Itlog ni Mang Kaloy

Mia's POV
Ilang araw ang lumipas, matapos ang mga nangyayari pero tuwing naaalala ko 'yon ay parang kahapon lang naganap ang lahat. Nakakainis.
Ngayon ay nandito kami sa bahay nila Kyle inimbitahan kami ng Mommy ni Kyle na dito mag-celebrate ng pasko sa kanila kaya naman nandito kaming lima sa bahay nila at dito magpapalipas ng Noche Buena mabuti na lang at pinayagan ako nila Mama na dito matulog mamayang gabi dahil kasama ko naman si Angel. Pinagkakatiwalaan nila si Angel kaya naman kampanti silang payagan ako basta kasama ko si Angel.
Ngunit ngayon tila ba nandito na naman ako sa sitwasyon na ito na pilit kong iniiwas ang sarili ko kay Kyle para na rin pigilan ang nararamdaman ko ngunit hindi ko magawang kuntrolin ang galaw ng mga pangyayari na tila mas lalo lamang kaming pinaglalapit ng tadhana sa isa't isa kahit anong subok na paglayo ang gawin ko. Subrang hirap dahil kahit aminin ko sa sarili ko na mali ay wala akong magawa para alisin ang nararamdaman ko para kay Bading, dahilan lamang para mas lalong lumalim ang pagkakalunod ko kahit batid kong walang magsasalba sa akin.
Wala akong magawa kun'di patuloy na sumabay sa agos ng mga pangyayari kahit walang kasiguraduhan ang lahat.
Bago pa ako malungkot ay pilit kong iniwasang isipin ang mga iyon kahit ngayong araw lang, gusto kong mag-enjoy ngayon. Bahala ang pusang inang tadhana na ma stress sa lovelife ko siya naman magdedesisyon at wala akong magagawa roon.
...
Wala ngayon ang mga magulang ni Kyle may pinuntahan daw itong party at gabi na uuwi kaya ang Lola ni Kyle at dalawang katulong lang ang kasama namin dito. Ang Lola ni Kyle ang madalas nakikipag-usap sa'min medyo may katandaan na ito ngunit malakas pa naman, nakatutuwa pala magkaroon ng Lola hindi ko na kasi naabutan 'yung Lola ko eh.
"La okay na nga kasi 'yan bakit kailangan mo pang dagdagan."
"Bakit ba mas marunong ka pa sa'kin ako matanda rito."
"Eh kasi naman po tama na 'yung lagay ko 'wag nyo —"
"Bakit nga nagmamarunong ka pa sa'kin?"
"Oo na nga lang nakaloloka."
Rinig namin ang pagtatalo ng mag-Lola dahil gusto pa ng Lola ni Kyle na dagdagan ng suka ang mina-marinate na karne at ipinagpipilitan naman ni Kyle na ayos na ang gawa niya hindi ko rin maintindihan kung dadag-dagan ba nila o ano, mas lamang ang pagtatalo ng dalawa kisa ang magkasundo.
"Naku 'wag niyo na pansinin 'yang mag-Lola ganyan talaga 'yan madalas, hindi magkasundo," saad sa'min ni Manang na katulong namin sa pag-aayos ng sangkap sa lulutuin.
"Naimbyerna na aketch kaloka." Inis na lumapit sa'min si Kyle at pabagsak na inupo ang pwet sa silya malapit sa kaniya.
"Siya nga pala may mga bibilhin pa ako sa palengke maiiwan ko muna kayo rito." Paalam na sa'min ni Manang.
"Sige po kami na gagawa ng ibang gagawin dito," saad naman ni Lyn habang binabalatan nito ang carrots.
"Kyle sumama ka kay Manang ikaw na lang kumuha ng mga itlog na inorder ko para hindi na siya maabala." Utos iyon ni Lola kay Kyle.
"Kanino po ba kayo umorder La?"
"Doon sa madalas kong bilhan ng mga itlog alam mo na 'yon nakapunta ka na roon dati, dumaan kasi ako roon kahapon pero ubos na kaya umorder na lang ako."
"Sige po sasabay na lang ako kay Manang."
"Te sama kami sa'yo," presinta ni Angel na sumama.
"Sige gora na tayes." Pagsang-ayon naman ni Kyle.
"Tara gurl sama tayo kaya na gawin nilang tatlo 'yan." Pag-aaya sa'kin ni Angel na wala naman sana akong balak sumama tutal sa palengke lang naman sila pupunta, pero mukhang mas ayos din kung lumabas nagbabalat pa lang naman kasi sila ng carrots, patatas at sibuyas kaya hindi naman gaano karami ang gagawin.
"Sigurado ka?" tanong ko pa.
"Sige okay lang sis tutal sanay naman kaming iniiwan." Pagdadrama ni Raf habang lumuluha ang mga mata nito dahil puro sibuyas ang binabalatan niya.
Natawa na lang kami rito mukhang deserve niya ang sibuyas, labis siyang pinapaluha nito.
Pumayag na ako at sumama sa kanila pagpunta sa palengke.
Kyle's POV
Sumakay kaming apat nina Manang, Mia at Angel sa kotse kasama ang asawa ni Manang na s'yang driver rin namin, matapos ng ilang minuto nakarating na rin kami sa palengke. Malaki ang perang binibigay ni Mom kay Manang pang budget sa grocery kaya kung totoosin pwede siyang mamele sa grocery store ngunit mas pinipili nito na sa palengke mamili para raw mas makatipid, kahit napakaingay ng lugar ay sa tingin ko mas makakatipid nga siya mas kapansin-pansin din na mga sariwa ang mga bilihin dito.
Matapos namin bumaba sa kotse ay naghiwalay na kami ng pupuntahan nina Manang, hinanap namin nina Angel ang tindahan na siyang madalas bilhan ni Lola ng mga itlog, kaming tatlo na lang ang pumunta roon dahil may iba pa raw bibilhin si Manang. Matapos ng ilang sigundong paglalakad ay narating namin ang tindahan ng mga itlog.
"Magandang araw, ako po 'yung apo ni Lola Lou utos niya po sa amin na kunin 'yung order niya pong itlog sa inyo kahapon," saad ko sa matandang tindero.
"Ah oo ito, kanina ko pa nga hinihintay na kunin ito," saad ng matanda at sunod na inabot sa'kin ang isang tray ng mga itlog.
"Magkano po?" tanong ko sa matanda.
"200 'yan."
"Ang mahal naman po pala bigyan niyo naman kami ng discount pwede po ba 150 na lang?"
"Naku wala na akong tobo pag nagkataong ibigay ko sa'yo ng 150." Nadidismaya nitong sabi.
"Okay na 'yan Bading ano ka ba bayaran mo na," saad naman ni Mia sa'kin, ngunit hindi ako makakapayag na bayaran ko iyon ng 200 kukupitin ko nga ang sukli eh.
"Bigyan niyo po kami ng discount tutulungan ka po namin mag binta ng mga itlog," saad ko sa matanda kapalit ay tutulungan namin siya, mukhang madali lang naman magbenta eh.
"Sige pero 180 lang pwede," sagot nito.
"170 po?" Hirit ko pa.
"Hoy te ano ka ba ok na 'yung 180, maghahanap buhay si Tatay 'wag mo naman dugain," wika naman ni Angel sa'kin.
"Sige na, sige na. Basta marami bumili ng mga itlog." Pagsang ayon na sa akin ng matanda.
"Sige po. Ano pangalan niyo Tay?" tonong ko pa rito.
"Mang Kaloy na lang," aniya.
Tumayo ako sa may bandang gitna ng tindahan ni Mang Kaloy para tumawag ng mamimili.
"Itlog po kaya jan. Bili na po kayo!" Masigla ko iyong sigaw upang tumawag ng mga mamimili, ngunit tinitingnan lang ako ng mga dumaraan at hindi ako pinapansin ng mga ito.
"Lakasan mo pa ang boses mo bakla para marinig ka." Utos sa'kin ni Mia.
Mahina pa ba sa lagay na ito ang boses ko? Masubukan nga ang ibang paraan ng pagtitinda. Lumapit ako sa mga naka tray na itlog at kumuha ako ng dalawang pirasong itlog medyo malaki at maliit hinawakan ko ito sa magkabilang kamay ko.
"Itlog kayo jan! Bili na kayo ng itlog ni Mang Kaloy, may malaki." Inangat ko ang kaliwang kamay ko kung saan hawak ko ang malaking itlog. "May maliit." sunod na inangat ko naman ang kanang kamay. "Kahit anong size ang mahalaga malinamnam! Bili na kayo ng itlog ni Mang kaloy. Itlog ni Mang Kaloy kayo jan, may Itlog rin si Mang Kaloy na ready to eat! Meron ding free taste!" Malakas kong sigaw habang sinabayan ko na ng sayaw at giling-giling pa. Narinig kong pinagtatawanan na ako ng mga mamimili na nakarinig sa sigaw ko pati na rin sila Mia habang 'yung iba ay lumapit na sa pwesto namin. Mukhang effective naman ang pag-aalok ko.
Ipinagpatuloy ko ang pag sigaw upang alukin ng itlog ang mga taong dumaraan. "Itlog po kayo! Murang-mura ang itlog ni Mang Kaloy! Bili na kayo ng itlog ni Mang Kaloy!"
"Mang Kaloy magkano ba 'yung itlog mong ready to eat?" Natatawang tanong ng lalaking kargador sa palengke habang tinutukso ang matanda.
Ako ang sumagot sa tanong ng lalaki. "Naku Kuya bumili ka na limited lang 'yung itlog na 'yun pero hindi ka magsisisi." Seryoso kong saad sabay kagat labi pa.
"Hahahahaha mabubusog naman ba ako dun?" tanong pa nung lalaki may pagkasira ulo rin si Kuya potek.
"Depende raw po kung masasarapan kayo edi mabubusog kayo," sagot ko pa rito kaya tawanan pa rin ng tawanan ang mga nakakarinig sa'min.
"Hoy sira ulo ka ano pinagsasabi mo." Tawang-tawa ng sabi ni Angel at hinampas ako ng tray ng itlog na walang laman.
"Hiyang-hiya na ang matanda sa'yo sira ulo," wika naman ni Mia.
"Naku sira ulong bata ka sige sige kunin mo na itong itlog at umalis na kayo." Napipilitang sabi sa'kin ni Mang Kaloy upang mapaalis kami dahil pinagtatawanan na siya ng mga mamimili imbis na bumili sa paninda niya.
"Ayos po ba marami na kayong mamimili." sagot ko pa at binayaran ng 170 ang itlog.
"Salamat Mang Kaloy." pasalamat ko pa sa matanda bago kami tuluyang umalis.
"Bili na po kayo ng itlog ni Mang Kaloy na malinamnam pwede rin ang ready to eat!" Tawag ko pa ulit sa mga mamimili habang naglalakad na kami palayo, Iniwan naming pinagtatawanan si Mang Kaloy ng ilang katabi n'yang nagtitinda rin.
"Hiyang-hiya 'yung matanda sa ginawa mo kalerkey ka te ano na naman pumasok sa utak mo?" wika ni Angel habang patuloy na tumatawa.
"Pagtatawag ng mga costumer tawag do'n te." Mataray kong sagot.
"Animal! Pagtatawag ba 'yun eh bakit may kasamang itlog na ready to eat wala namang luto doon sa tinda ng matanda," seryosong saad ni Mia sa'kin.
"Bwahaha!" sabay kaming napahagalpak ng tawa ni Angel dahil sa sinabi ni Mia mukhang hindi nga nito na gets ang sinabi ko kanina.
"Wala nga hahaha," sagot ko na lang dito.
"Naiintindihan kita gurl." Natatawa ring saad ni Angel habang hinahaplos ng marahan sa buhok si Mia na mistulang isang inosenteng koting.
Habang bumabyahe na kami pabalik ng bahay ay halos hindi kami natigil kakatawa ng maikwento pa namin kay Manang ang nangyari hindi ko talaga malilimutan ang itsura ni Mang Kaloy na napilitan na lang ibigay sa'kin sa presyong 170 ang mga itlog niya.
...
[Novel written by Author Yham]
Mia's POV
Makalipas ang ilang oras ay naku-uwi na rin kami agad sa bahay nila Kyle.
Panay ang kwento ni Angel tungkol doon sa pag aalok ni Kyle sa mga mamimili ng itlog na ready to eat ni Mang Kaloy, tawa sila ng tawa roon ano ba ang nakakatawa roon sa ready to eat eh nag alok siya wala namang luto doon sa mga tinda ng matanda ewan ko ba sa kanila kunwari na lang naintindihan ko. Hayysstt.
Lumipas pa ang mga oras at mag-gagabi na.
Nasa likod kami ng bahay nila Kyle habang nag-aayos ng malawak na lamesa malapit sa may swimming pool, hindi ko akalain na ganito ka big time ang pamilya nila may pa swimming pool pa, kanina lang namin napansin na may swimming pool pala sa likod ng bahay nila dahil hindi naman kasi kami gumala noong unang beses na naka punta kami rito.
"Mukhang mas masarap yata ihawin ang katabi ko guys," pagpaparinig ni Raf sa katabi niya habang nag-iihaw ito ng barbeque. Wala itong ibang katabi maliban kay Audrey na tumutulong sa kaniya mag paypay ng apoy sa iniihaw.
"Anong sabi mo sira ulo ka ah," inis na bulyaw ni Audrey mukhang napansin nitong siya ang pinaparinggan ni Raf.
"Paano mo nasabing masarap te natikman mo na ba?" pang-aasar na tanong naman ni Lyn.
"Hahaha hindi masarap 'yan macholesterol na iyan panigurado t'saka makunat na ang laman n'yan," gatong ko rin.
"Te subukan mo munang tikman para malaman mong masarap," dugtong naman ni Kyle.
"Mga kadiri kayo ayaw ko nga baka ma-high blood ako niyan," reklamo na ni Raf kasabay ng pag-irak nito. Pilit na siyang umiiwas sa usapan dahil mukhang nasisigurado niyang maaari siyang mahambalos ni Audrey ng pamaypay na hawak nito.
"Mga walang'ya kayo pinagkakaisahan n'yo ba ako?" Naiinis nang sabi ni Audrey na nagsimula nang mapikon.
"Anong pinagkakaisahan lima kami rito oh, kaya pinagkakalimahan," saad ni Angel habang tinuturo pa kami.
"Animal ka sis!" Sigaw na ni Audrey sunod na binato nito ng pamaypay na hawak niya kay Angel, hindi iyon tumama kay Angel dahil agad na itong nakaiwas.
"Hahahaha!" Malakas na tawanan namin ng mapikon na si Audrey.
"H'wag niyo namang awayin si Drey baka masunog ang iniihaw n'yan." Naaawa kunwaring sabi ko.
"Pag nasunog ang iniihaw niya siya na lang ihawin natin," pananakot ni Lyn.
"Mga walang hiya kasi mga 'yan eh alam ko naman eh kaya 'wag niyo na ipamukha sa aking mataba ako kasi tanggap ko na 'yun!" ani Audrey.
"Naiintindihan naman kita te pero mas naawa ako sa niluluto mo baka kumain tayo ng sunog," seryuso kong sabi.
"Akala ko naman concerned ka na sa'kin gaga ka mas naawa ka pa sa barbeque, kainis ka Mia!" Sigaw nito sa'kin saka inis niya pa lalong pinaypayan ng malakas ang apoy kaya mas dumami ang usok. Halos maluha na kami sa usok dahil sa kagagawan ni Audrey, ngunit imbis na maaawa kami rito ay mas naging dahilan lamang iyon para mas lalo kaming matawa.
"Good evening everyone!" Sabay-sabay kaming napalingon sa may pinto ng likod bahay nang marinig namin ang boses ni Tita Vash.
Nakita na namin itong naglalakad papalapit sa gawi namin.
"Mukhang masaya kayo riyan ah bakit subrang usok dito naaamoy ko hanggang sa loob ng bahay," dagdag pa ni Tita.
"Siya po may kasalanan." Sabay-sabay naming sabi habang nakaturo kay Audrey.
"Okay lang 'yan mukhang masarap ang amoy ah." Nakangiti nang saad ni Tita.
"Kakarating niyo lang po ba Mom?"
"Yes kakarating lang namin pero mukhang hindi na kami makakasabay mag dinner sa inyo ang dami namin nakain sa party kaya magpapahinga muna kami mamaya na lang kami sasabay sa Nuche Beuna," saad pa ni Tita, mukhang kakarating nga lang niya dahil nakasuot pa ito ng floral dress.
"Hello guys I smell something delicious what is it?" Tanong naman ng Daddy ni Kyle na kakarating lang din sa likod bahay.
"Ah nag-iihaw po kami," si Raf ang sumagot.
"Wow okay mukhang marami kayong niluto ah busy din sina manang sa kusina eh, kumain kayo ng marami ah," ani pa ni Tito kaya nag pasalamat na lang kami.
"Maiwan na namin kayo ah feel at home everyone may mga damit naman siguro kayo pwede kayo mag swimming." Nakangiting saad ni Tita sa'min na inalok pa kaming mag swimming.
"Yes Mom gagawin namin 'yan," tugon ni Kyle sa Mommy niya.

Komento sa Aklat (70)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    17/07

      0
  • avatar
    AbpetSarah

    good

    22/05/2025

      0
  • avatar
    Marc Kevin Sena

    good

    23/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata