Mga Alaala

Mia's POV
Nauna na akong pumasok sa classroom kung saan naroon ang mga studyante ko, kinder ang tinuturuan ko kaya naman napakakukulit ng mga ito, nakasanayan ko nang madalas na may nag-iiyakan para hanapin ang mga magulang. At kapag sa ingay naman siguradong hindi mo mapipigilan. Kaya sinong hindi maiistress sa ganitong kakukulit na mga bata.
"Good afternoon children!" masigla kong bati sa kanila ng makapasok ako, 1 o'clock na ng hapon kaya afternoon na ang bati ko sa kanila ito na ang huling klase ko sa hapon kaya alam na alam nila Angel kung kailan pwede akong lumabas.
"Good afternoon teacher Mia." sagot din ng lahat sa'kin, dose lang naman ang mga studyante ko kaya natututukan ko sila isa-isa. Mas mahirap naman kasi pag marami eh.
"Children let's welcome our visitors." muling saad ko pa at napalingon naman ang mga bata sa may pinto kung saan nakatayo ang tatlo. Sunod na kumaway si Raf sa mga ito.
"Welcome visitors!" sabay-sabay silang binata ng mga bata, tinuro ko na kasi sa kanila kung paano e-welcome kapag may bisita.
Agad din naman tumuloy sa pagpasok ang tatlo habang ukit na ukit ang mga ngiti sa labi nila na tila natutuwa sila sa mga istudyante ko.
"Thank you kids." Sagot naman ng tatlo sa mga students ko saka naman lumapit na ako rito.
"Wag kayong manggulo rito papalayasin ko agad kayo subukan niyo lang." pagbabanta ko sa kanila dahil ang mga tingin nila parang nandedem*nyo na naman. Pinaupo ko sila sa may gilid na may mga bakanting upuan. Pinilit din naman nilang pagkasyahin ang mga sarili nila sa makikipot na upuan dahil maliliit ito at sadya lang talaga para sa mga bata. Naupo silang tatlo doon at halos kapantay na nila ang mga istudyante ko.
Sinimulan ko na ang pag-aayos ng visual na gagamitin ko sa pagtuturo. Alphabet ang ituturo ko sa kanila ngayon kaya may mga card akong hawak na may sulat na letter at mga example ng alphabet.
"Kahapon about colors ang tinuro ko ngayon naman mga bata pag-aaralan natin ang mga alphabet," panimula ko.
"Sinong marunong na magbasa ng mga Alphabet from A to Z?" tanong ko at ilan sa mga bata ay nagtaasan naman ng kanilang kamay.
Pero ikinagulat ko na pati ang tatlong walang'ya sa likod ay tumaas din ng kamay kaya dahilan iyon para pagtinginan sila ng mga istudyante ko.
"Bakit tinataas niyo mga kamay ninyo hindi kayo kasali rito," saad ko sa tatlo at nagpipigil tawa ang mga itong naibaba ang mga kamay.
"Now children let's learn the alphabet, are you kids ready?" tanong ko pa.
"Yes Teacher." sabay-sabay na sagot ng mga bata pero mas lamang ang lakas ng boses ng tatlo, mga sira ulo talaga siguradong hindi papapigil ang mga ito sa kademonyohan kaya hanggang kaya ko magpigil ng inis ay hindi ko sila pinansin.
"Let's start with an alphabet A. Ulitin niyo nga, A."
"A!" paggaya rin ng mga ito habang pigil ang inis ko dahil sumasabay talaga ang tatlo sa pagbasa ng mga bata na parang isa rin sila sa mga istudyante. Bawat tingin ko sa kanila ay nakikita ko ang mga pigil nilang mga tawa pero hindi ko na lang pinansin kung pwede lang talaga pumatay ng mga kaibigan matagal ko nang ginawa nakakainis.
"A for Apple. Say Apple." pagpapatuloy ko.
"Apple." paggaya ng mga bata sa'kin.
"Apol." Nangibabaw ang boses na iyon ni Raf dahil sa maling bigkas nito ng apple.
"Say B."
"B!" sagot naman ng lahat kasama parin ang tatlo syempre napapansin ko iyin dahil mas malakas ang mga boses nila iba sa boses ng mga bata.
"B for Ball. Ball."
"Ball." sagot ng mga bata.
"Bull." Nangibabaw na naman ang boses ng tatlo sa maling bigkas, mga sira ulo talaga kunting- kunti na lang ay mababato ko ng marker ang mga raulong ito. Ang sarap ibalik sa sinapupunan ng mga nanay nila.
"C for Cat. Cat." muling saad ko pa habang pinapakita sa mga istudyante ko ang card kong saan mababasa ang alphabet.
"Cat." Paggaya ng mga bata at ipinagpasalamat kong hindi ko na narinig sumabay ang tatlo at nanatili na lang itong nanonood.
Pinagpatuloy ko ang pagtuturo hanggang sa makarating sa alphabet na K ang tinuturo ko at pinapabasa sa mga bata.
"K is for Kite. say Kite." sambit ko pa habang tinuturo ang binabasa.
"Kite!" Sabay din ng mga bata.
"KYLE!" Napatingin ako sa tatlo ng marinig ko ang lakas ng sinabi nila dahil nangingibabawa nga iyon, nang tingnan ko ang mga ito ay sabay-sabay agad itong napayuko.
"Read again kids. K-Kite."
"Kite!"
"KYLE!" Malakas pa rin na sabay ng tatlo at sunod ko na lang narinig ay ang hagikgikan ng tawa ng mga nito. Mga punyeta talaga.
Kunti na lang talaga ay may makakabato ako ng hawak kong marker.
Dumating kami sa alphabet na P.
"P for Pig. Pig say it again kids. Pig."
"Pig!" sabay-sabay na paggaya pa ri ng mga ito.
"Teacher ako po may kaibigan na pig." biglang pagboboses batang saad ni Raf at naagaw noon ang atensyon ng mga bata.
"Kayo ba kids may friend ba kayo na pig?" sabay tanong nito sa mga istudyante ko.
"Wala po," sagot naman ng ilang mga bata.
"Gusto niyo ba makilala ang friend ko na pig ipapakilala ko sa inyo?"
"Opo gusto po." Excited na sagot ng mga bata rito mukhang alam ko na kung sino ang tinutukoy nito ni Raf na friend niyang pig napatawa na ako ng palihim.
"Kids meet my pig friend she's Audrey." tumatawang saad ni Raf habang nakaturo ang kamay niya kay Audrey tawanan ang nangibabaw sa loob ng silid na iyon habang nanlilisik ang mata ni Audrey sa galit.
"Punyeta kang bakla ka hayop ka talaga!" galit na sigaw ni Audrey hanggang sa humantong sa paghahabulan ang dalawa paikot ng buong classroom ko habang pinagtawanan na lang sila ng mga bata.
"HAHAHAHA!!!" tawanan ng mga ito na kay Angel ang pinakamalakas.
"Wag nga kayo rito tigilan niyo 'yan." saway ko na sa kanila.
"Raulo hahahaha ay sorry may mga bata pala bawal magmura, sorry kids." paumanhin naman ni Raf sa mga bata.
"Ang gulo niyo naman po nag-aaral ako eh teacher ituloy niyo na po ang pagtuturo gusto ko pa pong matuto." kung iniisip ninyong istudyante ko ang nagsalita nagkakamali kayo dahil si Angel yun habang nagboboses bata.
"Wow te aral na aral ka ah parang hindi ka naman ganyan dati." sarkastikong saad ni Audrey dito.
"Hoy magsilabas na nga kayo nanggugulo kayo sa klase ko eh umuwi na kayo pwede ba." inis ko nang saad sa kanila.
"Wag naman po teacher kasi po wala pa po akong sundo nasa work pa po si Mommy." nagpapaawa nang saad ni Raf.
"Nakikipagbiruan ba ako sa sainyo lumabas na kayo kanina pa ako nagpipigil ah." saad ko pa kanina ko pa pinagpapasensyahan ang tatlong ito kung wala lang mga bata ay kanina ko pa itong pinagmumura mga raulo eh.
"Teacher behave na po kami pramis. Gusto ko pa po matuto." pagpapaawang saad na naman ni Angel, akala ba nila laro lang itong ginagawa ko mga pasaway talaga punyeta.
Bumuntong hininga ako at hindi na lang pinansin ang tatlo saka pinagpatuloy ang pagtuturo sa mga bata.
[Novel written by Author Yham]
"Ulitin niyo pa mag ingay papalabasin ko kayong tatlo wala manlang kayong ambag." saad ko sa kanila saka tumahimik na ito pero sa bawat tingin ko rito ay nakikita ko ang mga pigil pa rin nilang tawa para asarin ako.
Pinagsisihan ko talagang pina seat in ko sila rito.
Natapos ko ang pagtuturo ng alphabet sa mga bata ng biglang magsalita si Angel.
"Teacher Mia pwede po paulit from the top nakalimutan ko po kasi eh." boses bata niyang sabi habang nagmamakaawa pa ang mukha nito.
Pinandilatan ko ito ng mata at hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya agad ay nabato ko sa kanya ang marker kong hawak pero agad siyang makailag at mabilis na napatayo.
Hagalpak na tawa na lang ang nagawa ni Raf at Audrey.
"Magsilabas kayo rito mga animal kayo." pigil na inis kong sabi at pinagtulakan sila palabas habang patuloy pa rin na tumatawa ang mga ito, pati mga istudyante ko ay tumatawa na rin na animo'y naiintindihan nila ang nangyayari.

Lumabas nga sila ng classroom ko matapos ko silang ipagtulakan at bahala sila kung saan sila pumunta, mas mabuti nga kung uuwi na sila gumugulo lagi buhay ko eh.
Ipinagpatuloy ko ang pagtuturo sa mga bata hanggang sa matapos na ang oras ko, ipinagpasalamat ko nga na hindi ko na nakita at hindi na bumalik ang tatlo buti na lang baka umuwi na talaga ang mga iyon.
Alas dos na ng matapos ako sa klase ko pakatapos nito ay pwede na akong umuwi dahil wala na akong sunod na tuturuan iniwan ko na ang mga istudyante ko sa silid dahil may dalawang assistant naman kami upang bantayan ang mga bata habang wala pa ang mga magulang na susundo sa kanila matapos lumabas ng room ay saka pumunta na ako sa office kung saan ang table ko para balikan ang ilan kong gamit bago ako umuwi. Ngunit pagkapasok ko pa lang ay laking gulat ko ng makitang nasa office sina Raf habang nakikipagtawanan sa isang binatang guro na katrabaho ko.
'Punyeta akala ko umuwi na ang mga ito.' inis kong sabi sa sarili ko at napatampal na lang sa noo, mukhang hinintay nga talaga ako ng mga animal.
"Hey Teacher Mia andiyan kana pala nakakatuwa itong mga kaibigan mo grabe." masayang saad sa'kin ni Sir Levy ang gurong katrabaho ko.
"Ano pang ginagawa niyo rito pinauwi ko na kayo mga punyemas." pagmumura ko pa dahil sa inis.
"Like what I said before sayang ang pamasahe sis kaya wala kang magagawa gomura ka na sa'min." maarteng sagot ni Raf sa'kin at napabuntong hininga na lang ako, akalain niyong isang oras pala silang naghintay sa'kin sa office pero hindi na rin naman masama buti nga sila isang oras lang naghintay ako limang taon na naghihintay.
"Arat na gurl let's have fun, yayayain sana namin si Ser Levy kaso hindi pala siya pwede eh." saad naman ni Angel.
"Hayssstt." napabuntong hininga na lang ako ng malakas sa kanila at kinuha ang mga gamit ko, makakatanggi pa ba ako eh hinintay talaga ako ng mga raulo eh.
Nagpaalam na rin kami kay Sir Levy pagkatapos at saka kami umalis.
Sa Mall kami pumunta at napagpasyahan kumain muna dahil kanina pa raw sila nagugutom, sa isang restaurant kami pumasok na nakasanayan na rin naming tambayan na mag-kakaibigan.
Sa restaurant na ito dito kami madalas tumambay dahil kaibigan ni Raf ang manager dito kaya nakakadiscount kami kasi naman ang mamahal ng mga pagkain. Dahil sa madalas na kami sa restaurant na ito ay alam na ng mga waiter's kung saan kami uupo at kung anong kakainin namin. Sa pinakagilid na medyo malayo sa mga costumer ang table namin dito kasi kami mas kumportable dahil sa ingay pa lang namin ay siguradong makakastorbo kami ng ibang kumakain.
Ilang saglit pa kaming naghintay bago senerve sa'min ang mga pagkain, at sabay-sabay na naming nilantakan iyon.
"Nakakamiss ang dati ano?" biglang basag ni Angel sa katahimikan matapos nitong kumain.
"True sis miss ko na ang kilay ng tindera sa canteen na talo paang drawing ng grade 1 student potaena." natatawang saad naman ni Raf.
"Haha hanggang ngayon naaalala mo pa rin 'yun bakla, pero ako ang hindi ko nakalilimutan yung na lock ka sa room ng tulog dahil iniwan ka namin tapos nung binalikan ka namin tulog ka pa rin at wala ka manlang kaalam-alam. HAHAHA." sabay hagalpak ng tawa ni Audrey sabay hambalos sa balikat ni Raf, natawa na lang ako habang inaalala din yung nangyari dati. Ang dami na nga talagang nangyari.
"Paano mo ba makakalimutan 'yun Drey eh ikaw may pasimuno na iwan si Raf noon eh." tumatawa kong sabi.
"Na miss ko na din mag drawing ng tite sa likod ng notebook ko potek hahaha." sabat pa ni Angel na tila nalulungkot pa dahil may namiss s'yang kawalanghiyaan.
"Hayop sa daming mamimiss Angel 'yun pa talaga, yung wala ka manlang sulat na lesson dahil yung notebook mo may mga kababalaghan inamo ka." tumatawa ko naring sabi sunod noon ay tawanan na lang ang namagitan sa'min ganito kami lagi pagmagkakasama kaya medyo malayo sa costumer ang table namin dahil madalas ay subrang ingay namin dito at pinagtitinginan na lang kami ng mga tao.
"Namiss ko na ding magsolve ng math na pagkahaba haba tapos mali naman pala," saad pa ni Raf.
"Pero 'wag kayo mas nakaka miss ang hinabol tayo ng aso, doon ko naranasan tumakbo ng napakabilis sa buong buhay ko yawa hahaha." dagdag na naman ni Audrey at malakas na halakhak ang kasunod.
"Hinabol tayo ng aso noon dahil si Mia ang nanguna sa pagtakbo kaloka," sisi pa ni Raf sa'kin kahit matagal na iyong lumipas.
"Tapos nakapasok tayo sa isang bahay na hindi naman natin kilala at umuwi tayo na pasan na ni Kyle sa likod niya si Mia. Hahaha." pagpapaalala pa ni Angel na ikinawala ng ngiti ko. Kung sa iba masaya alalakanin ang mga nangyari sa'kin minsan ay hindi nagdudulot lang kasi iyon sa'kin ng sakit dahilan para ipaalala sa'kin na malungkot ako.
"Kasi napilayan ako noon." pagkuntra ko sa sinasabi niya, pilit kong iniwas ang sarili ko sa usapan ngunit hindi ko nagawa.
"Pero pinasan ka pa rin." angal ni Angel.
"Kasi nga napilayan."
"Pero pinasan ka parin!!!" sabay-sabay na nilang sagot sa'kin sabay hagalpak ng tawa.
Mga dem*nyo bakit pa kasi kami napunta sa topic na ito mauuwi na naman ito sa pang-aasar sa'kin panigurado.
Kahit kailan talaga wala silang magandang naidudulot sa buhay ko.

Komento sa Aklat (70)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    17/07

      0
  • avatar
    AbpetSarah

    good

    22/05/2025

      0
  • avatar
    Marc Kevin Sena

    good

    23/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata