New Life

AFTER 5 YEARS
5 years na Bading. Limang taon na ang lumipas pero ito ako umaasa pa rin sa hindi ko maipaliwanag na dahilan dahil meron sa puso ko na umaasang babalik ka. Alam kong masaya ka na kung anong buhay man ang meron ka ngayon, sa limang taon na lumipas sinubukan ko namang makipagkilala at makipagkaibigan sa mga iba't ibang ugali ng lalaki pero sa kabila noon bakit hindi ko magawang maging masaya. Ikaw pa rin ang laging laman ng isip at puso ko Bading, ako kaya naiisip mo manlang ba? Namimiss mo rin kaya ako? Kasi ako oo miss na miss na kita. Nung araw na nagka-ayos tayo tanggap ko nang hanggang kaibigan na lang kita pero bakit ngayon? Bakit ngayon ay patuloy pa rin akong umaasa sa'yo, umaasa sa walng kasiguraduhan.
'Yung number na gamit niya nung araw na tumawag siya sa akin parati ko pa rin tinatawagan nagbabakasaling mag ring manlang kahit isang beses pero wala, kahit Facebook account o kaya Instagram account niya ay sinubukan naming hanapin pero hindi namin nahanap.
Puno ng katanungan ang isip ko, bakit wala siyang malinaw na dahilan kung bakit siya umalis, o kaya kahit paramdam manlang sa isa sa'min ay ginawa niya sana. Pero sa limang taon na lumipas ay wala manlang kaming kahit na anong balita na narinig mula sa kanya.
"Hey ghorl how are you?" pangungumusta ni Raf, ikinabuntong hininga ko nang makita ko sina Raf, Angel at Audrey na papalapit sa akin. Maarte ang pagkakasabi niyang iyon sa'kin habang kumikimbot itong naglalakad papalapit habang nakaupo naman ako sa harap ng table dahil nandito ako sa cafeteria ng school at kakatapos lang mag lunch.
"Maka kumusta ka naman sa'kin parang hindi tayo nagkita kahapon." masungit kong sagot dito nang tuluyan silang makalapit sa'kin.
"Ay attitude sis ah."
"Hayaan mo na te hindi ka na nasanay sa babaeng 'yan nagiging masungit na nitong mga nakaraan eh." saad ni Angel at saka sila naupo sa bakanting upuan sa harap ko.
"Ano bang ginagawa niyo rito?" Irita kong tanong sa kanila at sinara ko na ang librong binabasa ko. Mamimirwesyo na naman sila sa trabaho ko panigurado.
"Grabe ka naman hindi ka ba natutuwa na makita kami, kapag pinupuntahan ka namin sa bahay mo naiinis ka, pati ba naman sa pagdalaw namin sa school mo ayaw mo rin." nag-iinaryeng saad pa ni Raf.
"Sino ba namang matutuwa sa inyo ah sa tuwing pinupuntahan niyo ko pakiramdam ko may mangyayaring hindi maganda, katulad na lang nung pinuntahan niyo ko sa condo muntik na akong mapalayas dahil sa ingay n'yo mga punyawa." reklamo ko habang inaalala yung nangyari noong nakaraan saka sila nagtawanan.
"Hoy 'wag niyo namang galitin si Teacher Mia baka ipa-guidance tayo niyan." pagbibiro na ni Audrey saka napangisi na lang ako rito, kahit kailan talaga mga sira ulo pa rin ang mga ito walang kupas mga animal.
Five years already past and I am now a private kindergarten Teacher, I already passed the licensure exam last year at kahit papaano ay may nakamit na rin ako sa buhay, lahat ng oras ko ay binubuhos ko sa trabaho pilit na eni-enjoy ang pagtuturo sa makukulit na mga bata. At ngayon nandito silang tatlo sa school kung saan ako nagtatrabaho. Limang taon ang lumipas at sa limang taon na iyon napakaraming nangyari sa bawat isa sa'min. Si Raf matapos grumadweyt ay nagtatrabaho na bilang accountant sa isang hotel.
Si Lyn lang ang hindi nakapagtapos ng college sa aming lima, second year college kami ng malaman naming nabuntis si Lyn kaya tumigil siya sa pag-aaral but I think she's happy now na may anak na siya. Dahil hindi siya nakapagtapos ay nagtayo na lang siya ng isang grocery store malapit sa kanila sa tulong na rin ng pamilya niya at nang napangasawa niya.
Si Angel naman ay isa nang nurse ngayon nagtatrabaho na siya sa isang ospital ngunit kagaya ng dati dem*nyo pa rin.
At si Audrey naman ay isang teacher na rin pareho kaming education ni Audrey pinagkaiba lang namin ay primary ako at secondary siya kaya high school ang tinuturuan niya.
Sa limang taon na iyon kung mas labis akong maipagmamalaki iyon ay dahil walang nagbago sa samahan namin kahit minsan lang kami nagkikita-kita, nasaksihan ko ang lahat ng pagbabago sa kanilang lahat at masaya ako sa narating nila. Pero ang sayang iyon parang limitado kasi pakiramdam ko may kulang pa rin, kulang na kulang.
Kulang naman talaga eh dahil hanggang ngayon kahit ilang taon na ang lumipas ay NBSB pa rin ako. NBSB sa hindi ko maipaliwanag na dahilan kung bakit. Ayoko lang kasing pumasok sa relasyon na alam kong hindi naman pala magtatagal. Kaya kahit anong pilit nila sa'kin na humanap ng iba ay hindi ko ginawa kasi patuloy pa rin akong naghihintay sa tamang tao na alam kong darating sa tamang panahon.
"May klase ka pa bang tuturuan Mia?" bumalik lang ako sa sarili mula sa malalim na pag-iisip ng marinig kong nagtanong si Angel.
"Meron pa akong klase, ano ba kasing pinunta niyo rito?" tanong ko sa kanila.
"Yayain ka naming gumala," agad na sagot ni Raf.
"Talaga namang iyon ang pinunta niyo rito ano, busy ako kaya hindi ako pwede." tanggi ko na sa kanila.
"Busy din naman kami ah pero pinuntahan ka namin, kaya sumama ka na." pamimilit ni Angel.
"Si Lyn na lang sana pinuntahan niyo alam niyong hindi ako pwede."
"Mas lalo namang hindi pwede yun, dahil mas busy iyon sa pag-aalaga ng jonakes niya," ani pa ni Raf.
"Edi kayo na lang tatlo tutal marami kayong time." pagtanggi ko pa rin.
"Grabe ka naman ngayon na nga lang kami nagyaya tatanggi ka pa, sometimes you just need to be happy Mia, you just need to enjoy and relax for your own good you're really look so stress," saad naman ni Audrey.
"Tigalan mo nga ako sa kaka-english mo purke nakatapos ka ng English Major eh, at saka anong ngayon lang nagyaya gong-gong ka ba?! Baka nakakalimot kayong kagagala lang natin kahapon at inistorbo niyo sa trabaho ko." singhal ko sa mga ito.
"Iba yung kahapon at ngayon te," litanya pa ni Angel.
"Bakit ba kasi hindi ka pa rin naghahanap ng jojowain sis para maging blooming ka naman," saad pa ni Raf.
"Required ba magka-jowa para maging blooming ah, kung iyon ang kailangan puwes wala akong time."
"Wala kang time kasi hindi mo binibigyan ng oras ang sarili mo, bakit hindi mo kaya subukan magkaroon ng oras para sa sarili mo 'di ba." pangre-real talk naman ni Angel.
"May oras ako kita mo nga oh nakasuot sa kamay ko." sarkastiko kong saad habang pinapakita ang relong suot ko sa kaliwang kamay.
"Kaloka ka 23 ka na sis pero hanggang ngayon NBSB ka pa rin ano na napapag-iwanan ka na ng mga kaibigan natin, si Lyn lumagay na sa tahimik si Angel naman going strong pa rin sa relationship si Audrey mataba pa rin eh ikaw NBSB pa rin ano na," ani Raf. Eh siya nga bakla pa rin eh nagreklamo ba ako.
"Inamo ka sis okay na ako na NBSB si Mia pero 'wag mo namang ipamukha lalo na mataba ako." inis nang saad ni Andrey saka agad na binatukan si Raf.
"Siguro nga tama kayo ito na ang tamang panahon," seryoso kong saad kaya nabaling ang paningin nilang tatlo sa'kin.
"Tamang panahon na maghanap ng jowa?" sabay-sabay pa talagang tanong nilang tatlo pero umiling ako.
"Tamang panahon na maghanap ng bagong kaibigan," diretso kong sagot.
"Hahaha raulo," tumawa lang si Angel sa sinabi ko.
"For pity's sake Mia, five years already past why don't you enjoy yourself and have fun, stop wasting your time waiting for uncertain people to comeback." sersoyong saad na ni Audrey sa'kin saka natahimik na lang ako.
Absolutely she's right, alam nilang lahat ang hirap at lungkot na pinagdaraanan ko sa lumapas na limang taon, na kahit pilitin kong maging masaya ay hindi ko magawa, because I'm still here hoping and waiting for him to comeback.
Tatawagin niyo ba akong tanga kung ang tangi ko lang naman ginawa ay ang mahalin siya.
Siya ang dahilan ng aking saya.
Siya ang inspirasyon ko upang magpatuloy pa.
Siya ang kaibigan na ipinaramdam sa'kin na hindi ako nag-iisa basta nandiyan siya.
Siya ang bumuo ng buhay ko, na kahit ikutin ko man ang buong mundo hindi ko iyon makikita sa iba.
Siya ang dahilan ng pag tibok ng puso ko. Ngunit siya rin pala ang dahilan ng pagkawasak nito.
Pinagsisihan kong inamin ko sa kanya ang nararamdaman ko noon sana ang lahat ay hindi nagbago at sana hindi rin umabot sa ganitong mag-isa akong nasasaktan.
Simula pa lang tanggap ko naman kung ano siya eh, kaya kong maging masaya habang yung lalaking gusto ko ay lalaki tin ang gusto.
Limang taon na ang nakalipas pero hindi ko manlang nagawang kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya, sa limang taon na iyon patuloy akong umaasang babalik siya sa akin at muling maibabalik namin yung dati. Subrang sakit lang dahil baka ngayon kung anong buhay man ang meron siya siguradong masaya na siya habang ako hindi.
Baka nga kung makikita ko siyang muli ay mas maganda pa siya sa'kin, pero bakit ganoon? Bakit patuloy pa rin sa loob kong umaasa na sana bumalik siya?
Babalik pa kaya siya?
Huminga ako ng malalim sa gitna ng katahimikan.
"Kaloka ka naman kasi gurl eh, actually tama naman si Drey patuloy ka paring naghihintay kahit limang taon na ang lumipas. Tigilan mo na 'yan pinapahirapan mo lang 'yang sarili mo eh hindi natin alam na baka ngayon masayang-masaya ang baklang iyon habang linalamas ang bagong ritoke niyang boobs o hindi kaya tuwang-tuwa sa mahaba niyang kuko habang naglalagay ng nail polish, o baka naman abot langit ang ngiti niya habang may jowa siyang daks at may six packs abs," saad naman ni Angel habang natatawa marahil na iimagine na nito kung sakaling totoo man ang hinala niya.
"Alam mo animal ka pa rin talaga eh, sa dami ng pwedeng sabihin letse ka!" bulyaw ko na kay Angel.
"Alam mo kaloka ka naman kasi sis simula ng nag-aaral tayo laging study first 'yang motto mo sana habang study first sinabayan mo na rin ng landi kahit papaano, baka nga hanggang ngayong STUDY FIRST pa rin iyang motto mo gurl kaloka ka teacher kana't lahat study first pa rin." saad ni Raf na sinabayan pa ng pagtataray.
Umiling ako. "Hindi na nagbago na rin naman yung motto ko."
"Sige nga ano na motto mo ngayon?" taas kilay pang tanong ni Angel.
"WORK FIRST." Diretso kong sagot sa kanila.
"Potaena ka ganoon pa rin naman 'yun pinalitan mo lang ng Work ang Study hayop." iritang saad ni Raf dahilan para magtawanan kami.
"At least napalitan na rin kahit papaano." sarkastikong sabi ko pa.
"Ewan sa'yo hindi ka na namin maintindihan," ani Angel.
"Ano bang balita doon sa paghahanap niyo ng boylet huh akala ko ba tinutulungan mo si Mia Angel?" sunod na tanong ni Audrey pero hindi pa man nakakasagot si Angel ay sumabat na ako.
"Walang'ya naman ayoko na magpatulong kay Angel napapahamak ako eh, pinakilala niya ako sa mga nakilala niya rin sa fb may mga jowa naman pala gagawin pa akong kabit langya," saad ko.
"Haha nagkataon lang naman ah maharot din pala yung lalaki potek na 'yan." dagdag ni Angel at sabay kaming natawa habang inaalala ang nangyari dati.
"Eh 'yung isa pa hindi niyo na nakwento sa'min yung sabi mong makikipagmeet kayo nung isang linggo ano nangyari?" tanong na naman ni Audrey upang ipaalala iyon dahil nabanggit namin sa kanila na makikipag meet up kami, pero hindi pa man kami nakakapagsimulang mag-kwento ay nagkatinginan kami ni Angel saka sabay na napahagalpak na kami ng tawa dahil sa naalala namin yung araw na iyon. Pakana lahat ni Angel iyon sa kasihudang gusto akong ihanap ng jojowain punyeta.
[Novel written by Author Yham]
"Tatawa na lang ba kayo baka naman gusto niyo ishare." pamimilit ni Raf.
"Ito nga ganito kasi 'yun, nakakatawa naman talaga eh kasi iyong sa picture nung guy grabe ang pogi subra, nagdecide kami ni Mia na makipagmeet syempre atat na magkajowa si Mia." pagkukwento ni Angel at sumabat naman ako.
"Potaena mo anong atat ikaw lang naman may pakana noon hindi ko ginusto iyon," angal ko rito.
"Haha ito na nga nakipagkita kami, andoon na nga sa mall, infairness mga te malayo pa lang mapapa ohemge ka na kasi matangos ang ilong, maputi, matangkad, at matso lahat na talaga." Kinikilig pang pagkukwento ni Angel.
"Oh tapos?" Excited namang tanong ni Raf.
"Ito na nga syempre natuwa kami kasi pogi 'di ba minsan lang tayo pinagpapala ng magkapal kaya sunggab agad, naka sunglass pa si Kuya kala mo naman ang taas ng sikat ng araw sa mall hahaha pero okay din naman kasi bagay naman yung sunglass niya sa kanya." patuloy ni Angel habang hindi ko na napigilang matawa ulit, ipinaubaya ko sa kaniya ang pagkukwento kasi ang intense niya magsalita, dem*nyo nga eh.
"Hahaha." pagtawa ko habang nakikinig sa kanya.
"Tahimik muna te, sige ano pa nangyari?" pagmamadali naman ni Raf atat din sa chismis ang lola mo.
"Lumapit na kami ni Mia sa guy, kaso nung papalapit na kami tinanggal niya ang sunglass niya pot*ngna! Hahaha. Mapapamura ka talaga HAHAHA." sabay na napahagalpak na kami katatawa ni Angel.
"Tapusin niyo muna kaya ang kwento niyo bago kayo tawa nang tawa wala akong naiintindihan eh," reklamo na ni Audrey.
"Yun nga haha tinanggal na nung guy ang sunglass, tapos nang makita namin ni Mia halos mapakaripas kami ng takbo upang agad itong iwasan dahil gwapo lang pala pag nakasalamin dahil duling ang tangina hahaha." Tumatawa paring kwento ni Angel kaya natawa na lang kami pare-pareho.
"Kaloka akala namin okay na eh," ani ko pa.
"Kaya sumama ka na gumala sa'min ngayon sis ako ang hahanap ng jojowain mo, walang kwenta humanap si Angel," alok naman ni Raf.
"Mas lalong ayoko naman ng trip mo, bayag lang ata mahalaga sa'yo mga wala naman utak mga boylet mo," angal ko.
"Wow te siya pa may gana magreklamo oh," parang batang sumbong ni Raf sa dalawa.
"Magsiuwi na nga kayo may klase pa ako nang-iistorbo kayo sa'kin, kayo na lang ang gumala kung gusto niyo." saad ko pa sa kanila at tumayo na ako para kunin ang gamit ko para pumasok na sa next na klase ko matapos kong makita sa relo ko na minuto na lang ay magsisimula na ang klase ko. Hindi ko na lang namalayan ang oras dahil sa mga walang'yang ito.
"Hindi kami uuwi hihintayin ka namin ano ka sayang ang pamasahe namin para puntahan ka rito tapos hindi ka sasama." saad ni Raf at tumayo na rin ito.
"Final na this mag se-seat in kami sa klaseng tuturuan mo at hihintayin ka namin." saad din Angel.
"Me too titingnan din namin kung natuturuan mo ng maayos ang mga studyante mo baka nakakaawa sila na ikaw ang Teacher nila." sigunda naman ni Audrey at nauna nang maglakad na talagang desidido sila sa gagawin nilang iyon. Pinamuhayan na ako ng kaba, alam kong hindi ito magandang ideya kasi alam ko ang mga kawalanghiyaan nila.

Komento sa Aklat (70)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    17/07

      0
  • avatar
    AbpetSarah

    good

    22/05/2025

      0
  • avatar
    Marc Kevin Sena

    good

    23/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata