Homepage/Diary Ng Babaeng NBSB (Book 1)/
The Wedding (Finale part 1)
Mia's POV
MONTH'S PAST....
Ilang buwan ang lumipas mula ng pumayag ang pamilya ko na magpakasal kami ni Kyle, ang mga magulang ko na lang pala ang walang alam tungkol sa pagpapakasal na iyon dahil alam na pala dati pa ng parents ni Kyle ang plano nito. At daddy pa pala ni Kyle mismo ang tumulong sa kanya para tuluyan na talagang magpakalalaki ito.
Halos nakita ko ang subrang tuwa sa mukha ng Mommy niya ng makita ako nito at malaman na tinanggap ko ang alok ni Kyle sa'kin, ipinakilala din sa'kin ni Kyle ang Tita niya at pinsan, hindi ko akalain na subrang magkamukha silang dalawa ng pinsan niya na nabanggit din nina Angel sa'kin na napagkamalan nila dating si Kyle nagulat nga din ako nung makita ko ito eh.
'Yung balak ni Kyle na bumalik sa London plano din pala talaga niya na bumalik doon dahil may naiwan itong trabaho pero hindi na niya nagawang bumalik at inutos nablang niya na ipadala ang mga dukomentong iyon dito sa pilipinas.
Nilaan namin ang mga nagdaang buwan sa pag-aasikaso ng kasal kasabay ng trabaho namin at para na rin sa'min dalawa. Madalas niya akong pinupuntahan sa condo ko para bisitahin kahit may ginagawa ako ay hinihintay niya akong matapos para lang makasama niya ako.
Pero hindi parin nagbabago ang dating Kyle na kilala ko na mapang-asar, minsan naiisip ko parang gusto ko nang mag back out sa kasal dahil baka kawawa ako pag mag-asawa na kami kung magkakaroon ako ng mapang-asar na asawa na lagi na lang pipintasan ka nakakaasar 'yun subra.
Pero kahit ilang beses ko pang isipin na mag back out wala eh marupok ako potek at mahal ko kaya tatanggapin ko na lang, wala na akong magagawa at wala ng atrasan ito.
Ngumiti ako sa harap ng salimin kung saan makikita ko ang itsura ko na nakasuot ng isang trahe de boda. Ito ang pangarap ko eh ang magsuot ng ganitong kasuotan at maglalakad sa altar habang naghihintay ang taong mahal ko kahit ganito kaaga ay hindi ko maikakaila na subrang saya ko.
Biglang bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan ko at sunod na pumasok sina Angel na kagaya ko ay mga naka ayos na rin, syempre hindi mawawala ang mga 'yan kahit hindi imbitahan.
Si Angel ang Maid of honor ko akalain mong siya pa talaga nagprisenta sa sarili niya, hindi sana ako papayag kaso wala akong choice.
"Watsup watsup vlog welcome to my guys." Natatawa pang saad ni Raf habang hawak ang isang camera at mukhang nagvivideo ito.
Itinutok niya ito sa'kin at paikot sa suot ko. Hanggang ngayon ba naman kinukuhanan niya ako ng video kanina pa kasi ako nagsawa dahil kanina pang may camera man na nagvivideo habang inaayusan ako hanggang sa maisuot ko na ang wedding dress ko.
"Grabi hindi ko akalain pero alam mo bang naiiyak ako sa tuwa ngayon Mia subrang saya ko para sa'yo." saad ni Audrey sa'kin na halatang pinipigilan na ang pagpatak ng luha niya ganito rin ka emosyonal si Audrey noon nung kinasal si Lyn.
"Akalain mo nga naman 'di ba, ang NBSB nating kaibigan eh naunahan pa akong magpakasal eh dati ako lang ang naghahanap ng jojowain niyan." sarkastikong saad naman ni Angel.
"Kung gusto mo sumunod ka na rin nahiya ka pa eh, tutal may jowa ka naman na te ipahuli na natin sina Raf at Audrey baka kailangan din munang pumunta ng ibang bansa ni Raf para marealize niya na may nararamdaman siya kay Audrey." saad naman ni Lyn dahilan para humagalpak kami kakatawa habang natahimik naman si Raf at Audrey.
"Hoy hindi ko na kailangan lumayo para marealize 'yun ano, dahil hindi ako katulad ni Kyla." mataray na saad ni Raf.
"At hindi naman din ako katulad ni Mia para magkagusto sa bakla," saad naman ni Audrey.
"Mga defensive hayop!" bulyaw ni Angel sa dalawa at napailing na lang ako sa kabila ng asaran ng mga ito.
Muling bumukas ang pinto at sunod na pumasok ang pamilya ko.
"Drama scene na ito kaya gora na tayes baka maanod tayo ng babahang luha eh." saad ni Raf kaya natawa naman ako, agad na rin namang lumabas ang apat.
"Congrats anak ang pinsesa ko ngayon ay magiging reyna na." nakangiting saad ni Papa at halata sa mata nito na kahit nakangiti ay nangingilid ang luha. Kagabi pa siya paulit-ulit ng pagbati sa'kin ng congrats parang hindi pa siya nagsasawa.
"Thank you po Pa, Ma." Sagot ko naman sa mga ito saka nila ako niyakap.
"Bakit ba kayo nag-iiyakan Ma? Masaya lang dapat ako nga napakasaya ko kasi wala na akong kaaway sa bahay pag umalis na si Mia, tatahimik na rin ang buhay ko sa wakas." saad naman ni Kuya na parang subrang laki ng ipinagpapasalamat at nagtagumpay sa isang bagay.
"Grabi ka sa'kin Kuya akala mo lang 'yun, tatawagan kita lagi para awayin tandaan mo 'yan." Banta ko pa sa kanya.
"Wala ka namang load paano mo ako tatawagan?" Tumatawa pa nitong sabi.
"Yun lang hahaha." saad ko pa at natawa na rin sina Mama.
"Tama na 'yan umalis na tayo, anak mauuna na kami sa simbahan ah doon ka na namin hihintayin may susundo na sa'yo rito." saad naman ni Mama saka ulit ako niyakap gano'n din naman si Papa habang si Kuya naman ay tinabig lang ako sa balikat sabay tango pa, wala na din si Renzo baka nauna na rin yun sa simbahan.
Matapos nilang umalis ay naupo ulit ako sa kinauupuan ko kanina, subrang excited na kinakabahan ang nararamdaman ko ngayon.
Pinagpatuloy pa ng dalawang babaeng make up artist ang pag-aayos sa mukha ko kahit maayos na rin naman.
Hanggang sa bumukas ulit ang pinto at akala ko ay iyon na ang susundo sa'kin kaya napalingon ako rito pero ikinagulat kong si Kyle iyon, simula kahapon pa kami hindi nagkikita nito dahil ang sabi nila bawal daw muna magkita ang bride at groom dahil sa mismong simbahan na kami magkikita mamaya. Kaya ikinagulat kong nandito siya.
Nakangiti ito sa'kin at talaga namang gwapong-gwapo sa suot niyang formal attire na white polo na may nakalasong necktie sa leeg na napapatungan din ng black coat habang may bulaklak sa bandang kaliwa ng dibdib nito, nakasuot din ito ng black na slack at naka black shoes na halos kumikinang sa kintab.
"Sir bawal po kayo rito." saad ng isang make up artist dito pero hindi siya nagpatinag at pumasok pa rin.
"Lumabas muna kayo kakausapin ko lang ang bride ko," saad naman niya sa mga ito.
"Pero Sir."
"Ako ang groom kaya sumunod kayo sa'kin, labas." pasigaw na utos pa niya para palabasin ang mga make up artist ko.
Napapahiya naman ang mga itong sumunod na lang.
"Sungit naman nito bawal nga daw 'di ba ano bang ginagawa mo rito?" tanong ko naman saka siya ngumiti ng malapad sa'kin.
"I'm just checking you, baka kasi panget ka ngayon kaya may time pa ako para umatras sa kasal 'di ba pero ngayon sure na itutuloy ko na," may pilyo ngiting sabi niya.
"Ganun ka ba hindi kasigurado kaya kailangan mo pang e-check bakit hindi mo na lang kasi sabihin na miss mo lang ako." Tawa ko pang sabi.
"Wag kang feeling jan, ano ayos ba yung suot ko?" sabay tanong niya pa.
"Sakto lang hindi na masama."
"Thank you sa papuri na appreciate ko subra." sarkastiko niyang sagot mukhang ikinadismaya naman niya ang sagot ko at hindi iyon ang inaasahan niyang sasabihin ko.
"Umalis ka na nga baka hinihintay ka na sa simbahan." pagtataboy ko na rito.
"Sabay na tayo babe, tayong dalawa naman ang ikakasal."
"Sira hindi pwede."
"Puwede sa'kin 'yun." saad niya at bigla na lang nitong hinapit ang bewang ko papalapit sa kanya.
Sa subrang lapit ay hindi ko na magawang makahinga, amoy na amoy ko ang pabango nito na talaga namang lalaking-lalaki amg dating. Nakatitig kami sa mata ng isa't-isa at dahan-dahan na niyang linapit ang mukha niya para sana halikan ako. Ngunit mangyayari na sana 'yun ng bigla ay narinig namin ang pagsigaw ni Angel.
"Hoy hindi pa nagsisimula ang kasal nag ho-honeymoon na kayo!"
Napapahiya akong napalayo kay Kyle at umastang inaayos ang suot ko.
"Kyla sinasabi ko na nga ba pinuntahan mo talaga si Mia eh, kanina pa naghihintay ang sundo mo dun sa labas tang*na mamaya niyo na ituloy 'yan baka naiinip na ang mga tao sa simbahan. 10 minutes na lang ay magsisimula na pero wala pa tayo dun." saad naman ni Raf at kakamot ulong napangisi na lang sa'kin si Kyle.
"Panira kayo ng moment." reklamo pa nito sa dalawa at lumingon sa'kin saka ngumiti.
"Bye babe mamaya na lang." saad niya pa sa'kin saka lumabas na ito.
"Ang haharot punyeta." bulyaw na rin ni Raf sa'kin.
"Tara na gurl naghihintay na din ang sasakyan mo dun." saad naman ni Lyn sa'kin.
Bumalik naman ang dalawang make up artist at sinuot na sa'kin ang belo at tinulungan na ako ng mga ito para iangat ang laylayan ng suot ko para hindi ako mahirapan sa paglalakad saka kami naglakad hanggang sa makarating ng sasakyan.
Si Angel ang sumabay sa'kin sa sasakyan para alalayan din ako.
"Marami ba ang bisita niyo?" tanong ni Angel habang nasa byahe na kami patungong simbahan.
"Mga kamag-anak lang namam namin ni Kyle, tapos mga kaibigan din ni Kuya na kilala ko pero mas maraming bisita kay Kyle akalain mong puro big time ang mga ninong namin puro kaibigan at ka business partner ni Tito," sagot ko rito.
"Bakit Tito pa rin dapat Daddy na." Tawa pa nitong sabi.
"Gaga ka edi Daddy."
"Si Josh hindi mo inimbitahan gurl?"
"Bakit ko naman iimbitahan 'yun gaga wala na akong contact doon t'saka ang alam ko lumipat na ang pamilya nila sa Cebu."
Bakit pa ba pinaalala sa'kin ni Angel yun, wala na din naman akong balita sa taong iyon pati na rin sa kaibigan ni Kuya na si Kuya Jamir. Ilang beses pa din namang nagparamdam sa'kin si Josh nung college pa ako pero hindi ko nanlang pinansin, at sa kaibigan naman ni Kuya hindi din naman pala sila nagkatuluyan nung ex ni Kuya na si Marian naghiwalay lang din naman ang mga ito.
"Eh si Belinda hindi niyo inimbitahan." Natatawa pa nitong sabi na ikinatawa ko din naman.
"Mas lalo namang wala akong balita dun, bakit ba panay ang paalala mo sa mga taong hindi naman dapat parte nito, tumahimik ka na nga." pagpapatahimik ko na rito.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami ng simbahan at naka abang na naman ang mga camera man na panay ng kuha ng mga litrato sa'kin talo ko pa ang sikat na artista dito kaloka.
Hindi muna ako bumaba dahil mukhang nagsisimula na, nakikita ko mula sa sasakyan ang isa-isang pagpasok ng mga ninong at ninang pati na rin ang mga abay, isa din pala sa mga flower girl na kinuha ko ang anak ni Lyn dahil katulad ni Angel siya rin ang nag presinta sa anak niya. Nang ilan na lang ang papasok ay lumapit na sina Mama at Papa sa sasakyan para tulungan akong bumaba at maglakad papalapit sa may pinto ng simbahan, nang makapasok na lahat ay sinara na ulit ang pinto para buksan pag papasok na'ko.
Hindi pa man nagsisimula at nararamdaman ko nang namamasa na ang paligid ng mata ko.
Nauna nang pumasok si Mama sa simbahan habang si Papa naman ang maghahatid sa'kin sa altar, gusto ko sana ay silang dalawa pero ayaw ni Mama dahil alam niya raw na maiiyak lang siya at nakakahiya daw iyon.
"Ready ka na 'nak?" tanong ni Papa sa'kin at liningon ko ito sabay ngiti, hindi maipagkakaila sa mga mata niya ang saya kahit nararamdaman kong kinakabahan din ito gaya ko.
Bilang sagot ay tumango na lang ako sa kanya kahit natatakpan ng belo ang mukha ko ay ngumiti ako ng malapad dito upang iparating din sa kanya ang saya ko. Inilahad na ni Papa ang braso niya sa'kin kaya agad na akong kumapit sa braso nito gamit ang kaliwa kong kamay habang hawak ko naman sa kanang kamay ko ang bungkos ng mga puting rosas.
Dahan-dahang bumukas ang pinto dahilan para bumilis lalo ang tibok ng puso ko, 'This is it Mia, hinihintay ka na nang bading mo.' Pagpapalakas ko pa sa sarili ko at isang matamis na ngiti ang muli kong natanggap galing kay Papa bago kami nagsimulang maglakad papasok.
Kahit ayokong maiyak ay hindi ko na napigilan habang dahan-dahan kaming naglalakad, mapapansin ang napakagandang disenyong meron ang simbahan lalo na sa dinadaanan namin ni papa na red carpet na may mga nagkalat na rose petals, ngunit baliwala ang mga disenyo at palamuti dahil nahihigitan yun ng mga ngiting meron sa labi ng bawat tao, bawat gawi kung saan ako mapalingon ay makikita ko ang saya sa mukha ng mga tao na halos lahat ay nakatingin sa'kin 'yun ang nakakadagdag ganda sa okasyon na ito.
Naramdaman ko na ang unti-unting pagpatak ng luha ko, kaya ipinagpapasalamat kong waterproof ang make up na ginamit sa'kin dahil hindi ko alam na baka ngayon ay hulas na ang mga ito dahil sa luha ko.
Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang alalahanin lahat ng mga pinagdaanan namin ni Kyle bago kami nakarating dito, subrang saya ko, hindi ko akalaing sa kabila ng lahat ay dito pa rin kami hahantong at tuluyan pang magpapatuloy.
Itinuon ko na ang atensyon ko sa unahan ng nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad. Pakiramdam ko ay hindi gumagalaw ang oras at nakatayo lang ako ngayon, para bang ito na ang pinaka mabagal na sandaling naranasan ko.
Kahit kaliwaan ang mga camera na nag paflash sa palibot ko ay hindi ko na napansin, nang unti-unti ay kay Kyle na nabaling ang atensyon ko, kay Kyle na naghihintay sa'kin sa altar. Kusa na akong napangiti ng makitang yung bading ko pasimpleng nagpupunas ng luha niya.
'Akala ko ako lang ang iiyak, siya din pala pfft Bading talaga.' saad ko sa isip.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa harap ni Kyle at mga magulang nito, niyakap pa muna ni Papa si Kyle bago nito tuluyan ipaubaya ang kamay ko sa taong mahal ko.
"Thank you po." nagpasalamat din siya kay Papa.
Nagbiso rin muna sa'kin ang Mommy at Daddy nito na makikita naman talaga ang saya sa mga mukha, pagkatapos ay naglakad na kami papunta sa harap ng altar kung saan din may dalawang upuan na nakahanda para sa'min ni Kyle.
"Lahat tayo ay naparito para saksihan ang pag-iisang dibdib nina Kyle at Mia, kaya kung sino man sa inyo ang tutol sa kasalang ito magsalita na." panimulang saad ng pare para tanungin kung may tutol ba sa kasalang iyon.
"AACCHOOO!!!" Malakas na pag bahing ang narinig namin sa gitna ng katahimikan dahil sa tanong ng pare.
Napalingon kami ng sabay ni Kyle sa pinagmulan nito na si Angel pala ang may kagagawan, kapansin-pansin kasing sinadya niya lang ito. Rinig din ang hagikgikan ng apat na magkakatabi pala sa upuan.
"Meron bang tutol?" tanong ulit ng pare.
"Wala pooooow!" pahaba pang sigaw ni Angel para sagutin ang pare natigil naman ang mga ito sa pagtawa ng makita kong sinamaan na sila ng tingin ni Kyle.
Nang wala namang tutol ay sinimulan na ng pare ang seremonya ng kasal.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (70)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
done
17/07
0good
22/05/2025
0good
23/11/2024
0Tingnan Lahat