Long Time No See, Baby

Angel's POV
"Tita kung sakali po ba ay handa na kayong magkaroon ng manugang?" tanong ko sa Mama ni Mia, sabado kasi ngayon at tumambay ako sa kanila dahil umuwi rin si Mia rito sa kanila.
"Aba'y oo naman syempre, bakit mag-aasawa ka na ba?" tanong naman niya.
"Hindi po ako sa mga anak niyo po Tita."
"Ahh kung sa mga anak ko handa naman ako syempre pero sa ngayon hindi ko muna iniisip iyon, nakita mo naman 'di ba si Pol halos pakasalan na lang ang trabaho, si Renzo abala sa pag-aaral at si Mia naman walang boyfriend, eh ni minsan 'di pa nagdala ng lalaki :yan dito." saad pa ni Tita na ikinatawa ko. "At bakit mo naman natanong?" sunod na tanong ni Tita sa'kin.
"Wala po naisip ko lang, ah pwede po bang ipaalam sa inyo si Mia mamayang gabi?"
"Oo naman sige saan kayo pupunta?"
"Makikipag kita po siya sa future manugang niyo Tita." sabay tawa kong sabi at tumingin naman siya ng seryoso sa'kin.
"Talaga totoo ba iyan, nakabalik na si Kyle?" excited niyang tanong na ikinagulat ko, alam din pala ni Tita ang tungkol kay Kyle ang akala ko ay kami lang magkaka-iibigan ang nakakaalam doon. Mukhang botong-boto rin si Tita kay Kyle kahit na wala pa nga akong binanggit na pangalan ay nahulaan na niya.
"Alam niyo po 'yung tungkol kay Kyle?" tanong ko rito at tumango siya.
"Oo naman nakwento lang sa'kin ni Pol dati alam mo naman si Mia hindi 'yan nagku-kwento sa'kin kasi nahihiya siya, pero sa Kuya niya halos sinasabi niya lahat," saad pa nito na parang nagtatampo pa na hindi nagku-kwento ang anak niya sa kanya.
"So ano nga nakabalik na 'yung Kyle?"
"Yes po." nakangiti kong sagot dito na ikinatuwa naman ng awra niya mukhang sa nalaman niya ay nakakuha siya ng pagasa dahil doon ay hindi na niya muling makikitang malungkot ang anak.
Ramdam ko rin kasi kung gaano kalungkot si Tita kapag malungkot ang anak niya, ilang beses pa niya akong pinakiusapan dati noon na gumawa ako ng paraan para lang mapasaya si Mia kaya nga namin lagi itong inaaya na gumala. Pero hindi kami nagtagumpay na pasayahin ito, kaya alam kong sa nalaman na iyon ni Tita ay nakakuha siya ng pagasa na magiging masaya na ulit ng anak niya.

Ilang minuto pa akong nakipagkwentuhan kay Tita dahil hindi lumabas ng kwarto si Mia para kausapin ako, kaya matapos makipag-plastikan kay Tita ay umuwi na din ako.
Mia's POV
*/tok tok tok
Magkakasunod na katok ang narinig ko dahilan para magising ako mula sa himbig na pagkaktulog.
"Bukas 'yan." sigaw kong sabi dahil wala pa akong lakas para bumangon sa pagkakahiga.
Agad naman itong bumukas, ngunit nanatiling pikit ang mata ko at hindi pinagkaabalahang tapunan ng tingin kung sino ang pumasok.
"Anak hindi ka na lumabas jan mula nang umuwi ka kanina, si Angel nandito na naman naka dalawang balik na ito dito eh." tinig ni Mama ang narinig ko pagkabukas ng pinto. Bahagya akong nagmulat ng mata at tiningnan sila nakita ko na rin si Angel sa may likod nito.
Bumuntong hininga lang ako at sinubsob ulit ang mukha sa unan at hindi sila pinansin. Mula kasi nung nakaraang gabi ay hindi ko pa pinapansin sina Angel sino ba namang hindi maiinis doon umasa ako mga walang'ya sila. Idagdag pa 'yung kay Kyle na hindi manlang nag se-seen at nag re-reply sa chat ko hayst.
Narinig ko na ang pagsara ulit ng pinto, umaasang umalis na sila. Dahan-dahan na akong bumangon at bigla akong nagulat na nakatayo pala si Angel sa harap ko.
"Woy!" sigaw ko pa sa gulat.
"Bakit hindi ka namamansin galit ka pa rin ba nag-sorry na nga ako 'di ba, hindi ka na nasanay na may dem*nyo kang kaibigan." mataray nitong sabi.
"Mabuti at alam mo." mas mataray ko ring sabi.
"Sorry na kasi gurl, pero sige okay lang magtampo ka hanggang gusto mo choice mo naman iyan, pero ngayon mag-ayos ka na kasi may pupuntahan tayo," saad niya saka naupo sa kama katabi ko.
"Saan na naman tayo pupunta gagala na naman, ayoko tigil-tigilam mo na ako." tanggi ko agad sa kanya.
"Hindi tayo gagala, sure na this kaya bilisan mo." excited nitong sabi na ipinagtaka ko.
"Saan nga pupunta?" inis ko nang tanong.
"Saan pa ba edi sa Bading mo." diretsong saad niya at halata sa mga ngiti niyang iyon ang saya na mukhang hindi ito nagbibiro.
"Tigil-tigilan mo nga ako pwede ba umuwi ka na lang, pinagloloko niyo lang ako eh."
"Totoo nga ito ano ka ba, nagpapatulong si Kyle na kausapin ka at papuntahin ka roon sa lugar kung saan kayo magkikita kaya tumayo ka na jan at huwag ka nang mag-inarte." seryosong saad nito at mukhang nagsasabi nga siya ng totoo. Napatitig pa ako sa mga mata niya ng ilang sigundo para siguraduhing hindi nga siya nagsisinungaling.
"Subukan mo lang talaga, kapag hindi 'yan totoo kakalimutan ko nang kaibigan kita tang*na mo ka." mura ko rito.
"Totoo nga one hundred one percent sure, pero kung ayaw mo maniwala edi 'wag aalis na lang ako," saad niya at agad nang tumayo.
"Ito na nga mag-aayos na 'di ba." sarkastiko kong sabi at tumayo na rin ako agad.
"Marupok ka talaga tang*na mo hahaha." tumatawa pa nitong sambit.
"Pinagloloko mo ba talaga ako ah?" baling sa kanya dahil panay na naman ang tawa nito.
"Hindi nga, bilisan mo mag-ayos ka na kanina pa kita kakausapin dapat ayaw mo naman lumabas ng kwarto, susunduin tayo nina Raf pag nakauwi na 'yung baklang iyon may trabaho pa kasi siya."
'Di ko na pinansin ang mga sinasabi niya at agad nang pumasok sa banyo saka naligo.
Matapos maligo ay nagsuot ako ng bathrobe saka agad na lumabas ng banyo, ikinagulat ko ng makitang nagkalat na sa kama ko ang mga damit na hinahalungkat ni Angel sa cabinet.
"Ano yan?" irita kong tanong dahil subrang gulo na talaga ng kwarto at nagkalat ang mga damit ko at may ilan pang nasa sahig.
"Naghahanap ako ng masusuot mo kaloka wala ka manlang ka arte-arte sa mga damit puro pang manang kaloka ka gurl." panghuhusga pa niya sa mga damit ko.
Imbes na umangal ay naghalungkat na rin ako dahil wala pa nga pala akong isusuot.
"Ito oh." Pabato niya sa'king inabot ang isang dress na kulay pink. Sinuri ko pa muna ito at napansin kong maikli ang damit na 'yun sa'kin.
"Ito ba talaga ipapasuot mo ang ikli nito," reklamo ko pa.
"Sakto lang 'yan isuot mo na."
Wala na akong nagawa at sinuot iyon. Matapos kong isuot ay tiningnan ko pa ang sarili ko sa harap ng salimin.
"Ayos naman ah hindi naman maikli." saad pa nito, mga 3 inches siguro ito bago umabot hanggang sa tuhod hindi nga maikli kaya ayos naman.
Matapos noon ay kung anu-ano pang pag-aayos ang pinaggagawa niya sa mukha ko at pati sa buhok.
"Wow naman nagmana talaga sa'kin ang anak ko ang ganda." sabay kaming napalingon ni Angel kay Mama dahil sa biglang pagpasok nito sa kwarto. Kaya sinugot ko lang ito ng ngiti.
"Oh siya bilisan niyo 'yung tatlo niyong kaibigan naghihintay na doon sa baba." dagdag pa ni Mama kaya napatayo naman ako at kinuha ang shoulder bag kung saan nakalagay ang selpon at pitaka.
Iniwan namin ang kwarto ko na subrang gulo, at agad nang bumaba, naabutan namin sa sala sina Raf, Audrey at Lyn.
"Ay kinabog ang beauty ko, uwian na may nanalo na." pang-aasar ni Raf sa'kin at natawa na lang ako.
"Handang-handa siya guys sorry." sarkastikong saad naman ni Audrey.
"Tara na guys alis na tayo." saad naman ni Lyn kaya agad na kaming umalis matapos mag paalam kina Mama at Papa.
Habang nasa byahe ay nanatili akong walang imik hindi ko alam kung excited ba ako o kinakabahan halo-halo ang nararamdaman ko ngayon.
...
Nakarating kami sa tapat ng isang mataas building na hindi ko manlang namalayan ang oras, agad na kaming bumaba at naglakad papasok dito at mas lalo lang nadagdagan ang kaba ko ng makasakay na kami ng elevator.
Mas malala pa 'yung kaba ko ngayon kaysa nung sa job interview ko dati, as in legit ang kaba potek. Ngunit ipinagtaka ko kung bakit nasa isang kumpanya kami dito ba siya makikipagkita sa'kin? Sa pagkakaalala ko ang kumpanyang ito ang pagmamay-ari ng Daddy niya.
"Potek parang mas kinakabahan pa ako sa'yo gurl tang*na." tumatawa pang sabi ni Angel.
Hanggang sa bumukas ang elevator at naglakad na kami patungo sa kung saan saka pumasok sa isang pinto na hindi ko namalayan na nasa roof top na pala ang punta namin dahil talagang hindi ko na alam. Tila naglalakbay ang utak ko at hindi ko iyon mahanap.

Halos gulat na gulat ako sa mga nakita ko ng igala ko ang paningin ko sa palibot noon, may isang table na naka set up sa may gilid ng railings ng roof top at kapag naupo ka roon ay matatanaw mo ang ganda at liwanag ng nasa baba. Matatanaw mo talaga ang ganda ng siyudad dahil nasa tuktok ka, halos mahigit dalawang po siguro ang taas ng gusaling ito.
Mapapansin din ang mga ilaw at mga palamuti na nagbibigay ganda at liwanag sa palibot ng table, napaka ganda talaga as in.
'Di pa kami lumapit doon at nanatiling nakatingin lang mula sa kinatatayuan namin at medyo may distanya pa ang layo.
Pareho-parehong walang nagsasalita sa'min mapapansin din na kaming lima lang ata ang tao na nandito ngayon.
Hanggang sa narinig ko ang mga bulungan nilang apat na hindi ko na maintindihan kung anong pinagsasabi kaya hinayaan ko na lang.
"Gurl." tawag sa akin ni Angel na parang may lungkot sa tono ng boses kaya napalingon ako rito at tiningnan ng may pagtatanong sa mga mata. Nakayuko na rin 'yung tatlo maliban kay Angel na nakatingin sa'kin ng diretso.
"Gurl sorry kaka-text lang ni Kyle hindi raw siya makakapunta ngayon umuwi ka na raw." malungkot nitong sabi at bagsak ang mga balikat, bigla akong nakaramdam ng panlulumo na dahilan upang bumagsak din ang mga balikat ko.
'Umasa na naman ako sabi ko na nga ba eh dapat hindi na ako naniwala sa mga ito eh, lagi na lang akong pinapaasa,' saad ko pa sa sarili ko.
"Gurl sorry talaga tara na umuwi na tayo." saad pa ni Angel para yayain akong umuwi habang nanatili namang nakayuko lang sina Raf.
"Umuwi na kayo." walang emosyon kong sagot.
"Pano ka sumabay ka na sa'min?" pamimilit pa ni Angel.
"Umuwi na kayo." walang emosyon ko paring pag-uulit.
"Mia tara na." sunod na pamimilit na rin ni Audrey sa'kin.
"Umuwi na kayo." sa ikatlong pagkakataon ay nasabi ko iyon na walang pinagbago ang tono ng boses ko. Napatango na lang din ang mga ito saka tumalikod.
"Huwag kang tatalon jan ah, ayaw pa naming maranasan magkape sa burol." saad pa iyon ni Angel pero hindi ko na ito sinagot.
Bagsak ang mga balikat akong naglakad papalapit sa may railings ng roof top at mag-isang tinanaw ang magandang paligid na iyon kasabay ng malamig na simoy ng hangin.
'Umasa ka na naman Mia, kahit kailan loka-loka ka talaga.' natatawa ko pang pagkausap sa sarili ko.
Kasalan ko ba 'yun tama nga siguro si Angel marupok nga talaga ako dahil marinig ko lang ang pangalang Kyle ay napapa oo na agad ako tang*na, sa kabila ng lungkot sa loob ko hindi ko pa rin maiwasang mag-taka kung bakit hindi pa rin nawawala ang kaninang kaba sa dibdib ko, subra pa rin akong kinakabahan na hindi ko maipaliwanag.
Ilang saglit pa akong nakatanaw sa malayo habang pinapagaan naman ng masarap na simoy ng hangin na iyon ang kung ano mang bigat na nararamdaman ko. Hanggang sa may marinig akong yabag ng paa na naglalakad pero hindi ko ito nilingon baka bumalik lang sina Angel para pilitin akong umuwi, hanggang sa unti-unti ay naririnig ko ang dahan-dahan na paglapit nito, papalapit ito nang papalapit sa'kin dahil sa lumalakas na tunog ng yabag dahil sa pagtama ng sapatos sa sahig.
Parang may kung ano sa'kin na sinasabing lingunin ko kung sino man iyon, dahil baka bumalik nga sina Angel ngunit pansin ko na ang bigat ng mga hakbang na iyon at hindi ganoon maglakad si Angel. Dahan-dahan akong lumingon at napansin kong huminto ang yabag ng paa kaya tinapunan ko ng tingin kung sino man iyon.
Dahil nga nakayuko ako ay sa sahig ako nakatingin at ang sapatos din ang una kong nakita, biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang sapatos ng lalaki na alam ko namang hindi pagmamay-ari Raf dahil hindi iyon ang suot niya kanina nung magkasama kami. Unti-unti ay napa angat ako ng ulo habang linalandas nang tingin ang bawat bahagi ng katawan nito mula sa paa, at doon ko nasiguradong isang lalaki nga ang nasa harap ko dahil sa suot nitong black na jeans. Hanggang sa makarating ang paningin ko sa katawan na talaga namang makikita mo sa porma nito ang magandang hubog ng katawan ng isang lalaki.
Hanggang sa mapatingin na ako ng diretso sa mukha nito na dahilan para mas doble pa sa inaakala ko ang kabang nararamdaman ko ngayon.
"K-ky-le." utal-utal kong nasambit ang pangalan niya nang makilala ko ng husto kung sino ang nasa harap ko ngayon.
Sumilay sa labi nito ang isang napaka tamis na ngiti saka nagtama ang paningin namin. Hindi ako makapaniwala. Kaya pala, kaya pala nung tanungin ko ang studyate ko kung si Kyle ang nagbigay ng diary ay hindi daw ito, dahil pala subrang ibang-iba na ang itsura niya kaysa sa dati.
Nanatili ang mga mata naming nakatitig sa mata ng isa't isa na para bang may kung anong kuryenteng dumadaloy sa mga tingin na iyon, kuryenteng dumadaloy at nararamdam ko sa buo kong katawan at ang pakiramdam na 'yun ang hihilingin kong 'wag nang matapos pa.
Hindi ko alam kung anong dapat na emosyon ang aking maramdaman ngayon hindi ako makapaniwala na ngayon ay nasa harap ko na siya. Ang Bading kong limang taon ko nang hinihintay.
"Long time no see, baby." ukit na ukit ang masayang ngiti sa labi niyang iyon habang sinasambit ang mga salita.
Parang naistatwa na ako sa mga nangyari at hindi ko na magawang igalaw o ihakbang manlang ang mga paa ko para lapitan siya, nanatili akong nakatayo habang nakatitig parin kami sa mata ng isa't isa.
Dahan-dahan ulit siyang naglakad at ito na ang kusang lumapit sa'kin, parang nakatulala na lang ako buong sandali na hindi ko akalain, habang hinihintay ko kung anong gagawin niya hanggang sa maramdaman ko na lang mula sa kanya ang isang napakahigpit na yakap habang hindi ko pa rin nagawang makagalaw.
Nakababa lang ang mga kamay ko, na para lang akong istatwang nakayo roon habang yakap niya. 'Di ko na lang din namalayan ang unti-unting pagtulo ng luha sa mga mata ko hindi dahil sa lungkot kun'di dahil sa subrang saya.

Komento sa Aklat (70)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    17/07

      0
  • avatar
    AbpetSarah

    good

    22/05/2025

      0
  • avatar
    Marc Kevin Sena

    good

    23/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata