Homepage/Diary Ng Babaeng NBSB (Book 1)/
Apollo's Birthday
Mia's POV
Sunday
Kagigising ko lang kaya nag ayos muna ako ng sarili at bumaba na ako para mag agahan.
"Wow kuya ang aga mo namalengke ah," saad ko kay Kuya matapos kong bumungad sa kusina. Abala ito sa mga pinamili niya at mukhang may handaang magaganap.
"Buti naman at nagising ka pa. Bilisan mo na mag agahan may mga bisita ako mamaya mag linis ka," utos nito sa akin.
"Luh mag dadala ka ng bisita rito tapos ako paglilinisin mo ano ka sine-swerte, ayaw ko nga, gawin mo mag-isa mo?" sarkastiko kong sagot at nilagpasan ko na ito para makapaghanda na ako ng mainit na tubig para magkape. Siya ang may bisita tapos ako maglilinis ang galing.
Lumapit na ako sa mesa bitbit ang isang tasa ay agad na tinapon ni Kuya ang maliit na papel at tumama ito sa mukha ko, nang tingnan ko iyon ay isang daang peso. Sabi ko nga maglilinis ako kasi may bisita siya diba.
"Birthday ko ngayon kaya 'wag mong subukang sirain ang araw ko Mia, baka maiitsa kita palabas ng bahay."
"Nag bi-birthday ka pa pala?" Pang aasar ko pa pero seryoso na ang mukha niya habang nakatingin ng masama sa'kin, nakalimutan kong birthday nga pala nito ngayon.
Tinitigan ako ng masama na para bang kaya akong nitong lunukin ng buhay. "Sabi ko nga maglilinis ako 'diba, pero kulang kapag isang daan para makapagwalis ako ng mas mabilis."
"Sira ulo alam ko naman na mukhang pera ka eh." Naiinis pang sabi nito.
Napangisi akong muli nang kunin niya ang pitaka sa bulsa ng suot niyang short at binato ulit ako ng isang daan at agad ko namang kinuha at ibinulsa baka magbago pa ang isip eh.
"Si Mama asan?" tanong ko.
"Umalis kasama si Renzo babalik 'yun mamayang tanghali kaya kumain ka ng marami at simulan mo nang maglinis," sagot niya at iniwan ako sa kusina.
Matapos ngang mag-almusal ay naglinis na ako mula kusina hanggang sa labas ng bakuran.
Tinilungan din naman ako maglinis ni Kuya, siya taga tapon ng basura.
"Kuya mukhang kulang na ang lakas ko oh nanghihina na itong braso at kamay ko baka kailangan mo pa ulit dagdagan kahit gawin mo nang isang libo para mas lumakas naman ako." Nanghihina kunwaring sabi ko habang hawak ko ang walis tambo na iyon na ginagamit ko sa paglilinis.
"Demonyo! Lumapit ka rito at ihahampas ko sayo ito para lumakas ka," singhal nito habang hawak ang dust pan nang papalapit na siya sa'kin ay tumakbo na agad ako habang tawa nang tawa sa inis na mukha ni Kuya, hindi manlang mabiro 'tong mukong mo napakakuripot talaga.
Lumipas ang oras na iyon na puro bangayan lang kami ni Kuya kahit kailan naman talaga napaka sungit ng isang 'to, tinalo pa ang pinaglihi sa sama ng loob. Pero mukhang sa akin lang naman siya madalas inis kasi lagi ko siyang inaasar pag silang dalawa lang naman kasi ni Renzo hindi ko narinig magsigawan ang dalawang iyan. Pero pag ako napakasama ng ugali ni Kuya, bakit ba hindi na lang niya tanggapin na may maganda siyang kapatid 'di ba.
Dumating ang hapon. Sina Mama at Kuya ang nagluto ng mga pagkain na ihahanda marahil nito para sa mga bisita. Siguradong puro mga lalaki lang naman bisita nito ni Kuya sa sungit ba naman niyang iyan sinong babae ang lalapit sa kaniya.
Mabilis kong kinuha ang phone ko habang wala pa akong ginagawa.
Me: Hoy gurl may gagawin ka ba punta ka rito mamaya sa house birthday ng unggoy namin.
Mabilis na nag sent ang chat kong iyon kay Angel at agad din naman itong nag seen.
Angel: May foods ba? Usto ko 'yan hehe.
Reply nito, ni hindi manlang nga ito nagtaka kung sinong unggoy dahil alam na nito kung sino ang tinutukoy ko.
Me: Meron syempre punta ka may mga bisita si Kuya.
Angel: Sige sige for sure mga burta mga friends ni Kuya Pol hahaha.
Mw: Gaga sige, mga 4 punta ka na dito.
Angel: Teka bakit nga ba ako pupunta,nakakahiya kay Kuya Pol hindi naman ako ininvite no'n.
Me: Walang hiya ka naman remember? 'wag ka na mahiya, hindi ka na iba sa'min alam mo na 'yun.
Angel: Hahaha gags sige.
Nag offline na ako matapos mabasa ang reply nito, saka naligo. Pagkatapos ay bumaba na rin agad ako para makatulong kila Mama. Kala mo naman talaga tutulong manonood lang naman ako sa ginagawa nila.
"Hoy Ate! Ikaw na lang mag lagay nito do'n sa labas wala ka naman ginagawa 'diba?" Inabot sa'kin ni Renzo ang mga paper plate na hawak nito.
"Ikaw na, hawak mo na eh." Tanggi ko sa kanya.
"Bilis na ikaw mag buhat ng lamesa gusto mo?"
"Akin na 'yan." Sabay ngisi ko at inagaw ang hawak niya, mas mahirap pag ako pinagbuhat ng lamesa.
Bitbit ang mga paper plate na iyon ay naglakad ako palabas sa likod ng bahay medyo malawak ang lugar sa likod ng bahay kaya naman dito inayos ang mga mesa para sa mga bisita.
Linapag ko ang mga plate sa isang lamesa kung saan ilalagay ang mga pagkain saka ako lumapit kina Papa at Kuya na inaayos ang videoke set sa bandang gilid.
"Marami ba ang bisita mo Kuya?" tanong ko kay Kuya.
"Hindi ilan lang iyon," sagot nito na hindi manlang nag abalang tapunan ako ng tingin dahil nakatuon ang paningin nito sa binubuklat na song book.
"Mga ilan?" tanong ko ulit.
"Mga 15 lang siguro, si Josh pupunta ata sinama ng kuya niya," saad niya pa saka ako natigilan ng marinig ko ang binanggit niyang pangalan.
'Si Josh seryoso???' Natanong ko sa sarili ko at bigla na lang akong kinabahan.
"Ahh okay," nasagot ko na lang at hindi pinahalatang interesado ako sa sinabi niya.
"Matagal na rin pala kayong hindi nagkikita 'no, hindi na ba kayo nag-uusap?" tanong pa ni Kuya, ayoko ko sanang pag-usapan ang bagay na iyon pero binanggit pa talaga nito.
"Hindi," tipid kong sagot at pinilit kong mawalan ng interes sa usapan kahit ang totoo ay gusto ko ngang pag-usapan ang tungkol dito.
"Eh ang gf mo 'nak pupunta ba?" sunod nang tanong naman ni Papa.
"Ay oo nga pala 'no may jowa ka, kayo pa ba Kuya?" tanong ko naman na sinabayan na ng pang-aasar, wala na kasi akong alam matapos ng pag-tripan ko ang jowa ni Kuya, hindi naman kasi mahilig mag kwento ito kaya wala na akong balita kung naghiwalay ba sila.
"Oo sa awa ng diyos nagkaayos kami kalokohan mo kasi eh, pupunta po siya ngayon Pa," aniya kasabay ng paghagalpak ko ng tawa.
"Akalain mo iyon may awa pa pala sa'yo ang diyos." patuloy ko sa pagtawa.
"Hello Kuya Pol happy birthday!" Pare-pareho kaming nagulat sabay na napalingon sa lakas ng boses ni Angel na umalingawngaw sa buong paligid habang naglalakad ito papalapit sa'min.
"Ohh ikaw pala Angel. Thanks." Sagot ni Kuya rito sabay ng pasasalamat sa pagbati ni Angel sa kaniya.
"Ang aga mo ah sabi ko mga 4 ka pumunta," saad ko kay Angel.
"Boring sa bahay eh kaya pumunta na ako," saad nito saka sunod na bumaling kay Kuya. "Kuya Pol si Mia nag invite sa'kin dito ah baka magtaka ka kung bakit ako nandito."
"Okay lang t'saka mabuti nga 'yan eh para may katulong mag hugas si Mia mamaya." Nakangising tugon ni Kuya rito.
"Okay lang sa'kin basta pwede mag balot ng foods ah may dala akong eco bag." Tumawa ito habang kunwari nahihiya.
"Grabi ka naman 'te eco bag talaga dala mo sira ulo mo talaga." angil ko habang natatawa dahil may hawak talaga siyang eco bag na dinukot pa niya mismo sa bulsa ng suot niyang short kaya natawa na lang din si Papa rito.
"Charot lang haha, ibabalik ko 'to kay Tita hiniram kasi 'to ni Lola nung nakaraan."
"Ahh haha. Tara sa kusina nando'n si Mama. Kuya mauuna na kaming kakain sa mga bisita mo ah." Pagpapaalam ko kay Kuya.
"Tumigil ka Mia." Saway nito sa'kin pero hind ko ito pinansin saka nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad papasok sa bahay.
"Kuya Pol bisita rin naman ako ah," saad ni Angel.
"Bwesita ka lang dito gurl 'wag kang ano," sagot ko naman at hinila ko na si Angel papunta sa kusina kong nasaan si Mama.
[Novel written by Author Yham]
Habang nagluluto si Mama kami naman ni Angel ang taga tikim. Kaya halos lahat ng luto ni Mama ay nalasahan namin.
"Ate may tao na sa labas papasukin mo na." Utos ni Renzo habang naglalakad na ito papasok sa kusina.
"Bakit 'di mo pa pinuntahan nang galing ka na 'dun eh." Reklamo ko pero nag kibit balikat lang siya.
Ayoko sananh sundin ito ay inaya na ako ni Angel. "Tara sis." kaya sabay kaming lumabas ng bahay at doon nakita namin na may limang lalaki ngang nakatayo sa labas ng gate namin.
"Ang mga iyan ba mga bisita ni Kuya Pol ohemge te ang gagwapo hindi ako nagsising pumunta ako rito ng maaga." Kinikilig pang sabi ni Angel kaya natawa rin ako, tanaw ko rin na tama nga si Angel gwapo naman talaga mga kaibigan ni Kuya.
"Magandang araw po dito po ba 'yung bahay ni Pol? Apollo yung tunay n'yang pangalan," tanong nung isang guy sa'min.
"Nagtanong ka pa talaga, wala ka talagang tiwala sa akin ilang beses na akong nakapunta rito," biglang sumabat si Kuya Mir, ito ang best friend ni Kuya and also Josh brother. Kilala na ako nito matagal na.
"Hi Mia kumusta," sunod na bati niya sa akin kaya napangiti na lang ako bilang sagot.
"Teka nga pre kilala mo siya?" tanong naman ng isa pang guy na kasama nila.
"Oo kapatid 'yan ni Pol." Turo niya sa'kin.
"Hey guys tuloy kayo!" Tawag ni Kuya na hindi ko namalayang nakasunod na pala sa amin saka naglakad ito papalapit.
"Hey dude happy birthday. Akala namin mali napuntahan naming bahay," saad ng nung unang guy kanina.
"Alam na ni Jamir ang bahay namin bakit pa kayo maliligaw," tugon ni Kuya patungkol kay Kuya Mir na alam ang bahay namin.
"'Di mo manlang sinabi sa'min ang ganda pala ng mga kapatid mo dude," saad nung ikalawang guy.
"Tumigil ka nga baka hindi ka na makapasok ng bahay tol." istrektong saad nito sa kaibigan na ikinatawa naman ng mga kasama.
"Haha napaka protective mo naman sa kapatid mo," saad ng ika tatlo namang guy
"Ganda 'raw tayo gurl." Biglang bumulong ni Angel sa'kin.
"Gaga ka 'te sabi niya kapatid ni Kuya, kapatid ka ba?" Bulong ko rin dito upang ipaalam na hindi kami magkapatid.
"Bakit ganda ka ba, minsan sa buhay may makikilala kang tao na sinungaling?" Sabay nguso n'yang sabi na muntik ko pang ikahagalpak ng tawa buti na lang napigilan ko. Raulo talaga 'tong si Angel.
"Ipakilala mo naman kami dude sa mga kapatid mo," saad ng unang guy.
"Bakit dadamoves ka pa huh may jowa ka na ulol." Pang-aasar ng ikatlong guy.
"Gago ka, alam ko. Gusto ko lang makilala masama ba?" Depisa pa nito.
"Hoy hindi pa kayo nakakatuloy ng bahay nila Pol nag-aaway na naman kayo," awat ni Kuya Mir saka kakamot ulong napapahiya ang dalawa sa'min.
"Siya nga pala ito si Mia kapatid ko," pakilala ni Kuya sa'kin. "Tapos si Angel naman katulong namin." Pakilala nito kay Angel kaya bumusangot si Angel dito, doon ko na hindi napigilan ang sarili kong pamahagalpak ng tawa dahil sa sinabi ni Kuya.
"Ang sama mo sa'kin ah," sabay hampas nito sa balikat ni Kuya.
"Hahaha joke lang kaibigan siya ni Mia," dagdag ni Kuya kaya napangiti ang mga ito.
"Eh kami 'di mo manlang ba kami ipapakilala sa kanila?" saad na naman ng unang guy.
"Napaka excited mo naman masyado dude uwi ka na lang kaya ikaw lang pinakamaingay dito eh." Saway ng ikatlong guy. Mukhang may sama ng loob sa isa't isa itong dalawa panay ang supalpalan.
"Hindi raw sila interisadong makilala ka dude." Natatawang saad ni Kuya Mir dito.
"Ulol haha." Natatawang saad na lang nito.
"Malaki na kayo aba ano kailangan bang ako pa mag pakilala sa inyo, kayong tatlo lang hindi kilala ni Mia si Josh at Jamir kilala nito," saad ni Kuya at tinuro sina Kuya Mir at ... Josh?
Si Josh nga ba itong nakikita ko? Tuluyang nagtama ang paningin naming dalawa habang may nakaukit na ngiti sa labi na naging dahilan upang umapaw ang kagwapuhan nito sa ngiti niyang iyon, hindi ko napansin na kasama pala siya ni Kuya Mir siya iyong pang-limang guy nabanggit nga pala ni Kuya na pupunta rin si Josh ngayon. 'Di ko siya napansin dahil naagaw na ng atensyon ko ang madaldal na mga kaibigan ni Kuya hindi manlang kasi siya umimik kahit ang ingay ng mga kasama n'ya.
Ngumiti rin ako sa kanya pabalik kasabay noon ang pagkabog ng puso ko na tila may kung anong nagkakarera. Halos isang taon na rin ang lumipas nung huli kaming nagkita ni Josh pero wala paring pinagbago ang maamo niyang mukha at laging tahimik. Bakit pa nga ba ako nagtaka lagi naman talaga s'yang tahimik hindi na ako nasanay.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (70)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
done
17/07
0good
22/05/2025
0good
23/11/2024
0Tingnan Lahat