Diary had Lost

Mia's POV
Dear Diary,
Sa isang linggo na ang graduation namin pero hanggang ngayon ay hindi parin ako kinakausap ni Kyle, halos isang buwan na siyang umiiwas sa'kin hindi ko na alam ang gagawin ko, matatapos na ang pasukan at hindi ko alam kung kailan ulit kami magkikita kita pagkatapos nito.
Matatapos na lang ata kami sa ganito, gulong-gulo na ako paano ba patitigilin ang puso ko na sana hindi na lang siya ang tinitibok nito.
Sana kaya kong ibalik ang mga panahon at sa umpisa pa lang pinigilan ko na itong nararamdaman ko para hindi sana umabot sa ganito na parang hindi kami magkakilala kung magturingan, para na lang akong hangin sa kanya na kahit nasa harap na niya hindi pa rin niya nakikita.
Bakit ba naman sa dami ng lalaki sa mundo siya pa ang minahal ko, siya ba ang dapat kong sisihin? Ang bading na iyon ba ang dapat kong sisihin o ang sarili ko. Bakit ba naman kasi ginawa niya ang mga bagay-bagay na siya lang ang nakakagawa sa'kin, katulad ng pag-aayos sa sarili ko na hindi ko nagagawa pero siya, siya ang nakagawa na ayusan ako para pag mukhaing tao.
Doon pa lang humanga na ako sa kanya yung ipinaparamdam niya sa'kin na sa tuwing may pinagdadaanan ako ay hindi ako nag-iisa dahil nandyan siya sa tabi ko at nag-aalala .
'Yung lahat ng pang-aasar niya na kahit nakakainis madalas pero at the end ay napapasaya pa rin ako,
'Yung presinsya niya lang ay sapat na, kapag malungkot ako ay makita ko lamang siya ay nagbibigay na sa'kin ng inerhiya,
'Yung mga bisig niya na nagsilbi kong sandalan habang ako ay umiiyak,
'Yung likod niya na handa akong pasanin habang may pilay ako,
Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa sarili ko dahil kahit anong gawin kong paglimot ay siya pa rin ang tinitibok nito, ang Bading na yun parin ang mahal ko at paulit-ulit pinipili ng puso ko
Mahal ko siya, kaya tanggap ko kung hanggang dito na lang talaga kami kahit hindi na niya ako mahalin pabalik ay buong puso kong tatanggapin basta bumalik lang kami sa dati, bumalik lang yung dating samahan namin, yung samahan naming kagaya sa umpisa kahit iyon lang ay masaya na ako dahil kahit kaibigan na lang alam kong nandiyan pa rin siya para sa'kin at lagi kong masasandalan.
Kahit kaibigan na lang ang mahalaga sa'kin magkasama pa rin kami.
At ang pagmamahal ko sa kanya ay patuloy ko na lang itatago basta bumalik lang kami sa dati...
Kahit dito na lang sa sulat ko gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko siya... "I LOVE YOU, KYLE."
...
"Oy Kyle sasabay ka sa'min?" Ikinagulat ko ang biglang pagsalita ni Angel habang tinatawag si Kyle, agad naman akong napalingon sa likod ko at ikinagulat na nandoon nga sila sa likod ko pati na rin si Kyle bigla naman akong kinabahan umaasang sana lang hindi niya nabasa ang sulat ko.
Lunch na namin, kakagaling lang namin sa gym dahil nag pa-practice na kami para sa graduation at nauna ako rito sa cafeteria dahil nag cr pa sina Angel.
Dahil dumating na sila ay agad ko nang tinago ang diary ko bago pa may ibang makapansin.
"Hoy bakla ano ka ba naman ba't hindi ka na sumasabay sa'min 'wag ka naman ganiyan halika na sumabay ka na sa'min." saad ni Audrey at hinila na nito si Kyle papaupo sa tabi ko kaya hindi na ito nakatanggi pa ng mapilitan siyang mapaupo.
"Jan muna kayo bibili lang kami ng pagkain," pagpapaalam naman ni Raf.
Binigay ko na rin ang pera kay Angel at siya na ang bahalang bumili ng para sa'kin.
Katahimikan ang namagitan sa'min ni Kyle nang maiwan kaming dalawa sa table na iyon dahil bumili ang apat ng pagkain, alam kung ito ang tiyana na p'wede ko siyang kausapin ngunit walang salitang gusto kumawala sa bibig ko, tila ba nalunok ko ang dila ko at kahit pagbuka ng bibig ay hindi ko na nagawa, bahagya ko siyang nilingon dahil nasa tabi ko lang ito ngunit mas lalong hindi ko na sinubukan magsalita dahil baka maka-istorbo pa ako dahil panay ang kalikot niya sa phone niya at hindi manlang nag-abalang lumingon sa'kin.
Sigundo lang ang lumipas ay nakabalik na ang mga kaibigan namin dala ang mga pagkain saka sabay-sabay na kaming kumain.
Panay ang usapan nila pero tahimik pa rin kaming dalawa ni Kyle habang kumakain, hindi na sila nang-aasar sa'min ngayon dahil siguro nararamdaman din nila ang pagkailang namin pareho ni Kyle sa isa't-isa.
Matapos kumain ay pumunta na kami sa room para magpahinga muna dahil babalik kami sa practice ng 1 o'clock.
Habang nasa room kami ay nagpapatugtog lang ng music si Raf dahil may dala itong maliit na speaker kaya naman nakakarelax habang walang ginagawa.
Makalipas lang rin ang isang oras ay bumalik na kami ng gym para ipagpatuloy ang practice.
...
Alas tres na nang matapos ang practice namin, dumaan muna ako ng cr para magpalit ng damit dahil pinagpawisan na rin ako.
Matapos kong magpalit au ipinasok ko na sa bag ko ang hinubad kong damit ngunit bigla akong kinabahan ng hindi ko makita sa loob ng bag kong iyon ang diary ko na alam kong nandito lang kanina, 'Naiwala ko ba 'yun bakit wala dito ipinasok ko iyon kanina dito eh.' kinakabahan kong saad sa sarili ko.
Hinalungkat ko lahat ng laman ng bag ko pero wala pa rin akong nakita.
'Hindi pwedeng mawala iyon nandon lahat nakasulat ang madramang kwento ng buong buhay ko.' saad ko pa sa sarili at napahawak na lang ako sa noo ko dahil hindi ko na alam kung saan ako magsisimulang hanapin iyon, potek hindi ito maaari hindi 'yun pwedeng mawala.
Inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na ng cr sana mahanap ko pa ang diary ko, huhuhu lagot na ako nito pag may ibang nakabasa sa mga sulat ko doon.
Napatigil ako sa paglalakad ng marinig kong tumunog ang messenger ko kaya kinuha ko ang phone sa bulsa ng pantalon ko.
Si Josh ang nag chat sa'kin ng makita ko ang name niya sa notification. Maraming beses na akong nakatanggap ng message galing sa kanya pero hindi ko iyon seni-seen at dinedelete ko agad, bakit pa ba siya nag cha-chat sinabi ko nang 'wag na siyang babalik eh.
Sa pagkakataong ito binuksan ko ang chat para malaman kung ano ang sinabi niya.
Josh: Mia nandito po ako sa labas ng school niyo pwede ba tayong mag-usap...
Basa ko sa chat niya, ano naman kaya nakain niya at gusto niyang makipag-usap.
Me: Go home, wala na ako sa school nakauwi na ako.
Pagsisinungaling kong reply sa kanya.
Josh: Please po.
Reply ulit niya. Sabay akong napabuntong hininga agad kong tinawagan si Angel.
[Novel written by Author Yham]
Angel's POV
Paakyat na kami nina Audrey sa hagdan pabalik sa classroom para kunin ang naiwan naming gamit nang bigla na lang tumunog ang phone ko at nakitang tumatawag si Mia.
Ano naman kayang trip nito sumunod na lang sana siya sa'min tumawag pa eh.
"Oh bakit? Nandito na kami sa room gurl umakyat ka na lang dito 'di ka na namin nahintay," saad ko rito.
[Favor nga please?] ikinagulat ko ang sinabi niya sa kabilang linya, baka dinatnan siya at ngayon niya lang nalaman kaya hihingi ng favor hindi naman kasi tatawag 'yan basta-basta lalo na at nasa cr siya ngayon.
"Huh ano yun?" tanong ko rito kaya napalingon naman sina Audrey sa'kin.
[Si Josh nasa labas ng school gurl gusto niya raw akong maka-usap sinabi ko nakauwi na ako, kaya puntahan mo siya sa labas sabihin mong nakauwi na nga ako.] paliwanag niya sa'kin si Josh lang naman pala akala ko naman...
"Anong sabi mo?!" Bigla kong tanong para linawin ang sinabi niya.
[Si Josh puntahan mo sa labas ng school sabihin mo nakauwi na ako.]
"Bakit ako pa, puntahan mo na kaya."
[Ayoko puntahan ikaw na lang basta sasabihin mo lang na nakauwi na ako at umuwi na rin siya.]
"Pero bakit ba kasi nagsinungaling ka pa kinausap mo na sana," reklamo ko pa rito.
[Sige na gurl bilis na kanina pa iyon nandoon sa labas puntahan mo na.] Pagpupumilit pa niya sa'kin.
"Sige sige na nga." napipilitang sagot ko at saka pinatay ang tawag.
Papasok na sana kami ng classroom ng tawagin ko si Kyle.
"Bakla samahan mo muna nga ako saglit," saad ko kay Kyle.
"Saan?" tanong naman niya.
"Basta samahan mo ako, Drey pumasok na kayo babalik agad kami may kakausapin lang ako." paalam ko sa kanila at tumango naman ang mga ito saka naglakad na ulit kami ni Kyle pababa at saka tinahak ang daan palabas ng gate.
"Sino ba kakausapin mo ah?" tanong pa ni Kyle sa'kin.
"Si Josh daw sabi ni Mia, sabihin ko raw na umuwi na siya para umalis na si Josh. Ewan ko sa babaeng iyon hindi na lang kasi magpakita sa tao kailangan pang magsinungaling."
Nang makalabas kami ay hinanap ko agad si Josh at sakto namang nakita ko siya sa may gilid nakatayo kaya linapitan na namin ito.
"Josh." Tawag ko sa kanya kaya agad naman itong napalingon sa'min at saka ngumiti ng pilit sa'kin.
"Ikaw pala si Josh, nice to meet you I'm Kyle." saad ni Kyle rito na ipinagtaka ko, ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso makipag-usap sa iba gamit ang normal niyang boses at hindi niya iniipit ang boses para paliitin ang tono nito, siya pa talaga nagpakilala sa sarili niya.
Nagiging lalaki na ata ang baklang ito ah congrats naman kung ganoon pero malabo naman yata.
"Ahh nice to meet you too." saka lang ako bumalik sa sarili kong katinuan nang sumagot si Josh.
"You're looking for Mia right?" tanong pa ni Kyle at napangisi na talaga ako ng palihim dahil seryoso nga si Kyle at nag-uumingles pa yung bakla, ako dapat ang kumakausap kay Josh eh bakit ba siya sumingit baka sa isip niya nakaharap na niya ang karibal niya, hahaha charot lang ako lang nag-iisip noon.
Siniko ko ng mahina si Kyle para tumigil na.
"Ahmm Josh kasi tumawag sa'kin si Mia na nandito ka raw sa school kaya sinabihan niya ako na kausapin kita pasensya na ah nakauwi na kasi siya kanina pang 12." saad ko rito at kita ko ang lungkot sa mga mata niya ng sabihin ko yun.
"Ganun ba?" tanong niya at tumango naman ako.
"Pasensya na ah uwi ka na lang sa susunod mo na lang siya kausapin busy din kasi kami eh." paghingi ko pa ng pasensya rito.
"Sige salamat po uwi na ako." saad niya pa at saka naglakad na patalikod.
Kaya naglakad na rin kami ni Kyle pabalik sa room.
"Iyon pala yung Josh, mukha ngang manloloko." saad ni Kyle habang naglalakad na kami paakyat ng hagdan.
"Selos ka ba, 'wag kang mag-alala halata namang lamang na lamang ka doon." pang-aasar ko sa kanya.
"Sira ulo mo te." singhal nito sa'kin at saka binilisan ang paglalakad kaya naiwan ako, gusto ko pa sana siyang asarin eh pero mukhang wala sa mood kaya 'wag na lang.

Komento sa Aklat (70)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    17/07

      0
  • avatar
    AbpetSarah

    good

    22/05/2025

      0
  • avatar
    Marc Kevin Sena

    good

    23/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata