I'm His Everything

Mia's POV
"Wala ka bang pasok ngayon Mia?" tanong ni Mama ng maratnan ko siya sa sala na nag-aayos ng gamit niya. Mukhang papasok na rin ito sa trabaho.
"Meron po mamayang 11 pa pasok ko," sagot ko naman.
"Ah, sige papasok na rin ako sa trabaho maayos na ba 'yang paa mo ah?"
"Medyo okay na Ma," tugon ko. Na-kwento ko kasing natapilok ako kahapon, pero syempre hindi ko na kwe-nento na dahil iyon sa hinabol kami ng aso. Siguradong pagtatawanan lang naman ako nito.
"Mabuti naman 'di kasi nag-iingat eh, siya nga pala kausapin mo ang Kuya mo kung uuwi siya mamaya tawagan niya ako malapit lang sa school niya ang pupuntahan ko mamaya dadaan na ako do'n mamaya sa dorm niya."
"Sige po."
Hindi na rin nagtagal si Mama at sunod na umalis, naiwan naman akong mag-isa sa sala. Pumasok na rin ata sa skwela si Renzo wala na akong marinig na ingay eh. Binuksan ko ang phone ko at nag online. Online rin naman si Kuya kaya agad ko nang chinat upang sabihin ang sinabi ni Mama.
Me: Hoy Apollo tinatanong ng nanay mo kung uuwi ka raw mamaya tawagan mo raw siya.
Walang galang kong chat rito at agad naman itong nag-seen at nag-reply.
Apollo: Sorry this is not Pol. I'm his girlfriend gamit ko lang ang account niya.
Apollo: Sino ka?
Girlfriend? My gf pala 'yung timang na 'yun. Mukhang maganda na naman mang-demonyo ngayong oras na 'to. Agad akong nag reply.
Me: Hindi po ako sinuka iniri po ako.
Nagsisimula na naman akong matawa sa pinaggagawa ko.
Apollo: I'm serious here, who you?
Wow english sorry... Who you ka rin? makikipag relasyon ka sa Kuya ko tapos 'di mo ako kilala iyon ang isang malaking pagkakamaling nagawa mo.
Me: Your serious? I'm also serious.
Apollo: I'm asking if who are you?
Me: You don't know me. Haha
Me: Boyfriend mo si Pol tapos 'di mo ako kilala.
Apollo: That's why I'm asking you bitch.
Me: Hindi mo ba nabasa 'yung previous chat namin?
Apollo: Magtatanong ba ako kong nabasa ko, ano pinag-uusapan niyo ah bakit denelete niya ang usapan niyo. Sino ka ba kasi?
Me: Kawawa ka girl mag boboyfriend ka tapos 'di mo naman kilala awts.
Me: You said that you're his girlfriend, seriously?
Me: For your information I'm his GIRLFRIEND, AlSO HIS SISTER, BABY, PRINCESS AND EVERYTHING. I'M HIS EVERYTHING AND YOU ARE JUST HIS GIRLFRIEND.
Apollo: Are kidding me huh.
Me: Mukha ba akong nagbibiro duh.
Me: Tanungin mo siya, baka nga dene-delete niya ang usapan namin para hindi mo malaman kung gaano ka-sweet ang message n'yang I love you sa'kin.
Apollo: How dare you...
Me: Thank you.
Tawa na ako ng tawa habang sinasagot ang chat ng gf ni Kuya.
Me: Hey and also before I forgot, kasama mo ba siya ngayon pakisabi naman sa Baby Pol ko kakagaling lang kasi dito ng Mama niya na future mother ko, pakisabi na lang tawagan niya ang Mama niya kung uuwi siya mamaya at pakisabi na hihintayin ko siya dito sa bahay namin.
Me: At siya nga pala pakisabi rin na I love you mahal na mahal ko siya to the moon and back.
Apollo: F*ck you.
Mia: Thanks... Hope you have a great day ahead.
'Di ko na mapigilan ang sarili ko sa katatawa siguradong may matatapos na relasyon.
Ang galing mo talaga Mia. Buti na lang talaga 'di ako nangako na magpapakabait na ako 'diba? Pero tina-try ko naman eh.
Lumipas ang oras at nag-ayos na rin ako para sa pagpasok ng school. Pagkatapos kumain agad na akong umalis. Pagkarating sa school nandoon na rin 'yung iba at naghahanda na para sa sayaw namin. 12 pa ang simula ng sayaw dahil lahat ng section ay kasabay namin magpeperform.
Mga usong damit lang ang suot namin dahil hip-hop ang sasayawin namin. Naka suot lang ako ng maong short at sando na itim na napapatungan ng denim na jacket din.
"Angel pahiram ng liptint mo," saad ni Lyn upang humiram ng liptint, si Angel lang naman kasi mahilig magdala ng mga gano'ng gamit.
"Gurl mag-ayos ka na okay na ba 'yang ayos mo?" tanong ni Audrey sa akin.
"Okay na 'to hindi ko na kailangan mag-ayos," angal ko.
"Gaga kailangan mo mag-ayos ikaw lang makakasira ng performance natin," reklamo naman ni Raf.
"Okay na ba iyang paa mo Mia?" tanong ni Angel.
"Okay na masakit lang pag pinipilit. Pero maayos na rin naman kayang-kaya ko na," sagot ko rito.
"Mag-ayos ka na gurl. Akin na aayusan kita." Presinta naman ni Kyle na ikinagulat kong hinila na lang ako nito paupo kaya hindi na ako nakatanggi.
"Marunong ka ba?"
"My gosh Mia bakla ako 'diba bakit mo pa tinatanong. Mas magaling pa akong mag-ayos sayo 'te," sarkastiko n'yang sagot kaya wala na akong nagawa dahil hinawakan niya pa ang dalawang balikat ko paupo nang binalak kong tumayo ulit. At sinimulan n'yang pakialaman ang mukha ko.
Mula mata hanggang sa labi ko inayusan niya nilagyan nito ng kung anu-ano. Siya na rin ang naglagay ng lipstick sa'kin. Seryoso ang mukha nito habang ginagawa iyon habang hindi ko maunawaan ang bilis nang tibok ng puso ko dahil ito na naman ang hindi ko mapaliwanag na pakiramdam. Labis akong kinakabahan habang nakatingin sa mukha niya ngunit hindi ko magawang pigilan ang sarili ko na mapatitig roon na talaga namang ang g'wapo kahit pa alam ko namang may pusong babae siya.
"Done," saad nito saka inabot sa'kin ang salamin. Agad ko namang tinangnan ang sarili ko roon at namangha ako ng makita ang pagkaka-ayos niya sa mukha ko grabe at talagang masasabi ko na lang ay ang galing niya subra.
"Wow naman may igaganda pa pala 'yang mukha mo akala ko hanggang dun na lang 'yun," pang-aasar ni Angel ngunit hindi ko na nagawa pang makasagot dahil hindi ko lubos akalain na magaling nga si Kyle sa pagmi-make-up.
"Let's go classmates tinatawag na tayo ni Sir sa Gym." Tawag ni Audrey kaya agad na rin kaming lumabas saka dumiretso na sa gym.
Ang daming tao marahil sabay-sabay ang performance ng lahat ng P.E class ni Sir Jake ngayon, marami manonood sa'min kaya sadyang nakakahiya at nakakakaba. Pero inisip ko na lang na 'di naman ako nag-iisa eh at para naman sa grade 'to.
Mabilis lumapis ang oras at natapos ang sayaw na iyon, hindi na rin masama ang performance namin kahit papaano. Ang makukuha naming grade sa sayaw ay 'yun ang magiging grade namin sa exam.
Lumipas pa ang oras hanggang sa makauwi ako ng bahay na masaya dahil sa natapos na ang mga pinagpaguran naming practice-sin kahit hinabol kami ng aso na dahilan kung bakit nagka-pilay ang paa ko.
Ngunit ng makauwi ako para akong binuhusan ng malamig na tubig ng maalala ko ang kademonyohang ginawa ko kaninang umaga lang. Ano na kayang resulta?
Baka break na?

Komento sa Aklat (70)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    done

    17/07

      0
  • avatar
    AbpetSarah

    good

    22/05/2025

      0
  • avatar
    Marc Kevin Sena

    good

    23/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata