Homepage/Diary Ng Babaeng NBSB (Book 1)/
Closure
Mia's POV
"Sis gusto mo?" alok ni Raf sa'kin ng basong hawak niya at kung hindi ako nagkakamali ay may laman itong wine dahil nakita ko siyang hawak ang bote kanina.
Umiling lang ako rito bilang tanggi. "Ayoko."
"Ano ka ba wine lang ito, takot ka na bang malasing ulit?"sabay hagikgik niya ng tawa.
"Hindi ka malalasing n'yan gurl try mo." pagpilit naman ni Lyn sa'kin, ito na naman tayo sa pamimilit nila nagsisi na ako ng nakaraan ayoko na.
"Huwag n'yo nang bigyan si Mia n'yan itong ice tea na lang sa'yo te." sabay abot naman ni Audrey sa'kin ng isa sa dalawang ice tea na hawak niya kaya iyon na lang ang tinanggap ko.
Nakatayo kaming lima dito sa harap ng mahabang table kung saan may mga naka display na iba't-ibang inumin. Napagpasyahan naming uminom muna at magpahinga saglit.
"Gurl kinausap ka na ba ni bakla?" biglang sabat ni Angel sa'min at mukhang si Kyle ang tinutukoy nito.
"Hindi pa," tipid kong sagot.
"Kausapin mo na kaya ayon siya oh," sabay turo nito kay Kyle na naka upo habang kausap ang ilan sa mga kaklase namin.
"Ano sasabihin ko kinakabahan ako eh."
"Kausapin mo na sis hindi natin sure kung kailan ulit tayo magkikita-kita hanggang ganyan na lang ba kayo, mag iiwasan na lang kayo forever, kausapin mo na ngayon sigurado namang nahihiya lang maunang makipag-usap ang baklang iyon kaya unahan mo na kausapin," saad pa ni Raf, tama naman sila eh kaso ang kaba ang kalaban ko ngayon hindi ko alam na baka pag nakipag-usap ako wala na akong masabi o baka nga hindi ko pa magawang ibuka ang bibig ko.
Hindi na kasi ito tulad ng dati na nakikipagsagutan ako sa kanya kapag nag-aaway kami at nag-aasaran, seryosong usapan kasi ito eh.
"Mukhang kailangan mo nga talaga ulit malasing para maka-usap mo siya ulit," natatawang saad ni Angel.
"Raulo nagsisi na nga akong nalasing ako uulitin ko pa ba?" reklamo ko rito.
"Kasi pag lasing lang malakas loob mo eh, kaya mag-inom ka ulit," saad pa ni Angel.
Siguro nga tama siya, kasi ngayon wala na naman akong lakas ng loob para gawin iyon, subrang hirap.
"Go na Mia kaya mo 'yan." pagpapalakas loob ni Lyn sa'kin.
"Bilis na baka maunahan ka pa ng iba." bago pa ako makapagsalita tinulak na ako ni Angel kaya wala na akong nagawa, mabigat ang bawat hakbang na ginagawa ko habang dahan-dahang lumapit kung asan nakaupo si Kyle.
Nararamdaman kong nanginginig ang kamay ko habang papalapit ako sa kanya, ngunit hindi ko na lang pinahalata, 'Kaya mo 'yan Mia, kaya mo yan.' saad ko pa sa sarili ko at handa na akong ituloy ito dahil pagod na rin ako sa sitwasyon naming dalawa, tatanggapin ko king anong gusto niya basta bumalik lang ang dati naming pagkakaibigan.
Humugot ako ng isang malalim na buntong hininga, upang lakasan ang loob ko naupo din ako sa isa pang bakanting upuan na malapit sa tabi niya.
"K-kyle..." mistulang mababasag ang boses ko kahit pangalan lang niya ang sinambit ko, parang gusto ko na lang magback out sa desisyon kong kausapin siya labis akong pinamumihayan ng kaba. Napalingon ako sa mga kaibigan namin na nakatayo pa rin kung saan ko sila iniwan, nakatingin silang apat sa'kin habang sumisinyas na kaya ko ito, putek naman kasi legit 'yung kaba eh.
Binalik ko ang tingin kay Kyle at saktong nakatingin na rin siya sa'kin, kaya napalunok na lang ako sa sarili kong laway dahil tila ano mang oras gustong kumawala ng puso kong nagdadabog.
"H-hanggang ngayon ba naman iniiwasan mo 'ko?" nauutal ko paring sabi.
"Sorry." tipid niyang sagot sa'kin at sabay kaming napayuko.
"Sorry din sa'yo, kung ano man ang hindi natin pagkakaunawaan ayusin na sana natin. Hindi ko na kaya eh tatanggapin ko ang desisyon mo kahit bilang magkaibigan na lang basta 'wag tayong magtapos sa ganito. Ayokong masira ang matagal na rin nating pinagsamahan."
Napa-angat na siya ng ulo at tumingin ng diretso sa'kin. "Gurl sorry." seryoso niyang sambit habang nakatingin sa'kin, kahit napaka ingay ng paligid namin ay malinaw kong naririnig ang boses niya.
"Sorry nitong mga nakaraan kong iniwasan kita, hindi ko lang din kasi alam kung ano ang gagawin ko pakatapos ng mga nalaman ko, kaya kailangan ko rin munang mag-isip-isip sa tingin ko mas mabuting ako ang umiwas sa'yo dahil patuloy ka lang masasaktan habang nakikita mo 'ko kaya sorry." dagdag niya pa.
"Hindi mo naman kailangan umiwas para hindi ako masaktan eh kasi desisyon ko kung masaksaktan man ako o hindi." saad ko sa kanya at ilang sigundong katahimikan ang nanatili sa'min.
"I'm sorry kung hindi ko masusuklian ang pagmamahal na meron ka para sa'kin." basag niya sa katahimikan matapos ang ilang sandali at napatawa nalang ako na ipinagtaka naman niya.
"Bakit mo ba iniisip iyong sukli nagbayad ka ba?" pagbibiro kong tanong sa kanya.
"Ptff." Napangisi na lang siya sa sinabi ko.
"Hindi ako naghahangad na suklian mo yun, ako naman ang may kasalan eh kasi ang puso ko ang hindi ko napigilan kaya hindi mo na kailangan isipin iyon. Umpisa pa lang tanggap ko na eh, tanggap ko nang hanggang kaibigan na lang tayo at maniwala ka man sa hindi pero sinubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko pero nung tumagal mas lalo lang lumala eh, iyong kay Josh sinubukan ko siyang mahalin baka kasi sa paraang iyon makakalimutan ko ang feelings ko sa'yo pero wala ring nangyari umasa lang ako." saad ko habang nakatitig na lang ako sa sarili kong kamay habang pilit nilalabanan ang kaba.
"Nakakaloka ka naman kasi eh, sino ba namang hindi magugulat sa pag-amin mo sa'kin akalain mong alam pala lahat ng mga kaibigan natin pero ako hindi ko alam," mataray na nitong sabi.
"Kung sinabi ko ba ng maaga may magbabago ba?" tanong ko rito saka siya tinapunan ng tingin.
"Hindi ko alam." umiiling n'yang sagot saka ako napangisi. Kahit sabihin ko man sa'yo ng maaga alam ko namang wala paring magbabago.
"Nalaman nila iyon kahit hindi ko naman sinabi sa kanila kasi sila nararamdaman nila at napapansin ang nararamdaman ko pero ikaw MANHID ka." dinuro ko pa siya na ikinalaki ng mata niya.
"Hoy anong manhid hindi ako manhid nararamdaman ko rin naman." ikinagulat ko iyon.
"Nararamdaman mo naman pala bakit wala kang ginawa?"
"Ano sa tingin mong gagawin ko gurl, hinayaan ko at nakisabay na lang ako sa lahat ng pang aasar nila sa'tin kasi akala ko nang titrip lang sila dahil kilala mo naman kung gaano apaka dem*nyo ng mga kaibigan natin hindi ko naman akalaing totoo pala lahat ng pang-aasar nila." nanunumbat ang tingin niya sa'kin habang sinasabi iyon.
"Kaya pala." maikling sagot ko na lang sa kanya, kaya pala sa mga asaran namin ay hinahayaan niya lang dahil akala niya trip-trip lang ang lahat.
"Thank you pa rin gurl kasi naiintindihan mo ako, basta kahit anong mangyari walang magbabago ako parin ang GF mo." Nakangisi niyang sabi na ipinagtaka ko 'GF daw akala ko ba hindi niya masusuklian pero gustong maging GF nababaliw na ba siya.
"GF? Girlfriend?" Naguguluhan kong tanong sa kanya pero umiling siya.
"Nope, GF means Gay Friend I'm always be your Gay Friend," sagot niya.
"Ahhh." kaloka akala ko naman girlfriend na eh tanggap ko na sana.
"Alam ko naman na hindi mo mapipigilan 'yang nararamdaman mo para sa'kin eh, pero okay na sa akin ngayon hindi kita pipigilan na gustuhin ako mananatili ako bilang kaibigan mo, kahit anong mangyari nandito pa rin ako para gawin lahat ng nakasanayan natin-"
"Bilang GF..." pagpuputol ko sa sinasabi niya at pareho na lang kaming natawa.
"Ayieee luh ano 'yan okay na kayo?." nanunuksong saad ni Lyn na bigla na lang sumulpot sa likuran namin.
Naglapitan din naman silang apat sa'min at makikita sa mga mata ang nunuksong mga tingin ng mga ito.
"Ayos na ba kayo ah?" tanong naman ni Audrey at napatango naman ako.
"Gf ko na siya." sabay hagalpak kong tawa na ikinalaki ng mga mata ng mga ito na tinalo pa ang nakakita ng multo sa gulat.
"kayo na?!" sabay-sabay habang kinikilig pa nilang tanong saka kami natawa na lang ni Kyle.
"Wee seryoso kailan ang kasal?" sunod na tanong ni Angel sa gulat.
"Anong kasal gagu advance ka naman masyado, hindi kami." akma ko pa sanang babatukan si Angel pero nakaiwas agad ang gaga.
"Eh sabi mo gf mo na siya so ikaw ang lalaki gano'n?" tanong naman ni Audrey.
"Hindi."
"Eh ano?" tanong ni Raf.
"Gf ko siya it means Gay Friend." paglilinaw ko.
"Ahhh gay friend naman pala akala naman namin kayo na, hanggang kaibigan na lang talaga." halos bulong na sinambit ni Angel ang nahuling salita pero narinig ko pa rin iyon, sunod na napansin ko ang panlulumo niya sa nalaman.
'Sorry guys mukhang dito na nga lang talaga kami,' nasabi ko na lang sa sarili ko.
Ilang sandali pa ang lumipas, nang biglang napalitan ang masayang tugtog ng slow music kitang-kita ang pagkawala ng mga sumasayaw sa gitna at ang sasayaw na may mga partner na ang pumalit.
"Sayaw tayo gurl?" rinig kong saad ni Kyle kaya napalingon ako rito, nakatayo na siya habang nakalahad ang kamay sa harap ko.
Tiningnan ko siya ng nakakunot ang noo ko habang nagtataka, hindi ko akalain na aayain niya ako ngayon matapos ang pagkakaayos namin.
"Arte pa te seryoso nga hindi na ako napipilitan ngayon hindi gaya ng una." saad niya pa ng hindi ko pa tinatanggap ang kamay niya.
"Go na sis kunware pa eh." panunukso ni Raf sa'kin.
"Tayo na gurl minsan lang maging seryoso si Bakla." pamimilit pa ni Angel at hinila na ako patayo saka siya na mismo ang humawak sa kamay ko at inabot iyon kay Kyle.
Matapos noon ay tinulak pa kami ni Angel papunta sa gitna ng dance floor na tila ba mas excited pa sila kisa sa'min dalawa.
Nararamdaman ko na naman ang bilis ng tibok ng puso ko, paano ko nga ba pipigilan ito, wala na eh tapos na hanggang mag-kaibigan na lang kami.
Paano ko pipigilan ang puso kong huwag s'yang magustuhan kung sa bawat sandaling nakakasama ko siya ay tumitibok ang puso ko na parang wala ng bukas.
Nakatayo na kami sa gitna ng dance floor na iyon saka sinimulan na naming sumabay sa slow music, habang nakahawak ako sa balikat niya at siya naman sa bewang ko. Hindi ko na nagawang tumingin ng diretso sa kanya marahil nanrin dahil nahihiya na ako.
"Okay ka na ba?" mayamaya ay tanong niya sa'kin kaya mula sa pagkakayuko ko ay napa-angat ako ng tingin rito dahil sa tanong niyang ipinagtaka ko.
"Okay saan?" balik kong tanong para linawin ang tanong niya.
"Iyong sainyo ni Josh." napangiti na lang ako ng pilit sa kanya dahil sa sinabi nito, hindi ko rin kasi alam kung anong isasagot sa tanong niya.
"Hindi ko na iniisip 'yun." tanging saad ko at tumango lang din siya sa sinabi ko.
"Gusto kong taposin ang buong araw ko na ito ng masaya kaya 'wag mo na nating pag-usapan iyan, magsasaya muna ako," dagdag ko pa.
Wala nang nagsalita sa'min at saka pinagpatuloy ang pagsasayaw.
Itong moment na ito ay hindi ko makakalimutan, ito ang gusto kong isulat sa diary ko para kung sakaling makalimutan ko man ay babalikan ko ang sulat ko at babasahin ang lahat ng kwento kung paano ako naging masaya, itong moment na ito ang nais kong balik-balikan.
Ngunit sa pagkakataong ito hindi ko alam kung paano ko ikukwento sa diary ko ang lahat, dahil hindi ko alam kung nasaan na ito ngayon. Nung araw na nawala ko iyon ay hindi ako natigil kaka-isip kung paano ko nga ba nawala binalikan ko ang table sa cafeteria kung saan ako nagsulat, linibot ko ang classroom baka nalaglag ko lang pero wala, pati sa gym kung saan kami nag papractice noong araw na 'yun ay wala din, hindi ko na nakita.
Baka pinagtatawanan na ako ngayon kung sino man ang nakapulot noon at bumabasa.
Ilang saglit pa ang lumipas saka kami bumalik na rin ulit sa table namin.
"Hey baby Kyle can I make a request isayaw mo rin ako please." Napalingon ako kay Belinda na nakatayo na sa harap ni Kyle para humingi ng pabor na isayaw din siya.
"Andami mong lalaki te, sa'kin ka pa talaga nagpapasayaw ah kung gusto mo si Raf na lang." Turo naman ni Kyle kay Raf.
"Ayoko bakla maayos ang katawan ko ngayon baka mangati ako bigla," sarkastikong pagreklamo ni Raf.
"Sige na naman baby Kyle hanggang ngayon ba naman ayaw mo pa rin sa'kin baka last na rin naman natin itong pagkikita pagbigyan mo na ako please." pamimilit pa ni Belinda rito.
"Pagbigyan mo na bakla last na daw eh baka makita mo 'yan bukas lumilipad na bilang isang paru-paro." pagsasalita ni Angel kaya natawa na lang kami pati na rin si Belinda, hindi na nagagalit si Belinda pag-inaasar namin dahil nasanay na rin naman ito sa amin, sanay na sanay na siya kung gaano kami kawalang hiya.
"Isasayaw ko ba gurl?" ikinabigla ko ang pagtatanong sa'kin ni Kyle na para bang kailangan niya pa ng permiso ko kung pwede siyang magsayaw ng ibang babae.
"Bakit nagpapaalam ka pa hawak ko ba katawan mo," sarkastiko kong sagot rito.
"Baka kasi pagpumayag ako magselos ka," nakangisi na nitong sambit na dahilan upang manlamig ako sa kaba, ank bang sinasabi niya tss.
"Sira ulo mo bading," inis ko na lang na sabi.
"Why magseselos kayo na ba?" sabat na tanong ni Belinda sa'min habang pinagpapalitan ang tingin sa'min dalawa ni Kyle.
"Hindi." Sabay pa naming sagot upang sabihin na hindi kami.
"Hindi naman pala eh, let's go baby Kyle let's dance." Hinawakan na ni Belinda si Kyle patayo upang yayain sumayaw.
"Bakit ka ba tawag nang tawag ng baby sa'kin nanay ba kita?" Iritadong tanong na ni Kyle rito bagk pa sila magsimulang maglakad.
"Yes I'm your mommy and you're my baby hahaha." maarting saad pa niya na akala mo naman kinaganda ang pag-iinarte mukhang fake naman ang mga alahas magmukha lang siyang mayaman.
"Wala akong nanay na higad kaloka ka." pagreklamo pa ni Kyle at saka wala na rin naman itong nagawa ng hilahin na siya ni Belinda papunta sa gitna.
Natawa lang kami lalo nang makarating sila sa gitna, at sisimulan na nilang sumayaw ay baliktad ang posisyon nila, si Belinda ang nakahawak sa bewang ni Kyle na animo'y si Kyle ang babae at si Kyle naman ay nakahawak sa bandang leeg ni Belinda na kulang na lang ay sakalin nito si Belinda. Sira talaga ulo ng bading na ito minsan, bakit nga ba ako nafall sa kaniya kaloka ka self.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (70)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
done
17/07
0good
22/05/2025
0good
23/11/2024
0Tingnan Lahat