Homepage/Diary Ng Babaeng NBSB (Book 1)/
Let's Talk
(A/N: Drama scene!!! Prepare a tissue if maiyak man kayo pero kung wala damit niyo na lang gamitin niyo. Enjoy reading if may nagbabasa man.)
Mia's POV
"Wow Ate kanino galing 'yan may pabulaklak ka pa ah?" tanong sa'kin ni Renzo matapos kong makapasok ng bahay, napansin nito ang bulaklak na dala ko.
"Tumahimik ka nga jan."
"Pa, si Ate may dalang bulaklak oh may manliligaw na siguro!" sumigaw ito ng malakas upang isumbong ako kay Papa.
"Tumihimik ka sabi anong manliligaw? Wala ako noon!" Inis ko pang angal sa kanya pero tinawanan naman ako nito.
"Anong ingay 'yan?" tanong ni Papa na pababa na ng hagdan. Mukhang narinig nito ang sigaw ni Renzo.
"Si ate po tingnan mo may manliligaw na Pa." sumbong na naman ni Renzo kay Papa.
"Wala nga sabi gago!" napasigaw na ako sa inis.
"Hayaan mo na dalaga na iyang Ate mo eh kanino ba galing 'yan nak?" sunod na tanong ni Papa na akala ko ay magagalit siya, pero hindi.
"Sa kaibigan lang po," sagot ko.
Sunod na nakita ko ay ang ngiti ni Papa na nang-aasar at parang hindi naniniwala sa sinabi ko.
"Ba't natatawa ka Pa sa kaibigan nga lang," paninigurado ko rito.
"Wala naman akong sinabi ah."
"Nakangisi kasi kayo eh."
"Bakit masama ba?" ranong pa ni Papa.
"Ate akin na lang yang chocolate." Hiningi naman ni Renzo sa'kin ang chocolate at pabato ko itong binigay sa kanya tutal hindi naman ako kakain nun.
"Dami sinasabi hihingi din pala." reklamo ko rito at naglakad na paakyat sa kwarto.
Hapon na ako nakauwi dahil hapon na rin naman natapos yung event sa school, linapag ko lang sa study table ang rose na dala ko at saka nagbihis.
Habang dinadama ang katahimikan ng aking silid pakiramdam ko malungkot na naman ulit ako, okay na ako kanina eh pero nang makauwi ako ngayon parang bumalik na naman yung kakaibang bigat sa loob na nararamdaman ko. Matapos magbihis ay pabagsak kung hiniga ang katawan ko sa kama.
*/ phone ringing
Napabuntong hininga ako bago tingnan kung sino ang tumatawag. Yung may amats kong Kuya lang pala.
"Hallow?" Matamlay kong sagot.
[Nasan ka Mia nakauwi ka na ba ng bahay?]
"Oo Kuya bakit?"
[Wala tinatanong ko lang, musta yung event n'yo sa school?]
"Paano mo nalaman iyon?"
[Nakita ko sa mga post ni Angel na naka tag sa'yo.]
"Ah okay, napatawag ka yata wala kang ka date ano, iniwan ka na ng Marian mo, kawawang Apollo."
[Eh ikaw din naman iniwan ng Josh mo.] saad ni Kuya sa kabilang linya na labis kong ikinagulat, alam niya ba ang tungkol sa'min ni Josh, paano niya nalaman na hindi ko naman sinabi iyon sa kaniya.
[Hello nadyan ka pa ba bakit 'di ka makapagsalita.]
"Paano mo nalaman yung kay Josh Kuya?"
[Gulat ka 'no, nalaman ko lang sinabi sa'kin ng kaibigan ko sinabi raw sa kanila ni Mir.]
"Bakit naman alam nila?"
[Malamang kilala nila si Josh kilala ka na rin nila, mas nauna pa nilang nalaman kisa sa'kin bakit hindi mo sinabi na nanliligaw pala 'yun sa'yo.]
"Para saan pa at sasabihin ko wala na rin naman saysay tsk." Sabay buntong hiningang sabi ko.
[Sira ulo pala ang lalaking iyon eh akala ko ikaw ang nililigawan pero iba ang jinowa, ano yun binasted mo ba?]
"Ewan ba't hindi mo itanong sa kanya?" sarkastiko kong sabi.
[Bakit hindi mo alam ikaw ang nililigawan, tapos malalaman ko may ibang gf na siya.]
"Hindi ko nga alam Kuya ikaw na magtanong sa kanya."
[Okay ka lang ba?]
"Sa tingin ko okay naman."
[Mia mag sabi ka sa'kin may problema ba?]
"Wala."
[Nag-usap na ba kayo nang gagong yun?]
"Hindi."
[Bakit hindi mo kausapin?]
"Ayaw."
[Mia kinakausap kita ng matino.]
"Oo nga."
[Sige na nga may pasok pa ako mag-usap na lang tayo bukas uuwi ako jan.]
"K." Tipid kong sagot at pinatay ang tawag.
Nakaramdam ako ng antok kaya naman matapos ang tawag ni Kuya ay nakatulog na ako.
...
[Novel written by Author Yham]
Na alimpungatan ako ng biglang may gumising sa'kin.
"Nak kakain na gumising ka na." wika ni Mama na nakadungaw ang mukha sa harap kaya naman bumangon na ako agad, nag-ayos lang ako ng sarili sunod ay bumaba na rin para kumain ng dinner.
Kahit wala sa mood ay hindi ko na lang pinahalata sa kanila hanggang sa matapos kumain ay bumalik din agad ako sa kwarto ko.
Ilang beses akong nag-isip na kausipin ko na kaya si Josh ako lang naman ang nahihirapan sa sitwasyon eh alam kong wala na din naman patutunguhan ang paghihintay ko kaya para saan pa at aasa ako sa kanya kung masaya na rin naman siya sa iba.
Nag-online ako ng messenger ko at saktong naka online rin siya, ang pangalan niya parin ang nangunguna sa mga active friend list ko kahit ilang buwan na kaming hindi nag-uusap.
Ilang sigundo kong tinitigan ang name n'yang naka active at hindi ko alam kung paano sisimulan ang lahat, kung paano ko siya kakausapin, at kung ano ang unang sasabihin ko sa kanya.
Naghanap ako ng mga chainmail na pwede kong isend sa kanya baka sakaling doon ko maumpisahang kausapin siya.
Nang may makita akong isang chainmail na senend ni Angel sa'kin dati ay agad kong pinorward kay Josh.
Sent.
Me: Hi p*tang ina. Mahal na mahal kitang gago ka. Ipasa mo ito sa sampung p*tang ina mong kaibigan. Kapag hindi mo ito pinasa, PLASTIC KANG P*TANG INA KA. Pag may pitong p*tang ina na bumalik sa'yo. TRUE FUCKING FRIEND KA. Pinasa ko 'to sa'yo kasi true fucking friend kita...
Nakakatawa dahil yung chainmail pang iyon ang na-esend ko sa kanya sa kadahilanang gustong-gusto ko talaga siyang murahin. Subrang lala ng mura, sagad talaga nanggaling iyon sa mga forward chainmail galing kay Angel na pinaka demonyo sa lahat.
Nang ma-esend ko sa kanya yun ay agad niya itong na seen.
Ilang sigundo akong naghintay nakatitig lang ako sa keyboard ng cellphone ko hinihintay ko na kahit thumb's up manlang makatanggap ako sa kanya pero wala, hanggang sa wala sa sariling nakapag type ako sa keyboard ko at na esend sa kanya na sinasabing: LET'S TALK
Caps lack para galit kunwari, pero galit naman talaga ako eh. Agad kong nakita na typing siya...
Ilang sigundo kong tinitigan ang typing niya, ganoon ba kahaba ang sasabihin niya kaya ang tagal ng typing.
Josh: Sorry po.
Sa hinaba-haba ng typing niya at sa tagal kong paghihintay ay sorry lang naman pala ang sasabihin niya, apaka galing talaga expected ko na yun eh alam kong sorry na lang ang masasabi niya pagkatapos ng lahat.
Me: Hindi sorry mo ang kailangan ko Josh, kailangan kong malaman kung bakit?
Reply ko iyon.
Josh: Sorry po alam ko namang may kasalanan ako sa'yo pero hindi ko rin sinasadya, tao din po ako marupok lang hindi ko naman mapigilang hindi magkagusto sa iba.
Napabungtong hininga ako ng ilang beses.
Tang*na, tama bang sabihin na marupok lang siya kaya siya nagjowa ng iba. Boplaks nakakabobo namang sabihin na marupok lang, So marupok lang pala siya kaya siya nagkagusto sa'kin nakakatawa pusang ina.
Josh: I'm so sorry po alam kong hanggang sorry na lang ang magagawa ko hindi ko po sinasadya.
Josh: Mia I'm sorry.
Mas lalo lang nadagdagan ang bigat na nararamdaman ko ngayon, alam ko naman na mangyayari ito pero hindi ko akalaing ganito pala kasakit. Hindi ko na lang namalayan na tumutulo na pala ang luha sa mata ko, nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa phone ko ilang beses na akong napabuntong hininga baka sakaling gumaan ang pakiramdam ko pero hindi nangyari dahil subrang bigat pa rin.
Nanginginig ang kamay kong tinipa ang keyboard sa phone, gustong-gusto ko siyang sumbatan.
Me: Pasensya ka na ah, akala ko iba ka sa ibang mga lalaki na napapansin ko, pero ngayon napatunayan kong isa ka rin pala sa kanila, Josh napagod ka ba sa paghihintay sa'kin? Pinanghawakan ko ang mga sinabi mo sa'kin na maghihintay ka hanggang sa ready na ako at nangako ka sa'kin, hanggang salita ka lang pala. I expected a lot from you tapos ganito lang halos dalawang buwan pa lang sumuko ka na tama bang sabihin sa'kin na marupok ka lang kaya ka nagjowa ng iba, ang sakit naman yata sa part ko yun umasa ako eh umasa akong maghihintay ka!
Josh: I'm sorry for all of that Mia, I'm so sorry kung nag expect ka sa'kin at nasaktan kita all I can do now is to say sorry with you hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo eh na ang duwag ko at hindi ako lumaban para sa'tin. Sorry for that. Tatanggapin ko po kung hindi mo ako kayang patawarin pero sorry pa rin.
Me: Sino nga ba naman ako 'di ba para magalit sa'yo eh wala namang tayo, walang tayo Josh dahil humanap ka ng iba, iniisip mo bang duwag ka? Well actually your right duwag ka nga siguro pero 'wag mong sabihin na hindi ka lumaban para sa'tin dahil wala kang dapat ipaglaban dahil walang naging TAYO.
Me: Dito na ito magtatapos Josh I'm sorry din kung umasa ka sa'kin ah, sana maging masaya ka jan sa taong pinili mo salamat sa ilang taon na naging mag-kaibigan tayo at naging parte ako ng buhay mo...
Me: One thing I want you to do for me, only one thing Josh don't try to come back again in my life.
Kasabay ng lahat ng mga sinabi ko ay ang mga patak ng luha na parang wala nang katapusan, ngayon ko lang ito naranasan sa buong buhay ko at subrang sakit pala akala ko siya na eh pero nagkamali ako, maling-mali ako.
Pinatay ko ang phone ko hindi ko na hinintay kung ano pang isasagot niya sa'kin wala na tapos na, sana pagkatapos nito ay okay na ulit ako.
Umiiyak akong pumasok ng banyo, gusto kong mahimasmasan ang sakit na nadarama ko gusto kong gayahin kahit ngayon lang ang mga nababasa at napapanood ko sa movie na kapag broken ay naliligo sa ulan o kaya ay nagbababad sa shower, gusto kong subukan kong gagaan ba ang pakiramdam ko hahayaan kong umagos mula sa ulo pababa sa buong katawan ko ang maligamgam na tubig na nagmumula sa shower gusto kong umiyak nang umiyak habang dumadaloy sa buong katawan ko ang maligamgam na tubig magbabakasakaling maiibsan nito ang sakit. Isasabay ko sa pagbuhos ng tubig sa aking katawan ang pagbuhos ng aking mga luha sa mata.
Ngunit,
Pusang ina gusto kolong subukan ang mag shower habang umiiyak pero naalala ko wala pala akong shower sa banyo ko dahil tabo lang ang meron ako TABO lang, kaya imbis na umiyak ay naipokpok ko na lang sa ulo ko ang tabo nag dadrama ako wala naman pala kaming shower haystt. Baka naman itong tabo na ito ang dahilan para matauhan ako sa mga nangyari, pakshit ka Josh mabaog ka sana deserve mo 'yan.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (70)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
done
17/07
0good
22/05/2025
0good
23/11/2024
0Tingnan Lahat