Gift

Mia's POV
Ilang oras pang lumipas ang kasiyahan.
Nanatili na lang kaming magkakaibigan na nakaupo kasama ang ilan sa mga kaklase namin, panay naman ang usapan nila kung ano ang mga plano nila sa buhay matapos ng araw na ito habang nakikinig lang ako dahil hindi ko alam kung paano ako makikisabay sa usapan nila, wala naman kasi akong kaplano-plano sa buhay ko.
Kaunti na lang ang sumusayaw sa dance floor dahil karamihan ay nakaupo na mukhang napagod na rin at sumasabay na lang sa banda na tumutugtog sa stage, nakaisip naman ako ng ideya ano kaya kung pakantahin ko si Kyle, p'wede naman kasing mag request ng kanta sa banda at pwede rin kumanta kung sino man ang may gusto.
"Bading!" tawag ko sa kanya habang nanonood siya sa banda at napalingon naman agad ito sa akin.
"Pwede mag request?" sunod kong tanong.
"Request? Kaloka ka parang kinabahan naman ako sa request ah pakiramdam ko hindi maganda 'yan." pagtataray pa niya sa'kin.
"Sige na isang favor lang." pagpupumilit ko pa.
"Sige ano?"
"Kanta ka dun idedicate mo sa'kin." sabay turo ko sa stage kung saan naroon ang banda at tumutugtog.
"Sabi ko na nga ba hindi magandang ideya 'yan eh." pagmamaktop nito habang lukot na ang mukha mukhang hindi niya gusto ang pabor na hinihingi ko.
"Sige na ngayon lang naman t'saka isang song lang, 'di ba guys gusto niyo bang kumanta si Bading?" Slsabay tanong ko sa mga kasama namin.
"Yeah! Kyle go na kumanta ka na." pamimilit din ni Angel rito kaya wala itong nagawa kung hindi pumayag.
"Anong song ba ipapakanta mo sa'kin?" tanong niya sa'kin kasabay ng pagtayo niya sa kinauupuan niya.
"Yung kantang 'Dahan ni Jireh Lim."
"Kaloka ka gurl akala ko ba gusto mong sumaya ngayon pero 'yun ang ipapakanta mo sa'kin mas lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo eh magbigti ka na lang kaya." mataray n'yang sabi sabay tawanan ng mga kasama namin.
"Dami pang sinasabi Bading, t'saka iyon ang gusto ko eh. Gusto kong kantahin mo yun bahang dahan-dahan mong binibitawan ang puso kong nahihirapan." Seryoso kong sagot sa kanya. Tinitigan lang ako nito ng masama halatang hindi siya sang-ayon sa sinabi ko.
"Hugotttttt HAHAHAHA!!!" Sabay-sabay na panunuksong sigaw nila habang tumatawa.
"Sige na bakla go na t'saka mag re-request din kami kantahin mo ah," saad din ni Audrey.
"Ewan ko sa inyo." pagtataray ni Kyle saka nito sinimulan maglakad upang tunguhin ang stage.
"Go na Sis kaya mo yan go go go!!!" Maaksyong saad ni Raf habang chini-cheer si Kyle na naglalakad na papalayo.
Pinanood lang namin ito hanggang sa makita namin siyang umakyat ng stage at nakipag-usap sa banda na mukhang pumayag naman.
Gusto pa sanang tumugtog ng banda habang kumakanta si Kyle pero mukhang hindi siya pumayag dahil siya na mismo ang kumuha ng gitara at tumugtog nito. Nakalimutan kong magaling nga rin pala siyang mag gitara. Naupo na siya sa isang beat box habang nakapatong sa hita niya ang gitarang iyon at nakatutok naman sa bibig niya ang mic.
"This song is dedicated to my dear friend Mia, gurl this is for you." panimula niya sunod na naghiyawan naman ang lahat habang ang ibang nakakakilala sa'min ay napatingin pa sa gawi ko kung nasaan kami habang nanunukso ang mga ito.
"AYIEEE!!!" panunuksong sigawan ang naririnig ko at hindi ko na napigilang matawa, dahil alam kong lahat ng mga nanunukso sa'min ngayon ay hindi alam ang totoong meron kami ni Kyle maliban sa mga kaibagan namin.
Sinimulan nang kalabitin ni Kyle ang string ng gitara at sinimulan na ring kumanta, natigil ang hiyawan ng simulang tumugtog ang nakakalungkot ng intro ng kanta.
"Hindi na muling luluha, 'di na pipilitin pang
Ikaw ay aking ibigin hanggang sa walang hanggan,
Hindi na makikinig, ang isip ko'y lito
Malaman mo sanang ikaw ang iniibig ko." Pagkanta niya, bigla ay napalitan ang kaninang panunukso nila ng mga bulungan.
"Ay akala ko naman sweet song bakit parang ang sad?"
"Oo nga okay na sana eh."
"Harana ba 'yan bakit malungkot ang kinakanta niya?"
"'Di ko din knows bhe hayaan na lang natin, grabe isa si Kyle sa mami-miss ko sa batch natin sayang sana magpaka-lalaki na lang siya ang swerte ng mapapangasawa if ever."
Ilan lang 'yan sa mga narinig kong bulungan ng ibang babae na malapit sa gawi namin, malungkot naman talaga ang song na nirequest ko sa kanya pero 'di ko akalaing mas lulungkot pa ang kantang iyon ng kantahin niya dahil mararamdaman mo talaga sa bawat lirikong binabanggit niya ang subrang kalungkutan.
"At kung hindi man para sa akin,
Ang inalay mong pag-ibig
Ay 'di na rin aasa pa na muling mahahagkan ahhh." patuloy pa rin ang kanta niya na sinasabayan ng pagtugtog ng gitara.
"Ahh kaya naman pala iyon ang song na pinakanta ko kasi 'DI NA MULING MAHAHAGKAN." pang-aasar na saad ni Angel na pinakadiinan pa talaga ang huling mga salita. Natawa na lang din ang mga kasama namin.
"Dahan-dahan mong bitawan
Puso kong 'di makalaban
Dahil minsan mong iniwan
Labis na nahihirapan."
Nakisabay na rin sa pagkanta ang mga kasama namin pati na sina Angel, nanatili na lang akong tahimik ng mga sandaling iyon hindi ko alam kong anong pakiramdam ang meron ako ngayon, tama bang pinakanta ko pa sa kanya iyon ang bigat kasi sa loob eh, pero kakayanin ko dahil ito lang ang pinaka tamang gawin para sa nararamdaman ko kakayanin kong masaktan kahit paulit-ulit dahil tanggap ko na, tanggap ko nang dito na nga talaga kami at hindi na hihigit pa.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay natapos na siya sa pagkanta at agad na ring bumalik kung nasaan kami.
"Ano te happy?" sarkastiko niyang saad sa'kin saka napangisi na lang ako sa kanya, gusto ko sanang sabihin na hindi pero para saan pa ba.
"Bakit bumaba ka na agad bakla mag re-request din kami eh." malungkot na saad ni Audrey.
"Wow umaaboso kayo ah, kayo na gumawa hindi niyo alam pakiramdam na maiihi sa salawal dahil sa kaba kaloka," reklamo nito.
...
Nagpatuloy ang sayawan namin nang ilang oras pa bago namin napagpasyahang umuwi.
"Te ihahatid ko na kayo," presinta ni Kyle na ikinagulat ko.
"May sundo ka ba Bading?" tanong ko rito habang naglalakad na kami palabas ng venue kasama sina Angel.
"Wala akong sundo dala ko ang kotse ni Dad tara na," sagot niya sa'kin. Napabilib na naman niya ako roon hindi ko akalaing marunong na rin siya magmaneho ng kotse, ano pa ba ang hindi niya kayang gawin maliban sa hindi niya ako kayang mahalin. Takteng utak 'to hindi pa maka move on yawa.
"Marunong ka mag drive?" nagtataka kong tanong rito para maka-sigurado ng bigla ay sumabat si Angel.
"Naku bakla, si Mia na lang ihatid mo nagpasundo na ako kay Yohan parating na siya sabay nga dapat kami ni Mia pero 'wag na mas okay kung siya na lang ihatid mo."
"Hoy anong ako lang baka hindi marunong mag drive 'yan si Bading samahan mo na ako para 'di lang ako mag-isang mamatay pag nabangga tayo," angal ko.
"Hoy anong hindi marunong, makakarating ba ako rito mag-isa kong hindi ako marunong magdrive ah." mataray nitong sagot sa'kin.
"Malay ba naming tinulak mo lang ang kotse papunta rito para mag mukha kang maangas," natatawa kong sabi.
"Gaga marunong nga ako pwede ba, isang taon na akong nag aaral sa driving school hindi niyo lang alam," saad niya pa.
"Sana all nag-aral haha," tawang saad naman ni Lyn.
"Magtatalo na naman kayong dalawa kaaayos niyo nga lang, pumayag ka na kasi Mia t'saka pag namatay ka edi rest in peace sis." saad naman ni Audrey na may halong pananakot pa habang nagtawanan na naman ang mga ito.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa parking lot ng lugar na iyon. Nagdadalawang isip na naman akong sumakay ng kotse niya dahil hindi ko pa kasi talaga alam na marunong ngang magmaneho si Kyle, ngayon ko lang nalaman eh pero seryoso naman siyang marunong siya
"Ano pa hinihintay mo sakay na gurl." pagmamadali pa ni Kyle sa'kin habang nakatingin naman ako sa pinto ng kotse na binuksan na niya para pasakayin ako.
"Hindi ka pababayaan ni bakla Mia sakay na balitaan mo na lang kami pag namatay ka kong sakali man," pang-aasar pa ni Angel.
"Ikaw una kong mumultuhin pag namatay ako raulo mo," singhal ko rito saka sumakay na ako ng kotse.
"Bye gurl ingat and enjoy in hell sure naman ako doon punta mo," tumatawang saad pa rin ni Angel sa'kin pati sina Audrey ay natatawa na rin sakin dahil nahahalata na nilang natatakot na nga ako.
"Isusunod kita walang'ya ka!" bulyaw kong sabi.
Nang makasakay na rin si Kyle at agad kong hinagilap ang seat belt at agad na sinuot para ligtas, mahirap na eh.
Nang mapaandar na niya ang kotse ay umalis na rin kami, nakita ko pa ang pagkaway nina Angel sa'min habang papalayo kami. Nakahinga naman ako ng maluwag ng masiguradong marunong nga siyang magmaneho.
Tahimik lang kami habang nasa byahe, mabagal lang din ang pagpapatakbo niya ng sasakyan dahil napapansin niya sigurong natatakot ako. Well natatakot naman talaga ako, pero nakikita ko sa kaniya na kagaya kung paano niya ako alagaan ay gagawin niya ngayon siguradong hindi niya ako pababayaan kung sakali man.
Mayamaya ay napalingon ako sa kanya ng iabot ng kanang kamay niya ang isang maliit na box sa'kin, habang nasa manibila naman ang kaliwa niyang kamay.
"Ano 'to bading?" taka kong tanong saka tinanggap ang inabot niya sa'kin.
"Pinapabigay 'yan ni mudra sa'yo, pero dahil ako nagbigay kaya isipin mo na lang sa'kin galing 'yan." saad niya habang nasa kalsada ang tingin.
"Ano nga 'to?" ulit kong tanong sa kanya, alam ko namang regalo iyon pero hindi ko pa binuksan baka bigla na lang akong sumabog, gagi bumba pala ang potek.
"Buksan mo kaya para malaman mo." utos nito.
Para malaman ang laman noon ay agad ko nang binuksan ang box at saka ko nakita ang laman nito, isang silver bracelet iyon at halatang mamahalin, ikinatuwa ko pa nang makita ko iyon.
"Para sa'kin ito sure ka?" tanong ko pa rin dahil hindi ako makapaniwalang sa'kin nga iyon, akala ko naman bumba buti na lang.
"Oo nga si Mommy bumili n'yan graduation gift niya raw sa'yo."
"Wow thank you nagustuhan ko."
"Mabuti naman."
"Bakit ngayon mo lang binigay kanina pa tayong magkasama ah?"
"Iniwan ko kasi 'yan dito sa kotse kasi alam ko naman na hindi pa tayo nagkakausap kaya hindi ko alam kong paano ko ba ibibigay sa'yo," paliwanag niya.
"Ahh okay thank you ah sabihin mo kay Tita thank you nagustuhan ko kamo."
"Sige, halata namang nagustuhan mo eh wala kabang natanggap na ibang regalo bukod jan?" tanong niya pa ulit.
"Meron naman rinegaluhan ako ni Mama at Papa ng sapatos."
"Ahh." Tumatango n'yang sabi habang nasa kalsada pa rin ang tingin nito.
"Eh ikaw ano regalo sa'yo nina Tita?"
"Ito oh." iniangat niya ang kaliwang braso niya at pinapakita sa'kin ang kaliwang kamay niya kong saan nakasuot ang itim na relo at isang bracelet din, alam kong hindi relo ang natanggap niyang regalo dahil matagal ko na itong nakita na ginagamit niya kaya siguradong ang bracelet ang tinutukoy nito. Hindi ko na pansin na may bracelet din pala siyang suot dahil natatakpan ito ng relo niya.
Napatitig ako sa bracelet na suot niya dahil kaparehong-kapareho ng disenyo nito ang bracelet na hawak ko, ang pinagkaiba lang nito ay medyo maliit ang design ng sa'kin.
Paulit-ulit kong pinagpapalitan ng tingin ang hawak kong pursilas saka ang suot niya para masiguradong tama nga ang nakikita ko.
"Seryoso ka ba eh couple bracelet 'yang suot mo tapos itong sa'kin eh." natatawa ko pang sabi na hindi makapaniwala.
"Haha ewan ko sa kanila minsan hindi ko na din maintindihan trip ni Mom haha kaloka." Natatawa n'yang sagot sa'kin kaya natawa na rin ako.
Tahimik na lang kami buong byahe habang nakatingin na lang ako sa labas ng bintana, ilang minuto pa ang lumipas at saka nakarating na rin kami sa bahay.

Komento sa Aklat (70)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    17/07

      0
  • avatar
    AbpetSarah

    good

    22/05/2025

      0
  • avatar
    Marc Kevin Sena

    good

    23/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata