Angel's Plan

Mia's POV
Nakalabas kami ng jail booth na iyon ng dumating ang alas dose.
"Grabi parang ngayon lang yata ako nakakita ng liwanag." Natatawa kong sabi ng makalabas na kami. "Wala na ang dalawang humuli sa'kin babasagin ko pa mukha noon eh." dagdag ko, wag lang talaga silang magpapakita sa'kin.
"Tara na 'wag ka nang ano jan, natakot na mga iyon baka hindi na sila makauwi ng buhay eh." pagsasalita naman ni Kyle saka nauna na itong naglakad kaya agad na akong sumunod.
Habang naglalakad nabaling ang paningin ko sa hawak kong box ng chocolate at tatlong rosas na pink pala ang mga kulay ngayon ko lang napansin dahil madilim kasi sa loob na pinanggalingan namin. Hindi ko alam na parang sa dalawang oras na lumipas na iyon ay nakaramdam ako ng saya, wala na yung bigat na nararamdaman ko kanina para bang okay na ulit ako ngayon.
Parang masaya na ulit ang nararamdaman ko, napatingin ako sa likod ni Kyle habang nakasunod ako sa kanya.
Bakit ganoon, si Kyle pa rin talaga siguro ang gusto ko kasi bigla na lang nawala yung bigat sa loob ko kapag kasama ko siya, parang normal lang ulit sa'kin ang lahat matapos ang dalawang oras na iyon na magkasama kami.
"Gurl nandito kami!" Napalingon agad ako dahil sa pagtawag sa'kin ni Angel.
Agad naman naglapitan yung apat sa'min, at sumabay paakyat ng hagdan patungo sa room namin.
"Oy saan galing 'yan ah binibigyan ba ng bulaklak pag nakukulong sa jail booth? Arat dis magpakulong din tayo para makatanggap din tayo ng rose," nanunuksong sambit ni Raf kasunod ay inaya nito sina Audrey na magpakulong din sa jail booth.
"Gawin mo mag-isa mo te." sarkastiko namang sagot ito ni Audrey.
"Ano ba kayo hindi ito galing sa jail booth," saad ko.
"May nagbigay sa'yo? Sino?" tanong naman ni Angel.
"Si Bading binigay niya ito sa akin." nabaling ang tingin nilang apat kay Kyle at parang gulat na gulat sa sinabi ko.
"Seryoso bakla?" Paninigurado ni Lyn dito.
"Bakit ano masama?" mataray na tugon ng Bading. "Binigay sa'kin 'yan nung ka member ko sa dance troupe, imbis na itapon binigay ko na lang sa kanya." paliwanag pa nito pero 'di parin naaalis ang nanunuksong mga tingin ng apat sa kanya.
"Ano ba bakit ba ganyan kayo makatingin sa'kin?" Naiiritang sita nya sa mga ito.
"Bakit si Mia lang kami wala?" Nagtatampong tanong ni Audrey.
"Hindi naman ako na inform te gusto mo rin pala sana hinati-hati ko 'di ba." pabalang nitong sinagot si Audrey.
"Ayy iba din." nanunuksong saad naman ni Lyn na tila may pinakakahulugan pa ang mga titig nito sa akin na hindi ko naman maunawaan.
"Hoy bilisan niyo na nga mga sis may sumundo na kay Miss kaya baka papunta na yun sa room." biglang pagmamadali na ni Raf at nauna na sa pag-akyat ng hagdan saka nagsunuran naman kami bago pa makalimutan na may surprised kaming hinanda.
"Ikaw ah ano gurl mukhang ayos ka na ah." si Angel habang patuloy sa panunukso, pinulupot pa niya ang kanyang braso sa akin.
"Tumigil ka nga," angal ko na rito.
"Ayyieee parang kinikilabutan ako sa kilig." kinikilig na saad naman ni Lyn na narinig din pala ang usapan namin ni Angel.
"Anong kilig ka jan naiihi ka lang siguro." rikta ko rito, naku purke ba binigyan ng bulaklak napaka big issue sa kanila sana sila yung sumama dun magpakulong para sa kanila ibigay.
Napalingon ako kay Angel habang naglalakad na 'di parin inaalis ang nakapulupot n'yang braso sa'kin.
"Ano bang ngiti yan tigilan mo nga." Reklamo ko na sa kanya dahil nakangisi pa talaga ito ng nakakaloko sa'kin na parang asong nauulol.
Angel's POV
Pumasok na kami ng room at dun makikita ang nakahanda naming surpresa kay Miss Cathy. Nakakatawa lang isipin dahil karamihan ay itim ang makikita isama pa ang damit namin na puro itim din.
'Di namin alam kung matutuwa ba si Ms. Cathy dito o baka mainis lang, bahala na at least nag surprise.
"Guys andyan na!" Biglang sigaw ni Raf kaya naman agad kaming nagtago sa likod ng mga upuan na nakapaikot sa buong silid.
Naghintay kami ng ilang sigundo at saka nakita namin ang pagbukas ng pinto at pumasok ang isa naming kaklase na siyang sumundo para papuntahin si Miss dito sa room.
Sunod din namang pumasok si Miss Cathy na 'di maipaliwanag ang reaksyon sa mukha, 'di malaman kung nagulat ba siya sa nakita o natuwa manlang.
"Surprise!!! Happy Valentines day Miss Cathy!!!" Sabay-sabay naming sigaw at lumabas sa pinagtataguan.
Dun pa lang nagbago ang reaksyon niya ng mapangiti siya sa nakita niya.
"Hahaha ano ito bakit ganito namatayan ba tayo?" Nagtatakang tanong niya dahil kahit siya man ay nakasuot din ng itim na blouse sa mga sandaling ito na hindi namin lubos akalain.
"Hahaha Miss saktong-sakto iyang suot mo sa surprise namin." natatawang saad na ni Audrey na sinabayan na rin ng tawa ng ilan.

"Bakit ba pati kayong lahat ay naka itim din ah?" tanong pa nito sa'min.
"Napag tripan lang po, pinagluluksa ang namayapang puso ni Mia." sagot ko saka inirapan lang ako ni Mia.
Inabot naman ni Raf kay Miss ang bouquet ng bulaklak na may kasamang greetings.
"Wow thanks," sagot ni Miss habang masaya na itong nakangiti.
"Gusto lang po naming mag thank you at mag sorry na rin kasi pasaway lagi ang section namin pero kahit ganuoon po kami lagi pa rin kayong nandyan para sa'min." sinimulan ni Audrey mag-drama.
Kapansin-pansin ang pagbabago ng emosyon ni Miss marahil siguro sa meron nga siyang pinagdadaanan, ngunit mas lamang ang saya na nakikita ko sa mga mata niya ngayon.
"Thank you guys, thank you hindi ko inexpect ito pasensya na kayo kasi napagalitan ko kayo nitong mga nakaraan pero alam kong naiintindihan din naman ako ng iba sa inyo na alam kung anong problema ko ngayon kaya salamat." Maluha-luhang saad niya.
"Miss EOP daw po." Biglang pagbibiro ni Kyle kaya nagtawanan naman kami, rules yun sa subject niya eh.
"Okay na te wag munang kuntrahin tutulo na yung luha eh." pangbabara naman ni Mia.
"Kahit kailan talaga mga pasaway kayo." Natawa na lang na saad ni Miss.
"Miss lahat po ng lobo iuwi niyo po sa inyo." wika naman ng isa sa kaklase namin.
"Ano? iuuwi ko lahat 'yan baka naman pagtawanan ako n'yan sa'min itim pa naman ang mga lobo niyo, hindi ko iuuwi 'yan itong bulaklak lang kukunin ko kaloka kayo.
"Picture tayo guys." Saad ko na kaya lahat naman sila ay pumiwesto na sa gitna.
"Humiram kayo ng isang studyante sa labas para may kumuha ng pic sa'tin." Utos ni Miss at sinunod naman ng isa naming kaklase.
Ilang saglit pa ay may pumasok na isang studyante at s'yang kumuha sa'min ng litrato.
Mabilis lang natapos 'yun, tinanggal namin ang mga picture na nakadikit sa mga ribbon na nakatali sa lobo.
"Akin na 'yang mga picture ko na 'yan saan n'yo ba ito pinagkukuha ang papangit." saad pa ni Miss ng makita ang mga picture n'yang nakadikit sa tali na mukhang ikakasira ng buhay niya kaya agad niyang pinaghahablot iyon upang itago, wala siyang alam na nakita na namin iyon lahat kanina pa.
"Sa fb niyo po galing iyan lahat," sagot ko.
"Kayo na mag-uwi ng mga lobo, thank you guyz napasaya n'yo ako." Pagpapasalamat nito sa'min.
Hanggang sa makalabas na ito at kami na lang magkakaklase ang naiwan sa silid.
Kinuha ko ang dalawang pirasong lobo para may iuwi naman ako, ngunit bigla akong nagulat ng tusukin ni Raf ng ballpen ang lobong hawak ko kaya biglang iyong pumutok.
"Tang*na mo bakla iuuwi ko nga ba't mo pinutok." Inis kong reklamo sa kanya.
"Wag munang iuwi sis." sunod na pinaputok pa nito ang ibang lobo.
Nagsipaggayahan naman ang iba naming kaklase na putukin ang mga lobo na animo'y mga batang naglalaro sa isang kids party.
"Ano ba bigyan niyo ko wag niyo putukin lahat."
"Wala na putok na lahat haha." Tawang-tawang saad ni Raf kahit sina Audrey ay nakisama na rin na paputukin ang lobo inuupuan nila ito habang ang iba ay inaapakan.
Nakakainis naman mag-uuwi pa ako eh wala na pinutok na lahat. Habang pigil ang inis ay nabaling ang atensyon ko kay Mia na natatawa sa mga pinaggagawa nito, mukhang nag iba na yata ang mood niya ah kaninang umaga lang pagpasok namin ay hindi ko manlang siya nakitang ngumiti pero ngayon nakangiti na siya.
Iba din baka nagkaroon ng epekto ang pagkakulong nila sa jail booth, nakakatawa hahaha.
"Napansin mo din yung napansin ko ano?" Pabulong na saad ni Audrey na bigla na lang sumulpot sa harap ko at mukhang nakita niyang pinagmamasdan ko si Mia.
"Mukhang oo naman haha." sabay tawa kong sagot.
"I think our plan is successful," ani pa nito, sabay kami nagtinginan ng may kahulugan. At bigla na lang natawa ng malala pagkatapos.
"Mahalata nga kayo ng mga 'yan, pwede ba tumahimik kayo." Saway naman ni Lyn sa'min na mukhang alam na din kong anong pinag-uusapan namin ni Audrey.
Gusto niyo malaman kung ano ba talaga ang totoo sa sinasabi ni Audrey na Successful Plan, will it's all about Mia and Kyle.
Kung iniisip ninyong may kinalaman na naman kami sa mga nangyari hindi kayo nagkakamali dahil plano talaga naming ipakulong sila sa jail booth, ayaw kasi ako tantanan ng demonyong sumapi sa'kin kaya ayon pinakikisamahan ko na lang kaya nagkakasundo kami hehe.
[Novel written by Author Yham]
FLASHBACK
Panay ang ikot namin sa iba't-ibang booth baka may makita kaming pweding gawin ay gagawin namin, naagaw ng atensyon ko ang isang room sa may dulo na may naka dikit na Jail Booth sa pinto.
'Di ko pinahalata sa kanila at naka isip na naman ng kalukuhan, tamang-tama pwede kaya ipakulong si Bading tapos si Mia.
Sunod kaming napunta sa gym kung saan may bandang nag peperform, panay naman ang kantahan namin para sabayan ang tugtog dahil sadyang nakaka aliw ang mga kanta. Nagkaroon ako ng ideya na dito ko sisimulan ang malupit na plano.
"Te may naiisip ako, may jail booth akong nakita doon sa dulo ipakulong kaya natin sina Mia." Pabulong kong sinabi kina Audrey na hindi napapansin nina Mia at Kyle.
"Ano, bakit mo naman gagawin 'yun?" tanong naman ni Audrey.
"Wow bet usto ko 'yan sis." si Raf na agad sumang-ayon habang sumasayaw-sayaw pa dahil sa kanta.
Agad kaming natahimik ng lumapit si Kyle sa'min.
"Mga te babalik na lang ako ah may pupuntahan lang ako," pagpapaalam nito.
"Saan punta mo sis?" tanong ni Lyn rito.
"Sa mga member namin sa dance troupe."
"Sige balikan mo na lang kami dito bakla." saad ko saka agad naman itong umalis matapos niyang tumango bilang sagot.
Napansin ko namang seryoso si Mia sa panonood sa kumakanta kaya inaya ko sina Raf na lumabas na ng Gym.
"Anong plano mo seryoso ka ba te?" tanong naman ni Lyn sa'kin.
"Oo nga naman bakit mo naman naisip ito Angel?" sunod na tanong naman ni Audrey.
"Basta gusto ko lang, baka sumaya na si Mia 'di ba," saad ko.
"Ikukulong sis, ano ba masaya dun?" Sarkastikong saad ni Raf sa'kin.
"Bakit ba 'wag na nga kayo umangal support niyo na lang ako, tara ayon ang mga nagbabantay sa jail booth tanungin natin." aya ko na sa mga ito.
"Paano mo naman nasabing 'yan ang nagbabantay?" tanong ni Lyn.
"Nakita ko sila kanina nasa labas ng jail booth." naglakad na kamo papalapit sa mga lalaking naka blue na t-shirt na may nakadikit na letter P sa damit.
"Excuse me Kuya sa jail booth kayo 'di ba?" tanong ko na sa isa.
"Oo bakit?" balik na tanong naman nito.
"Ano ba mga hinuhuli niyo?"
"Hinuhuli namin pag nakakita kami ng naka uniform ngayon," sagot naman ng isa.
"Hindi naman naka uniform 'yung dalawa te kaya hindi pwede," saad ni Lyn.
"Pero pwede po ba kami mag request na ipapahuli namin?"
Nagtinginan naman yung dalawa sabay sagot ng isa.
"Sige pwede naman kung gusto niyo pero may bayad." Nakangising saad nito.
"Aba'y mandurugas ka," saad naman ni Raf.
"Sige magkanu?" tanong ko pa.
"Hoy te seryoso ka talaga, apaka animal gago," minura pa ako ni Audrey.
"Depende sa'yo kung ilan kaya mo."
"Beinte lang kaya ko," maangas kong sagot rito na ikinapanlumo ng dalawa.
"Grabe kulang naman yata yun."
"Beinte singko todo na." Hirit ko pa saka umiling lang ang mga ito na hindi gusto ang alok ko.
"Beinte singko sa amin apat bali isang daan na yun." sigundang saad naman ni Audrey. Minura pa ako ng animal mag-aambag din pala.
"Sige na nga." Napipilitang saad ng dalawa.
Pumayag din naman sina Raf at Lyn na magbayad ng bente singko.
"Ilang oras ba sila makukulong?" tanong na ni Lyn.
"Isang oras lang."
"Gawin mo nang dalawang oras Kuya siguradong wala naman kayong mahuhuling iba eh walang naka uniform kahit isa ngayon," hirit ko na naman rito.
"Sige kayong bahala sino ba ipapahuli niyo ah."
"Ituturo na lang namin sa inyo, bali dalawa sila," sagot ni Raf.
'Di kalayuan sa gym ay nakita namin si Mia na palabas na at parang may hinahanap, nawalan ng kasama eh siguradong hinahagilap na kami nito.
"Ayon yung isa, yung babaeng naka black." Turo ko kay Mia at napalingon naman sila roon.
"Kuya pag tinanong nila kong bakit sila nahuli sabihin mo mag-isa siya 'wag niyong sabihin ang totoo na inutusan kayo namin." Paliwanag naman ni Audrey at tumango naman ang mga ito saka nilapitan na si Mia. Mula sa malayo at natatawa na lang kami sa napapanood dahil panay ang pagpupumiglas ni Mia sa mga ito at ayaw sumama.
Pinusasan nila ito gamit ang plastic na laruang pusas at piniringan ang mata. Sinundan naman namin sila hanggang sa maipasok si Mia sa jail booth. Tawang-tawa kaming apat ngunit hindi namin nagawang isa-tinig iyon dahil baka marinig kami ni Mia.
Pagkatapos ay lumapit naman ulit sa'min yung dalawang lalaki na humuli kay Mia.
"Ang ingay ng pinahuli niyo sa'min pinagbantaan pa kami na babasagin daw niya mukha namin pag nakita kami," napasinghap na saad ng isa.
"Hahaha 'wag kang matakot hanggang salita lang 'yan." Natatawa kong sabi.
"Sino pa ba yung isa?" tanong naman ng isang lalake.
"Balik tayo sa may gym babalik si Kyle dun." saad naman ni Lyn kaya naglakad ulit kami pabalik ng gym at saktong naglalakad na nga rin ulit si Kyle pabalik sa gym sa pag-aakalang nandoon pa kami.
"Yung baklang yun kuya, iyon ang isang ikulong niyo." Turo ko kay Kyle.
"Kuya 'wag niyong sasabihin na inutusan namin kayo ah." pakiusap pa ni Lyn sa mga ito.
"Ikulong niyo sila ng dalawang oras." Utos naman ni Audrey.
"Sige sige." Sagot naman ng dalawa at nilapitan na nga si Kyle kitang-kita rin namin kung paano magpumiglas ang Bading habang tawa na lang nang tawa ang nagawa naming apat sa kalukuhang plinano ko.
Nagmakaawa sila na inalabas namin sila roon sa Jail Booth pero hindi namin ginawa, nagbayad kami ng 100 para ikulong sila tapos kami pa mag papayansa... No way, magsasaya na lang ako kasi tagumpay ang plano ko.
END OF FLASHBACK

Komento sa Aklat (70)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    17/07

      0
  • avatar
    AbpetSarah

    good

    22/05/2025

      0
  • avatar
    Marc Kevin Sena

    good

    23/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata