Chapter 6: Raegan

Chapter six - Raegan
Xandra
"Good afternoon Sir"
"Good afternoon. Naka ready na ba mga long pad niyo?" natatawang sambit ni Sir.
"Sir naman!"
Natawa ulit si Sir James dahil sa "pagrereklamo" naming lahat. Nag test na nga kami kahapon tapos ngayon din magsasagot ulit kami?
"Joke lang naman yun class, nasaan nga pala si Ms. Cassandra?"
Napangiwi naman ako nang marinig ang pangalan ng taong kinaiinisan ko.
"Sir?"
"Pwede bang maupo ka sa tabi ni Ms. Xandra?"
Biglang nanlaki ang mga mata ko at kaagad na napalunok.
"Hala Sir" bakit naman ako nadamay dito? At tsaka bakit sa tabi ko pa uupo ang masungit na baba--- si Cassandra?
"May problema ba?" labag sa kalooban naman akong umiling-iling.
"W-w-wala po"
"Okay. Sige na Cassandra, maupo ka na sa tabi ni Xandra"
Kagaya ng sinabi ni Sir ay naupo nga sa tabi ko si Cassandra. Jusmeyo marimar, nasa kanan ko si Claire tapos nasa kaliwa naman yung isa.
Myghad.
Bakit ba kailangan na ako pa ang nasa gitna ng dalawang masungit na to?
-----
Aish.
Nakakatamad namang makinig sa lesson eh. Hindi din ako mapakali sa kinauupuan ko.
Paano ba naman kasi, kanina ko pa nararamdaman na nakatingin sa akin ang dalawa kong katabi.
Ngayon lang ba talaga sila nakakita ng cute? Myghad.
Tumingin nalang ako sa may labas ng bintana at humikab. Hayyy, nakakaantok naman.
Ang boring din ng class na ito, ano kayang gagawin ko?
Isip Xandra.
Umisip ka ng gagawin mo selp.
Ayaw ko namang makinig kasi alam ko sa sarili ko na hindi ko din naman maiintindihan ang nilelesson ng teacher namin.
Aish.
Makapag drawing nalang kaya?
Ayy hala. Oo nga, mag dradrawing nalang ako.
Habang nagtuturo si Sir ay pasimple kong kinuha sa bag ang notebook na punong-puno ng mga drawing ko at kinuha ko na rin ang natitirang P50 sa loob ng bag.
Teka nga lang, bakit nasa loob to ng bag? Hindi ba dapat nasa wallet----
"Ayy hala ka!" malakas na hiyaw ko kaya napatingin ulit sa akin ang dalawang katabi ko pati na din ang mga kaklase ko.
"S-sir"
"Yes Xandra?"
Tumayo naman ako at tumingin muna sa mga kaklase ko na hanggang ngayon ay nakatingin pa din pala sa akin, lalo na ang dalawang dragon na katabi ko kaya nakangiwi akong humarap ulit kay Sir.
"Ahmm... ano po, p-pwede pong lumabas muna ako? M-may importante lang po akong gagawin"
Jusmeyo marimar.
Bakit ba kasi kailangan ko pang maiwan yung wallet ko sa canteen?
"Sige, pakibilisan lang kasi may quiz kayo ngayon"
Nakangiwi akong tumango. Jusmeyo marimar, quiz na naman?
-----
Bumalik ako sa kauna-unahang table dito sa canteen namin at kaagad na nanlaki ang mga mata ko ng makita ang bagay na ilang minuto ko nang hinahanap.
"Ayun. Naandito ka lang palang wallet ka, pinahirapan mo ko kasi pinaghanap mo pa ako sa iba't-ibang table. Grabe ka, ang sama mo sakin"
Ano naman kayang isasagot ng wallet sa akin kung nagsasalita siya?
Myghad.
Baka mimiya sabihan niya ako na hindi ako maalam mag-ingat sa mga gamit kasi kung saan-saan ko inilalagay o kaya iniiwan.
Aish. Kung anu-ano na ang pinag-iiisip ko dito, makabalik na nga sa room.
"Ahmm Ate Dianne, nahanap ko na po. Babalik na po ako sa room namin. Thank you po"
"Sige, buti naman nahanap mo na. Sa susunod ah, i check mo muna kung may naiwan ka ba o may nakalimutan bago ka umalis sa isang lugar"
Nakangiwi naman akong tumango-tango at tumakbo na paalis doon.
Habang natakbo naman ako ay may nahagip ang mga mata ko kaya natigil ako sa pagtakbo.
"Estudyante din ba yun?" nagtatakang tanong ko at lumapit pa ng kaunti, pagkalapit ko ay biglang nanlaki ang mga mata ko.
Hala ka.
Mga estudyante nga at may pinapalibutan sila na isang babaeng nakasalamin.
Ano naman kayang problema ng mga ito?
"I-ibalik niyo yan" nanghihinang sabi nito kaya napangiwi ako.
Hala ka.
A-anong ginawa nila sa kanya?
"R-raegan, ibalik niyo yung notebook ko"
Wait---- Raegan? Nakita kong napatingin sa direksyon ko ang babaeng matangkad na ngayon ko lang nakita, nanlaki naman ang mga mata ko at kaagad na tumakbo palayo sa kanila.
Gusto ko pa sanang tulungan yung babae kaso natatakot ako kaya huwag nalang.
-----
"Oh basta, kung sino na yung mga katabi niyo, sila nalang din yung magiging ka group niyo"
Pagkapasok ko palang sa room ay yan na ang narinig ko na sinabi ni Sir.
"Okay po sir"
"Xandra, maupo ka na"
"Opo"
Pagkaupo ko ay nakita kong tumingin sa akin ang dalawa.
"Masyado na ba talaga akong cute para titigan niyo?" naglakas-loob na tanong ko.
Magkasabay namang tumaas ang kilay nilang dalawa at umiling-iling.
"May group activity tayo" sabi ng masungit na si Claire.
"Oh? Anong gagaw--- S-sandali, huwag mong sabihin na kayong dalawa ni Cassandra ang k-ka group ko?" medyo nauutal-utal na tanong ko.
Bigla namang nanlaki ang mga mata ko at napalunok ng tumango silang dalawa.
Hala ka.
-----
"Ang deadline ng activity ninyo ay hanggang bukas lang kaya kung ako sa inyo, gagawin niyo na yan mimiyang uwian"
"Okay po" sabay-sabay na sagot namin ng mga kaklase ko.
"Sige. Sagutan niyo na yang nasa test paper" napangiwi naman ako.
You have a newly-born baby brother. Suppose the baby weights 3kg at birth. You've known from your mother that the monthly average weight gained by the baby is 1kg. Suppose the rate of increase in the baby's weight every month is constant, determine an equation that will describe the baby's weight. Find the baby's weight after 5 months.
Pinakatitigan at binasa kong maigi nakasulat sa test paper na ngayon ay nasa harapan ko.
O-okay?
Paano ko kaya masasagutan ito? At paano ba kasi yung step-by-step na yan?
Aish.
Bakit kasi hindi ako nakikinig kanina habang nag le lesson si Sir eh.
Try ko nalang kaya ulit basahin ng basahin hanggang sa magets ko? Okay, yan ang tamang gawin selp. Ayoko naman kasing magtanong sa dalawang katabi ko dahil panigurado kong "hindi" lang nila ako papansinin.
Ang sungit-sungit pa man din ng mga yan.
Kinuha ko nalang ulit ang test paper at babasahin ko palang sana pero may kumuha na nito sa kamay ko.
"Aba! At anong karapata---"
Natigil ako sa pagsasalita nang makitang si Cassandra pala ang kumuha ng test paper at long pad sa kamay ko.
"A-anong gagawin mo?"
Jusmeyo marimar, pupunitin niya ba yung papel ko?
Hala ka.
Kung pupunitin niya yung long pad ko, paniguradong hindi na ako makakapagsagot. Aish, hiningi ko lang din naman yang long pad dahil nalimutan ko sa bahay yung akin.
"Ako na magsasagot"
Nang marinig ko ang sinabi ni Cassandra ay hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya.
"S-s-seryoso ka?" nauutal-utal na tanong ko.
Hindi lang kasi talaga ako makapaniwala.
"Mukha ba akong nagbibiro?" patanong niyang sagot, napasimangot naman ako.
"Ito naman, nagtatanong lang yung tao eh" mahinang bulong ko.
"May sinasabi ka?" napangiwi naman ako.
"A-ah a-ano.... w-wala po"
Hindi na niya ako pinagtuunan pa ng pansin dahil binasa niya nang maigi ang problem na nakasulat sa test paper at kaagad na may isinulat sa long pad ko.
Bigla namang napaawang ang bibig ko nang makita ang step-by-step na solution niya.
Wow.
Grabe, ano naman kaya ang nakain nito ni Cassandra?
At bakit parang ang bait-bait niya sakin ngayon?
Napatingin naman ako sa isa ko pang katabi, si Claire. Maganda pala talaga siya kahit ang seryoso ng mukha niya, halatang busy din ito sa pagsasagot kaya napaawang ulit ang bibig ko.
Aish.
Sanaol nalang talaga magaling sa Math.

Komento sa Aklat (21)

  • avatar
    Riajonel Ibalin

    sana may karugtong pa ang Ganda Sana ng story mo po

    08/07/2025

      0
  • avatar
    pangilinandang

    i love the story..i hope you write story of gxg author🥰

    10/04/2025

      0
  • avatar
    JaninedecritoJanine decrito

    ayieee

    13/06/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata