Graduation ball

Mia's POV
WEEK PAST.
Katatapos lang ng Graduation namin ngayon kanya-kanya na kaming lapit sa mga magulang namin para magpasalamat. Si Audrey ang nakakuha ng pinaka mataas na grade sa section namin sumunod si Kyle silang dalawa lang ang nakapasok na may honor sa'min, basta ako okay na sa'kin basta grumaduate.
Masaya ang araw ng pagtatapos namin pero pakiramdam ko may kulang pa rin eh, buwan na kasi ang lumipas na hindi ako kina-kausap ni Kyle. Kahit gustuhin kong sumaya ay hindi ko magawa dahil hindi ko maiwasan ang pakiramdam na naiilang parin ako sa lahat ng nangyayari lalo na kung kaharap ko siya.
"Mia congratulation iha, natutuwa talaga akong makita kayong lahat na nakapagtapos." Masayang bati iyon sa'kin ni Tita Vash ang mommy ni Kyle hindi ko na napansin ang paglapit nito sa'kin dahil naglalakbay na naman ang utak ko sa ibang mundo dahil sa pag-iisip ko kay Kyle.
"Thanks po Tita." nakangiti kong pasalamat naman sa kanya.
"You're welcome Mia. Gusto ko sanang maghanda sa bahay at imbitahan kayo, pero sabi ni Kyle ay 'wag na dahil may party naman daw ang batch n'yo mamaya." saad pa nito, marahil pinigilan lang ito ni Kyle dahil na rin sa hindi nga kami ayos nito.
"Yes po Tita meron po kaming graduation party lahat po ng batch namin, pupunta po ba si Kyle?" tanong ko dahil hindi ko naman natanong ang mga kaibigan ko kung pupunta sila wala naman sigurong maganda doon baka hindi na rin ako pumunta.
"Yah pupunta raw siya nagpabili ng isusuot eh, enjoy kayo mamaya ah," saad niya saka tumango naman ako bilang sagot upang huwag nang humaba ang usapan.
"Mia picture tayong anim siguradong matagal-tagal ulit tayong hindi magkakasama." Napalingon na ako sa gawi nila dahil sa pagtawag sa'kin ni Angel.
"Maiwan ko muna po kayo Tita ah."
"Sure go ahead." sagot niya sa'kin at naglakad na ako papalapit kina Angel, nakatayo na sila sa may gilid at ready na magpakuha ng litrato kaya agad na rin akong pumiwesto.
"Hoy Renzo picturan mo nga kami para may silbi ka naman." saad ni Angel sa kapatid ko sabay hinila na nito papalit sa'min, kasama kasi namin ni Mama si Renzo pero si Papa hindi nakapunta dahil may trabaho ito ngayon.
"May mga photographer naman ah, yun utusan mo," angal ni Renzo.
"Ikaw na mabilis lang naman t'saka wala kaming pambayad," giit ni Angel saka sapilitang inabot na kay Renzo ang phone kaya kahit napipilitan ang kapatid ko wala itong nagawa.
Humanda kami para sa picture kaya tumayo na rin ako ng ayos sa may gilid katabi ni Lyn.
"Mia dito ka sa gitna!" biglang tawag pa ni Audrey sa'kin para papuntahin ako sa gitna umiiwas na nga ako dahil nasa gitna si Kyle tapos papapuntahin niya pa talaga ako sa gitna potek nanadya talaga itong mga sira ulong tu eh.
Wala na akong nagawa at sumunod na lang dahil hinawakan pa ako ni Lyn palipat sa gitna kaya ang nangyari kaming dalawa ni Kyle ang magkatabi, sa kanan ko si Angel at si Lyn. Sa kaliwa naman ni Kyle si Raf at si Audrey.
"Ready na?" tanong ni Renzo saka hinanda ang camera.
"Compress kayo hindi kita lahat!" sigaw pa ni Renzo at nagcompress naman kami pero nananadya talaga ang mga raulo kong kaibigan dahil sinasadya talaga nilang pagdikitin kami lalo ni Kyle.
"Kunti pa hindi pa rin kita ang nasa gilid!" sigaw na naman ulit ni Renzo kaya mas lalo kaming nagkadikit ni Kyle, napapansin kong hindi na siya kumpurtable sa nangyayari at wala siyang magawa para umiwas sa'kin.
"Walang'ya ka todo compress na kami rito ikaw kaya mag adjust try mo!" balik kong sigaw kay Renzo saka ngumisi lang ito sa'kin. Mabilis na lang itong sumunod sa sinabi ko at umatras para makuhanan kaming lahat. Kailangan pang mag compress pwede naman pala siyang umatras na lang boplaks...
Ilang beses din kaming kinuhanan ng litrato ni Renzo. Matapos noon ay lumapit sa'min ang Daddy at Mommy ni Kyle.
"Gusto kong kuhanan kayong anim ng litrato yung magkakasama, tapos sina Mia and Kyle pwede ba guys?" tanong ng Mommy ni Kyle sa'min at um-oo naman agad ang mga kaibigan namin kaya ang Daddy ni Kyle ang kumuha ng mga picture dahil may dala naman itong camera. Hindi na rin ako nakatanggi ng kaming dalawa na lang ni Kyle ang magkasama, bakit kaya gusto ni Tita na kaming dalawa lang, nakakahiya na masyado eh hindi ba nila alam na baka pagkatapos ng araw na ito hindi na ulit kami magkikita ng anak niya.
"Smile naman kayong dalawa parang hindi kayo masaya ah." saad pa ni Tita sa'min ng pareho kaming hindi manlang ngumiti, ramdam ko awkward sa pagitan namin dalawa ni Kyle sa tingin ba nila makakangiti ako sa lagay na ito nakakakaba kaya letse. Sa abot ng aking makakaya ay pinilit kong ngumiti ng buong saya para lang hindi ipahalata na kinakabahan ako.
"Perfect!" natutuwang saad naman ni Tito ng makuhanan kami.
"Wait tayo naman Hon isama na rin natin si Mia." Hirit pa ni Tita na isama raw ako sa kanila, kaya wala na naman ulit akong nagawa, parte ba ako ng pamilya at kailangan kasama nila ako. Ano ba naman itong pinasok ko nagmahal lang naman ako ng Bading, pero pakiramdam ko nagkaroon na agad ako ng biyanan.
"Ako na po kukuha sa inyo." Prisenta ni Angel at lumapit naman sina Tito at Tita sa'min ni Kyle, tumayo si Tita sa tabi ko at si Tito naman sa tabi ni Kyle, pilit na naman akong ngumiti kahit nakakahiya na talaga ito, para bang gusto ko na lang i-fast forward amg mga nangyayari. Matapos noon ay nakahinga na ako ng maluwag nang silang tatlong pamilya na lang ang nagpakuha ng litrato.
"Ano iyon gurl instant family picture, parang gustong-gusto ka ni Tita Vash eh?" pang-aasar ni Lyn sa'kin sinabayan pa ng panunuksong ngiti ang mga ito.
"Tigilan niyo nga ako." inis kong saad sa kanila nakakainis na kasi, natutuwa pa sila habang ako gusto na lang magpalamon sa lupa.
"Ate let's go aalis na tayo." tawag na sa'kin ni Renzo.

"Pa'no ba 'yan mauuna na ako sa inyo ah." pagpapaalam ko na sa kanila, "Tita, Tito mauna na po ako." sunod na paalam ko kina Tita.
"Okay sige ingat, congrats ulit." sagot ni Tita sa'kin at ikinagulat ko ng bigla itong nagbiso sa'kin bago pa ako makaalis.
"Hehe thanks po," tipid na nasagot ko na lang.
"Mia kita na lang tayo sa party mamaya," saad naman ni Audrey.
"Hindi ko pa sure kung pupunta ako."
"Bakit naman last na ito eh pumunta ka na." pagpipilit ni Lyn.
"Pupunta 'yan pag ako ang pumilit jan walang takas sa'kin yan." Nakangising saad ni Angel sigurado naman talagang pipilitin na naman ako ng gagang ito.
"Sige na bye guys."
"Kay bakla hindi ka magpapaalam?" ikinatigil ko sa paglakad ang sinabing iyon ni Raf saka marahang napalingon ulit sa kanila, napatingin din ako kay Kyle at sakto ring nakatingin din siya sa'kin.
Kakausapin ko ba siya baka deadmahin lang ako eh, pero bahala na.
"B-bye Kyle." saad ko at kahit pinilit kong 'wag mautal ay nabigo ako dahil nag-umpisa na naman akong balutin ng kaba, nakatingin pa rin siya sa'kin dahilan para mas lalo lang bumilis ang tibok ng puso ko na parang tinatambol nadagdagan pa lalo nang ngumiti siya sa'kin saka tumango.
"Geh ingat," tipid na saad niya sa'kin na mas dahilan upang mas lalo akong mapangiti, ito yung saya talaga na hinahanap ko eh ang boses niya na parang hinaplos ang puso ko upang makaramdam ako ng totoong saya ngayon.
'Sa wakas ito na iyon kina-usap na niya ulit ako,' kinikilig kong sabi sa sarili ko kahit alam kong ngayon lang ito.
"Hoy ano pa hinihintay mo uuwi ka na 'di ba uwi na baka himatayin ka pa rito sa kilig eh. Uwi na, uwi." pagtataboy na sa'kin ni Angel dahil hindi ko na nagawang humakbang matapos ang sinabi ni Kyle.
"Mama mo kilig, tss." pabulong kong angal sapat na para ako lang makarinig, kahit kailan epal siya sa kaligayahan ko. Tinirikan ko siya ng mata bago ako humakbang patalikod saka tuluyang umalis.
...
Ganap na alas 7 pm na.
Papunta na kami ni dem*nyong Angel ngayon kung saan ang party hindi na sana ako pupunta pero dahil dinem*nyo na naman ako ng Angel na ito ay wala na akong nagawa.
"Anong oras kayo uuwi susunduin ko na lang kayo mamaya?" tanong iyon ni Papa sa'min dahil siya ang naghatid sa'ming dalawa ni Angel ngayon papunta sa party.
"Baka 11 or 12 po, pero 'wag niyo na kaming sunduin Pa may pasok pa po kayo bukas baka mapuyat kayo," sagot ko naman.
"Oo nga po Tito 'wag niyo na kaming sunduin kaya na po naming umuwi magpapasundo na lang po kami sa boyfriend ko mamaya ihahatid ko po si Mia sa inyo," saad naman ni Angel.
"Sigurado kayo? Mag iingat kayo tawagan niyo ako pag walang sumundo ah."
"Opo kaya na po namin yun," sagot ko.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami ni Angel sa isang resort kung saan gaganapin ang graduation ball namin, agad na rin kaming pumasok.
Naglalakad pa lang kami papasok sa malaking gate ay dinig na namin ang malakas na tugtog na talaga namang nakaka excite pakinggan.
[Novel written by Author Yham]
"Hello party people!" Salubong na sigaw sa'min ni Raf nang makita na kami nito, alam naming nag-aabang sila sa gate dahil nag-usap na kami sa gc na sabay-sabay papasok.
"Wow naman sabi hindi pupunta pero sa lagay na 'yan parang handang-handa ka ah." pang-aasar ni Audrey ang bumungad sa'kin habang sinusuri ang itsura ko, nakasuot lang naman kasi ako ng simpleng dress na sky blue ang kulay na hindi lalagpas sa tuhod ang haba at naka sandals na may two inch na takong.
"Ano ba naman magagawa ko eh itong si Angel kung anong pinaglalagay sa mukha ko ayaw ko na nga sanang mag-ayos eh." saad ko rito.
"It's okay Mia ayos na 'yan ang ganda mo tonight." sunod na papuri naman ni Lyn sa'kin.
"Tonight lang." sarkastiko tinig mula sa likuran namin ang nagsalita, sabay-sabay kaming napalingon doon at saka ako nakaramdam na parang tinatambol na naman ang puso ko sa subrang bilis ng tibok nito ng mapagtanto kong si Kyle ang nagsalita.
Ohemge bumabalik na ata kami sa dati, nagsisimula na siyang mang asar sa'kin, napatingin ako mula sa black shoes na suot niya paakyat sa buong katawan ni Kyle para suriin ang kabuan nito at talaga namang sa pagkakataong ito madidiscribe mo sa kanya ang salitang perfect.
Suot niya ang maroon na long sleeves na naka tack in sa itim na maong pants na talaga namang bagay na bagay sa kanya.
"Hanip ah parang kayong dalawa lang ang nag handa sa party na ito ah, si Audrey kasi kahit nag ayos na wala paring pinagbago," sunod na pang-aasar ni Raf kay Audrey.
"Makapagsalita ka naman ah ikaw din naman kahit naka lipstick at blush on na dugyot parin." pambabara din ni Audrey kay Raf.
"Come on guys dito na lang ba tayo sa labas let's enjoy the party. Arat na!" masayang saad ni Lyn saka nauna na sa pagpasok kaya naman nagsunuran na kami, marami na ring tao ang nandon karamihan ay puro ka batch namin kitang-kita sa mukha ng bawat isa ang saya at talaga naman yatang pinaghandaan nila ang gabing ito, dahil wala kang makikita na kahit isang walang ayos ang mukha. Okay na rin naman pala na hindi na ako tumangging ayusan ni Angel baka ako lang ang haggard dito ngayon. Pansin din na ang gaganda ng mga suot nila merong simpleng dress lang ang suot, meron ding naka gown, sa lalaki ay casual na sa kanila ang polo at long sleeves at meron din namang naka coat.
Halata naman na puro sayawan lang ang magaganap ngayong gabi pero nakakaexcite pa rin, ewan ko ba hindi naman ako natutuwa pumunta sa ganitong kasiyahan pero ngayon pakiramdam ko mag-eenjoy ako.
May ilang nakapalibot na mga mesa at upuan sa palibot ng dance floor kaya doon muna kami naupo, nagsalita muna ang principal para simulan ang kasiyahan at para din icongratulate kaming lahat na nagtapos, naririto rin ang ilang guro namin na sasabayan kami mag-enjoy, minsan lang rin naman mangyari ito kaya sulitin na.
Matapos ang mga pinagsasabi ng principal na hindi ko naman naunawaan ay nagsimula nang umingay ang mga tao sa paligid upang sabayan ang nakakatuwang kanta na talaga namang mapapaindak ka.
"Let's dance guys!!!" lagsabay din ni Raf sa ingay kasabay ay nagtayuan na kaming lahat at nakisabay na rin sa sayawan natutuwa ako ngayon na hindi ko maipaliwanag gusto kong mag-enjoy at magsaya na parang wala nang bukas.
Nakisabay na rin umindak ang aking katawan kahit hindi ko alam kong anong pinaggagawa ko basta ang alam ko lang sumasayaw ako.
"Gurl happy ka?!" Pasigaw na tanong ni Angel sa'kin upang magkarinigan kami sa subrang ingay.
"Gaga bakit mo tinatanong?!" Pasigaw ko ring tanong sa kanya.
"Wala!" sagot niya sa'kin at bigla namang sumigaw si Raf.
"Guys masaya ngayon si Mia kaya magsaya rin tayo para sa kanya!" sinabayan pa ni Raf nang pagtalon. Sira ulo ba sila hawak ko ang emosyon nila kaya kapag masaya ako masaya rin sila, raulo.
Pero kisa isipin iyon dapat ay magsaya lang ako, panay ang sayawan nila pero habang tumatagal napapansin ko na may halo nang tulak ang ginagawa nila sa'kin hanggang sa may nababangga na ako sa likod ko na sumasayaw din.
*/boooggshh
Naramdaman ko na parang may tumulak sa'kin kaya napaatras na lang ako at nawalan ng balansi ang katawan ko. Naramdaman kong anumang oras ay maturumba ako at ngungudngid ang mukha ko sa sahig pero hindi nangyari dahil may nakasalo sa'kin at nahawakan niya ang kanang kamay ko habang ang isang kamay naman niya ay naituon niya sa likod ko para hindi ako matumba.
Ayaw ko sanang tumingin sa mukha ng lalaking nakasalo sa'kin dahil sa kahihiyahan pero meron sa loob kong nagsasabing tingnan ko kung sino iyon. Napansin kong lalaki iyon dahil sa amoy panlalaking pabango na alam kong sa lalaking nakasalo sa'kin nagmumula ang amoy, kaya dahan-dahan akong napaangat ng tingin sa lalaki na ngayon ay hawak pa rin ang kamay at ang likod ko.
Agad na naman bumilis ang tibok ng puso ko ng magtama ang paningin naming dalawa.
Nakakarami na itong puso ko ah, kanina ko pa kasi hindi mapigilan at kusa na lang tumitibok ng subrang bilis.
Pakiramdam ko rin ay nangangamatis na ako ngayon sa subrang pula kaya laking pasasalamat kong hindi maliwanag dahil siguradong nakakahiya na talaga. Agad ko nang naiwas ang paningin ko sa kanya at agad na tumayo ng ayos upang hindi ipahalata ang kaba ko.
"Sorry Kyle." paghingi ko ng paumanhin sa kanya at saka tumango lang siya sa'kin bilang sagot, hindi ko nakita ng malinaw kung anong reaksiyon niya dahil patay sindi pa ang iba't-ibang kulay na ilaw na nagmumula sa disco light.

Komento sa Aklat (70)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    17/07

      0
  • avatar
    AbpetSarah

    good

    22/05/2025

      0
  • avatar
    Marc Kevin Sena

    good

    23/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata