Homepage/Diary Ng Babaeng NBSB (Book 1)/
Laugh Trip Bonding
Mia's POV
Nakakatuwang balikan ang mga alaala naming ito, habang tinitingnan ko ang mga larawan.
"Alam mo sa kasal mo na dapat ibibigay 'yang scrapbook pero naisip ko na ngayon naibigay sa'yo," saad ni Lyn na ikinagulat ko naman.
"Huh anong sa kasal nagpapatawa ka ba?" ngisi kong tanong rito.
"Lyn bunganga mo gaga." saway naman ni Audrey dito.
"Ay oo nga pala 'di pa niya alam sorry." paumanhin naman nito na tila alam ko na ang ibig nitong sabihin.
"Alam ko na." saad ko sa kanila at napatingin ang mga ito ng seryoso sa'kin na tila hindi pa makapaniwala.
"Alam ang alin sis?" tanong naman ni Raf.
"Alam ko nang nakabalik na si Kyle, 'yun ang ibig niyong sabihin 'di ba?" tanong ko pa sunod na nagkatinginan nablang ang mga ito dahil sa sinabi ko.
"Kailan mo pa alam?" tanong naman ni Audrey sa'kin.
"Eh kayo kailan niyo pa alam?" balik kong tanong sa kanila imbis na sumagot saka napayuko na lang ang mga ito umaasa siguro silang hindi ko pa alam.
"Kahapon ko pa nalaman binalik niya sa'kin yung diary ko na nasa kanya pala." dagdag ko at saka na nagtinginan ang mga ito sa'kin.
"So nagkita na kayo?" tanong pa ni Angel.
Umiling ako. "May nag-abot lang sa'kin nung diary ko kahapon."
"May nag-abot lang pala paano ka nakakasiguradong siya na nga 'yun?" mataray na saad naman ni Raf.
"May sulat sa diary ko at doon niya ipinaliwanag sa'kin ang lahat kung bakit siya umalis." paliwanag ko sa mga ito. "Eh kayo kailan at paano niyo nalaman?" muli kong tanong na naman sa kanila at tila ba walang gustong sumagot sa tanong ko na iyon kaya tinitigan ko sila isa-isa.
"Nung linggo lang namin nalaman pinapunta niya kami sa kumpanya nila," si Raf ang sumagot.
"Ano nang itsura niya?" tanong ko na naman ulit sa kanila para alamin kung ano na nga ba itsura ni Kyle ngayon. Ngunit hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang mga reaksyon ng mga ito sa mukha na tila ba gusto na lang nilang maging invisible sa mga sandaling ito para lang huwag sagutin ang mga tanong ko.
"Hahaha ang mahalaga gurl alam mo na, hindi na namin sasabihin kung anong itsura para surprise." ngising asong sabi naman ni Angel batid kong ayaw nga lang talaga nilang sabihin sa'kin.
"Ano nang plano niya?" ulit ko na namang tanong at nakita kong napailing na lang si Audrey sa'kin.
"Hindi namin alam Mia hindi naman namin hawak ang utak noon t'saka kung may plano man siya hindi na namin sasabihin," saad pa ni Audrey.
"'Wag ka nang maraming tanong sis, malay mo sa mga susunod na araw makikita mo na lang siyang nasa harap mo na." nakangiting saad ni Raf pero hindi sapat ang pagpapagaan niya ng loob sa'kin para mapasaya ako.
"Teka nga gagala tayo 'di ba bakit tayo nagdadramahan dito?" sabat na ni Lyn.
"Gagala pa talaga kayo anong oras na oh."
"9:29 na gurl," pabalang na sagot ni Angel sa'kin.
"Magsiuwi na lang kayo maaga ako bukas kaya hindi ako pwedeng magpuyat." pagtanggi ko pa sa kanila.
"Napaka KJ talaga nito kahit kailan," litanya pa ni Audrey.
"Haysst tayong apat na nga lang iwanan na natin iyang babaeng 'yan," saad na ni Raf sunod na tumayo na ito at dinampot ang gamit niyang nakalapag sa sopa.
"Ayaw mo talagang sumama gurl?" tanong naman ni Angel at umiling lang ako bilang kumpirmasyon na ayaw kong sumama sa kanila.
"'Wag mo nang pilitin ang ayaw." reklamo rin ni Audrey at kinuha na nito ang gamit niya sunod na tumayo na rin.
"Napaka KJ mo sis sasabihin ko kay Kyle na 'wag nang magpakita sa'yo, para forever ka nang NBSB chee." sininghalan pa ako ni Raf.
"Sinong tinakot mo bakla?" irita ko namang sagot.
"Hindi ka na magkakajowa forever bleeh." dumila pa ito sa'kin na parang habang mataray ang mukha nitong pinanlilisikan ako ng tingin.
Saka lumapit si Angel dito at tila may binulong kay Raf. Sabay naman itong napahagikgik sa tawa.
Sunod kong nakita na binuksan ni Angel ang phone niya at ipinakita kay Raf, tila may kung ano roon na hindi ko naman alam saka ulit ito nagsalita ng pabulong.
"Papunta na raw si Kyle tinatanong kung saan na tayo." saad nito kay Raf, pabulong ang pagkakasabi niyang iyon pero mukhang sinadya talagang iparinig sa'kin.
"Ay oo nga pala nakalimutan ko kasama nga din pala natin si Kyle ngayon." pabulong namang sagot ni Raf rito, pero kahit nagbubulungan sila ay naririnig ko iyon.
"Tara na guys baka naghihintay na sa'tin 'yun bilisan na natin, sabihin na lang natin sa kaniya na hindi sasama si Mia, mukhang ayaw talaga niya sumama sayang naman." saad naman ni Audrey at nauna nang naglakad papalapit sa may pinto.
"Ayaw mo talaga gurl, okay bye." sinambot na rin ni Angel ang gamit niya na hindi na inalam pa ang sagot ko.
Napaisip din ako handa na ba akong makita ulit siya, may kung ano sa loob kong natuwa na parang ito na nga rin siguro ang tamang oras para makita ko siya ulit.
"Sandali!" pasigaw kong sabi at agad na tumayo mula sa kinauupuan ko, napalingon din silang apat sa'kin na malapit na sa may pinto.
"BWAHAHAHA marupok ang tang*na." hagalpak na tawa ni Angel sa'kin.
"Bwahahaha bilis magbago ng isip ah ano sasama ka na?" tanong naman ni Audrey.
Napangisi na lang ako sa kahihiyan at saka napatango.
Agad akong pumasok ng kwarto at kumuha ng jacket, at pinatong sa suot ko. Mula sa kwarto ko ay rinig ko pa rin ang patuloy na tawanan nila pero hindi ko na pinansin, agad na rin kaming umalis sakay ng kotse ni Raf at makalipas ang ilang minuto ay huminto kami sa isang food park na napuntahan na rin namin minsan.
"Bakit dito tayo?" taka kong tanong sa mga ito.
"Mag-iinom kami for celebration ba." nakangising sagot ni Angel.
"Wala ba kayong mga trabaho bukas at tagalang pag-iinom ang pinunta niyo rito?" sunod na angal ko pa habang naglalakad na kami papunta sa may bar area.
"Wag ka nang magreklamo ikaw lang naman mabilis malasing satin eh t'saka uuwi tayo before 12, gusto mo lang ata kami pauwiin agad para masolo mo si Kyle, aba hindi pwede 'yun," saad naman ni Audrey.
Wala naman na akong magagawa kapag umangal pa ako kaya sumunod na lang ako sa kanila, naupo kami sa isang bakanting table. Hindi naman masyadong madaming tao dahil hindi pa weekend, kadalasan kasi itong dinadagsa ng tao kapag weekend na.
Umorder sila ng apat na ladies drink kaya alam kong 'di ako malalasing. Panay ang kwentuhan nila habang balisa naman ako at kinakabahan dahil baka anumang oras ay sumulpot na lang si Kyle sa harapan namin.
Ngunit lumipas na ang ilang oras ay walang Kyle na dumating, kahit na anino manlang nito ay hindi ko nasilayan hindi na ako mapakali at lingon nang lingon kahit saan baka nandito lang siya, pero wala.
"Hoy, naiihi ka ba gurl hindi ka mapakali jan eh magrelax ka nga," sita ni Angel mukhang nahahalata na nga nitong balisa ako.
"Ako ba'y pinagloloko n'yo wala naman si Kyle ah akala ko ba kasama siya?" inis kong tanong sa kanila saka ito nagtawanan.
"Ahh naghihintay naman pala kasi." sarkastikong saad na ni Raf habang nanunukso pa ang tingin nito.
"Sorry it's a prank HAHAHA, gusto lang talaga naming isama ka hindi naman talaga namin kasama si Kyle eh." paliwanag ni Audrey habang tawang-tawa ito.
"Mga hayop talaga kayo kahit kailan, uuwi na ako," saad ko na at napatayo.
"Ayan na si Kyle oh." bigla salita ni Lyn na nakaturo pa sa may likod ko kaya ikinatigil ko at saka ako kinabahan dahil sa sinabi niya, dahan-dahan akong napalingon pero nang paglingon ko wala namang tao.
Irita akong napalingon sa kanila habang tawa nang tawa ang mga ito.
'Gusto kong pumatay ng mga kaibigan ngayon.' pigil sa inis kong nasabi sa sarili ko.
"Uto-uto ka talaga sis, kailan ba kami gumawa ng mabuti ah naniwala ka naman kasi agad?" ngisi pa ni Angel.
"Mamaya ka na umuwi ihahatid ka naman namin eh, hintay-hintay ka na lang muna dahil makikita mo din ang Bading mo hindi lang muna sa ngayon, nakaya mo ngang maghintay ng limang taon ngayon ka pa ba susuko... HAHAHA." kasunod ng sinabi ni Audrey sabay-sabay silang humagalpak sa tawa habang inis akong napabalik sa pagkakaupo saka nilagok ang natitira pa sa baso na iniinom ko.
Mga animal talaga, bakit nga ba hindi pa ako nasanay sa mga kawalanghiyaan nila. Gusto lang pala talaga nila akong isama rito at malala umasa naman si tanga na nandito raw si Kyle lang'ya talagang mga kaibigan na ito ang sarap ipatapon sa mars.
Isang oras pa nga kaming nanatili roon habang wala na akong imik, pinaasa lang ako ng mga hinayupak na ito kainis.
Raf's POV
"Kinausap na ba kayo ni Mia?" tanong ko kina Audrey at Angel.
"Hindi ko pa nachat 'yung babaeng yun eh," sagot naman ni Audrey.
"Same, matapos natin maghiwahiwalay kagabi hindi ko pa siya nakaka-usap," sagot din ni Angel.
Mukhang napikon nga sa'min ang babaetang 'yun matapos kasi niyang malaman kagabi na hindi naman talaga pupunta si Kyle ay wala na siyang imik hanggang sa mag-uwian kami. Si Angel naman kasi ang nakaisip noon binulungan niya ako kagabi na sabihin na kasama namin si Kyle para sumama raw sa'min si Mia.
"Teka nga, sigurado ba kayong nando'n 'yun ngayon sa kumpanya nila baka wala eh sayang lang kung pupunta tayo?" sunod kong tanong sa dalawa habang nakatuon na ang atensyon ko sa kalsada nagmamaneho kasi ako ng kotse, kakalabas lang naming tatlo sa trabaho at sinundo ko pa sila dahil naisipan na naman naming gumala, ganito kaming tatlo lagi walang kapaguran kahit galing na nga sa trabaho ay gala pa rin ang inaatupag pag-uwi. Kung kagabi ay si Mia ang ginambala namin ngayon naman balak naming gambalain ang tahimik na buhay ni Kyla dahil kung si Mia ulit pupuntahan namin wala na naman kaming mapapala doon baka mapalayas pa kami agad dahil bad trip iyon sa'min kagabi, tinalo pa namin ang mga tiktik na gumagala sa gabi para lang maghanap ng buntis at kainin ang anak sa tiyan. Nasanay na kami nina Angel eh kahit pare-parehong busy sa trabaho ay mas marami pa rin kaming oras na nilalaan sa paglalakwatsa imbis na piliin ang magpahinga.
"Subukan lang natin baka naman nando'n 'yun," sagot ni Audrey sa'kin, hindi naman kasi namin sigurado kung maaabutan nga ba namin si Kyla sa opisina niya gayong gabi na rin at baka umawi na ito.
Ilang saglit pa ay nakarating na rin kami sa kumpanya na pagmamay-ari ng pamilya ni Kyla. Agad na kaming bumaba at agad na pumasok, pinapasok na rin naman kami agad ng guard nang sabihin naming pupuntahan namin si Kyle.
Nagpasama na rin muna kami kay JC kung saan nandoon si Kyle. Siya kasi ang naabutan namin dahil karamihan sa empleyado ay pauwi na. Mabuti na nga lang at hindi pa raw nakakauwi si Kyle.
"Sir may naghahanap po sa inyo." saad ni JC matapos kumatok at buksan ang pinto ng opisinang iyon.
"Papasukin mo."
"Pasok na po kayo." saad nito sa'min at agad na nga rin kaming pumasok.
"Hello Kyla!" masaya kong sabi ng makahakbang ang mga paa kong iyon sa loob ng opisina niya.
"Oh hi, I'm glad to see you guys here." sagot naman nito saka sinara na ang laptop na nasa harap niya.
"Sana all natutuwa kapag binibisita 'di ba, eh sina Mia at Lyn laging galit pag binibisita namin," mataray kong sabi at naupo sa mahabang sofa sa loob ng office na iyon.
"Bakit nagagalit?" tanong naman nito.
"Nakalimutan mo na ba kung gaano kawalanghiya si Angel?" sambit pa ni Audrey.
"Wow te ako lang ba, ikaw din naman."
"Galit 'yung dalawang iyon lagi kasi naman alam nila na kapag pumunta na kami sa kanila yayayain namin silang gumala," saad ko.
"Kaya naman pala eh, ano bang pinunta niyo dito ngayon?" tanong ni Kyle.
"Yayayain kang GUMALA," nakangisi kong sagot.
"Yun lang hahaha." tawa pa nito.
"Teka nga, ano na ba plano mo umaasa na 'yung loka-loka eh," sunod na tanong na ni Audrey.
"Ako na bahala 'di ko na pala kailangan ng tulong ite-text ko na lang kayo para tulungan ako kung kailangan mukhang mga busy din kayo eh." saad naman ni Kyle at napatango naman kami rito bilang pagsang-ayon, sunod na tumayo si Kyle at lumapit sa'min naupo rin ito sa isang single sopa kaharap namin.
"Bakit kayo lang 'di niyo kasama si Lyn?" tanong nito matapos maupo sa sopa.
"Busy sa jonakes niya, kaya hindi na namin inabala," sagot ko.
"T'saka baka kami na mapagalitan ng asawa noon lagi kasi naming pinipilit sumama sa galaan. Alam mo bang muntik pa kaming ipadimanda ng asawa niya dati," pagkukwento ni Angel.
"Why, what happened?" takang tanong na ni Kyle saka natawa na lang kami dahil sa kawalanghiyaan naming ginawa noon.
"Eh kasi naman si Angel naka-isip ng kadem*nyohan, alam mo bang subrang nagalit sa'min si Lyn noon," kwento rin ni Audrey.
"Yes sa true ganito kasi iyon si Lyn nagtayo siya ng grocery store nung makapag-asawa na siya tapos kami lagi kaming bumibisita roon para lang makitambay, tapos ito na nga sakto bakasyon noon kaya marami rin mamimili, itong si Angel nagreklamo at nagsisigaw sa harap habang sinasabing nagkasakit siya dahil expired na raw ang mga tinda ni Lyn marami ang nakarinig noon akala nila totoo." mahabang kwento ko naman
"At alam mo ba hahaha halos ilang linggo walang costumer yung grocery store niya dahil sa'min, sinabayan din kasi nina Raf yung acting ko eh kaya kapani-paniwala." tawang-tawa ding saad ni Angel.
"Kaya naman pala sinong hindi magagalit do'n." kahit si Kyle ay natatawa na rin sa kwento namin.
"'Yun ang isang dahilan kung bakit nagagalit si Lyn pagpinupuntahan namin dahil akala niya bawat punta namin may gagawin kaming masama mabait kaya ako dem*nyo lang kasi itong si Angel." tinuro pa ni Audrey si Angel habang hindi pa natitigil sa kakatawa ang walang'ya.
"Pot*ng*na mas malala naman 'yung dahilan nung kay Mia kaya mas lalong galit 'yun pag pinupuntahan natin. Hahaha." tawa na naman ni Angel dahilan para matawa na rin kaming dalawa ni Audrey maliban kay Kyle na walang alam sa mga nangyari, kwentuhan ko kaya siya para malaman niya.
"Bakit ano ba ginawa niyo?" tanong na nito kaya magkukwento na ako.
"Usto mo malaman pero 'wag kang tatawa ah." hamon ko pa rito kahit ako ay hindi na mapigilang matawa, tumango naman si Kyle pero sigurado namang tatawa ito kapag nalaman niya ang kwento ko.
"Sa pagkakatanda ko November 'yun eh sakto undas nung araw na iyon, pinuntahan naming tatlo si Mia sa condo niya kasi hindi naman siya umuwi sa kanila. Doon din namin balak matulog nung araw na 'yun dahil wala naman kaming pasok. Ito na sumunod na nangyari nanood kami ng mga horror movie noon nang matapos itong si Angel naka-isip na naman ng kadem*nyohan akalain mong nag yaya siya na i-try daw namin mag spirit of the glass kaloka hating-gabi na noon at undas pa naman ng araw na yun potek." mahaba kong kwento at 'di pa man tapos ay natawa na si Kyle dahil panay na din kasi ang tawa ng dalawa.
"Haha 'yun dahil mabait ako sinuportahan namin siya malakas ang loob niyang subukan dem*nyo eh," maaksiyong saad ko pa.
"Ginaya namin 'yung mga napapanood namin na ganoon, pero si Mia hindi siya sumali sa'min hindi raw kasi siya naniniwala sa mga multo," sabat ni Audrey.
"Yun nga kaming tatlo lang ang naglaro nakapaikot kami noon handa na 'yung papel na sinulatan namin ng mga letter at basong babasagin." maaksyon ko pa ring pagkukwento.
"Nakapikit pa kaming tatlo noon, itong dem*nyo." Tinuro ko si Angel na tawa nang tawa pa rin. "Itong dem*nyong Angel kung ano-anong pinagsasabi na akala mo naman talaga alam na alam para siyang nag-oorasyon tang*na, habang nakapikit kami noon imbes na mag seryoso kami natatawa lang ako eh. Panay lang din ang tawa sa'min ni Mia noon para daw kaming mga sira ulo HAHAHA. Tapos no'n habang kalagitnaan bigla kaming natigil at napakaripas bigla ng takbo kahit saan saang sulok kami napunta ng condo ni Mia dahil may naamoy kaming kandila. Hahaha." tawa ko pa na si Angel at Audrey ang may pinakamalakas.
"Pero hindi lang 'yun Hahaha, sigaw tayo ng sigaw dahil nakalimutan natin na 'yung naamoy nating kandila ay tayo din pala ang nagsindi at ginamit natin dahil sabi ni Angel mas epektib daw pag may kandila." malakas na tawa ding saad ni Audrey.
"Dahil din sa pagkaripas natin ng takbo natumba pala 'yung kandila at nasunog ang papel hanggang sa naabot pala ng apoy ang gilid ng sofa at sigaw tayo ng sigaw kasi hindi natin alam kung sisigaw ba tayo dahil may kasama tayong multo o sisigaw tayo dahil may sunog HAHAHA." mas lumakas ang tawa dahil sa naalala.
Napatingin na ako kay Kyle na kagaya ko ay halos mamilipit na sa sakit ng tiyan kakatawa.
"Akalin mong kinabukasan muntik pang mapalayas si Mia sa condo niya dahil nagreklamo ang mga kapit-bahay niya sa subrang ingay namin," saad pa ni Angel.
"Anong utak ba meron kayo hindi pa rin kayo nagbabago wala kayong kupas mga animal p'wede niyo nang palitan si Satanas sa kaharian niya hahaha," ani pa ni Kyle.
"Hindi iyon papayag," saad ni Angel.
"Walang'ya bakit nakausap mo ba?" singhal ko naman.
"Hindi HAHAHAHA."
"May sarili kasing kaharian si Angel, mataas pa ang level kisa kay Satanas."
Halos mapatid ang ugat ko sa leeg dahil sa katatawa sa sinabing iyon ni Audrey. Ramdam na ramdam ko na ang sakit ng panga ko habang naluluha na rin ngunit wala akong magawa para kuntrulin ang tawa ko.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (70)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
done
17/07
0good
22/05/2025
0good
23/11/2024
0Tingnan Lahat