang lumipas iyon hanggang sa magpalitan kami ng 'I do' at 'vows' sa isa't isa, pareho na kaming nakatayo hawak ang parehong sing-sing para isuot sa bawat isa, at nauna na s'yang magsalita.
"Mia, wear this ring as a sign of my love and loyalty in the name of the father in of thee son and of thee holy spirit." Nakangiti niyang sabi saka dahan-dahang sinuot sa kamay ko ang sing-sing na iyon.
"Kyle, wear this ring as a sign of my love and loyalty in the name of the father in of thee son and of thee holy spirit." saad ko din dito habang nakangiti at saka rin sinuot ang sing-sing sa kamay niya.
Puno ng tamis ang ngiti sa labi niya gano'n din ako, ganito pala ang pakiramdam ng maikasal ka sa taong mahal mo, subra at parang wala nang mapaglagyan ang saya ko ngayon.
*/ BANG
Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa loob ng simbahan dahilan para magsigawan at magkagulo ang lahat ng mga bisitang naroroon.
Mabilis at sabay kaming napayuko ni Kyle habang napayapos na ito sa'kin para protektahan ako. Napalitan bigla ang kaninang saya na nararamdaman ko ng subrang takot.
"Kyle anong nangyayari, hindi ka ba humingi ng closure sa mga linande mo dati bakit may nanggulo?" Kinakabahan kong tanong kay Kyle na dinaan na lang sa biro, nakita ko din ang takot sa mukha niya habang nakasiksik na ako sa dibdib nito habang pareho pa kaming nakatago sa likod ng upuan naming iyon, magawa naming makatago roon sa pinakamabilis na paraan dahil sa putok ng baril na iyon na nagbigay alarma sa aming lahat.
"Kyle ano nangyayari?" Naiiyak ko nang tanong rito.
"Sshh 'wag kang matakot hindi ko din alam ang nangyayari," saad niya sa'kin at mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap niyang iyon.
Napalingon ako sa mga taong naroroon na bakas na rin ang takot na makikita sa mga mukha, may umiyak na rin na bata na isa sa mga abay namin puno ng pagtataka at pagtatanong ang mga bulungang naririnig ko, para bang gusto na nilang tumakbo palabas ng simbahan na iyon pero hindi nila magawa dahil nanggaling sa may pinto ng simbahan ang putok ng baril na narinig naming lahat.
Napunta ang paningin ko sa gawi kung saan ang pinto ng simbaham para alamin kung sino ang nagpaputok ng baril, may isang babae na naglalakad papasok na tila ito ang may gawa dahil kahit malayo ay mapapansin ang hawak nitong baril. Mas lalong gumulo ang mga tao dahil sa takot ng tuluyan ng naglakad papasok ang babae.
"Pol kung hindi ka rin naman sa'kin mapupunta mas mabuting sabay na lang tayong mamatay!" Galit na sigaw ng babae habang naglalakad na at parang dito sa unahan ang punta niya.
Napamura ako sa isip. 'Pusang ina si Marian ang ex pala ni Kuya. Sira ulo ang kapal ng pagmumukha.' saad ko sa sarili ng makilala ko ito habang naglalakad papalapit.
Papatayo na sana ako, pero hinila ni Kyle ang kamay ko para pigilan ako sa balak kong pagtayo hindi ako nagpatinag sa pagpigil niya at tumayo pa rin ako. Nawala bigla ang takot ko, sunod na napalitan ng galit sa babaeng ito.
Ang lakas ng loob potek.
Patakbo nang lumapit sina Mama at Papa sa'min ni Kyle nang makita nila akong tumayo, hinarangan naman ako nina Mama kasi alam nilang mapanganib dahil may baril na hawak si Marian.
"Paraanin niyo po ako Ma." saad ko kay Mama na nakaharang na ang kamay sa'kin dahil gusto kong salubungin ng sapak ang babaeng iyon kahit na may hawak siyang baril, ang kapal talaga ng mukha niya para manggulo.
"Mia tumigil ka anong gagawin mo?" Pigil din ni Kyle sa'kin at hinawakan na ulit ako sa kamay.
Nagpatuloy sa paglalakad palapit sa'min si Marian hawak pa rin nito ang baril.
"Pol sisiguraduhin kong hindi ka magiging masaya!" sigaw nitong muli, mukhang si Kuya yata ang inaakala niyang ikakasal kaya siya napasugod tang*na ka Marian babalatan kita ng buhay inamo ka.
Walang makagalaw na kahit isa sa mga bisita mas pinili na lang ng mga ito ang manahimik na lang dahil mas lalong magkakagulo.
Malapit na sa kinaroroonan namin si Marian ng buong tapang naman na humarang si Angel dito.
"Marian potang*na mo ka mare anong ginagawa mo?" sarkastikong saad ni Angel dito sunod itong tinutukan ng baril ni Marian.
'Sige patayin mo na 'yan para mawalan na ako ng dem*nyong kaibigan.' nasambit ko sa sarili ko, pero nakunsensya rin naman ako kahit papaano may nagawang maganda rin naman pala sa'kin si Angel.
"Marian ano bang ginagawa mo!" sumabat na si Kuya habang galit na rin ang tono. Lumapit ito kay Angel at ito ang humarang dito para protektahan naman si Angel kaya nailipat kay Kuya ang tutok ng baril.
"Pol anak!" Kinakabahan nang napasigaw si Mama kay Kuya pero hindi lumingon si Kuya.
Puno ng tensyon ang loob ng simbahan na iyon na walang sino man ang nakakaalam kung ano ba ang dapat na gawin.
"Mahal kita Pol kaya kung hindi lang naman ako ang pipiliin mo sabay na lang tayong mamatay! Hindi ko hahayaan matuloy ang kasal mo!" saad pa ni Marian at mas lalong tinutok kay Kuya ang baril nito na nagpakaba na ng subra sa'kin napataas na rin ng dalawang kamay si Kuya sinyales ng pagsuko.
"Ano bang kasal ko ang sinasabi mo?!" Bulyaw ni Kuya rito dahilan para mapatingin mismo sa'min si Marian at nakita kaming dalawa ni Kyle, na labis niyang ikinagulat.
Buong pwersa ko nang hinawi ang mga braso nina Mama at Papa na nakaharang sa'kin at sunod na nag pumiglas sa kabila ng pagpigil ni Kyle sa'kin kahit napaka higpit ng kapit ni Kyle sa kamay ko ay nagawa kong labanan iyon kaya wala silang nagawa, inangat ko na ang belong suot ko para alisin ang takip sa mukha ko saka naglakad papalapit sa kinaroroonan nila at tanging pagsunod na lang ang nagawa ni Kyle at nina Mama sa'kin.
"ANONG KARAPATAN MONG MANGGULO SA KASAL KO ANG LAKAS NAMAN YATA NG LOOB MO?!" Galit at may diin kong sigaw dito dahilan para unti-unti nitong naibaba ang nakatotok na baril kay Kuya at napapahiyang tumingin sa'kin.
"Anong ibig sabihin nito?" Takang tanong pa nito na mukhang nagkamali ata siya ng pagkakaalam at hindi naman talaga si Kuya ang ikinakasal.
Biglang sumabat na si Raf habang humahagalpak ng tawa. "BWAHAHAHA pot*ena mo ghorl ikaw itong iiksena dito tapos hindi mo naman pala alam ang nagyayari, baka kasalan 'to hellow." Mataray at sarkastikong saad pa ni Raf.
"Manahimik ka!!!" Sigaw ni Marian kay Raf kaya napaatras naman ang bakla ng tutokan siya ng baril ni Marian.
"Kinaganda mo ba 'yan ah, ikaw itong nagluko kay Kuya Pol tapos ikaw pa ang may ganang manggulo apaka galing mo naman." sarkastiko ding saad ni Angel.
Sa mga pasmadong bunganga ng mga ito kami manganganib eh imbes kausapin ng maayos eh tinatalakan pa.
"Hindi ikaw ang ikakasal Pol?" baling ni Marian kay Kuya pero ako na agad ang sumagot.
"Oo hindi si Kuya kun'di ako. Kasal ko ito pero sinira mo dahil hindi ka manlang nag-iisip ididimanda kitang hayop ka ang kapal ng mukha mo, nag-iisip ka pa ba?!" Bulyaw ko rito kaya mas lalo siyang napahiya sunod na napayuko na lang.
*/weng weng weng
Sunod naming narinig ang malakas na sirena ng mga pulis, kaya nakahinga ako ng malalim dahil mukhang dito na magtatapos ang kaguluhan. Nagsulputan naman ang mga pulis sa loob ng simbahan.
"Anak!" Tawag ng isang ginang na mapapansing iyon ang nanay ni Marian napalingon naman ang lahat sa pagtawag nito, hindi nito agad nagawang makalapit sa anak dahil hawak pa rin ni Marian ang baril.
Wala rin namang ginawa ang mga pulis dahil hinahayaan nito ang nanay ni Marian ang magsalita.
"Anak ibaba mo na 'yang baril please." Naiiyak na nitong sabi kaya napatingin naman si Marian sa hawak niyang baril, at sunod na tumingin sa'kin. Makikita sa mukha nito ang labis na pagsisisi.
"Mia s-sorry." Paghingi niya ng pasensya sa'kin.
"Ibaba mo 'yang baril mo o gusto mong ako mismo magpaputok niyan sa ulo mo." banta ko sa kanya.
Kaya napatingin ulit ito sa baril na hawak niya habang nanginig na ang kamay niya at saka niya ito binitiwan, patakbo siyang lumapit sa nanay niya saka yumakap kasabay ng hagulgol ng iyak.
Paulit-ulit humingi ng pasensya sa'min ang nanay nito dahil sa kaguluhang ginawa ng anak niya sa kasal namin ni Kyle, hanggang sa makaalis na ang mga ito kasama ang mga pulis.
"Usap tayo mamaya Kuya." huling sinabi ko kay Kuya habang nakikita ko na sa mga mata nito ang subrang lungkot na kahit hindi pa nagsasalita ay makikita na sa mata na humihingi na ng pasensya.
Bumalik naman kami sa unahan ni Kyle kung saan ipinagpapasalamat naming hindi manlang umalis ang pari sa dati nitong kinatatayuan. Pumunta din muna si Angel sa harap at hiniram ang microphone para magsalita.
"Pasensya na po kayong lahat kunting advertise lang, hindi natin inaasahan ang mga nangyari kaya bilang kaibigan ng groom at bride humihingi po ako ng pasensya sa inyong lahat. Huminga muna po tayo ng malalim para maalis ang takot sa bawat isa." Paghingi ng paumanhin ni Angel sa lahat ng naroroon saka ito bumaling sa'min ni Kyle at tinanguan naman namin ito.
Sunod siyang tumingin sa pari sa harap namin. "Father pasensya na po, pwede na po nating ituloy ang kasalan," saad pa niya sa pari.
Ngumiti ang pari kay Angel gano'n din naman sa'min ni Kyle, mabuti na lang at hindi umatras ang pari at itinuloy pa rin ang kasal sa kabila ng nangyari. Bago kami bumalik sa seremonya ng kasal ay sinugurado muna naming walang isa man ang nasaktan sa mga bisitang naroroon sa simbahan. Sunod noon ay itinuloy na ang kasal na matatapos na rin sana dapat kung walang umiksena.
"Ang ganitong pangyayari ay simbolo lamang ng pagmamahalan na kahit sino at ano pang problema ang humadlang hindi kayo padadaig, nawa'y magsama kayo ng masaya sa gabay ng ating panginoon, magsitayo na po ang lahat." saad ng pari kaya napatayo na kami, may mga sinabi pa ang pari na hindi ko na din naman naintindihan.
"And now I pronounced you husband and wife you may now kiss the bride." saad ng pari kaya dahan-dahan na akong napaharap kay Kyle habang nakangiti naman ito ng malapad sa'kin hinawakan niya ang ibabaw ng baba ko papalapit sa kanya wala na din namang nakatabing na belo sa'kin dahil naiangat ko na iyon kanina kaya hinalikan na lang niya ako, ramdam ko ang kakaibang saya sa kabila nang halik na iyon na parang wala lang nangyari kani-kanina lang.
"Let's get around of applause to our newly wedded couple Kyle and Mia. Humayo kayo at magparami." rinig ko pang saad ng pari dahilan para umingay ang palakpakan ng lahat, na may kasama pang sigawan ng apat naming kaibigan. Hindi din natigil ang kabilaang flash ng mga camera sa'min, humarap kami sa lahat ng may ngiti sa mga labi. Wala na ang takot sa mga mukha nila at nando'n na lang ay puro saya habang nagdidiwang dahil sa wakas ay natapos na kahit na may humadlang ay nakaraos pa rin ang kasalan.
Lumapit ang mga magulang namin ni Kyle sa'min para batiin kami.
"Are you guys okay? Congratulations kinabahan ako roon kanina ah." Natatawa pang sambit ng Daddy ni Kyle.
"Pasensya na po Dad." Paghingi naman ng pasensya ni Kyle rito.
"It's okay son, ano ayos lang ba kayo?" tanong pa nito at sinabi naman naming ayos lang kami.
Nakipagbiso-biso din muna sa'kin ang Mommy ni Kyle gano'n din si Mama habang si Papa naman ay niyakap kami pareho ni Kyle ng sabay habang binati rin naman kami ng mga ito ng congratulation.
Matapos ang ilang saglit na kuhaan ng picture ay lumabas na kami ng simbahan habang naghihintay naman sa labas ang sasakyan namin ni Kyle patungong reception.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (70)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
done
17/07
0good
22/05/2025
0good
23/11/2024
0Tingnan Lahat