Homepage/Diary Ng Babaeng NBSB (Book 1)/
Pag-iwas
Mia's POV
"SUNOG!!! Mia bilisan mo nasusunog na ang bahay bilis! Sunog! Sunog! Kailangan nating makalabas!"
Napabalikwas ako ng bangon sa malakas na sigaw na iyon ni Angel, may sunog daw kaya agad naman akong napatayo kahit hilong-hilo pa ako at kumikirot sa sakit ang ulo ko ay wala sa sarili akong napakaripas ng takbo palabas ng bahay.
Nang makalabas ako ay ipinagtaka kong walang sumunod sa pagtakbo ko, at ang tanging narinig ko lang ay ang malalakas na hagalpak nila ng tawa.
Saka palang ako nagising sa katotohanang denimonyo na naman ako ng mga sira ulo kong kaibigan, napahawak na lang ako sa ulo ko dahil sa pagkahilo, nakatakbo rin pala ako palabas ng bahay na wala manlang sapin sa paa. Sino ba namang makakaisip mag suot pa ng tsinelas kung magigising kang natataranta dahil may sunog daw pot*ng*na.
Wala talagang magandang umaga ang bubungad sa'yo kapag mga demonyo ang mga kaibigan mo. Bwesit na 'yan, napahilamos na lang ako sa mukha antok na antok pa ko eh. Agad akong bumalik sa loob ng bahay, kitang-kita ko sa mukha ng mga kaibigan ko ang mala-demonyong tawa na talo pa ang asong nauulol.
"BWAHAHAHAHAHA!!!" Hagalpakan nila ng tawa ng makita nila akong umuusok na sa galit, agad akong lumapit sa kanila at isa-isa itong pinagbabatukan sa ulo.
"It's a Prank!" sigaw pa ni Angel habang tawang-tawa ang walang'ya.
"Mga dem*nyo kayo tang*na niyo." Galit ko pang mura sa kanila pero hindi pa rin sila natigil kakatawa.
"Ano ba naman kayong mga bata kayo, mga pasaway. Natutulog pa ang kaibigan niyo eh." saad ng Mama ni Audrey habang pigil din ang tawa nito, marahil naaawa lang ito sa'kin kaya hindi niya ipinakitang natatawa na rin siya sa nangyari.
"Grabe natatawa ako sa reaksyon mo gurl, kakabangon mo lang tumakbo ka agad tinalo mo pa si Flash, HAHAHAHA," pagsasalita ni Angel kaya pinanlisikan ko ito ng tingin.
"Pinaglihi ka talaga sa bulbol ni Satanas hayop ka, malamang tatakbo ako kasi sabi mo may sunog nga tang*na." galit kong sabi pero hagalpak na tawa na naman ulit ang natanggap ko sa kanila.
"Sorry na ginigising ka lang namin." Paghingi pa ng pasensya ni Angel pero hindi ko siya pinansin bagsak ang mga balikat akong napauo sa sofa.
"Magsi almusal na kayo nakahanda na ang pagkain, mga pasaway na bata ito oh." saad ulit ng Mama ni Audrey at saka ito naglakad papunta sa gawi ng kusina.
Nagsunuran naman kami sa kusina at nakahanda na nga ang almusal, nakabusangot ang mukha kong naupo kaharap nila. Inayos lang ng Mama ni Audrey ang mga pagkain at iniwan din kami nito pagkatapos.
[Novel written by Author Yham]
Nagtaka akong hindi ko nakita si Bading sa harap namin at kaming lima lang ang nandito ngayon.
Bigla ay kung anong mga larawan ang puminta sa utak ko at doon ko naalala ang mga nangyari kagabi potek anong kagagahan ito Mia, nakakaloka ka. Agad kong kinuha ang baso na may lamang tubig at agad na niligok ang laman noon.
"Anong nangyari kagabi?" sgad kong tanong sa kanila at kitang-kita ko ang gulat sa mga mukha nito, nagtinginan pa muna ang mga ito bago tumingin sa'kin.
"Grabe wala kang maalala ganoon ka na ba subra kalasing sis?" tanong naman ni Raf.
"Naaalala ko ang nangyari kagabi tinatanong ko lang para makasiguradong totoo nga ang mga nangyari sa'kin," sagot ko rito.
"Kung ano man ang naaalala mo iyon ang mga nangyari gusto mo pa bang ipaalala pa namin sa'yo isa-isa?" tanong naman ni Angel pero hindi na ako sumagot.
"Baka nakalimutan mo din na umamin ka na ng feelings sa Bading mo-"
"At nag kiss kayo." Pagpuputol ni Angel sa sinasabi ni Lyn.
Watdapak alam ni Angel na nag kiss kami ni Kyle, baka nakita niya nga kami kagabi.
"ANO?!" Sabay-sabay na sigaw na tanong naman ng tatlo.
"Wes totoo nag kiss sila sis bakit hindi mo sinabi sa'min kagabi?" Nagtataka namang tanong ni Raf.
"Ay oo nga pala hindi ko nasabi sa inyo, pero totoo iyon at ang pinaka the best si Mia ang humalik kay Bakla." Pag kukwento ni Angel at tila ba proud pa ito na nag kiss kami ni Kyle, sunod na akong napayuko na lang sa hiya nakita niya rin pala yun, bwesit...
"Whaa ayiiee congrats gurl wala ka pang jowa may first kiss ka na agad." kinikilig pang saad ni Lyn sa'kin.
"Magsitahimik na nga kayo pwede ba, na i-stress na ako wala na akong harap na imumukha sa Bading na iyon pagkatapos ng nangyari," malungkot kong sambit.
"Keri lang 'yan sis kahit wala kang harap na imumukha, atleast may mukha ka pang ihaharap," pagtawa ni Raf. "Support kami sa'yo hindi ka naman matitiis ni bakla for sure." pagpapalakas loob naman sa'kin ni Raf.
"Sana nga ganoon, bakit ba naman kasi ganito sana hindi niyo na ako pinainom mga bwesit kayo."
"Kami pa talaga sinisi ginusto mo rin naman gurl," ani Audrey.
"T'saka mas mabuti nga 'yan nasabi mo na sa kanya hindi mo na kailangan ilihim pa ang totoo ano ka ba," ani naman ni Lyn.
Napabuntong hininga na lang ako sa mga sinabi nila, tama sila ngayon pa ba ako magsisisi mabuti nga at naamin ko na ang totoo kong nararamdaman sa kanya. Pero hindi dapat eh, hindi ko dapat inamin walang'ya hindi dapat.
Ilang oras pa kaming nanatili sa bahay nina Audrey bago namin napagpasyahang umuwi.
Pakarating ko ng bahay ay nadatnan ko si Mama sa labas.
"Ma nakauwi na po ako." bungad ko rito na hindi tumitingin sa mga mata niya, dahil alam kong may ginawa akong hindi niya dapat malaman.
Pero papasok na sana ako ng pinto ng tawagin niya ako at siya ring pag labas ni Renzo.
"Teka Mia hindi ba kayo natulog kagabi? O umiyak ka kaya namumula at namamaga 'yang mata mo?" Nagtatakang tanong niya na ikinagulat ko himdi ko pa pala nakikita ang sarili ko sa salamin lagot na ako nito.
"A-ahh ehh natulog po kami ma, n-namaga ang mata ko kasi nag movie marathon kami at drama yung pinanood namin kaya ganoon po nakakaiyak eh." Nauutal kong pagsisinungaling rito at napatango naman siya pero ng si Renzo ang tingnan ko alam kong hindi siya kumbinsido sa palusot ko.
"Talaga ba Ate? Baka nag-inom kayo dun kaya may hang-over ka." sabat ni Renzo at sinasabi ko na nga ba hindi siya kumbinsido eh.
"Ano bang sinasabi mo hindi ah." pagtanggi ko pa.
"Maniwala sa'yo, Ma baka uminom 'yan si Ate kaya namumula ang mata tapos nung nalasing umiyak kasi broken eh." saad ni Renzo na parang alam na alam ang mga nangyari manghuhula ba siya.
"Ewan sa'yo raulo makapasok na nga." irita kong saad rito at nagmadali nang pumasok ng bahay baka magisa pa ako ni Mama nabwesit na nga ako ng maaga kanina dahil sa sunog na wala naman pala dadagdagan pa ng isa pang walang'yang kapatid.
...
ILANG ARAW ANG NAKALIPAS.
Dear Diary,
Sadya nga yatang hanggang dito na lang kami magtatapos ni Kyle.
Expected ko na rin naman ang lahat na baka iwasan ako ni Kyle sakaling magkita na kami at iyon nga ang nangyari, ito na nga ang kinakatakot kong mangyari eh yung pag nasabi ko na sa kanya ay magbabago na ang lahat sa'min. At hindi na magiging gaya sa dati.
Pati mga kaibigan namin ay naaapektuhan na rin ng dahil saming dalawa ni Kyle nang dumating kasi ang Monday ay doon na nag umpisang magbago ang lahat ilang beses ko siyang sinubukang kausapin para sana kahit papaano ay makahingi ng sorry sa kanya kasi tanggap kong hanggang dito lang kami pero sa ilang beses kong subok ay ilang beses din siyang umiwas.
Hindi ko alam kung paano mapuputol ang awkwardness sa pagitan naming dalawa, dahil gusto kong bumalik kami sa dati kahit bilang mag-kaibigan.
Ngunit hindi ko alam kung paano ibabalik lahat, tuwing umaga pagpasok sa school naaalala ko lagi na kakapasok pa lang niya ay pang-aasar agad ang ibubungad niya sa'kin pero ngayon mas malamig pa sa yelo ang pakikitungo niya at kahit pa sa mga kaibigan namin.
Tuwing lunch hindi na siya sumasabay sa'min, na dati naman ay nakagawian na naming gawin.
Nakakalungkot at subrang nagsisisi ako kung bakit ako nalasing at nasabi ang lahat sa kanya, nagsisisi ako ngayon dahil hindi ko alam kung paano ko maibabalik ang dating asaran at samahan namin kahit bilang magkaibigan na lang sana ay matatanggap ko basta bumalik lang kami sa dati.
...
Napabuntong hininga ako matapos kong isulat yun sa diary ko puno ng bigat ang loob ko ngayon mas mabigat pa kisa sa naranasan ko kay Josh.
Naitago ko na ang diary ko ng magdatingan na sa room sina Audrey kasama ang iba pa naming kaklase. Ako palang kasi ang nauna dito sa room ngayon.
"Hoy gurl hindi pa rin ba kayo nag-uusap ni bakla kahit kami naguguluhan na rin kung paano kayo kakausapin ng sabay eh, ayaw ko na ng ganito gusto ko yung masaya lang tayo nakakapanibago eh." saad ni Audrey sa'kin sabay lapag ng bag niya sa upuan.
Wala akong naisagot sa kanya dahil kahit ako ay nahihirapan na rin sa pakikitungo ni Kyle sa'min ngayon.
"Hayaan mo na Drey intindihin mo na lang pareho pa silang nag aadjust eh hayaan muna natin," saad naman ni Lyn.
"Kalerkey kahit ako naman naguguluhan na rin kung kanino ako sasabay minsan; kong sa inyo ba o kay Kyle." Mataray namang saad ni Raf.
"Kina-usap muna ba siya gurl?" tanong naman ni Angel
Umiling naman ako. "Sinubukan ko na pero lalapit pa lang ako ay naglalakad na siya palayo na eh." matamlay kong sagot at ramdam kong pati sila ay nalulungkot na rin.
Agad na rin kaming natahimik nang dumating na si Kyle at kasunod si Ms. Cathy, siguradong wala na rin kaming gagawin ngayon sa klase dahil puro pasahan at compilation na lang ng lahat ng subject ang mga kailangan dahil tatlong linggo na lang ay Graduation na namin. Puro practice na lang din ang gagawin namin sa susunod na linggo.
Ilang minuto lang nanatili si Ms. Cathy sa room dahil kinausap lang kami nito, sa ilan pang hindi nakakatapos gumawa ng project sa subject niya.
Lumipas pa ang ilang oras na hindi na ako umimik pa panay ang daldalan nila pero hindi ako nakisali, ganoon din naman si Kyle pinapakiramdaman ko ang bawat galaw na gawin niya, upang tsumimpo para kausapin sana siya pero mailap pa rin ang sandali upang mapagbigyan ako nito na makausap manlang siya kahit saglit.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (70)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
done
17/07
0good
22/05/2025
0good
23/11/2024
0Tingnan Lahat