Kyle's Care

Kyle's POV
Naglalakad na ako pauwi ng bahay, gabi na ngunit ayos lang iyon wala sina Mom sa bahay kaya wala magagalit kahit umagahin ako ng uwi, kagagaling ko lang sa mga kaibigan kong bakla tumumbay lang ako ng ilang oras dahil walang magawa sa bahay umalis kasi sina Mom at Dad dahil may pinuntahan silang busines Trip at sa Linggo pa ang uwi kaya sina manang lang ang kasama ko sa bahay ngayon.
Malapit na ako sa bahay nang makita ko ang isang pamilyar na tao na naglalakad, naka suot siya ng hoodie jacket at naka short lang.
Dahil makakasalubong ko lang naman siya nmay nilapitan ko na ito. Nagtataka lang ako kung bakit pa siya nandito eh anong oras na.
"Hoy te anong ginagawa mo rito pagala-gala ka pa anong oras na oh." Sita ko sa kanya at napatingin naman siya sa'kin na wala manlang reaksyon ang mukha.
"Ano ba ginagawa ko rito." tanong naman niya sa'kin na tila nagtaka pa sa sarili. Lutang ba siya?
"Aba'y ewan ko sa'yo ikaw ang tinatanong ko tapos tatanungin mo rin ako loka-loka ka gurl."
"Wala napadaan lang ako," sagot niya pa.
"Napadaan? Saan ka naman pupunta ah?"
"Jan lang." sagot niya at napansin kong tila wala siya sa mood, nagtaka lang ako na wala naman siyang ibang kilala dito sa village namin kaya sino naman pupuntahan niya, wala nga talaga sa katinuan ang pag-iisip nitong loka-lokang tu.
"Yung totoo saan ka ba pupunta talaga?" tanong ko at bumuntong hininga pa ito.
"Kailangan ko ng kausap." walang emosyon n'yang sabi.
"Kausap? Kausap lang pala kailangan mo dapat tinawagan mo na lang ako o kaya si Angel na lang pinuntahan mo siya ang mas malapit sa'yo bakit dito ka pa pumunta," pangbubunganga ko sa kanya.
"Pwede ba 'wag ngayon baka sa inis ko ikaw ang sapakin ko." Wala paring emosyong saad niya at bagsak pa ang mga balikat na animo'y pasan noya ang mundo sa gabing ito dahil sa lugmok niyang itsura.
"Kaloka ka gurl, tara sa loob." Pag aaya ko sa kanyang pumasok ng bahay. Tumuloy naman agad ito.
"Kumain ka na ba?" tanong ko rito at napalingon ako sa kanya dahil na rin sa maliwanag ang ilaw sa labas ng bahay ay napansin ko ang namumula n'yang mata.
"Kumain na ako," tipid niyang sagot sa'kin.
"Ayos ka lang ba?" pagtataka kong tanong saka tumango naman siya bilang sagot. Alam kong ang tangong iyon ay kasinungalingan dahil nakikita ang sakit sa mga mata niya, ngunit hinayaan ko na lang ito.
Pagpasok namin ng bahay ay sinalubong naman kami ni Manang.
"Oy Kyle kanina pa kita hinahanap, yung Mommy mo tumatawag sa'yo hindi mo daw sinasagot, saan ka ba galing ah?" saad nito sunod na nabaling ang tingin kay Mia. "Oh Mia ikaw pala iha bakit napadalaw ka pa dito gabi na ah?"
"Good evening po manang." bati nito kay Manang, hindi sinagot ang tanong.
"Maupo ka iha." pag-alok nito kay Mia na maupo. "Kyle tawagan mo muna yung Mommy mo saan ba yung phone mo?" sunod na tanong ni Manang sa'kin.
"Nasa kwarto ang ko phone naiwan eh," sagot ko naman.
"Sige tawagan mo na lang kanina pa yun eh hindi ko naman alam kung saan ka pumunta," saad pa nito saka ito bumaling ulit kay Mia.
"Iha kumain ka na ba ipaghahain kita?"
"Kumain na po ako salamat na lang po," sagot ni Mia at ngumiti ito ng pilit.
Matapos noon agad naman akong hinila ni Manang papunta sa kusina sa hindi ko malamang dahilan.
"Kyle anong nangyari doon sa kaibigan mo gabing-gabi na ah bakit naparito may nangyari ba?" Pang-uusisang tanong ni Manang sa'kin na kahit nga ako ay hindi ko rin alam.
"Hindi ko po alam Manang, nasalubong ko lang 'yan sa labas kakausapin ko na lang mamaya."
"Sige kausapin mo, mukhang may problema eh sabihan mo ako pag may kailangan kayo." Tumango naman ako.
[Novel written by Author Yham]
Mia's POV
Hindi ako makapaniwala sa sarili ko, sadyang wala na nga yata talaga ako sa sarili ko nalaman ko na lang nakarating na pala ako dito sa bahay nila Kyle.
Umalis ako ng bahay kanina balak ko lang pumunta sa lugar na tahimik para makapag-isip-isip pero hindi ko akalain na sa bahay ni Kyle ako dadalhin ng mga paa ko.
"Hoy te tara doon tayo sa taas." biglang tawag sa'kin ni Kyle kaya napalingon na ako rito, tumayo naman ako at sumunod sa pag-akyat niya ng hagdan.
"Ano nangyari sa'yo okay ka naman na kanina bago tayo naghiwa-hiwalay nung umuwian ah?" nag-umpisa itong magtanong sa'kin pero hindi ako sumagot.
Pumasok siya sa kwarto niya saka sumunod naman ako roon.
"Maupo ka muna kakausapin ko lang si mudra," saad niya at kinuha ang phone sa table saka ito lumabas ng veranda ng kwarto.
Ilang sandali lang silang nag-usap saka ako lumabas ng veranda kung nasaan siya nang mapansin kong tapos na ang tawag, naupo rin ako sa mahabang upuan sa labas ng veranda niya, mukhang tama naman ata ang desisyon ng mga paa ko at dinala ako rito. Napakatahimik ng bahay nila at maganda ang lugar na kinaroroonan ko ngayon kasabay ng lamig ng hangin sa gabi ay unti-unti akong nakaramdam ng kaginhawahan. Ang swerte ni Kyle sa buhay dahil may ganito siya kagandang kwarto at veranda para maka pag-emote kapag sad boy siya.
"Sabihin mo nga sa'kin bakit ka ba talaga nandito?" Pangungulit paring tanong niya pero hindi ako sumagot, anong isasagot ko sa kanya hindi ko nga rin alam na sa dami ng pwedeng puntahan bakit dito pa ako napadpad sa kanya.
"Hoy bakit hindi ka ba nagsasalita ano ba talagang problema mo? Subrang lapit ng bahay mo kay Angel bakit dito ka pa pumunta?" tanong niya pa.
"Haha nakakatawa hindi ba? Pero hindi ko rin alam ang sagot sa tanong mo eh, basta na lang ako dinala ng mga paa ko rito." pinilit kong siglahan ang tinig ko ngunit nabigo ako.
"Paano naman mangyayari iyon hawak mo ang sarili mong utak bakit hindi mo alam?"
"Ayaw mo bang nandito ako sabihin mo lang kayang-kaya ko naman umuwi."
"May sinabi ba akong ayoko, nagtatanong lang ako kung bakit dito ka pumunta pwede naman kina Lyn, Angel o kaya kay Audrey." bumuntong hininga lang ako sa sinabi niya. Sana nga ganoon ang ginawa ko eh pero nandito ako ngayon sa bahay niya umaasang siya ang magiging dahilan para bumalik ang saya ko kasi nagawa niya kanina.
"Ba't ba ang kulit mo eh ayaw ko roon eh, kasi pag babae rin ang sinabihan ko ng problema ko tatalakan lang ako ng mga iyon lalo na si Angel, pero sa nangyayari ikaw itong sumisermon sa'kin ngayon." walang emosyon kong saad sa kanya at napabuntong hininga na lang ito sunod noon ay naupo narin ito sa tabi ko.
"Alam ba ng parents mong nandito ka?"
"Hindi."
"Hala gago bakit hindi mo sinabi?"
"Eh sa ayoko nga ba't ba?"
"Kahit kailan ang tigas ng ulo mo, ewan sa'yo. Anong gagawin mo dito ngayon magngangawa sa harap ko ayoko ng drama ah kaloka ka." Maarte n'yang sabi sabay dikwatro ng paa niya.
"Katahimikan ang gusto ko kaya manahimik ka," saad ko sa kanya.
"Kaloka katahimikan pala sana sa simbahan ka pumunta o kaya sa simenteryo dun ka makakahanap ng katahimikan."
"Sira ulo, sa dito nga ako napunta eh kaya bigyan mo ako ng katahimakan," Inis kong singhal sa kanya.
"Walang katahimakan pag ako kasama mo te, pero kung gusto mo ikukulong na lang kita sa cabinet sigurado doon tahimik ka." pang-aasar niya pa.
"Dem*nyo..." minura ko ito, akmang babatakun ko na sana siya ay agad na siyang dumistansiya sa'kin.
"Nandito ka na rin naman sabihin mo na sa'kin ang problema mo, alangan namang mananahimik tayo rito magdamag, kung gusto mo sasamahan pa kita uminom ilang bote ba kaya mo?"
"Gago hindi ako umiinom."
"Edi ngayon mag-inom ka, shot puno te hahaha." humalakhak pa ito sa tawa. Wala talagang katahimikan pag ang Bading na ito ang kasama ko hindi na ako nasanay eh laging makati ang dila nito.
"Ano na magkukwento ka ba o magkukwento ka?" pangungulit nito.
"Ano bang ikukwento ko?" nauubusan nang pasensyang sabi ko.
"Ano bang ikukwento mo? Try mo kaya akong kwentohan ng Cinderella kung ayos lang sa'yo." sarkastikong saad nito.
"Eh kung upakan kaya kita jan, kung ayos lang sa'yo." panggagaya ko sa huling sinabi niya.
"Inamo te."
Hindi na ako sumagot pa, at nag isip kung paano ko naman sisimulan ang ikukwento sa kanya dahil siguradong masasaktan na naman ako.
"Kina-usap ko siya." panimula ko habang pinipilit pang hindi mabasag ang boses, umukit ang pagtataka sa mukha nito ng lingunin ko siya.
"Sinong kinausap mo yung Josh?" tanong niya.
"Ay hindi. Yung langgam Bading, langgam ang kina-usap ko." pabalang kong sagot rito.
Batok sa ulo ang natanggap ko sa kanya. "Gago ikaw pala walang kwenta kausap eh, seryoso nga ako."
"Mas gago ka, common sense naman kasi wala naman ibang dahilan para magkaganito ako."
"Aba malay ko ba, sabi mo lang kina-usap mo siya, edi malamang nagtanong ako malay ko bang may iba ka pang kina-usap, tang*na."
Palihim akong natawa dahil sa pagiging armalite ng bibig niya, langya talaga katahimikan ang gusto ko pero ang nangyari nakipagtalo ako sa kaniya.
Saglit kaming binalot ng katahimikan, pinipilit kong kalmahin ang sarili ko, dahil kung kanina subrang lungkot ko ngayon naman subra akong naiinis. Nakakaubos ng pasensya ang Bading na ito walang'ya kausap.
Bumuntong hininga ako bago ulit nagsalita. "Sabi ko hindi ako maiiyak eh expected ko na rin naman ang lahat na sa sorry na lang mauuwi ang lahat pero ngayong nangyari na ang sakit pala." pigil emosyon kong sabi parang nararamdaman kong maiiyak na naman ako.
"Ano pang sabi niya bakit daw siya nagjowa eh ikaw ang nililigawan?"
"Tang*na tama bang sabihin na marupok lang siya kaya nagkagusto siya sa iba gago eh apaka gago." Naramdaman kong tumulo na ang luha ko at hindi ko na napigilan pa mabilis ko naman itong pinunasan gamit ang likod ng palad ko.
"Bakit ka umiiyak ngayon, sabi ko nga hindi dapat sinasayang ang luha sa mga walang kwentang bagay hindi ba kaya bakit mo pa iiyakan."
"Gusto ko lang ilabas ang sakit baka sakaling mawala iyon kasama ng pag-agos ng luha ko." Lumuluha kong sabi at sa hindi ko inaasahan ay niyakap ko si Kyle bigla, naramdaman ko na nagulat siya sa biglang pagyakap ko sa kanya pero hindi siya umangal para pigilan ako sa ginawa ko.
"Payakap ah iiyak lang ako." saad ko habang nakasubsob sa kanang parte ng dibdib niya ang mukha ko.
Nagpatuloy sa pagpatak ang mga luha sa mata ko, naramdaman ko na lang ang kamay ni Kyle na dahan-dahang humahaplos sa likod ko at nakaramdam ako ng kaginhawahan sa mga bisig niya.
Bakit kasi hindi na lang si Kyle ang magkagusto sa'kin eh, bakit kailangan ko pang masaktan ng ganito sa ibang tao.
Ganito nga siguro kapag unang beses pa lang maranasan ang masaktan subrang hirap pala, parang iniisip mo pa lang na hindi pa ito ang huli ay napapagod ka na dahil alam kong mas may mahirap pa akong pagdaraanan hindi lang ganito.
Naramdaman kong unti-unting bumuti na ang pakiramdam ko habang nakayakap ako kay Kyle sa mga bisig n'ya nakahanap ako ng kapayapaan wala na akong pakialam kung anong gusto niyang isipin sa mga ginawa ko dahil ang gusto ko lang ngayon ay ang manatili sa bisig niya, gusto kong sulitin ngayon ang pagkakataong kayakap siya kung saan nararamdaman kong panatag ang loob ko habang nandito siya.
Kyle's POV
Hindi ko maipaliwanag sa sarili ko na parang nahihirapan din ako habang nakikita siyang nasasaktan, tama lang naman sigurong masaktan ako dahil kaibigan ko siya hindi ba pero bakit ganoon, bakit parang doble ang sakit na nararamdaman ko sa nararamdaman niya? bakit ganito? Bakit nga ba nasasaktan din ako?
Katulad ng sinabi ko sa kaniya kanina na mas naiinis ako sa sarili ko kapag hindi siya nag-iingay, ganoon rin ang nararamdaman ko ngayon... Mas doble pa na parang hihilingin ko na lang na sana mailipat sa akin lahat ng sakit na nararamdaman niya para ako na lang ang maghirap. Para bang nais kong ako na lang ang magdusa huwag ko lang siyang makitang ganito at nasasaktan.
Ilang minuto na siyang nakayakap sa'kin hinayaan ko na lang siya dahil mas kailangan n'ya ng masasandalan, alam kung sa paraan na iyon magagawa kong makatulong sa kaniya. Hindi ko magawang igalaw manlang ang katawan ko dahil sa yakap niya hanggang sa unti-unti nang bumibigat ang ulo niyang nakapatung sa dibdib ko.
"Te tulog ka na ba?" tanong ko rito pero wala akong natanggap na sagot.
Inusog ko ng bahagya ang ulo niya palayo ng kaunti saykin at nakitang nakatulog na nga siya habang may bahid pa ng luha ang pisngi nito. Basa ang pisngi niya ng luha kaya gamit ang kamay ko ay pinunasan ko iyon, hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na nakatakip sa mukha niya.
Subrang awa ang nararamdaman ko ngayon habang pinagmamasdan ang mukha niya, na hindi ko naman dati nararamdaman, hindi naman siguro tama na saktan na lang siya ng lalaking iyon dahil lang sa walang kwentang rason.
Gusto ko pa sana s'yang gisingin upang makahiga siya ng maayos at makapagpahinga ngunit mukhang mahimbing na ang tulog niya, kaya pinilit ko na lang kayanin ang bigat niya at binuhat ito upang ipasok ng kwarto saka hiniga sa kama ko. Inayos ko rin ang pag kaka lagay ng kumot sa katawan niya, at saka naupo sa gilid ng kama.
Kinuha ko ang phone ko at saka nag-dial sa number ni Angel nag ring naman ito agad at saka sinagot.
[Oh bakla anong atin napatawag ka?]
"Paghinanap si Mia ng magulang niya sabihin mo nandiyan siya sa inyo," diretso kong sabi.
[Bakit ko naman sasabihin iyon wala si Mia rito gurl.]
"Wala nga jan alam ko, sasabihin mo lang na nandyan siya pag hinanap."
[Wala nga dito bakit ko naman sasabihin iyon at bakit naman siya hahanapin eh nasa kanila naman siya.]
"Wala, nandito siya sa'min."
[Huh anong sabi mo!] Malakas na boses na saad ni Angel.
"Huwag kang sumigaw hindi ako bingi gaga ka."
[Bakit nandiyan sa inyo anong oras na ano naman gagawin n'yan jan.]
"Basta ikaw na bahala pag hinanap sa kanila sabihin mo kasama mo kasi hindi daw siya nag paalam sa kanila."
[Baliw talaga 'yang babaeng 'yan sige sige, pakausap nga ako baka gino-good time mo ako bakla.]
"Hindi nga ise-send ko sayo yung picture nandito siya tulog na," saad ko pa.
[Ano pumunta lang jan para makitulog ano ba kasi nangyari?]
"Mag-usap na lang kayo bukas ibababa ko na ikaw na bahala pag hinanap sa kanila."
[Sige sige.]
Agad ko namang pinatay ang tawag na iyon, saka ako naghanda para maligo upang makapagpahinga na rin.

Komento sa Aklat (70)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    17/07

      0
  • avatar
    AbpetSarah

    good

    22/05/2025

      0
  • avatar
    Marc Kevin Sena

    good

    23/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata